Gabi. Di pa rin tumitila ang ulan. I'm still on the hot shower ng may kumatok. "Ate, iwan ko nalang damit mo rito. Poro got it from your house." Kian informed me about how they got my clothes.
After taking my last dip. Lumabas na ako't nilock ang pinto. Isang pares nga ito ng damit. Long black jogging pants at loose t-shirt ko na kulay asul. My favorite color. Then someone knock on the door. "Let's have dinner muna." Poro's voice echoed around. Minsan lang ang katok nya kaya napalingon ako dito. Medyo may diin kasi at malakas.
Mabilis na akong nagdamit. Sinuklay ang buhok. Bago lumabas na pinupusan pa ito. "Totoo nga sinasabi ko. Uuwi sila."
"Sirang plaka ka na yata?. Ilang ulit mo na bang sinabi yan ha?." inis na baling ni Poro sa kaibigan. Kasalukuyan itong nagsasandok ng kanin sa may rice cooker. While Kian is just being cool on his chair. Busy sa phone.
"Para nga di mo makalimutan. Wala ka kasi nung send off party nila bago umalis. Hinanap ka kaya. Tapos ngayong babalik sila. Wala ka na namang balak magpakita?. Seriously?."
"Tsk.. ang dami mo talagang alam.." humarap na sya samin. At mukhang natigilan pa at di na tinuloy pa ang dugong ng dapat sabihin.
He put on the bowl in front of us. Pabilog ang mesa. Tama sa apat na tao lang. Si Kian sa may kaliwang part ko. Likod nya ang sink na malapit sa rice cooker na nakasaksak pa. Ang isang upuan sa kanan ko ay bakante. At sa kaliwa naman ni Kian ay bakante ring upuan. Na syang hinila nya para duon paupuin ang kaibigan. "Dito ka na. Wag kang ano.." pigil nya sa gustong puntahan ni Poro.
"Kingwa!. Mamaya.. Wala pa tayong ulam.." napamura nalang ito sa kakulitan ng isa. I just smile at them awkwardly. Nangalumbaba habang pinapanood ang likod nyang kumukuha ng ulam na nasa palayok pa. Sino kayang nagluto?. Sya?. Wow! Ang galing naman!.
Ilang sandali lang ay nilagay na nya sa gitna namin ang sinigang na bangus. Umuusok pa. Bagong luto talaga. Kian declared to have a bite. Kaya kumain na din kami.
A one long awkward silence roam around us.
Then he clears his throat. "Did Tito called you?." he asked pagkakatapos uminom. Tapos na syang kumain. Ako?. Kanina pa. Tumikim lang ako. Wala kasi akong gana.
"Nope. Di yun tatawag.. why?. Sinabi nya ba sayong kakausapin nya ako?."
"Yep.. he is mad worried.. kung pwede ka lang daw nyang hilahin pabalik sa inyo gagawin nya."
"Bakit hindi nya gawin?." I interrupted him.
"Dahil gusto nyang hayaan ka na munang magpalamig. Babalik ka din naman daw ng kusa after days." kwento nya.
How is he so sure?. Naisip ba nyang pinili kong umalis para hanapin ang sarili ko?. Did he already talked to his wife at klaruhin ang lahat dito?. Paano sya nakakasiguro na babalik na ako after days?.
Nope. Di ko gagawin yun.
I stayed silent a minute. Naisip kong, wag ng sumagot pa. Hahaba pa ang usapan. Gusto ko ng magpahinga.
Tinapos ko lang kumain si Kian. I did the chores na matinding pinigilan ni Poro to do it pero ginawa ko pa rin. Nakakahiya kung kakain lang ako tas hihiga na. No way!. Not a good shot. Not I did this purposely. I'm doing this just to atleast ease the little burden I did to him. Nakatira na nga ako dito. Magpapabigat pa. Di dapat ganun.
After that. Nagpaalam na ako para matulog. They both nodded to me.
Then when I lay on the bed. Sa ceiling na naman ako natulala. I should do something. Hindi dapat ako dito maglagi. I have to stand Independently kung gusto ko talagang may maipagmalaki sa kanila. I need to live on my own para maipakitang kaya kong panindigan ang gusto ko.
"So, what's your plan then?." Jane asked this matapos kong ilahad sa kanya ang lahat. Simula umpisa. She already knows na what's going on between me and this guy, Poro.
"Leave here and have my own life. Independently."
Mahabang buntong hininga ang pinakawalan nya. "How can I help you then?." anya.
"Help me find a small unit and a part time job."
"Grabe ka! Ginawa mo na talaga akong Google map mo ha?." she laughs. Then she proceeded to agreeing with this.
