ANG lakas ng kalabog ng dibdib ni Jyra habang sila'y papalapit. Kulang nalang ay isiksik niya sa kili-kili ni Shawn ang sarili, huwag lang siya makita ni Malik.
"It's been a while, Shawn."
The familiar voice echoed on her eardrums as it sends shiver down her spine. Damn. Anumang oras ay baka ikamatay niya sa sobra kaba. Feeding herself some air to breathe she kept on staring at the ceiling. Thank goodness that Shawn has this broad built, he can hide her small frame.
"I haven't seen you for ages, Man. What's up?" Shawn crouched to welcome Malik through fist bump.
Dahil doon ay nasulyapan siya ni Malik. Nasapo niya ang batok dahil sa simpleng hagod nito ng tingin sa kanya. She felt goosebumps every time those dark eyes lingered on her body.
"Yeah! I'm doin' great. How are you, Shawn?" Malik asked with humor but for Jyra, his voice sounds menacing tonight. It is like her presence brings bad luck for him. A great disturbance for this supposed good time.
Shawn pulled her. Napatuwid siya sa pagkakatayo, lalo noong lumipad kay Winona ang kanyang paningin. Gulat na gulat ito halatang hindi siya nakilala. Winona's eyes obviously scanned her getup. Kitang-kita niya 'yon kaya bigla siyang nanliit. Bakit ba kasi nag-jeans siya? Walang-wala sa suot ni Winona na party dress.
She looks Vika for real. She thought as she adores the black dress that hugs Winona's curvaceous body.
"Malik, I'd like you to meet my sister, Winona Friis," Shawn proudly introduced her.
Hindi komportable si Jyra sa set-up nila. Kung kanina'y gustong-gusto niya ng umuwi, ngayon ay gusto na niyang magpalamon sa lupa.
She swallowed the huge lump on jer throat. Bakit ba siya kinakabahan? Sanay siya sa ganitong larangan. Mas bigatin pa nga ang mga nakakasalamuha niyang tao noon.
Taas noo siyang ngumiti at buong kumpiyansang humarap dito. "Nice to meet you Mr. Malik."
Malik met her gaze before be offered a handshake. She sweetly smile and took his hand, leven if her beart was beating loud.
"Good to meet you as well, Ms. Winona." Malik immediately released her hand to face the lady on his side. Kung anong proud ni Shawn para sa kanya, walang-wala iyon sa ning-ning ng mga mata ni Malik noong ngitian nito ang kasama.
May gumuhit na kung ano sa dibdib niya at hilaw na ngiti ang lumandas sa kanyang labi.
Malik faced them both. "Shawn and Winona, meet Vika, my girlfriend."
Halatang natigilan si Shawn sa ginawa ni Malik, pero kinalauna'y nakabawi ito at nakipag-shake hand sa babae. Ipinakilala rin si Vika sa iba pang kaibigan ni Shawn. All the boys drooled on her. Kung hindi lang sila bumukod ng sofa ay tiyak kanina pa pinagkakaguluhan ito.
Dalawang sofa ang kinuha nila. Sa kanang bahagi ang grupo ng mga kaibigan ni Shawn habang silang apat naman ay sa katabi. Magkatabi si Shawn at Malik, walang patid ang kuwentuhan habang silang dalawa ni Winona ay nagpapakiramdaman dahil sa layo nila.
Dalawang baso na ng scotch ang nauubos niya. Hindi siya mapakali at kanina pa siya nangangating kausapin si Winona. Ang kaso'y sa tuwing susubukan niyang lingunin ito'y nakikita niya ang kamay ni Malik na humahaplos sa braso ng kaibigang si Winona.
"Thanks," aniya sa waiter na nagdaan para sa kanyang ikatlong scotch. Inisang lagok niya iyon bago nagpasyang tumayo.
Hindi niya alam kung bakit niya iyon ginagawa. Basta sa mga oras na ito, ayaw niyang isaksak sa kokote niyang totoong may relasyon ang dalawa. Ang mga katanungan niya ay parang mga lobong lumulutang sa utak niya. Ang dami at nakakaimbiyernang hindi masagot.
