App herunterladen
50% No. 000 / Chapter 2: E'riel

Kapitel 2: E'riel

At lumipas nga ang panahon, ngunit ang katawan ni 000 ay nanatili sa kung ano man ang anyo nito simula ng magunaw ang mundo. Noong una, patuloy siyang naglalakad sa kawalan... paunti-unti ay hindi niya namalayang nadadaanan na pala niya ang presensya ng buhay. Ang patay na lupain at unti-unting nagkakakulay, ang noon ay mapulang langit ay kulay asul na, ang malahiganteng imahe ng pulang araw sa kalangitan ay naging sinliit na lamang ng holen at sa sobrang liwanag nito ay hindi na niya matingnan ng direkta sa mata. Nang sandaling iyon ay nakaramdam siya ng pag-asa at sa kabutihang palad ay sariwa parin ang kanyang alaala mula sa nasirang mundo at dala ang karunungan ng makabagong panahon.

Minabuti niya na alalahanin ang mga libro at mga nakatala dito na nabasa niya sa lumang aklatan, mula sa librong pinamagatang 'Ars Primordia' naalala niya ang nilalaman mula sa isang pahina nito,

"Ang diyos ay gumawa ng buhay ng mundo upang linisin nito ang sarili sa panahong ang loob nito ay nababalot ng korapsiyon. Ang telesma ay aagos mula sa kalangitan sa pagtapos ng RESET at ang mundo ay muling kokonekta sa Leyline upang maibalik ang mana na kinakailangan para suportahan ang buhay ng mga nilalang."

Nang sandaling iyon ay nakaramdam siya ng kung ano na hindi niya maintindihan, puting hamog na nababalot ng liwanag ang bumaba mula sa kalangitan at dahan-dahang kumalat sa kapaligiran. Ang hamog ay mabilisang pumailalim sa lupa at nagsimulang yumanig ang kalupaan, saksi si 000 sa mga pangyayari at unti-unting umaangat ang kalupaan upang bumuo ng mga bundok. Di nagtagal ay bumulwak ang tubig mula sa kailaliman at ang walang hanggang tuyong kalupaan ay halos punuin nito, napangiti si 000 sa ganda ng kanyang nasaksihan ngunit hindi pa doon natatapos ang lahat. Ang puting hamog ay muling umangat mula sa kailaliman ng lupa at nagtipon sa isang lugar na kung saan ito tila nagkumpulan hanggang sa maging isang bola ng liwanag. Namangha at nagtaka si 000 sa kanyang nasaksihan, sa kanyang kyuryosidad ay lumapit siya rito at tinangkang abutin nang bigla itong pumasok sa kanyang katawan. Kakaibang sensasyon ang kanyang naramdaman, kirot at init, pakiramdam niya ay halos mapunit na ang kanyang katawan sa pangyayaring iyon at pagkatapos ay gumaan ang kanyang pakiramdam na tila natanggalan ng ilang toneladang pasanin.

Kung tama ang pagkakaunawa niya, sa ikatlong pahina ng Grimoire ay inilarawan ang anyo ng telesma na tanging mga banal lamang ang makakasaksi, ito ay anyong puting hamog ng liwanag na walang dudang katulad nga ng nasaksihan niya. Kung kaya't mas minabuti niya na gawing basehan ang mga nakasaad sa aklat na iyon sapagkat ang ilan sa mga pangyayaring nasaksihan niya ay tumutugma sa mga impormasyong nagmula doon. Mula sa pagkadiskubre sa telesma ay sinimulan na niyang hasain ang pakiramdam sapagkat mayroon siyang hindi mabilang na oras, ayon sa aklat, ang mana ay natatamasa ng mga tao na matagumpay na nakipagkaisa sa kalikasan.

