GABRIELLE'S POV
"Hindi ka ba sasabay sa'min?"
Agad akong napalingon sa nag tanong sa'kin.
Si Samuel pala kasama ko sa banda at the same time ka block mate ko rin.
"Pass muna, kakausapin ko pa si Mara eh"
Kaibigan ko naman si Mara at medyo nag tatampo sa'kin dahil wala na raw akong oras para makipag usap man lang sa kaniya.
"Manunuyo ka nanaman?"
"Kailangan eh, topakin kasi"
Nag tawanan kami saka nag paalam sa isa't isa.
Binabagtas ko palang ang daan papunta sa gym nag tataka na ako kung bakit napakaraming tao sa doon.
*Ting! 1 message received*
Tumunog ang cellphone ko kaya agad kong tiningnan 'yon.
~ Where are you? I'm already here in gymnasium. Faster! ~
Napa kamot nalang ako sa dulo ng kilay ko. Napaka walang pasensya talaga nitong babaeng 'to.
"Uy si Gabrielle pre"
Dinig kong bulong bulungan nila habang nag eexcuse ako papasok ng gym dahil sa sobrang daming tao. Wala naman schedule na event ngayon ah.
"This is awesome, beauties in one roof"
Sa mga lalaki ko lang nanaman naririnig ang mga papuri madalas, pag sa babae kasi karamihan walang pake o may insecurity pero meron din naman sa kanilang marunong umappreciate.
Nang maka pasok na ako sa mga kumpulan sa gym ay saka ko lang na unawaan kung bakit nag kukumpulan sila at ang malala pa do'n mukhang may mga next class sila pero huminto muna saglit dito para manood kasi halos karamihan ay nasa labas lang ng gym naka tanaw samantalang napaka lawak ng bleacher.
May nag lalaro ng volley ball at nandoon si Lexie Jane.
"Kaya naman pala mukhang may event dito eh"
Hinanap ng mata ko si Mara, may kumaway sa may bleacher at ayon nga siya at ang ganda ng ngiti sa'kin.
"Oh? Kala ko ba nag tatampo 'to?"
Mukhang bati nanaman kami nitong topakin na 'to ah.
Lumapit ako sa kaniya at saka umupo at nanood ng laro.
Ang ganda tingnan ni Lexie- ay mali, ang ganda pala ni Lexie.
Mukhang nag eenjoy siya sa laro niya, mga naka uniform pa sila ng pang volleyball.
"So? How's life Gabrielle Rhemzo?"
Doon ko lang ata naalalang may kasama ako.
"Not really good. My Mom's still sick"
Lumaki sa ibang bansa 'tong babaeng 'to kaya english madalas ang usapan namin. Nakaka intindi siya ng Tagalog pero mas prefer pa rin niyang nag uusap kami sa English. Wala namang kaso sa'kin 'yon, kaya kong makipag sabayan -pero hindi kapag ang usapang sabayan ay pera.
"I told you I can lend you a money."
Hinawakan ko ang kamay niya para pahintuin siya.
Ngumiti ako sa kaniya nang may assurance.
"I can do it Mara, I just need your support for now and besides I'm working for my family-"
"But it still not enough"
Ayan nanaman siya, pinipilit nanaman niyang pahiramin ako ng pera. Ayaw na ayaw kong mag kautang lalong lalo na kung kaya ko pa naman mag trabaho o kaya pa ng budget pero kapag kapos talaga, wala akong choice kundi ang mangutang.. pero kasi sobrang nakakahiya at parang tinatapakan ang pride ko.
"Let me handle it on my own. I'll come to you first if ever I can't handle it anymore."
Pinisil ko ang pisngi niya kasi naka busangot nanaman siya. Awww.. that's so cute.
"Ok, c'mon let's just eat for now"
Hindi ko na tiningnan kung anong ginagawa niya at tumingin nalang sa mga nag lalaro lalong lalo na sa pinaka magandang babae sa kanilang lahat.
Nag serve siya at nasalo ng kabila tapos binalik ng team nila sa kabila, naka ilang pasa muna sa kateam ng kabila saka bumalik sa kanila ang bola tapos malakas na hinampas ni Lexie at BOOM! Walang nakasalo sa kabila.
"WOOOOH!"
Sigawan ng mga nanonood.
Nakipag apir siya sa mga ka team niya na may magandang ngiti sa labi.
"Here, I specially prepared this for you- aaaah.."
Nasa tinidor ang ubas na pinapakain niya sa'kin.
Ngumanga lang ako nang malapit na ito sa bibig ko saka niya sinubo sa'kin.
"Sharap"
Nag approve sign ako sa kaniya.
Feeling ko talaga mga first time ko sa ganitong mga pagkain.