Nagpaalam na din to kalaunan dahil tinatawag daw sya ng Mamita nya. Kailan kaya ulit kami makakagala?. Nasaan ba kasi yung private nurse nung Lola nya?. Bakit sya pa nagbabantay?. I want to go to Rooftop tomorrow night. I'm so bored at gusto kong makapag-unwind ng kaunti dahil para na akong nababaliw.
I put my phone down at bahagyang pumikit. Then it suddenly ring. Nakapikit ko itong sinagot. Slide lang naman pindot nito. "Yes hello?."
"Hoy!. Nag-away daw kayo ni Mama?. Saan ka ngayon?. Nandito si Poro kanina ah?. Bakit di kayo magkasama?." sunod sunod na tanong ni Ate Kiona. Mukhang bagong uwi lang ito. Lagpas sa alas otso nyang oras. Bakit kaya?. May nangyari din ba?..
"Long story short. Naglayas.. kakauwi mo lang?." tamad kong sagot.
"Gaga!. Naglayas ka?. Nag-iisip ka ba?."
"Hindi ko nga naisip to eh. Ideya lang ni Mama." may dumaang sakit sa dibdib ko kahit tumatawa ako nang balikan ko ang nangyari kanina. Parang may bagong hasang patalim na itinusok rito at paulit-ulit na hinuhugot tas binabalik. Ganun. Ang sakit!.
Natahimik bigla ang linya nya. "Ginawa mo naman?. Gaga ka talaga!. Alam mo namang mataklesa lang si Mama.."
"Oo eh.. ikaw ba naman pahiyajn sa harapan ng ibang tao?. Nakakababa ng moral Ate.. hindi ko lang kinaya.."
"Tsk.. bahala ka na nga.. saan ka ngayon kung ganun?. Kila Jane ba?."
"Basta wala sa ilalim ng malakas na ulan.." simple kong tugon.
"Gaga talaga. Ayaw pang sabihin. Alam kong andyan ka sa bahay ni Poro."
I bit my lower lip. Paano nya alam?. "Nahulaan ko noh?. Hahaha.. sige na.. palamig ka muna. Pag may kailangan ka. Just call me. I'll be there." dinagdag pa nyang, balik daw ako bago ang kasal nina Kian. Ilang araw nalang yun. Napatanga ako't di alam kung tatango ba o tatahimik nalang. But upon thinking how good Kian is to me right now. Umuurong ang paa ko pabalik ng bahay. Nakakahiyang maging eskandalo ang maliit na bagay sa amin ni Poro. Baka isipin nilang I'm doing this purposely para makuha ng buo ang atensyon ni Poro. No!. Hindi ganun. This is just about me. Labas sya dito.
I put my phone down again. Saka pumikit. Paano ako tatakas dito kung ganung kailangan bumalik sa isang linggo?. Hay Kendra! Ano na?. Tuloy pa ba ang pagiging independent mo o palipasin muna?.
Maya maya ay nagbeep ito. Tanda na may text ako. Kinuha ko iyon at binasa. It's from him.
"Please don't try to escape us. Sabay tayong papasok bukas. Okay?." halos dumugo ang labi ko kakagat ko rito. Escape?. Hayst!.. Paano ba to?. Mukhang wala nga akong takas na takasan sila. Alam nila kung paano nila ako mahihila pabalik. They have a weapon. They have him. Alam na alam nilang hindi ko matiis na sya ang magsakripisyo para sakin. Sinabi kong this is just about me, not him. Pero kapag isang salita nya lang. Napapasunod na nya ako. Parang lahat ng sinabi ng labi ko. Binabawi na agad. Nagsisi na nasabi iyon at parang ayaw ng maalala na nabanggit nya ito.
Paano nga ba nangyari ang lahat ng ito?. Ano ang koneksyon nila ni Papa na syang naging dahilan para maging magkadikit sila ng ganito?. Ano?.
Para di na sya madamay pa sa gulo ng pamilya. Fine. I've decided.
"I'm not. Matulog ka na kung wala ka ng gagawin. Hihintayin kita bukas.."
"Good girl.. smile ka na.."
"Tsk.. nakasmile naman ako."
"Smile na walang luha sa mata at pisngi?."
"Psh!.. matulog ka na nga!. BTW.. Thanks for today.."
"Basta ikaw. diba superman mo nga ako?."
"Thanks again.. di ka yata busy?. Finals na.."
"Ikaw, finals na. Bat di ka din busy?."
Dito na ako napangiti. Wala namang luha saking pisngi gaya ng saad nya. Kusa nalang itong nabuo sa gilid ng aking mata. This is a tears of comfort. I'm too comfortable kapag sya na kausap ko. Ewan ko nga bat naging ganun. It just happen.
I really decided na, di ako tatakas to find myself. Pakiramdam ko. Dito. Dito ko mismo makikilala sarili ko. Walang ibang lugar, kundi dito lang.