Hinatid nya ako sa amin. Hanggang kanto lang ulit. Naglakad na ako papuntang bahay. Dahil nga sa gabi na. Marami ng tambay sa daan.
"Magandang gabi, Ken.." bati ng isang kapitbahay naming nakatayo sa may gate nila. Nasa loob naman ito. Hawak ang tali ng kanyang aso.
Kumaway ako pabalik. "Magandang gabi rin, Jr.." sumunod sa pangalan ng Tatay nya ang pangalan nya kaya Jr ang tawag sa kanya. Iyon na rin ang nakaugalian kong itawag sa kanya sa tuwing napapadaan kami sa isa't isa o nasa iisang harap ng tindahan dito samin. Kila Aling Mer.
"Bakit ka naglalakad?. Diba may sasakyan ka na?. Sino yun?. Boyfriend mo?." sunod sunod na tanong nya kaya naman napahinto ako sa paglalakad. Ilang bahay nalang naman. Sa amin na rin. Kaya ligtas ako kahit makipagkwentuhan pa ako dito ng saglit. Tsaka, ligtas din naman ako kahit kausapin ko pa sya ng matagal. I know him well. Magkakilala ang pamilya namin. Opisyal din ang Daddy nya sa. Navy. Magkaklase pa ata sila ni Papa sa academy kaya yun.
"Ah... si Jane yun.. kaibigan ko.." pagsisinungaling ko. I tried my best not to stutter here dahil pakiramdam ko kapag nangyari yun, malalaman na ni Papa ang sikreto ko. Madalas din kasi si Papa sa labas kapag off nya. Nakikipagkwemtuhan sa kapitbahay. At isa na dito si Jr at sa Daddy nya. Magkaibigan din ang dalawa.
"Ganun ba.. hehehe.. hatid na kita kung ganun?." binuksan ang gate sa pagitan namin. Hila hila ang nakataling imported na aso.
"Wag na.. malapit naman na ako.."
"Sige na.. malapit lang naman.." di na ako kumontra pa dito. At sinabi ko ring wag syang mag-alala dahil kaibigan ko lang talaga yung may-ari ng sasakyan kanina. Mukha kasing di sya kumbinsido na, kaibigan ko lang ang nasa loob ng sasakyan at hindi karelasyon.
Sa harap ng bahay. Pumasok na ako sa gate. Kinawayan sya bago nagpaalam. "Salamat Jr.."
"Sa uulitin, Ken.." anya lang sabay ng saludo. Itatanong ko pa sana kung off nya ba ngayon dahil isa syang Navy. Kaso naisip kong, wag nalang pala. Hahaba pa ang kwentuhan. Marami pa akong gagawin.
Mabuti nalang din. At hindi ko na sya pinaunlakan sa loob dahil hindi ko inasahan ang nakita ko. Nakaupo si Mama sa sahig habang sapo naman ni Ate Keonna ang noo. Ang isang kamay din ay hawak ang cellphone. Tapat nun sa kaliwa nyang tainga. Umiikot pa sa paligid ni Mama kahit halos lutang na si Mama. Wala sa sarili.
"Ate, anong nangyayari dito?." agad kong dinaluhan si Mama sa sahig. Inayos ko ang buhok nya't tumambad sakin ang namamaga nyang mga mata. "Bakit po?. Anong nangyari?." saka lamang din ako sinagot ni Ate.
"Si Papa, Ken. Nasa presinto.." naging isang linya ang kilay ko. Maging ang mga mata ko ay nanlisik.
Hindi ako tumayo. Sinubukan kong lumunok pero parang may bumara sa lalamunan ko. Aalalayan ko na sana si Mama para tumayo pero napigilan lang din ako ng balita ni Ate. Biglang nanghina ang tuhod ko't nakaramdam ng lamig sa may batok ko.
"Ulitin mo nga yung sinabi mo, Ate?." muntik ko pang di na marinig ang sariling boses dahil sa paos. Nabasag ito na parang itlog na nahulog sa sahig. Nagkalat nalang basta.
