App herunterladen
4.52% My Youth Began With Him (Tagalog) / Chapter 89: Bastos

Kapitel 89: Bastos

Redakteur: LiberReverieGroup

Chapter 89: Bastos

"Dalian mo at umalis ka na rito," sabi ni Huo Mian nang sumilip siya sa pagitan ng kanyang mga daliri at napansing walang balak umalis si Qin Chu.

"Naglalakad ka dito ng hubad sa kasagsagan ng araw… sigurado ka bang hindi mo ako inaakit?" tumawa ng bahaya si Qin Chu habang hindi inaalis ang tingin sa katawan ni Huo Mian.

"Hindi ko alam na nasa bahay ka. Sinong makapagsasabing nasa bahay ka ng ganitong oras! Wala ka bang pasok?" galit na pagkakasabi ni Huo Mian habang itinuturo si Qin Chu. Ang kanyang mukha ay puno ng inis.

Nanatiling tahimik lang si Qin Chu habang sinusundan ang kurba ng katawan ni Huo Mian mula taas hanggang baba.

"Bastos ka!"

Pakiramdam ni Huo Mian ay nailantad na ang lahat sa kanya. Tinulak niya si Qin Chu at tumakbo papunta sa kwarto.

"Mrs. Qin. legal mo na akong asawa, okay?" hindi mapigilang sabihin ni Qin Chu sa kanyang sarili.

- Sa kwarto -

Ayaw umalis ni Huo Mian sa kwarto pagkatapos niya magbihis.

Hindi niya alam kung paano haharapin si Qin Chu, sobrang nahihiya siya…

At bakit siya naniwala sa isang walang kwentang biro at tinakpan ang kanyang mukha?

Dalawa lamang silang tao sa bahay, at sa pagtatangkang takpan ang kanyang mukha, nailantad lalo ng buo ang kanyang katawan. Tinukoy pa ni Qin Chu na mali ang naisip niyang pagtakip sa kanyang mukha.

Kung malalaman ni Zhu Lingling ang tungkol dito, tiyak na tatanungin nito ang kanyang status bilang henyo na may IQ na 130.

Pakiramdam niya nakalimutan na ng utak niya kung paano gumana ng maayos simula noong nakaraang pitong taon…

At ang pinakaimportante, akala ni Huo Mian ay nasa trabaho si Qin Chu.

Hindi ba dapat ang president ng GK ay palaging abala? Bakit siya nasa bahay at nagpapahinga sa kalagitnaan ng araw?

At hindi pa sabado at linggo…

Wala bang makapagsasabi sa kanya kung ano ang nangyayari?

Sa totoo lang, dapat ay nasa trabaho si Qin Chu ngayong araw, pero nag-aalala siya na baka gumising si Huo Mian nang walang pagkain.

Kaya napagdesisyunan niyang magtrabaho mula sa bahay sa pamamagitan ng telecommunications at kakalinis lamang niya ng kanyang email inbox nang mapansin na tanghali na.

Ang akala niya, magigising palang si Huo Mian kaya umalis siya mula sa study.

Wala siyang ideya na makakakita siya ng isang kawili-wiling eksena.

Totoong may nangyari na sa kanila seven years ago, pero hindi ito gaano kagandang experience dahil pareho silang bata pa at wala pang alam.

Ngayon, pareho na silang matanda at kasal na ng ilang araw. Ngunit, hindi pa rin sila nakakatulog ng magkasama sa isang kama.

Ngayong nangyari na ito, mas mahihiya sila sa isa't isa, lalo na si Huo Mian, syempre.

Ngunit para kay Qin Chu, ang nangyaring ito ay maganda. Ngayon lang niya nalaman kung gaano kakurba ang katawan ni Huo Mian.

Hindi niya inakala na ang payat at walang-lamang si Huo Mian ay may mga kurba sa tamang lugar.

Sa sandaling iyon, gusto niyang sugurin siya at hayaan siyang magmakaawa sa kanya.

Pero alam niyang hindi ito ang tamang oras, at kapag ginawa niya ito, matatakot siya.

Naghintay si Qin Chu sa sala pero hindi pa rin lumalabas si Huo Mian. Naisip niya na baka nahihiya ito.

"Uy, magtatago ka na lang ba diyan sa kwarto mo habang-buhay?" umakyat siya at kumatok sa pintuan ng kwarto nito.

"Umalis ka! Lalabas lang ako kapag wala ka na."

"Kahit na umalis pa ako hindi nito mababago ang katotohanan na nakita ko na ang lahat," ngumisi si Qin Chu.

"Huwag ka nang magsalita," tinakpan ni Huo Mian ang kanyang namumulang mukha.

"So, wala kang plano kumain ng tanghalian kasama ako?"

"Hindi ba dapat ay nasa trabaho ka ngayon?" tanong ni Huo Mian sa likod ng pinto.

"Dito lang ako sa bahay buong araw, kaya walang point para magtago ka pa."

"Bakit ang sama ng ugali mo!" pagalit na sabi ni Huo Mian.