Nagsimula siyang magnilay-nilay, katulad ng nakagawian ay patuloy niyang sinanay ang sarili hanggang sa maramdaman na niya ang koneksiyon sa kapaligiran. Sa simula ay isa lamang ngunit ang bilang ng mga maliliit na asul na bola ng liwanag ay bumabalot sa kapaligiran... mga magagandang bagay na hindi kayang hawakan. Nagpayuloy siya sa pagsasanay ng ilan pang mga araw hanggang sa tuluyan na niyang natutunan ang paggamit dito, tinipon niya ang mana sa kapaligiran at inisip ang imahe ng apoy, muli matapos ang mahabang panahon ay muli na niyang naramdaman ang init ng elemento na tumapos sa buhay ng lahat ng nilalang.

At nagpatuloy siya sa pag-eensayo upang mapawi ang pagka-bagot.

-----------------------------------------------------------------------------

Nagdaan na ang maraming taon at ang mga puno sa paligid ay yumabong na at kumapal, ang mga nagtataasang halaman ay nagsimula nang mamunga at iyon na nga ang pinakahihintay niya... ang maranasang muli ang pakiramdam ng pagkabusog. Marahil siya ngayon ay isang immortal na hindi nangangailangang dumumi o kumain, nais parin niyang maramdaman ang mga pakiramdam na muntik na niyang malimutan. Kumain siya ng kumain hanggang sa magsawa at naghintay ng buong araw upang subukin kung maglalabas pa ba ng dumi ang kanyang katawan, ngunit tila ba walang nangyari at gayun nga ay hindi parin siya nakakaramdam ng gutom o kahit ano.

"Ano ba namang buhay to?!!" reklamo niya habang tumititig sa kawalan.

Sa tinagal-tagal ay ngayon pa lamang niya naisipan ang isang bagay, at iyon ay ang pagpapakamatay. Natural na sa isang tao na isipin ang kaligtasan at iwasan ang mga bagay na magdudulot ng kanilang pagpanaw, ngunit bagot na bagot na si 000 at sa tingin niya ay wala namang masama kung susubukan niya ito.

Unang ginawa niya ay pag-akyat sa matarik na batuhan at pagtalon mula sa pinakamataas na bahagi, ngunit parang troso lamang na tumatalbog-talbog pababa ang kanyang katawan at hindi man lamang siya nakaramdam ng sakit. Sumunod ay sinubukan niyang humanap ng mga makakapal na halamang baging at sinubukang magbigti,

"Haysss para lang akong tanga dito ah," singhal niya matapos ang maghapong pagbibigti at wala manlang nangyaring kakaiba.

Hindi parin nagpatinag si 000, at sinimulan niya ang mahabang lakaran upang hanapin ang karagatan na dati ay natatanaw pa niya mula sa malayo noong hindi pa ganoon kalago ang mga halaman. Nang makarating ay agad siyang tumakbo sa baybayin at diretsong naglakad hanggang sa lumubog sa tubig ang kanyang buong katawan, malalim na ang kanyang narating ngunit para lamang siyang naglalakad sa lupa dahil hindi niya inaasahang hindi na niya kailangang huminga. Ang ilalim ng karagat ay kamangha-mangha para sa kanya, sapagkat ang mga bato doon ay kakaiba kaysa sa mga nasa kalupaan at doon niya rin nadiskubre ang bagay na nakapagpangiti sa kanya... nadiskubre niya na mayroon nang presensya ng buhay, mga maliliit na nilalang.


next chapter
Load failed, please RETRY

Wöchentlicher Energiestatus

Rank -- Power- Rangliste
Stone -- Power- Stein

Stapelfreischaltung von Kapiteln

Inhaltsverzeichnis

Anzeigeoptionen

Hintergrund

Schriftart

Größe

Kapitel-Kommentare

Schreiben Sie eine Rezension Lese-Status: C2
Fehler beim Posten. Bitte versuchen Sie es erneut
  • Qualität des Schreibens
  • Veröffentlichungsstabilität
  • Geschichtenentwicklung
  • Charakter-Design
  • Welthintergrund

Die Gesamtpunktzahl 0.0

Rezension erfolgreich gepostet! Lesen Sie mehr Rezensionen
Stimmen Sie mit Powerstein ab
Rank NR.-- Macht-Rangliste
Stone -- Power-Stein
Unangemessene Inhalte melden
error Tipp

Missbrauch melden

Kommentare zu Absätzen

Einloggen