Kailan pa?
Ilang taon na ang relasyon nila?
Bakit hindi manlang sinabi iyon ni Winona?
In the middle of the crowd, she looked to Malik. Huminto siya nang makitang sinusundan siya nito ng tingin. That's impossible. May tama na ako kaya maging sa ganitong pagkakataon ay nag-i-ilusyon na ako. Dahil sa init ng ikaapat na scotch ay tinanggal niya ang leather jacket. Pinagpapawisan siya dahil na rin sa pagod kakasayaw. She brushed her hair using her bare hands while staring on the ceiling.
Ang sabi ko kakalimutan na kita Malik. Pero, bakit pilit na pinagku-krus ang landas natin?
She glanced back to Malik. Nakita niya itong umiinom ng alak nang hindi inaalis ang paningin sa kanya. Naiawang niya ang mga labi habang hinahayaan ang 'di kilalang kamay na maglakbay sa kurba ng kanyang katawan.
You're just my fantasy now. Ngumisi siya nang makisabay ang kung sino man sa kanyang pag-indayog. You're just a part of my past. One of my scar. She closed her eyes to dance wild. Hips slowly swaying up and down. Hinaplos niya ng kanang kamay ang kanyang leeg sa sobrang init. She's drunk and unconscious how many liquors she'd taste.
"Winona?" Shawn held her arm.
Napakapit siya rito ng ma-out of balance. Ngumingisi niyang inalog ang braso nito. "Yes, dear brother?" Naguguluhan niyang nilingon ang likuran, doon kasi nakatingin ito.
"She's mine, Dude." Tinulak ng lalaki sa balikat si Shawn.
Hindi natibag ang seryosong si Shawn. Lumingon lang 'to sa balikat at pailalim kung tumingin sa tumulak sa kanya. "Leave my sister," he growled out of anger.
She's under the spirit of alcohol, hindi niya maintindihan ang sinasabi ng kapatid. Masyadong malakas ang musika kaya pinanood niya nalang ang pag-alis ng kaninang kasayaw.
The music become louder this time. Lahat ng mga nagsasayawan ay lalong naging agresibo at maingay.
Hinila siya ni Shawn sa gilid. Kinuha nito ang jacket sa kamay niya para ipasuot sa kanya. "You're drunk!" Sigaw nito sa kanya.
Dahil sa musika, mapaglaro siyang ngumisi at tumango. She even glanced to Winona. "I want to be her friend," sigaw niya pabalik kay Shawn.
Hindi siya maintindihan nito kaya hinila siya nito upang marinig.
"I said I want Vika to be my friend!"
Tumango si Shawn at gumanti nang sigaw, "Yes, may sasabihin daw siya sa'yo."
Dahil sa pananabik ay nauna na siya sa paglapit at tumabi kay Winona. "I'm sorry. I'm drunk, V. May sasabihin ka raw?"
Winona timidly nodded her head. "I want to invite you and the rest of the gag on Palawan."
She giggled with excitement. "Really? Anong mayroon?" Usisa niya, nilingon din si Malik baka may alam ito. Ngunit nakikinig lang ito sa kanila. Shawn even looks innocent.
"Vogue magazine offered a project. But they want a local theme for me," bulong sa kanya nito.
Nawala ang espiritu ng alak sa katawan niya dahil roon. Vogue is one of her target before. Dalawang beses itong nagpadala ng invitation sa kanya na ilang beses ding tinanggihan ni Pause dahil pang-international daw ito. Tiyak panay out of country daw ang project kaya iniiwasan nila. Marahil dahil sa pagpapakita ni Winona sa mukha bilang si Vika, pumutok ang invitation at mas lalong dumami ang offer. Gusto niyang tanungin si Winona kaso ang dalawang kasama ay nasa tabi lang. Baka magduda ang mga ito kapag kapansin-pansin ang closeness nila.
Alanganin siyang ngumiti. "Congratulations, Vika. That's great."
Winona held her hand. Nagulat siya roon kaya napatingin kaagad siya kay Shawn. Nahuli niyang nakatingin ito kay Vika.
