App herunterladen
18.75% One Bite To Another / Chapter 18: FLOWERS

Kapitel 18: FLOWERS

"Mino I said hit me with your best shot!", malakas kong sigaw sa kaniya habang nagpapalipat-lipat ako sa likod ng malalaking puno sa gubat upang magtago mula sa kaniya. Hindi na nasunod ang kagustuhan niya na hindi gumamit ng mahika sa aming duwelo dahil the moment na bumalik siya sa wisyo pagkatapos na maglapat ang aming mga labi ay bigla na lamang lumabas muli ang mga kuryente sa kaniyang katawan.

Hindi na ako nagulat na maiinis siya ng ganiyan sa akin pagkatapos ng ginawa ko. Unti-unti na akong nasasanay na hindi katulad ng ibang lalaki si Mino na magmamanikluhod para lamang halikan ko. Natatanggap ko na kahit papano na hindi niya nakikita na masuwerte siya dahil siya lamang ang tanging nakahawak, nakakagat at nakalapat ng mga labi sa akin.

Agad akong muling lumipat sa mas malaking puno dahil tinamaan ng tinatapon niyang bola ng kuryente ang dati kong tinataguan at naging sanhi ito upang masunog at umusok ang parte na tinamaan. Matindi talalaga ang hinanakit sa akin ng mortal na ito.

"Quit hiding! Talagang gusto mo akong pinaglalaruan!", naiinis nitong sabi habang pinipigil ko ang aking sarili na gumamit ng mahika upang gumanti. Damn! Humalik lamang ako pero ang tindi ng inis niya sa akin. I don't know but I just smirked dahil mukhang magiging isang pagsubok ang gagawin kong pang-aakit sa kaniya. Kasalanan mo itong lahat Tiyo! Kung anu-ano ang pumapasok sa isip ko.

"Come on Mino! Hit me! Kung hindi ay hahalikan kitang muli!", pang-aasar ko sa kaniya habang nalalaman ko ang kaniyang kinatatayuan dahil hindi na naman nakakubli ang kaniyang samyo sa hangin. Nang akma na sana akong sisilip sa kaniyang kinatatayuan ay agad akong napayuko dahil bumungad sa akin ang lumilipad na bola ng kuryente na muntik ng tumama sa aking mukha kung hindi ako nakaiwas. Entrante! Kapag ang mukha ko lamang ay nasira, mababalian ko ng buto ang mortal na ito!

Agad akong lumipat muli ng tataguan ngunit sa kalagitnaan ng aking paglipat ay agad siyang nagtapon ng bola ng kuryente ngunit agad kong naiangat ang aking kamay at isang malaking puno ang biglang umusbong upang salagin ang dapat na tatama na bolang kuryente sa akin.

Agad kong kinumpas ang aking mga kamay at agad na umangat sa ere ang mortal na inis na inis habang nakapulupot sa kaniyang mga paa ang malalaking baging na aking minanipula. Sa kaniyang hudyat ay bumaba mula sa kalangitan ang isang kidlat na tumama at pumutol sa mga baging kaya siya nakawala at gamit ang kaniyang bilis ay naiayos niya ang kaniyang paglapag. Agad na napaawang ang aking bibig dahil sa kaniyang ginawa.

Hindi pa siya ganoon kasanay pero tila nagpapakitang gilas siya sa akin. Prente siyang tumayo nang maangas tsaka siya tumingin sa akin at ngumisi na siya namang sinuklian ko ng pagtaas ng aking kilay. Why does he look so hot when he smirked like that? Agad akong napangiti when a silly idea invaded my mind. Habang nakatitig siya sa akin nang madiin ay dahan-dahan kong hinuhubad ang aking makapal at mahabang kasuotan.

