App herunterladen
42.7% One Bite To Another / Chapter 41: RELIVE

Kapitel 41: RELIVE

Nagising ako mula sa isang ingay sa malawak na silid. Marahan kong iminulat ang aking mga mata at dahan-dahan na tumayo. Nakatulog na pala ako dahil sa pagod kanina sa labanan. Isang hagdanan paitaas ang bigla na lamang sumulpot sa isang pader sa aking harapan.

The stairs are made with bricks just like the walls of this tower. Marahan ko ng tinawid ang hagdanan paitaas. Sa una ay dilim ang makikita patungo sa pasilyo ng hagdanan ngunit sa aking patuloy na pag-akyat paitaas ay unti-unting nasisindihan ang mga lampara na nakalagay sa pader.

Ilang minuto pa ng tahimik kong paglalakad ay natanaw ko na ang isang pinto. Bahagya kong tinakpan ang aking mga mata dahil tila nabigla ang mga ito sa biglang liwanag. Sa aking paghakbang upang makapasok ako dito ay agad na naalis ang pagkakaharang ko sa aking mga mata kasabay ng panlalaki ng mga ito.

Isang malawak na damuhan na napapaligiran ng malawak na taniman ng mga puno at iba't-ibang halaman. Agad akong niyakap ng preskong hangin at ng init ng sikat ng araw. Bahagya akong napatingin sa itaas dahil sa ingay ng mga ibon na lumilipad sa malinis na kalangitan.

Isa itong paraiso! Nasa kalagitnaan ako ng payapang pag-iisip ngunit ng humarap ako sa aking likuran upang tignan ang kabuuan ng lugar ay tila bigla na lamang nanlambot ang aking mga tuhod. Napasapo ako sa aking bibig dahil sa labis na pagkagulat sa aking nasilayang muli.

Agad akong napatingin sa aking kasuotan dahil sa bigla itong nagliwanag. Unti-unting napalitan ng isang mahabang puting bistida ang kaninang kulay berde kong suot. Tila mas lalo akong nasemento nang mapagtanto ko ang aking kasuotan.

Puting-puti ito na may mga desenyo ng mga bulaklak sa laylayan at hindi ako nagkakamali na burda ito ni Ina. Tila hindi ko nagugustuhan ang ala-alang mauungkat muli ngayon. Nangangatal akong napatingin sa isang malaking tahanan na kung dati ay hindi ako pamilyar ngunit ngayon ay sanay ko ng makita dahil sa pagpapabalik-balik ko sa mundong ito.

This is the same mansion where my nightmare first started. Walang pinagkaiba ang magarang disenyo nito noong una ko itong masilayan noong ako ay siyam na taong gulang pa lamang. Hindi ko alam kung anong pwersang tumulak sa akin ngunit napatingin ako sa pangalawang palapag ng malaking mansyon.

Halos mabingi ako sa mabilis na pagwawala ng aking puso ng masilayan ko siyang muli doon. Katulad na katulad ng kung paano ko siya unang nakita. Ngunit hindi na siya isang batang lalaki dahil siya na mismo ang Mino na aking nakasama. Suot-suot niya ang kaniyang asul na T-shirt at kulay asul din na pajama. Katulad na katulad ng suot niya noong una ko siyang nakita.

Hindi ko maiwasan na mapatitig sa kaniyang kabuuan sa kabila ng aming distansya. Kung noong siya ay bata pa ay napatulala din ako sa kaniyang nakakaakit na itsura ay tila mas lalong domoble ang kaniyang kakisigan at kagwapuhan.

Tila mas lalo siyang naging kaakit-akit kasabay ng kaniyang pagtanda. "Mommy!" bigla na lamang siyang malakas na napasigaw habang sapo-sapo ang kaniyang dibdib. Agad na nahulog mula sa kaniyang pagkakahawak ang libro na kanina niya pa binabasa. Agad akong nangatal dahil ganitong-ganito din ang nangyari.

Am I going to relive my nightmare? Muli kong nakita ang pula at itim na liwanag na nagmumula sa iniinda niyang dibdib. No! Hindi! Hindi ko na nais pa na maranasan at madama muli ang takot ko sa ala-alang ito.

Kung dati ay ginamit ko ang kapangyarihan ni Tiyo upang maiangat ako sa hangin at mapunta sa kaniya ay hindi ko ito balak na gawin ngayon. Hindi ko na nais pang maalala ang sandali na ito. Akma na sana akong tatalikod upang tumakas ngunit agad akong nabigla dahil tila may komokontrol sa aking katawan.

Agad na umangat ang aking mga paa mula sa damuhan. Entrante! Sinubukan kong magpupumiglas upang labanan ang pwersa na hindi ko nakikita ngunit agad akong nabigla dahil sa mabilisan akong bumulusok papalapit sa malaking bintana ng kaniyang silid. Hindi! Hindi! Ayoko!