"Come with us to Palawan." Lumapit ito para bumulong, "Miss na miss na kita. Marami tayong pag-uusapan. I'm really sorry, puno ang schedule ko. Nagkaroon lang ng time ngayon."
Nangilid ang luha sa mga mata niya. She missed her too. "Kailan tayo sa Palawan?"
"Sa ikatlong araw mula bukas," pagkumpirma nito.
"We will not stay long, Shawn." Si Malik, agad tumayo na sinundan ni Winona.
Tumayo na rin siya kasabay si Shawn. May saglit na ibinulong si Malik sa kapatid niya bago lumingon sa kanya at tumango.
Winona gave her a peck. "I will text you." Bulong nito matapos ay kumapit sa braso ni Malik para makaalis.
Tulala at tahimik siya hanggang makauwi. Hindi na rin sila nagtagal sa PJ's Lounge dahil tumatawag na rin ang kanilang ina. Si Shawn ang nagdala sa kanya sa kuwarto. Grabe ang iling nito sa kanya noong muli siyang sumuka.
Mula ngayon ay isinusumpa niya na ang scotch. She will stick to wine. And she will limit herself from drinking that is a promise. Ang kanilang ina ang nag-attend sa kanya hanggang sa siya'y makatulog. Shameless, she woke up with hang over.
"Fuck that scotch," Jyra cussed. Nanginginig niyang inabot ang paboritong mug para humigop ng kape.
Huminto si Shawn sa ginagawang plyometric push-ups. Mula sa kanyang gym place ay rinig na rinig niya ang boses ni Jyra. Tumayo siya upang silipin ito sa bukas na pinto. Ngumisi siya nang maabutan ito na nakabulagta sa sofa. Sumandal siya sa frame ng pinto habang nakahalukipkip. "Sinalo ko lang naman ang galit ni Mama kagabi. You awe me little sister."
Hinang-hina siya sa pagtuwid mula sa pagkakaupo. Seryoso niyang nilingon ito. "Because I got drunk?" she asked the obvious.
Shawn pursed his lips. Walang imik na bumalik sa gym.
Jyra arched her eyebrow. Bakit ako magkakautang sa kanya? She got up to pick-up her mug and followed him. Naabutan niya itong nag-explosive pull-ups. Her eyes drifted on his sweaty iron clad shoulder. I think Pause will like him. Humigop siya sa kape habang pinapanood itong tumataas-baba sa bar.
That's is why he was called Hunky Architect, ha? Napansin niya ang bakat ng pawis sa Core Stipe Stringer Vest nito. He is truly my brother.
"Vika invited us to go with her on Palawan." She said eyes were roaming on the place, looking for a chair to sit. Nakita niya ang fitness bench, doon siya lumapit para maupo. This is as big as my workout place. Sumulyap siya kay Shawn. So, talagang maalaga rin siya sa katawan. Humigop siya sa kape noong huminto ang kapatid. Kinuha nito ang towel sa gilid bago humarap sa kanya.
"I have a project on North Gate. I'm part of Malik's team if he's available so am I." An amused smile plastered on his lips when she gave her whole attention to him.
"Iyong tatlong tower?"
May dinampot na gatorade sa gilid si Shawn. Habang binubuksan iyon ay sumagot ito, ""Mahilig ka sa mga sasakyan?" Pinangalahatian nito ang bote bago magpunas ng likod.
"Hindi gaano. Hindi ako sanay magmaneho," she lied.
"Kailan daw tayo sa Palawan?"
She watched him continue his routine. "On the third day. Nga pala may available ba tayong driver? May pupuntahan kasi ako."
Shawn winded up when he slides up and down. Mukhang ayaw nitong paabala kapag workout time niya.
"Fine. Maiwan na kita dear brother." Nagmadali siyang umakyat para maligo. Kailangan niyang katagpuin si Attorney Steven para sa ilang aasikasuhing papeles. She secured that she's safe and no one followed her. Pakiwari kasi niya ay minamata siya ni Shawn. She even visited their house. Winona doesn't visit there anymore. May kinuha itong sariling condo sa pamumuno ng seguridad ni Pause.