"Of course, its still fresh"
Ngumiti nalang ako habang ngumunguya at nanood na ng laban habang patuloy lang siya sa pag bibigay sa'kin ng prutas.
Ayaw naman niyang ako ang kumuha nalang kasi raw bawal akong mag reklamo dahil may mga kasalanan pa ako. Edi pag bigyan kesa mag tampo nanaman.
Nag patuloy ang practice nila habang ang ibang estudyante ay patuloy ang pag sigaw sa kada puntos nila.
Paano kaya kapag nalaman ng libo libong taga suporta niya na muntik nang may mangyari sa'min at nahalikan ko ang idol nila? Mabuhay pa kaya ako no'n kinabukasan?
Iba iba ang prutas na pinakain sa'kin ni Mara. Lintek fruit salad pala ang dala niya. Kung hindi ko pa tiningnan hindi ko pa malalaman. Masyado kasi akong naging busy manood eh.
"She's so gorgeous 'no?"
Kinabahan ako sa tanong niya
"Ha?"
"Her *pointing at Lexie* she's really a big shot"
Naka hinga ako nang maluwag, akala ko lumabas na sa isip ko ang mga sinasabi ko.
"Yeah, I think so"
"Is she still single?"
Huwag ako ang tanungin mo dahil wala rin ako gaanong alam sa love life niya.
Hindi ko alam kung may boyfriend ba 'yong hinalikan ko.
"I-I don't know"
Mabuti nalang medyo maingay mukha namang hindi niya nadinig ang pag sa-stammer ko.
"Whoever her end game, he's so lucky"
He?
Nanlumo nalang ako sa realization na 'yon.
Oo nga naman, in the end isa lang ako sa mga dumaan sa buhay niya at sa lalaki pa rin siya ikakasal.
Kapal din ng mukha ko para umasa sa mga imposibleng bagay na naiisip ko.
Marami nga diyan naanakan na pero hindi nag stay ang partner, ano pa kaya 'yong halik pa lang?
Tumunog ang buzzer nila for a break at change court kaya nag usap usap muna sila saka nag si punta sa mga bag nila para kumuha ng tubig.
May isang babaeng nilapitan si Lexie at ang ganda ng ngiti niya.
Wala sa sariling napa kuyom ako ng kamao nang tanggapin niya ang tubig na binibigay no'ng babae.
ANO BA GABRIELLE! ANO NGAYON KUNG MAY KARELASYON SIYA?! NAG NAKAW KA LANG NAMAN NG ORAS AT ATENSYON NIYA, NAKALIMUTAN MO NA BA?!
"Hey? Are you ok?"
Kinalabit ako ni Mara na nag pa lambot sa ekspresyon ko.
"Of course, why?"
"You're trembling"
Tsk.. nanginginig ako sa inis.
"It's just your imagination"
Nag tataka nalang siyang sumubo rin ng pagkaing nasa lap niya.
"Drink this. You really need a lot of vitamins."
Binigyan niya ako ng orange juice at tubig.
"Are you going to replace my Mom?"
Natatawang tanong ko dahil ready-ing ready siya sa mga ipapakain at ipapa inom sa'kin.
"I'm your best friend, so as a friend-"
"Oo na oo na, sesermunan mo nanaman ako"
She understands me and that's make her pout.
Tiningnan ko ulit si Lexie at nakangiti pa rin siyang nakikipag usap doon sa nag bigay sa kaniya ng tubig na mukhang may kakapalan pa ng mukhang mahiya sa harap niya.
Siya lang ang nakita kong makapal ang mukhang nahihiya.
Selos lang 'yan Gab at wala kang karapatan.
Hanggang sa matapos ang break nila nakikipag usap pa rin siya sa babae at nang mag buzzer ulit ay kilig na kilig naman ang babaeng bumalik sa mga kaibigan niya.
"Ang landi niya"
Bulong ko sa sarili ko
"Sayin' something?"
Mabilis akong umiling saka ngumiti nang matamis sa kaniya.
"I can fulfill the lack of nutrients in your body but I can't handle the lack of development in your brain."
Poker face akong tumingin sa kaniya. So ngayon sinasabi niyang nababaliw na 'ko?
Kinuha ko ang tinidor sa kamay niya at saka siya sinubuan ng apple na nasa baunan niya.
"Heyrgh"
Anya habang punong puno ang bibig niya.
"Pfft.."
Ang cute niya HAHAHAHA...
Pinisil ko ang pisngi niya habang sinasamaan niya ako ng tingin.
"Ayan, ganiyan ka nalang lagi hindi 'yong masyado kang matampuhin"
"Stop it"
Tinanggal niya ang kamay ko sa pisngi niya.
Natawa nalang ako sa pag irap niya at pag iinarte na kunware galit.