Katulad ng dati ay nakatalikod lamang siya sa akin habang nagsisimula na siyang maiyak dahil sa matinding kirot at paulit-ulit na tinatawag ang kaniyang Ina. May pagkakataon pa! Pwede pa akong umalis. Pinilit kong inihakbang ang aking mga paa upang makatalon sa malaking bintana.

Hindi niya ako pwedeng makita! Hindi ko na nais pang tulungan siya ngayon! Buong pwersa kong pinilit ang aking katawan na umalis ngunit hindi ako makagalaw. Mas malakas ang pagtatraydor ng aking katawan habang nagmamaktol nang husto ang aking isip. Pakiusap! Ayaw ko na ulit itong maranasan.

Tila nais kong sambunutan ang aking sarili dahil sa agad akong lumapit sa kaniya at iniharap siya sa akin. Entrante! Utang na loob ayoko sa ala-alang ito! Agad na nanlaki ang kaniyang mga mata na napatingin sa akin. "Sino ka?" tanong niya sa akin gaya ng una niyang tinanong sa akin noon.

Hindi ko na sinagot 'yon at tila kusang umupo ako sa tabi ng kaniyang katawan. Entrante! Parang pinapatay ko na din ang aking sarili dahil sa hindi ko magawang kontrolin ang sarili kong katawan. Kinakalampag na ng kaba ang aking puso dahil batid ko na papalapit na ang kinakatakutan kong mangyari.

Matagal kong ininda sa aking isip at damdamin ang nangyari sa ala-alang ito pagkatapos ay muli ko lang din mararanasan. "Pareho tayo ng karamdaman," kusang lumabas ang katagang iyon sa aking bibig na tila ba gusto ko ng busalan.

"Huwag kang mag-alala... Gagaling din tayo," kusang ngumiti ang aking mga labi sa aking tinuran kahit pa sa kaloob-looban ko ay gusto ko ng magtatakbo. Akma na din sana siyang ngingiti gaya ng dati ngunit agad siyang napapitlag dahil mas lalong kumirot ang kaniyang dibdib. Matagal-tagal na din pala nang huli kong naramdaman ang pagkirot ng aking dibdib.

Nagpapatunay lamang na ang mapalapit kay Mino ang siyang lunas sa karamdaman na tila nakakalimutan ko na kung anong pakiramdam dahil malapit na siya sa akin. Kusang tumayo ang aking katawan at ikinumpas ang aking mga kamay upang maiangat siya sa ere at mailapat siya sa kaniyang higaan.

Agad na rumehistro ang gulat at takot sa kaniyang mukha gaya lamang ng kung ano ang una niyang reaksyon nooong kami ay mga bata pa. Kung alam ko lamang noon na ito na pala ang hudyat ng mapait kong karanasan ay noon pa lang sana ay nagtatakbo na ako paalis.

"Bakit gulat ka? Tila yata ngayon ka lang nakakita ng kapangyarihan" agad kong usal ngunit sa aking isip ay tuloy-tuloy ang tila pagwawala ng aking dibdib. Ramdam ko na ang nalalapit na pangyayaring iyon. Tila inihahanda ko na ang aking sarili upang harapin ang ala-ala ngunit agad akong nagulat at napaatras dahil sa nakarinig ako ng tila kasa ng isang baril.

Agad akong napatingin sa dalawang presensya na aking naramdaman. Agad na nangunot ang aking noo dahil sa nakita ko ang Ina at Ama ni Mino na kapwa may nakatutok na baril sa akin. Nasa estado pa ako ng pagkabigla at kaba nang makita ko ang pag-upo ni Mino nang maayos sa higaan.

Marahan niyang kinapa ang ilalim ng kaniyang unan at mas higit akong nangatal dahil sa nakita ko ang kaniyang kinuha mula roon at itinutok din sa akin.

"Mi- Mino?" nanginginig kong usal sa kaniyang pangalan ngunit kumunot lamang ang kaniyang noo. Nagtataka ako kung bakit wala na ang liwanag at kirot sa kaniyang dibdib na kanina lamang ay kaniyang iniinda. Anong nangyayari?

Madiin ang paninitig nila sa aking tatlo at alam kong isang maling galaw ko lang ay muli kong mararamdaman ang pagtama ng pilak na bala ng kanilang hawak. "Totoo nga ang sinabi ninyo Dad! May halimaw nga na lalapit sa akin," malamig na turan ni Mino.

Bakit ganito? Bakit ganito ang ala-ala na ito? Hindi ganito ang nangyari. "Those years of preparation just for this moment is worth it," seryosong usal ng kaniyang ama. "Hindi ka nila makukuha sa amin anak!" dagdag ng kaniyang Ina.

Agad akong napaatras na muli dahil sa aking napagtanto. This is not a memory but rather a different circumstances. Ipinapakita nito sa akin ang mangyayari kung sinabi nila kay Mino na darating ang panahon at lalapit ako sa kaniya. This is the outcome if his parents trained him to defend himself against us.