Hapon ng makauwi siya. She visited her mother's grave at exact five in the afternoon. Naging emotional ang saglit na pananatili niya roon. Nakukunsensiya na naman siya sa magulang ni Winona at para sa mismong kaibigan.
What if we didn't exchange? Siguro ay mukha siyang kawawa. Wala na nga siyang pamilya, wala pa sa kanya ang atensyon ni Malik. She received a call from Mrs. Friis, nag-aalala ito kung bakit hindi pa siya umuuwi. May dadaanan pa sana siya kaso kinancel niya at umuwi agad.
"Anak, pasensiya ka na kung palagi kaming wala sa bahay ng papa mo. Alam mo naman sigurong busy kami, at itong mga susunod na buwan ay kailangan naming mangibang bansa. We have to meet high people outside the country for our plan expansion of branch. We have to grab this opportunities, para sa kinabukasan niyo ni Shawn," mahabang paliwanag ng kanyang ina.
"Mama, I don't need money, I need you both. Please, take care," she said eyes were teary.
"Oh, our lovely daughter." Niyakap siya nito at dinampian ng halik sa pisngi. "Sa susunod isasama ka namin. Sa ngayon kasi ay baka ma-bored ka roon."
She hugged back. Iyong mahigpit na parang ayaw mahiwalay sa rito. "Sure. Gusto kong mamasyal kasama kayo ni Papa."
"Anyway, next week na 'yung photoshoot na sinasabi ng Papa mo. Tiyak na magugustuhan mo ang mga design ko."
"I love them, Mama." She laughed heartily.
Kinurot ng ina niya ang kanyang pisngi. "Yes, you are sweet."
Saktong kakauwi lang ni Shawn ay papaalis ang mga magulang. They will go to Davao for a diversification. Nagkaroon kasi ng mas malakas na pagtangkilik sa kanilang clothing line sa branch doon.
"May lakad kayo?" tanong ni Mrs. Friis sa kapatid niyang lalaki.
Shawn wiped the side mirror of his Dodge. "Yeah. I think will stay on Palawan for four days."
Tumingin sa kanya ang kanilang Ama. He looks excited for her.
She bit her lower lip shyly. Hindi pa siya nagagawi sa Palawan kaya excited din siya. Kung puwede lang isama ang ama at ina niya'y tiyak mas masaya sana. "Next time we'll go in there?" she teased him.
Mr. Friis chuckled. "Gusto kong ilubog ang katawan ko sa buhangin. I want you to do it, Sweetheart."
Nakangusong tiningnan ni Jyra ang kanyang mga kamay. "Pa, you're so tall." Tumingin siya sa kapatid para humingi ng saklolo.
"I will help her, Pa. Sige na lumakad na kayo, baka maiwan pa kayo sa flight niyo." Tinapik ni Shawn ang balikat ng ama, "Take care. Don't forget you're med." Humarap ito sa ina para yumakap. "Ma, iwasan ang seafood."
"Oh, silly man." Umikot ang mata nito habang naiiling. Malungkot na ngumiti ang kanilang ama.
Natahimik si Jyra. Hindi niya nakuha kung bakit dismayado ang kanilang ina sa sinabi ng kapatid. Tiyak ay may hindi siya alam.
Nang tuluyang lumakad ang sasakyang lulan ng kanilang magulang ay natulala si Jyra. Naguguluhan pa rin siya. "Bawal ba kay Mama ang seafood?"
Biglang lingon sa kanya si Shawn. Ginapangan tuloy siya ng kaba. May nasabi ba siyang mali? Dahil sa kakarampot na liwanag ay hindi niya maaninag ang buong expression nito. Lalo siyang kinabahan sa pananahimik nito at sa paraan ng paninitig na parang tinatantsa siya. "Our family's allergy was seafood. Don't you have it?"
Naiwan siyang tulala sa kawalan. Paano niya malalaman iyon kung mismong ang totoong Winona ay wala namang sinasabi? Hinabol niya ng tingin ang papalayong si Shawn. Bakit si Winona kumakain ng pusit? Wala namang nangyayari sa kanya. Actually, paborito pa nga niya iyon.