"Masama ang ugali ko kung magtatago ako ng camera sa paliguan, hindi ba?" sabi ni Qin Chu.

Walang masabi si Huo Mian.

"Tara na, kumain na tayo."

"Ayaw ko."

"Sige, kung patuloy ang pagiging matigas ng ulo mo, tatawagan ko si Wu Zhongxing at sasabihin na ang aking asawa ay hindi na makakabalik sa trabaho, at may plano nang magtago sa kwarto niya habang-buhay," sabi ni Qin Chu habang nagkukunwaring paalis.

"Tigil! Sino ka para pakialaman ang trabaho ko!" binuksan kaagad ni Huo Mian ang pinto.

"Buti at lumabas ka na. Tara, kumain na tayo. Gutom na ako," sabi ni Qin Chu habang pababa na ng hagdan.

Suot na Huo Mian ang isang beige na sportswear at ang kanyang basang buhok ay nakalagay sa kanyang mga balikat.

Ang kanyang suot ay nagpabata sa kanya, na parang isang high school student.

-Sa loob ng Maybach -

Tinitigan siya ni Qin Chu ng ilang sandali. Ang kanyang mga mata ay nagpapakita ng kaunting pagkaamo na mahirap makita.

"Anong tinitingnan mo? Hindi ka pa ba nakakakita ng magandang babae noon?" sabi ni Huo Mian at sinadyang umiiwas ng tingin sa mga mata ni Qin Chu.


next chapter

Kapitel 90: Nakasanayan

Redakteur: LiberReverieGroup

Chapter 90: Nakasanayan

"Oo, hindi pa talaga ako nakakakita ng isang magandang babae na tatakpan lamang ang kanyang mukha kapag siya'y hubo't hubad," nakangising sagot ni Qin Chu.

"Hoy…" nahulog na naman si Huo Mian sa kanyang bitag. Sa sobrang hiya, gusto na niyang lamunin siya ng lupa.

"Lalabas ako ng kotse kapag hindi ka pa tumigil," sabi ni Huo Mian habang sinusubukang buksan ang pinto.

"Maupo ka," hinawakan ni Qin Chu ang braso ni Huo Mian.

Naramdaman ni Huo Mian ang init ng palad ni Qin Chu sa ilalim ng kanyang damit. Hindi niya mapigilan ang mabilis na tibok ng puso niya.

 Niluwagan ni Qin Chu ang hawak at ibinalik ang kanyang kamay sa manibela. Walang nagsalita ni isa sa kanila sa buong biyahe.

- Thirty minutes ang nakalipas -

Ang kotse ay nakaparada sa eskinita na puno ng mga kainan sa likod ng Second High School.

Ang mga memorya ay mabilis na bumalik kay Huo Mian habang tinitingnan ang kanyang dating high school.

"Sa pagkakarinig ko ay nabili na ang lupang ito."

"O talaga? Kailan?" walang paking tanong ni Qin Chu.

"Siguro ngayong taon lang? Maraming demolishment signs dito noong nakaraang taon, at ang pagkakarinig ko ay ililipat na ang school sa suburbs."

"Iba ang pagkakarinig ko. Ang alam ko ay wala nang gagalaw sa lupang ito."

"Talaga?" hindi makapaniwalang tanong Huo Mian habang tinitingnan si Qin Chu.

"Oo, wala daw itong business value, kaya walang nang may gusto nito," sabi ni Qin Chu habang papatalikod at pumunta sa isang tindahan ng noodles.

- Ah-Xin's Ramen –

Ang noodle house ay tinatawag na Ah-Xin's Ramen. Ang may-ari ng lugar na ito ay galing sa Taiwan, at siya ay forty taong gulang na. Ang pangalan niya ay Ah-Xin.

Ang kanyang asawa ay isang lokal sa lungsod, kaya sinundan niya ito at dito na tumira dalawampung taon na ang nakakalipas. Mayroon din silang anak na babae at lalaki at kuntento na sila sa kanilang mga buhay.

Madalas pumunta sila Qin Chu at Huo Mian dito noong high school pa lang sila.

Pumupunta rito si Huo Mian dahil masarap at mura rito.

Ang isang malaking mangkok ng ramen ay nagkakahalaga ng dalawang yuan lamang. Ito ay masarap, kahit mayroon lamang itong berdeng sibuyas na sangkap.

Noong una, nag-aalangan si Qin Chu kumain ng street food, pero hindi niya matiis ang mga imbitasyon ni Huo Mian at nagsimulang kumain na rin.

Ang mga nakasanayan ay minsan nakakatakot. Ito ay maaaring mahirap baguhin kapag nasanay ka na.

Tinitigan ni Huo Mian ang noodle house. Walang pinagkaiba ang lahat mula noong seven years ago. Sa ilang sandali, akala niya bumalik siya sa nakaraan.

Hindi na bumalik dito si Huo Mian simula noong maghiwalay sila ni Qin Chu. Natatakot siya na baka ang lugar na ito ay magpapa-alala sa kanya ng lahat at magbibigay ng sakit sa kanyang puso.