Agad na nangunot ang kaniyang noo habang tinititigan niya ako. "What are you doing?", masungit nitong katanungan sa akin habang itinapon ko sa kung saan ang aking kasuotan at tanging manipis na puti at mahabang kasuotan na lamang ang bumabalot sa akin at sa mga kasuotan kong pangloob. Agad kong nakita ang mabagal na paglalakbay ng kaniyang mga mata sa aking katawan ngunit mabilis niya itong ibinalik sa aking mukha at muling tumititg nang mariin.

He was about to strike again pero mabilis ko siyang naitulak at naisandal sa isang malaking puno habang idinidikit ko ang aking katawan sa kaniya, nakaawang ang aking mga labi na nakatitig sa kaniyang magagandang mga mata. I smirked when I felt how his body became stiff na tila ba hindi niya alam ang kaniyang gagawin.

But I felt his might to push me pero agad na akong umiwas at lumayo gamit ang aking bilis. Hindi nagtagal ay may lumabas na kuryente sa kaniyang kanang kamay at bumuo ito ng tila isang espada. Agad siyang sumugod sa aking direksyon ngunit umikot lamang ako upang umiwas sa kaniyang atake. Agad siyang sumunod sa aking galaw habang marahas niyang iniaamba sa akin ang kaniyang armas. Tila sumasayaw lamang ako ng may marikit na pagkilos tuwing umiiwas ako sa kaniyang mga atake.

Nagawa ko pang pumikit habang tila isinasayaw ang aking katawan nang marahan upang umiwas sa kaniyang atake. My hair and dress danced gracefully with the wind and my movement na tila ba hindi isang duwelo kundi isang eleganteng sayawan ang nagaganap ngayon. Ngunit agad akong nagtaka dahil hindi ko na nararamdaman ang kaniyang pag-atake na tila ba tumigil siya nang sandali.

Agad akong nagmulat ng aking mata at agad na sumalubong sa akin ang paninitig ni Mino na hindi ko mabasa ang ibig sabihin. Why is he staring at me like that? Nasa kalagitnaan ako ng pagtataka ng lumapag sa aking matangos na ilong ang isang maliit na bulaklak tsaka ako napatingala at bumungad sa akin ang naglalaglagan na mga maliliit na bulaklak na hindi ko na namalayan na sa aking tila pagsasayaw ay akin na palang namanipula.

I don't know but I lightly smiled and closed my eyes upang maramdaman ang kanilang pagkakahulog at pagtama sa aking katawan. I am in the middle of that scenario when I suddenly felt how intense his gaze towards me. Agad kong minulat ang aking mga mata at ang kaniyang paninitig habang nakaawang ang kaniyang labi ang siyang bumungad sa akin.

I saw how the electricity on his body slowly disappeared as well as his sword na tila ba kumakalma ang kaniyang katawan yet his eyes are still glowing. Why am I seeing in his eyes the same gaze that other men give me whenever they admire me? Hindi ko alam pero agad akong hinampas ng kaba sa kaniyang paninitig. Akma ko na sana siyang pagbabawalan sa kaniyang paninitig ngunit agad akong nakaramdam ng panlalamig ng walang ano-ano ay biglang bumuhos ang malakas na ulan.

Entrante! Dahil sa nipis ng aking kasuotan ay agad akong nabasa but I don't know what gotten into me dahil nanatili lamang ako na nakikipagsagutan sa kaniya ng paninitig. My body is wet yet all I feel is heat and a desire to reach for him. Ano ba ang meron sa kaniya at ganito na lamang kalakas ang hatak niya sa akin? Isa ba 'yan sa mga kakayahan na ibinigay sa kaniya ng Dyosa?

Ilang segundo din yata kaming nakatitig sa isa't-isa ng bigla na lamang manlaki ang aking mga mata dahil may tumama na isang mabilis at malakas na kidlat sa pagitan naming dalawa. Agad kong naramdaman ang pagdaloy ng tila kuryente sa aking katawan dahil sa aking pagkakabasa at pagkakatayo sa basang lupa.