Inubos niya ang ikalawang araw sa pag-reply sa mga email. Nagkulong siya sa kuwarto at lalabas lang kapag kakain. Shawn is out again because of his work. Noong dinner ay saktong umuwi ito kasabay siya.
"Ihahatid tayo ng sasakyan ni Colin sa Airport bukas ng umaga. Nakahanda na ba ang gamit mo?" Tanong sa kanya ni Shawn noong siya'y naghuhugas ng kamay.
"Kagabi pa."
Tumango lang ang kapatid niya.
He looks exhausted. Mukhang may problema. "Are you okay?" Lumapit siya rito para kapain ang noo. Nang maramdamang hindi ito mainit ay agad siyang dumistansiya.
Shawn cocked his head. A ghost of smile shown on his lips. "Sobrang init kanina tapos biglang umulan. Nasira 'yung ilang simento na ginagawa kaya nagkagulo ang mga laborers." Huminga ng malalim si Shawn.
Tama siya may problema nga ito. She looked at her as if she's saying continue she's listening.
"Ganoon lagi ang nangyari kaya nagkasakit ang ilan sa kanila. Sakit talaga sa ulo ang klima rito sa Pinas." Dugtong pa nito, hinihilot ang sentido.
Agad siyang tumalikod para kumuha ng orange juice. Inilapag niya iyon sa harap ng kapatid. "Inumin mo iyan, pinagawa ko 'yan para hindi bumaba ang immune system natin. Gusto mo ba damihan ko para mabigyan din ang mga trabahante?"
Huminto si Shawn sa ginagawa para sumulyap sa orange juice. "No need. Magpapagawa ako para sa kanila. Thanks sister."
Tumango siya nang may ngiti sa labi. She discovered something about him. Shawn is not that kind of arrogant man. He is serious about his work. He concerned himself too with his coworkers.
He is caring. I wonder if he has girlfriend? Ilan na kaya ang naging girlfriend niya? Lahat ba sila ay inalagaan niya? Napatingin siya sa ceiling. How about Malik? I know him. May comparison sila ni Shawn; he cares a lot too. So kindhearted hiding under those ruthless and menacing look. Sa una iisipin mong wala itong pake o makasarili. Mayabang at mukhang galit pero kapag nakilala mo siya'y tunay na mamamangha ka.
"Go upstairs, Winona. Maaga pa tayo bukas." Si Shawn, naubos na pala ang juice sa baso.
Umalis siya roon ng walang imik. Nagulat pa siya sa biglang pag-vibrate ng cellphone niya. Nang silipin niya iyon ay may mensahe pala si Winona.
Winona: Just got home. See you tomorrow, Jyra. Goodnight.
Jyra: See you. ^_^
INAANTOK pa si Jyra ng siya'y makapuwesto sa tabi ng bintana. Humalukipkip siya at sumandig sa gilid para umiglip ulit. She even fixed her aviator to cover up her eyes. Madaling araw sila lumakad dahil six ay dapat naroon na sila sa Airport.
"One of the famous no more bachelor Engineer of Asia was pick-up by, Vika, the Goddess of beauty and famous model under Swizz Agency."
Kahit nakapikit ay nakilala ni Jyra ang boses ni Colin. She can picture out his facial expression while stating those line. He is exaggerated really.
Naghiyawan ang mga kaibigan ni Shawn, habang ito'y gaya niya mukhang nangongolekta ng tulog.
"Patingin ng picture, Co."
She opened her eyes to see Fred from the rearview mirror. Bumubungisngis ito habang tinitingnan ang picture sa marahil ay cellphone ni Colin.
"Shut the fuck up. Ano kayang magiging reaction ni kuwan kapag nakita ito?" Si Pao nakikitingin sa picture.
"Luma na 'yang balita na 'yan. Pang-ilang araw na. Ang abangan niyo kung sino ang mga lalaki ni Vika. Hindi lang naman si Malik ang sumubok na mapalapit sa kanya." Parinig noong Carl, nginuso ang katabi niyang patay malisya.