"Mi- Mino?" muli kong usal sa kaniyang pangalan. Batid ko na kaya ko silang labanan na tatlo ngunit hindi ko kayang gawin. Hindi ko siya kayang saktan o kahit ang mga tao na mahalaga sa kaniya. Sariwa pa sa aking ala-ala kung paano siya maghihinakit at umiyak para sa kaniyang mga magulang ngunit sadyang mahal niya ang mga ito.

"Stop uttering my name monster! Hindi ninyo ako mailalayo sa aking mga magulang just for your selfish reasons!" agad nitong singhal at hindi ko alam kung bakit nakaramdam ako nang matinding takot. Takot na bakit hindi niya ako kilala at ayaw niya akong lumapit sa kaniya.

Hindi ko alam ngunit tila nagkaroon ng kirot sa aking puso na makita ko siyang lumalaban sa akin nang ganito. He is not my Mino. Hindi ko alam ngunit nagsisimula na akong maiyak dahil hindi ko maintindihan ang aking sarili kung bakit ako tila nanghihina na makita siyang umaayaw sa akin.

"Mino? It's me!" tila nagmamakaawa kong usal sa kaniya ngunit hindi natinag ang madiin niyang titig sa akin. Bakit may kirot sa puso ko? Bakit tila gustong humakbang ng aking mga paa upang yumakap sa kaniya? Ano itong aking nararamdaman? Bakit tila masakit sa dibdib?

"I said stop it!" malamig niya turan sa akin. "Kill it Mino," agad na utos sa kaniya ng kaniyang Ina. Entrante! Tila nanlamig ako sa kaniyang sinaad ngunit mas lalong hindi ko kinaya ang nakitang kong pagtango ni Mino. Entrante! Hindi ikaw ang Mino na nakilala ko!

Ilang segundo pa ay narinig ko na ang pagputok ng baril patungo sa aking direksyon ngunit hindi na ako papayag na muli pang maranasan ang kirot na dulot ng bagay na 'yan. Mabilis akong nakaiwas sa pagbaril ni Mino ngunit tila yata nainis ang kaniyang mga magulang at kapwa na nila akong pinapatukan.

Walang hirap ko itong naiwasan at mabilis kong tinungo si Mino. Agad kong hinablot paalis sa kaniyang kamay ang hawak niyang baril at agad akong napunta sa kaniyang likuran. Mabilis kong idiniian ang dalawa niyang kamay sa kanyang likuran upang hindi siya makapanlaban.

Tumigil sa pagpapaputok ang kaniyang mga magulang upang hindi matamaan si Mino. Gamit ang aking lakas ay mabilis kong kinaladkad si Mino at marahas akong nagtungo nang mabilis sa bintana at kasama ko siyang tumalon.

Rinig ko ang marahas niyang pagsigaw at maging ang malakas na pagtawag sa kaniya ng kaniyang mga magulang. Pagkalapat ng aking mga paa sa damuhan mula sa mataas na palapag ay binuhat ko siya na parang isang sako.

Muli kong ginamit ang aking bilis at tumakbo patungo sa kagubatan. Patuloy ako sa pagtakbo nang matulin habang nararamdaman ko ang kaniyang pagpalag at paghampas sa aking likuran na hindi ko ininda.

Ilang segundo pa ay agad akong napainda dahil sa naramdaman ko ang tila pagbaon ng isang matalas na bagay sa aking likuran. Agad akong napahinto at mabilis ko siyang nabitawan. Agad siyang bumaba sa aking balikat at dumistansya sa akin. Hinawakan ko ang aking likuran at agad kong nakita ang masaganang dugo sa aking palad.

Nakita ko kung paano siya ngumisi habang habang hawak niya ang isang madugong pilak na punyal. He stabbed me on my back literally. "What will you do Vreihya? What will do if he's not the Mino you used to know?" sa aking nanlalabong paningin ay narinig ko ang tinig ng diwata.

What will I do if he's not my Mino?


next chapter
Load failed, please RETRY

Wöchentlicher Energiestatus

Rank -- Power- Rangliste
Stone -- Power- Stein

Stapelfreischaltung von Kapiteln

Inhaltsverzeichnis

Anzeigeoptionen

Hintergrund

Schriftart

Größe

Kapitel-Kommentare

Schreiben Sie eine Rezension Lese-Status: C41
Fehler beim Posten. Bitte versuchen Sie es erneut
  • Qualität des Schreibens
  • Veröffentlichungsstabilität
  • Geschichtenentwicklung
  • Charakter-Design
  • Welthintergrund

Die Gesamtpunktzahl 0.0

Rezension erfolgreich gepostet! Lesen Sie mehr Rezensionen
Stimmen Sie mit Powerstein ab
Rank NR.-- Macht-Rangliste
Stone -- Power-Stein
Unangemessene Inhalte melden
error Tipp

Missbrauch melden

Kommentare zu Absätzen

Einloggen