"Dahil daw sa droga.. Hindi ko alam Kendra.. nadatnan ko nalang si Mama na ganyan na.." paliwanag ni Ate.
"Ano!?." nanginig na ng tuluyan ang boses ko. "Hindi iyon magagawa ni Papa ate?.." iling ko. Di makapaniwala. Anong droga?. Ni bisyo nga, wala si Papa. Inom lang pero hindi lasing.
Paanong nasangkot sya sa ganung bagay?. Hindi kaya sinet-up sya?. Hindi kaya pinagbintangan lang sya para masira?. Kung ganun. Sinong gumawa?.
Tahimik si Ateng umupo. Nahilo na rin yata dala ng kanina nya pang pag-iikot dito. Sa cellphone pa rin sya natuon. "Alam nating hindi iyon gawain ni Papa, Ken.." mahina nyang tugon sakin. Huminga ako. Paulit-ulit na huminga tapos nagpakawala. Pinipilit pakalmahin ang sarili para makapag-isip ng tama.
"Sino kung ganun ang may gawa?." I ask this without knowing it. "Sino ang walang pusong tao ang may sala?." tumaas ng bahagya ang boses ko. Di na makontrol ito.
"Ang Mommy ni Kian.." si Mama ito. Hindi ko na hawak ang braso nya para patayuin. Di na rin sya umiiyak. Inayos nya mismo ang sarili bago tumayo ng kanya. "Galit sya sa Papa nyo, at sa atin.."
What the fuck!
Yan na nga bang sinasabi ko eh!
"Lintik na yan!." halos mabasag ang pandinig ko sa lakas ng mura ni Ate. "Bakit tayo ang ginigipit nya kung ganun?." bakas ang galit sa mukha na nya.
"Dahil hindi nya matanggap na hindi sya pinapakinggan ng anak nya.." ani Mama na hinilamos ang mga palad sa mukha. Nagtagal din ang kamay nya duon. Upon seeing her like this. Napupuno ng galit ang puso at isip ko. Bakit, sino sila para isaalang-alang nalang basta ang aming pamilya?. Wala silang karapatan, ni katiting man lang!
Bumuntonghininga ako. Halo-halong emosyon ang kasama nun. Galit. Inis. Pagod ang nararamdaman ko ngayon.
"Tanga pala sya e.. di nya ba naisip na, kasalanan nya na yun.. bat tayo damay sa problemang pamilya nila?."
"Dahil sa kapatid nyo.." ani Mama. Gusto kong magmura. Murahin ang pangalan ni Karen pero sino naman ako para ibaling sa kanya ang bagay na hindi nya hawak?. Hindi nya hawak ang isip ng Nanay ni Kian at lalong hindi din nya kasalanan ang lahat. Gusto nya si Kian. At baka mahal pa nga. Tama bang sisihin ang pagmamahal na meron sya sa anak nya?. Kingina! Napakatanga!. Akala ko ba, mataas ang pinag-aralan nya?. Ang buong akala ko. Matalino sya, at bonus na ang mayaman sila. Pero bakit sa nakikita ko ngayon? Daig nya pa ang walang pinag-aralan?.
"Tanga nga sya kung ganun.. hindi nya ba mahal ang anak nya para pahirapan ng ganito?." kung totoong best of the best ang gusto nya para kay Kian. Bakit naiisip nya pang maghanap ng paraan para sirain ang buhay ng sarili nyang anak?. May isip pa ba sya?. Nag-iisip pa kaya sya?. Walang isip lang ang taong ginagawan ng masama ang sariling anak para lang mapatunayan sa sarili na napalaki nya ng maayos ito. Hindi pa ba sapat na tinali nya ang anak nya sa isang taong walang kinalaman sa kabaliwan nya?. Hindi pa ba sapat sa kanyang malaman na nahihirapan ang anak nya dahil sa kabaliwan nya?.
Kung hindi pa nga. Tanga nga sya kung ganun nga!