Nagmura si Fred para gisingin si Shawn. Gumalaw ito para dumikit ng bahagya sa kanya. "Past is past. Marami pang babae sa mundo," bulong nito.
Naghagalpakan nang tawa ang mga kaibigan nito, halatang inaasar si Shawn.
"Si Uno kasi ang madalas kasama ni Malik. Hindi namin alam kung kailan at paano nagkakilala ang dalawa. Wala akong balita kay Zedrick 'yung pinsan niya pero alam ko naiwan sa Dubai 'yon dahil nandoon ang project niya. Alam ko kasama sa team niya si Malik, kaya ba siya bumalik para surpresahin si Vika?"
Inakbayan ni Colin ang nagsalitang si Pao na nasa likuran nito.
"Ayoko kasi sa Dubai, may amoy doon 'yung mga babae. Kumpara mo sa America, tingnan niyo si Shawn, muntik ng makabuntis ng western." Siniko nitong si Colin ang natutulog pa ring si Shawn. "Alam ko may pinopormahan 'tong model na kasama sa parade ni Vika. Anong pangalan noon, Bridgette?"
"Iyong blonde ang buhok? Tangina, ang lusog ng dibdib noon, hindi ba? Lunod si Shawn doon."
Napaayos nang pagkakaupo si Shawn dahil sa sinabi ni Fred. Gayunpaman, hindi pa rin ito dumidilat.
"Pero alam niyo chic 'tong kapatid ni Shawn. Pang international model ang mukha." Dugtong ni Fred, sumulyap sa kanya.
May sumitsit na hindi nakita ni Jyra. Dahil doon ay biglang natahimik ang mga ito. Basta nagulat nalang siya nang magising dahil sa kalabit.
"Nandito na tayo. Gising, Winona."
Biglang bangon si Jyra dahil sa paggising sa kanya ni Carl. Inayos niya ang suot na aviator, lumingon sa likuran. Siya nalang pala ang nasa loob.
"Si Shawn?" tanong niya rito, lumilinga sa labas dahil hindi niya ito makita.
"Kausap si Colin. Halika ka na at 'yung gamit mo nasa push cart niya na." Nilahad nito ang kamay sa kanya na agad din naman niyang pinaunlakan.
Nag-abot sa kanya ito ng wet wipes. Bigla tuloy siyang na-conscious at nagmadaling nagpunas noon. "Thanks," she said, looking herself in the compact mirror.
Dahil sa Palawan lang naman sila pupunta, hindi ganoong kalaki ang aircraft na sinakyan nila. At ang byahe ay saglit lamang. Tirik na ang araw ng sila'y makarating sa kanilang hotel. Hindi mapigilan ni Jyra ang huminto at bitawan ang hila-hilang maleta para mamangha sa asul na karagatan 'di kalayuan sa kanilang puwesto.
Napahawak siya sa sobrerong suot nang umihip ang sariwang hangin mula sa matatayog at mayabong na puno. Pumikit siya upang damhin iyon. This is heaven.
Napasulyap siya sa gawi ng mga kasama. Nakita niyang pinapanood siya ni Shawn. Nakangiti ito sa kanya.
"Sila Vika?" Tanong niya nang makalapit dito.
Sabay-sabay silang tumingala dahil sa maingay na tunog. Naggalawan ang mga puno, nilipad ang mga nagkalat na dahon at naging maalikabok ang paligid kaya't hinawakang maigi ni Jyra ang summer hat na suot.
Lumanding ang private jet sa malawak na espasyo 'di kalayuan sa kanila.
Lahat sila ay natahimik noong bumaba roon ang seryosong si Malik. Naka-asul sweat shirt ito at black jeans. Nahiya ang GQ model sa on the go active stance nito. Followed by Winona on her sexy slash neck off shoulder mini dress. She looks stunning with her curly hair and neon pink lips stick.
Oh, that is not me, Winona. Vika preferred neutral or nude lipstick.
Umilag siya ng tingin noong tulungan pa ni Malik ito sa pagbaba. She felt embarrassed all of a sudden.
"Are you, okay?" Shawn appeared on her vision.
"Nothing. Tara na?"