Entrante! Tila kinuryente ako nang pagkalakas-lakas at agad kong naramdaman ang panlalabmot ng aking katawan. Nawalan ako kaaagad ng lakas na tumayo at agad na lamang bumagsak ang aking katawan. Naghihintay ako na maramdaman ang malamig at basang lupa ngunit isang bisig ang sumalo at yumakap sa akin at sa aking nanlalabong mga mata ay nakita ko ang napakagandang mukha ni Mino.

Gusto ko siyang sampalin dahil siya lang naman ang may kagagawan kong bakit ako nanghihinga ngayon pero agad siyang umiling sa akin na tila ba nabasa niya ang aking iniisip. "Wala akong kinalaman dito.", mahina niyang bulong sa akin at tuluyan ng bumigay ang aking katawan na sanhi kung bakit mas humigpit ang kaniyang pagkakasalo at pagkakayakap sa akin.

Agad niya akong binuhat nang maayos na tila ba bagong kasal kami at gamit ang kaniyang bilis ay agad kaming nakapasok sa palasyo habang naririnig ko ang malakas na ulan na tila delubyo na may kasamang malalakas na kulog at gumuguhit na kidlat na mabilisang nagpapaliwanag ng paligid.

Ilang sandali pa ay naramdaman ko na ang malambot na higaan kung saan marahan niya akong inihiga habang nakatitig lamang ako sa kanya at unti-unting nanlalabo ang aking paningin. "Shit! You are still wet!", tila nag-aalala nitong sabi sa akin habang naglalakad siya pabalik-balik na tila hindi niya alam ang gagawin. Gusto kong sabihin sa kaniya na hayaan niya na lamang ako na mahiga at makapahinga ngunit tila nananalaytay sa aking dugo ang kuryente na mula sa kidlat kanina kaya hindi ko magawang magsalita.

Agad akong kinabahan ng tumigil na siya sa paglalakad nang pabalik-balik at tumitig sa akin na hindi pa din makagalaw. Huminga siya nang malalim na tila ba inihahanda niya ang kaniyang sarili sa isang mabigat na desisyon. Agad na hinampas ng kaba ang aking puso dahil tila yata naiisip ko ang kaniyang gagawin.

No! Don't come near me! Don't touch me! Tila yata gusto kong tumayo at tumakbo nang magsimula na siyang lumapit at umupo sa higaan. Nakita ko kung paano tila nangingingig ang kaniyang kamay na papalapit sa aking kasuotan. Entrante! No! Stop!

Sa tindi ng aking pagnanais na pigilan siya bigla na lamang may lumitaw na isang baging mula sa haligi ng silid at pinigil ang kaniyang kamay sa paglapit nito sa aking kasuotan. Agad siyang tumingin sa akin na tila ba nakikiusap. "You need to change! I won't let you sleep while you are this wet!", he said to me habang sinusubukan niyang kalasin ang baging.

Gusto ko sanang umalma ngunit trinaydor na ako ng aking katawan at unti-unti na akong nawawalan ng malay hanggang sa naramdaman ko na ang paglapat ng kaniyang kamay sa aking kasuotan.

Entrante!


next chapter
Load failed, please RETRY

Wöchentlicher Energiestatus

Rank -- Power- Rangliste
Stone -- Power- Stein

Stapelfreischaltung von Kapiteln

Inhaltsverzeichnis

Anzeigeoptionen

Hintergrund

Schriftart

Größe

Kapitel-Kommentare

Schreiben Sie eine Rezension Lese-Status: C18
Fehler beim Posten. Bitte versuchen Sie es erneut
  • Qualität des Schreibens
  • Veröffentlichungsstabilität
  • Geschichtenentwicklung
  • Charakter-Design
  • Welthintergrund

Die Gesamtpunktzahl 0.0

Rezension erfolgreich gepostet! Lesen Sie mehr Rezensionen
Stimmen Sie mit Powerstein ab
Rank NR.-- Macht-Rangliste
Stone -- Power-Stein
Unangemessene Inhalte melden
error Tipp

Missbrauch melden

Kommentare zu Absätzen

Einloggen