App herunterladen
25% Rajah Samuel / Chapter 2: Kabanata 1

Kapitel 2: Kabanata 1

Hindi lahat ng maharlika masaya sapagkat malaya sila sa nais nilang gawin. Ang ilan nasasakal dahil ang mundo ng mga maharlika ay magulo at mapanganib. Lahat ay gustong makakuha ng mataas na kapangyarihan at koneksiyon. Ang mga mahihina ay kinakawawa at pinagtatawanan.

Hanggang sa hindi na nakayanan ang lungkot na nararamdaman. Naisipan ng magpakamatay dahil sa tindi ng pangmamaliit at pananakit.

Sa tahimik na gabi, kung saan sariwa ang simoy ng hangin. Maririnig ang mahihinang tunog ng insekto sa paligid, ang lahat ay tulog na.

Samantala sa isang madilim na kweba. Nakahiga ang isang binata sa malapad na bato, may hiwa sa kaniyang palapulsuhan, maputla ang bibig, malamig ang katawan. Patay na ang binata, wala ng senyales na mabubuhay ito. Hindi na kasi tumitibok ang puso.

Ngunit may himalang nangyari, ang mga sugat sa braso ay unti-unting naghilom. Ang maraming dugo sa lupa ay gumalaw papasok sa naghihilom na sugat. Dahan-dahang bumukas ang nakapikit na mga mata.

"Nasa'n ako?" Unang nasabi ni Samuel ng maidilat niya ang kaniyang mga mata. Madilim ang paligid, napayakap siya sa kaniyang sarili dahil sa lamig. Kumunot ang kaniyang noo, bumilis ang pagtibok ng kaniyang puso. Takot siya sa dilim. "Wala bang ilaw, may tao ba diyan?" Nanginginig niyang sigaw.

Alam niyang hindi totoo ang multo, walang multo o kaluluwa sa paligid. Natatakot siya sa bagay na pwedeng magpakita sa dilim. Baka saktan siya, anong magagawa ng isang doktor na kagaya niya? Hindi siya pulis na may kakayahang ipagtanggol ang sarili.

Biglang kumirot ang kaniyang ulo, ilang saglit lang ay parang may sumasabog na sa loob. Napadaing siya, may nakikita siyang mga imahe na hindi niya naman alam kung ano. Parang nanood siya ng talambuhay ng taong hindi niya kilala. Bakit ko 'to nakikita? Hindi kaya. Alam niyang patay na siya, namatay siya dahil aksidente siyang nadulas sa mahabang hagdan ng hospital. Nauntog ng sobrang lakas ang ulo niya sa semento na naging dahilan ng kaniyang kamatayan.

Nasa langit na ba ako? Pero hindi niya dama. Hindi rin naman siya suguradong mapupunta siya sa langit, hindi siya mabait, hindi rin masama. Sa hospital lang at bahay umiikot ang buhay niya.

Pakiramdam niya ay buhay pa rin siya, nakakaramdam siya ng sakit, lungkot, takot, na nararamdaman ng buhay na tao.

Unti-unting nawala ang sakit sa ulo niya. Kinalma niya ang kaniyang sarili, nahihirapan siyang huminga. Parang ayaw niyang paniwalaan ang hinala niyang hindi pa siya patay, nabuhay siya uli sa sinaunang panahon! Dali-dali siyang napailing, ayon sa alaala ng dating nagmamay-ari ng katawan kung sa'n siya ngayon, na ang pangalan ay, Samuel. Sa lugar na ito, hindi pa naiimbento ang iba't-ibang makinarya. Apoy pa lang at pag-gamit ng bakal ang pinakamataas na natuklasan ng mga tao.

Pinadala siya sa isang mapunong lugar na maraming mga mababangis na hayop, para pamunuan ang mga lugar na 'to. At magtatag ng sarili niyang lungsod o kaharian. Sa dating Samuel, impossible 'yon. Pero siya na nanggaling sa taong 3030 possible. Ang problema ngalang.

"Ayaw kong mabuhay sa lugar na 'to. Mas mabuti pa ang mamatay na lang, hindi ko kaya!" Nagmula siya sa modernong panahon kung saan halos lahat ay makina na ang gumagawa. Parang namatay na rin siya na nabuhay sa makalumang panahon.

Hindi niya alam ang gagawin, nalilito siya kung magpapakamatay ba siya o hindi. Pag namatay ba siya mag rereincarnate siya sa ibang lugar at panahon? Paano kung hindi? Ayaw niyang sayangin ang pagkakataong ibinigay sa kaniya. Hindi naman sa nagiinarte siya, pero sana kung mabubuhay siya ulit sa, fantasy world sana. Kagaya sa mga novel na nabasa niya no'ng high school at college siya.

