[Nie Hollow Pit: Mali ako! Mali ako, Sister Famous Ye! Huwag kang mag-alala! Hahanapin ko kaagad ang mga magulang ni Tang Tang!]
[Ye Wan Wan: Hindi mo kailangang magmadali!]
[Nie Hollow Pit: Hindi ka ba naniniwala sa akin, Sister Famous Ye? Tatlong buwan, ay! Mali, dalawang buwan, hindi hindi hindi… mahahanap ko sila sa loob lamang ng isang buwan!]
Galit na galit si Ye Wan Wan. Saan ba ang utak ng lalaking ito?
Prangka niya na ngang sinasabi pero hindi niya pa rin naiintindihan!
Niyakap ni Ye Wan Wan ang kanyang unan at pilit niyang pinipigilan ang galit na nararamdaman niya.
Hayaan na lang… kahit na mahanap ang tunay na mga magulang ni Tang Tang, hindi naman ibig sabihin nito na hindi niya na makikita ang bata! Pwede naman siyang maging ninang nito!
Kahit na pinapakalma niya ang kanyang puso, nananaig pa rin sa puso niya ang katanungan na paano mapupunta sa ibang magulang si Tang Tang na tinuring na niyang anak.
Ilang beses na umikot-ikot sa kama si Ye Wan Wan upang pakalmahin ang sarili niya. Kinuha niya na lamang ang kanyang phone at tumingin tingin sa entertainment news para i-distract ang sarili niya.
Noong una, kaswal niya lamang na tinitingnan ang balita, ngunit may isang balita na nagnakaw ng atensyon niya...
Ang maestro ni Director Peng Yuan Hu na pelikulang Jasmine ay hindi pa rin nakakahanap ng leading actress natapos ang kalahating taon na dumaang mga auditions. Magsisimula raw maghanap si Director Peng ng mga talentadong may potensyal sa ilang mga major theatre schools...
"Ah… Peng Yuanhu… Jasmine…"
Sinuri ni Ye Wan Wan ang ala-ala niya at para bang pamilyar ang palabas na ito.
Wala namang masasabi tungkol kay Peng Yuan Hu— kilala siya ng lahat ng nasa entertainment industry. Malaki ang timbang ni Elder Peng tulad ng Mt. Tai at magaling siya tulad ng Big Dipper sa entertainment industry. Ang lahat ng plikula niya ay napakahusay at ang mga kamay niya ay napupuno ng mga karangalan sa lokal at international na aspeto. Nasaksihan niya ang buong history ng mga pelikula at palabas na industriya ng China.
Gayunpaman… malas at magulo ang naging kapalaran ni Peng Yuan Hu sa pelikula niyang Jasmine.
Mataas ang pamantayan at striktong perfectionist si Peng Yuan Hu sa kalidad ng kanyang mga trabaho. Kaya ayaw niyang ng pagkakamali.
Sa unang buhay ni Ye Wan Wan, dalawang taon na hindi makahanap si Peng Yuan Hu nang angkop na female lead sa kanyang pelikula, kaya na-delay ang pelikula hanggang sa namatay na lamang si Peng Yuan Hu.
Sa nabasang entertainment article ni Ye Wan Wan sa buhay niya noon, sinabi ni Peng Yuan Hu sa kanyang sickbed na malaking pagsisisi na hindi niya sinimulang i-film ang "Jasmine."
Magiging isang imortal na klasiko ang Jasmine kung natapos ang filming nito noon.
Sayang dahil wala nang "kung"...
Isasara na sana ni Ye Wan Wan ang page nang bigla siyang napahinto.
Saglit!
Sinong nagsabi na merong "kung"?!
Binasa ni Ye Wan Wan ang kabuoan ng Jasmine sa news article.
Ang pelikulang ito ay isang period film. Sumasayaw ang bidang babae. Ang pagbabago ng era sa China ay pi akita gamit ang bidang babae, naging mahusay na kabataan, madugong giyera at naging mapayapa ang kapanahunan.
Sinuri ng kaunti ni Ye Wan Wan kung anong klaseng female lead ba ang gusto ni Director Peng.
Unang-una sa lahat, dapat natural at tunag ang itsura ng female lead, mas mainam kung medyo makaluma ang itsura. Hindi pwede ang isa sa mga babaeng may plastic surgery ang mukha na makikita lamang sa kalsada.
Gayunpaman, hindi siya pwedeng maging masyadong maganda. Halimbawa na lamang si Ye Wan Wan, hindi siya angkop para sa karakter na ito.
At tsaka, kailangan may solid na dance background ang female lead at gayundin ang acting niya. May malaking pagkakaiba kasi ang umpisa at huling bahagi ng pelikulang ito. Kailangang maging isang bata hanggang sa maging matanda ang female lead dahil mabubuhay siya sa isang buong era, kaya kailangang maging magaling siya sa kanyang acting.
Habang binabasa ni Ye Wan Wan ang nga requirements, bigla niyang naisip ang isang kandidata sa female lead ng pelikula.
Jiang Yan Ran…
Biglang napatayo si Ye Wan Wan sa kanyang hinihigaan. Lalo niyang naisip na angkop si Jiang Yan Ran sa role na ito.
Hindi niya pa kinuhang artista si Jiang Yan Ran noong una dahil gusto niya pang matuto ito. At dahil hindi pa kasi nakakakuha ng angkop na scripts ang kumpanya nila para kay Jiang Yan Ran dahil sa kakayanan at resources sa ngayon ng kumpanya.
Halimbawa na lamang ang A Life and Death Struggle, ang pelikulang ito ay nakasentro sa lalaking protagonist at ang babaeng protagonist ay kakaunti lamang ang screen time, kaya hindi ito bagay sa kanya.
Gayunpaman, ang Jasmine ay ginawa mismo para kay Jiang Yan Ran...