Tumango ito sa kanya at bago sumunod ay sumulyap siya kay Winona na pinagkakaguluhan ng staff ng Swizz at Vogue. She even saw the famous photographer Mr. Chen. Siya ang isa sa mga gusto niyang makapareha noon sa isang shoot dahil creative ang mga ideas nito.
Habang minamasdan ang nakangiting si Winona, bigla siyang nakaramdam ng inggit. Inggit dahil nagagawa ni Winona ang mga hindi niya kaya noong siya si Vika. Dahil sa maskarang suot niya, limitado ang ginagawa niya. She used voice changer to hide her real voice, she even talked very limited. Hindi gaya ngayon ni Winona na malayang nakakausap ang mga staff.
Malik stood beside Winona. He looks tall, strong and massive. Tipong walang makakapanakit kay Winona kapag nasa paligid siya. His whole attention is only with her.
Bigla siyang napatingin sa kanyang mga paa.
Something on her chest hurt. Malungkot siyang sumunod kay Shawn. Hinatid siya nito sa kuwarto niya. Shawn asked for a separate room for her.
"Hihintayin ka namin sa baba. Doon na tayo kakain ng tanghalian," Shawn adviced her.
Sa ibaba kasi ang kuwarto ng mga ito malayo sa kanya dahil nasa third floor ang pang solo rooms. Gusto kasi nila Colin ng kuwartong may Jacuzzi at available lang iyon para sa group rooms.
Hindi mapakali si Jyra ng siya'y makapagpalit. May nakita kasi siya sa ibabang grupo ng mga kababaihan na handa na sa pag-snorkeling. Pangarap niya iyon kahit pa hindi naman siya sanay sumisid. Ang alam kasi niya ay hindi naman sila lulubog dahil sa life vest, kung baga papanoorin niyo lang ang mga coral reefs or papakainin ang mga isda.
She comfortably wear her off shoulder floral dress white chiffon. Sasabihin niya nalang kay Shawn ang plano para hindi masayang ang suot niyang bikini. Bago lumabas ay sinuot niya na ang kanyang aviator at summer hat.
When the elevator open, her eyes drifted to the group of gals she knew very well. Sila ang top five na kasama sa parade ni Vika. Lahat sila ay nakasuot ng pare-parehas na pink night gown. Nagtatawanan ang mga itong lumagpas sa kanya. She even saw Bridgette withn them. Bigla niyang naalala si Shawn. Totoo nga kayang nililigawan niya ito?
Taas noo niyang binagtas ang lounge palabas sa double door ng hotel bumubuntot sa limang dalaga. Sa 'di kalayuan ang grupo nila Shawn. At tama nga ang inaasahan niya, huminto ang limang babae sa harap nila Shawn.
Her brother wears sando and summer shorts. Hindi ito ngumingiti malayo sa mga nagtatawanang sila Pao, Colin at Fred.
Bridgette whispered something to her brother. Nagtiim bagang naman si Shawn matapos ay luminga. Nang makita siya nito'y agad itong lumapit sa kanya. "Gutom ka na?" bungad nito sa kanya.
Sinilip niya ang cellphone bago nagsalita, "Kasabay ba nating kakain sila Vika?"
Nagkamot ng noo si Shawn. Sumulyap ito kila Colin. "I don't think so. Parang naghahanda sila para sa first shots."
"Mauna na pala tayo?"
"Tara na guys, gutom na kami!" Si Fred tinatanaw ang kabilang side na kubo style. Kumpara sa ibang kubo na cottage like, mas malaki iyon na parang sizzling plate ang menu.
"Sige. Kain na tayo." Siya na ang sumagot, hinila si Shawn sa braso para bilisan.
Mas malaking lamesa ang pinili nila. Inaasahan ni Jyra na bandehado ang order ng mga kasama. She got surprised with their food. Seriously, for Fred he contented his stomach with one order. Kung sino pa itong payat na si Carl ay siya pa ang may extra rice.
She soothes herself with Caesar salad and pina colada while Shawn ordered one whole chicken and chorizo risotto.