Kahit masaya siya na nagkaroon ulit ng isa pang pagkakataon para mabuhay, may takot sa dibdib niya. Alam niyang may dahilan kung bakit siya nandito. Walang libre sa mundo. Lahat ay may kalakip na kabayaran at resposibilidad.

Biglang kumati ang kaniyang mga mata. Napahikab siya kahit hindi naman siya inaantok kanina, bigla siyang tinamaan ng antok. Pakiramdam niya ilang araw na siyang kulang sa tulog. "Ano ba 'tong nangyayari ang gulo!" Pag-angal niya bago tuluyang nagsara ang kaniyang mga mata. Muli siyang napahiga.

Sa muling pagdilat ng mga mata ni Samuel. Kaagad siyang napawow na imaheng nakita niya sa kaniyang harapan ngayon. Malakas ang pakiramdam niyang nasa loob siya ng isang panaghinip. May gintong mansiyon ang nakatayo sa harap niya, may mga drones na lumililad sa taas. Sa malaking pintuan ng engrandeng lugar may mga robot na may hawak na baril.

Ang malawak na hardin sa harap ng mansiyon ay may mga robot din na kasalukuyang ginugupit ang iba't-ibang uri ng halaman, ang ilan ay nagdidilig, ang ilan naman ay nagwawalis.

"Paano nila nagawa ang ganito? Naka-program ba ang mga robot na 'to sa trabaho nila sa lugar na 'to?"

Ang mga robot ay tumingin sa kaniya, napalunok siya ng laway. Dahan-dahan siyang napaatras. "Wala akong balak na masama sa inyo! Hindi ko alam kung bakit ako napunta dito." Malakas ang pagtibok ng puso niya. Natatakot siya na baka saktan siya nila, gusto niyang tumakbo at magtago.

"Huh?" Kumunot ang noo niya. Bigla na lang kasing nagsiyukuan ang mga robot sa kaniya, na parang itinuturing siyang prinsepi o kaya'y hari. Hindi niya inaasahan ang nangyari. Masyado siyang nag overthink, mali-mali naman ang hinala niya.

Peke siyang na paubo. Tumayo siya ng tuwid, nakataas ang ulo at ang mga kamay ay nasa likuran. Sa isip niya siya ang hari at ang lahat ng sasabihin niya ay susundin ng mga robot.

"Ipagpatuloy niyo lang ang naudlot niyong ginagawa."

Tumingin sa kaniya ang mga robot, hindi siya nakaramdam na sasaktan siya nila. Bagkos may kung ano sa loob niya na nagsasabing konektado siya sa kanila. Ngumiti lang siya, sobrang saya niya na makitang sumumod ang mga robot sa kaniya.

"Ito ba ang regalo ng kung sinong nagpasok sa 'kin dito?"

May kung anong humihila sa kaniya na pumasok sa loob ng pinto. Pero ang fear of the unknown ay pinipigilan siyang humakbang. Sa huli mas pinili niyang pumasok, wala rin naman kasi siyang mapapala kung tatayo lang siya sa labas. Ok lang sana kung kakausapin siya ng mga robot, pero hindi. Sinubukan niyang kausapin ang ilan, pero nakipagtitigan lang mga ito sa kaniya. Bagay na ikinainis niya, gusto niya ng impormasiyon sa lugar pero wala siyang mapagkunan.

Napabuntonghininga na lang siya, tinapangan niya ang kaniyang sarili. Pagkarating niya sa harap ng pinto na parang entrance sa Disney land ang laki. Dahan-dahang itong bumukas. Sa loob may nakita siyang mahabang lamesa ang kulay ay pilak at ginto at mga upuang parang mga makina.

Pumasok siya ng tuluyan. Biglang nagsara ang pinto, alam niyang wala ng atrasan. "Anong lugar ba 'tong pinasok ko. Tao po may tao ba dito! Hello..."


next chapter
Load failed, please RETRY

Wöchentlicher Energiestatus

Rank -- Power- Rangliste
Stone -- Power- Stein

Stapelfreischaltung von Kapiteln

Inhaltsverzeichnis

Anzeigeoptionen

Hintergrund

Schriftart

Größe

Kapitel-Kommentare

Schreiben Sie eine Rezension Lese-Status: C2
Fehler beim Posten. Bitte versuchen Sie es erneut
  • Qualität des Schreibens
  • Veröffentlichungsstabilität
  • Geschichtenentwicklung
  • Charakter-Design
  • Welthintergrund

Die Gesamtpunktzahl 0.0

Rezension erfolgreich gepostet! Lesen Sie mehr Rezensionen
Stimmen Sie mit Powerstein ab
Rank NR.-- Macht-Rangliste
Stone -- Power-Stein
Unangemessene Inhalte melden
error Tipp

Missbrauch melden

Kommentare zu Absätzen

Einloggen