Hindi niya inaasahan na dadalhin siya ni Qin Chu rito ngayong araw.

"Sir, dalawang mangkok ng ramen," sabi ni Qin Chu.

"Walang problema!" magiliw na sagot ng may-ari ng tindahan habang sinisimulang magpakulo ng noodles.

"Bakit nakatayo ka lang diyan? Tara dito," sabi ni Qin Chu nang makita niyang tulala si Huo Mian sa may pinto.

Parang nagising mula sa mahabang panaginip, umupo na si Huo Mian.

"Sir, magkano na ang isang mangkok ng ramen ngayon?" curious na tanong ni Huo Mian.

Dapat hindi ito bababa sa sampung yuan, dahil sa pagtaas ng mga bilihin ngayon.

Ngunit, tumawa lang ang may-ari at sinabing, "Pareho lang ng dati."

"Dalawang yuan?" Namamanghang tanong ni Huo Mian.

"Oo."

"Hindi ba kayo malulugi dahil mahal na ang mga bilihin ngayon?" Hindi makapaniwala si Huo Mian.

"Hindi ko masasabing nalulugi na ang negosyo ito, pero paniguradong kaunti lang ang kinikita ko," pinunasan ng may-ari ang pawis sa kanyang noo at tumawa.

"E bakit hindi mo taasan ang presyo? Hindi naman siguro magagalit ang mga bumibili."

"Dahil ayaw kong masira ang mga alaala ng mga tao. Marami sa mga high school students ang bumabalik dito para balikan ang kanilang mga alaala. Minsan, pakiramdam ko, hindi lang ako nagbebenta ng ramen noodles, parang binebenta ko na rin ang mga alaala ng mga taong minsan ay kumain na rito."

"Sir, hindi ka dapat nagbebenta ng ramen, dapat ay maging isa ka na lang manunulat. Para kang kopya ni Yu Qiuyu," tumawa si Huo Mian.

"Wag na, hindi ako edukado, kaya wala akong alam sa panitikan. Pero sabi ng asawa ko, ang kaligayahan ay hindi nabibili ng pera. Naiintindihan ko iyon kapag ang mga batang katulad niyo ay kumakain dito at sinasabi sakin na nasisiyahan kayo. Kaya, hindi namin iniisip ang pera. Hangga't mayroon kaming sapat na pang-araw-araw, ayos lang. Minsan kasi, ang pagkakaroon ng maraming pera ay mas mahirap."

"Hindi lahat ay ganyan mag-isip; bihira na lamang ang may ganyang tingin sa buhay," sagot ni Qin Chu habang nakatingin kay Ah-Xin.

Tumawa lang ang may-ari at hindi na nagsalita pa.

Pagkatapos ng ilang sandali, ang dalawang mangkok ng mainit na ramen noodles ay inihain.

Sumubo kaagad si Huo Mian. Ang lasa nito ay katulad parin noong seven years ago.

"Sobrang sarap," sabi ni Huo Mian.

"Kumain ka pa ng marami kung gusto mo," napatigil sa pagtibok ang puso ni Qin Chu habang pinapanood na mapuno ng pagkakuntento ang mukha ni Huo Mian.

"Sir, bill please!" pagkukusang sabi Huo Mian habang iniwawagayway ang kanyang kamay pagkatapos nilang kumain.

"Huwag ka nang mag-alala, si Qin Chu ay nakapagbayad na ng maraming pera." patawang sabi ng may-ari.

"Nagbayad ka na? Kailan?" gulat na tanong ni Huo Mian.

"Pitong taon na ang nakakalipas."

"Magkano ang binayad mo…?" hindi makapaniwalang tumingin si Huo Mian kay Qin Chu na para ba siyang nakatingin sa isang alien.


Load failed, please RETRY

Geschenke

Geschenk -- Geschenk erhalten

    Wöchentlicher Energiestatus

    Stapelfreischaltung von Kapiteln

    Inhaltsverzeichnis

    Anzeigeoptionen

    Hintergrund

    Schriftart

    Größe

    Kapitel-Kommentare

    Schreiben Sie eine Rezension Lese-Status: C89
    Fehler beim Posten. Bitte versuchen Sie es erneut
    • Qualität der Übersetzung
    • Veröffentlichungsstabilität
    • Geschichtenentwicklung
    • Charakter-Design
    • Welthintergrund

    Die Gesamtpunktzahl 0.0

    Rezension erfolgreich gepostet! Lesen Sie mehr Rezensionen
    Stimmen Sie mit Powerstein ab
    Rank 200+ Macht-Rangliste
    Stone 0 Power-Stein
    Unangemessene Inhalte melden
    error Tipp

    Missbrauch melden

    Kommentare zu Absätzen

    Einloggen

    tip Kommentar absatzweise anzeigen

    Die Absatzkommentarfunktion ist jetzt im Web! Bewegen Sie den Mauszeiger über einen beliebigen Absatz und klicken Sie auf das Symbol, um Ihren Kommentar hinzuzufügen.

    Außerdem können Sie es jederzeit in den Einstellungen aus- und einschalten.

    ICH HAB ES