Mabilis silang natapos dahil excited ang mga kasamang makapag-beach. Naiwan na sila ni Shawn dahil ang bagal nilang maglakad.
"I want to try the snorkeling, Shawn." Panimula niya kinuha ang suot na tsinelas para maramdaman ang white sand. She grind her feet to dig a hole on the sand. Nakakakiliti iyon at nakakangilo ng ngipin. Binalingan niya ang dalampasigan. Naakit siya sa tubig na humahampas sa buhangin. Kinikilig niyang sinalubong iyon na parang bata. "Ah, this is cool," She murmured and glanced to Shawn.
Nahuli niyang kinukuhaan siya nito ng picture. "Utos ni Mama," paliwanag nito kahit wala naman siyang sinasabi.
She smirked and crouched to take some water. A silly idea played on her head and threw the water to Shawn. Tumatawa ito sa pag-ilag sa kanya.
"You guys are having fun."
Nawala ang ngiti sa labi ni Jyra sa biglang pagsulpot ni Winona na ngayon ay naka-pink night gown na kagaya ng suot ng limang babae kanina. Sa likod nito si Malik in his summer shorts and a white t-shirt.
"Tapos na kayo?" Tanong niya habang nililikom ang laylayan ng kanyang dress.
Winona nodded her head nonchalantly. Masigla itong lumapit sa kanya para hawakan sa braso. "We want to try the banana boat."
Lumingon muna siya kay Shawn bago tumango kay Winona. Ang totoo ayaw niya. Natatakot kasi siya pero malabong hindi siya mapapapayag. Lalabas silang kill joy kapag nagkataon.
She removed her dress leaving her one piece bikini, ganoon din si Vika na naka-two piece naman. Malik and Shawn are both shirtless. Pinagsuot sila ng life vest at pinaliwanag ang ilang instruction, ang kaso'y masyadong kinakabahan si Jyra dahil hindi siya marunog lumangoy. Iniisip niyang malaki ang posibilidad na tumaob ang banana boat, hindi sapat na life vest lang. Dapat ay sanay ka ring lumangoy.
Humanga siya sa tapang ni Winona para magpresintang maupo sa harapan. Hindi alintana ang peligro kapag tumabod sila. Sa likod nito ay si Malik.
"Ako na sa likod, Winona." Ani Shawn, hinigpitan ang life vest niya. Bagaman kinakabahan ay tumango siya. Nanginginig siya sa pag-upo. Ilang beses pa niyang hinila-hila ang handle dahil baka matanggal iyon sa sobrang bilis nila mamaya.
"Scared?" tukso sa kanya ni Shawn.
Kung hindi lang siya kinakabahan ay baka nakikipag-asaran na rin siya rito. Ang kaso'y namumutla na siya sa takot. Hindi na siya makangiti kahit peke nang makaposisyon ang kapatid sa likod niya. Hindi niya kasi aakalaing ganito siya kalapit kay Malik.
Goodness gracious.
Napasigaw silang dalawa ni Vika magsimulang gumalaw ang banana boat.
Sa una'y kalmado pa siya at natitimbang pa ang sarili. Kaso noong makalayo sila sa isla at mapansin ang unti-unting pag-dark blue ng tubig ay nagtatambol na ang puso niya. Hindi na nga niya halos magawang huminga sa sobrang kaba.
The Jet Ski speed up more when their shout becomes louder. Grabe ang kapit niya sa handle sa harapan noong lalong bumilis at mabasa. Namilog ang mata niya noong unti-unti kumukurba ang sinasakyan at sa isang iglap bigla silang tumaob.
Dahil sa sobrang taranta, nabitawan niya ang handle ng banana boat.
Nilamon siya ng malakas na alon at lumubog. She lifted her hand to swum upward but the life vest suddenly loses its air. Takot na takot na siya ng makitang unti-unti siyang lumulubog. She spread her hand to reach something. And she made it, a string that connects to someone gives her hope. Kinakapos na siya ng hangin kaya't kahit nahihirapan ay ibinuka niya ang bibig upang sumigaw, "Save me. Please, save me."
But only bubbles come out in her mouth.
Is this the end of my life?