App herunterladen
62.85% MY VILE WARMTH (GL) / Chapter 22: Canteen

Kapitel 22: Canteen

Tahimik akong nakikinig habang ang isang katabi ko daldal nang daldal alam namang nasa klase kami.

"Abby, kapag ako napagalitan kakadaldal mo diyan lagot ka talaga sa'kin."

Pasimpleng sabi ko

"Antagal mong nawala tapos babalik ka nang hindi man lang nag kukwento sa'kin? Don't tell me kayo na ni Geronell?"

Kunin noo ko siyang tiningnan.

"Siraulo ka ba? Kaibigan ko 'yon."

Si Mara ang tinutukoy niya, Mara Geronell.

"Mas mukha kayong mag jowa dai."

Napahampas nalang ako sa noo ko at napakamot sa ulo sa pagiging tamang hinala niya.

"Bakit ba nililink mo ko sa bestfriend ko?"

"Best friend best friend, if I know nag di date na kayo."

Tinusok ko ng pabiro ang tagiliran niya ng ballpen ko kasi nagiging ma issue nanaman siya.

"Ano ba?!"

Mahinang reklamo niya habang natatawa.

"YOU TWO! KANINA PA KAYO DIYAN AH! DI KAYO MAKUHA SA TINGIN?!"

Kinikilabutang tumingin ako sa prof namin.

"Ma'am sorry po ma'am."

Paumanhin ko.

"Hindi porket maayos ang grade niyong dalawa sa'kin, pa easy easy nalang kayo!"

Siniko ko si Abby.

Siraulo kasi eh.

"Warning na kayo ah! Sa susunod papalabasin ko na kayo!"

Bumalik sa pag tuturo si Ma'am habang ang iba naming kaklase ay nakatingin sa'min.

Napatago nalang ako sa librong hawak ko.

Sheeet! Nakakahiya!

"This is your fault Abby"

Pabulong na sisi ko sa kaniya

"I'm sorry"

Bulong din na tugon niya.

Nag patuloy na ang discussion at buti nalang hindi na ako dinaldal pa ni Abby.

Nang matapos ang klase ni Ma'am saka ko pinagalitan ng sobra si Abby.

Tinawanan lang kami ng circle of friends namin.

Syempre hindi pwedeng wala akong circle of friends dito sa room. Boring 'yon.

"Madalas ka kasing absent Gab, sa'n ka ba galing?"

Tanong ni Mark, basketball player ng section namin na nilalaban sa ibang course.

"Si Mama kasi may tumulong na para mapa operahan siya-"

"Really?! Who?"

Sabrina asked medyo M.U ata ni Mark, ewan ko sa mga 'yan hindi pa rin umaamin eh halata namang may something sila.

"May iba pa ba kaming maitutulong?"

Julian asked too, siya ang pinaka tahimik sa'min pero sunod naman sa trip ng mga kasama namin.

"Isang mayamang pamilya at ayos na ako, maayos na kami ngayon."

Pag aassure ko sa kanila

"Let's have lunch everyone, I'm hungry."

Pag yaya naman sa'min ni Riza, matalino siya pero tamad siya sa pag aaral at mas gusto niyang kumain kaya medyo may pagka chubby siya.

"You're always hungry Riz"-Abby

"Shut up"

Tumayo na kami ay sabay sabay pumunta sa canteen. Kada course kasi may sari sariling canteen kaya walang siksikan dito unless may susundan silang sikat or artista dito.

May mga schoolmates kasi kaming artista or model, may ibang nag e-extra sa commercial at ang iba ay talagang maganda at matalino lang pero hindi nag aartista gaya ni Lexie.

Binagyo ang tiyan ko nang maalala ko ang nangyari kahapon.

Napatakip nalang ako sa mukha ko saglit at umayos din ng tayo.

*BOG*

May na bangga ang balikat ko na braso ng isang tao nang mag takip ako ng mukha saglit.

"Hala.. sorry po"

Mabilis na paumanhin ko sa nabunggo ko.

Simpleng bungguan lang naman ng balikat.

"It's fine."

Tumango ako sa lalaki at saka ako hinila ni Abby.

"Anong nangyayari sa'yo? Bakit parang lutang ka?"

Nababaliw kasi talaga ako kapag naiisip ko si Lexie.

"Wala, baka kaba lang 'to para sa competition bukas"

"Naks! I'm sure you will win that band competition"-Mark

"Yeah, ang ganda kaya ng boses mo."-Riza

Napakamot nalang ako sa panga ko, mga nambobola nanaman kasi.

Tumingin ako sa likod specially sa nabunggo ko. Nakita ko rin siyang nakatingin sa'kin kaya tumango ako nang may pag galang at gano'n din ang ginawa niya.

"Sino siya? Bakit parang pamilyar siya?"

Tanong ko sa kanila.

"Nag i start na rin siyang mag modeling at lumabas na rin siya ilang commercial. He's Dan Javier"

Javier? Naalala ko tuloy si Fana sa apelido na 'yon.

Kaya pala mukhang pamilyar kasi nakita ko na rin siya sa isang ad sa isang site.

"Sama ka mamaya? Mag kakape kami sa labas."-Sabrina

Lintek! Bakit kailangan pa sa labas? Mas mura ang kape sa mga tindahan hindi sa mga coffee shop.

"Pass, may lesson ako sa photography mamaya after ng practice sa band, tsaka kasama ko rin si Mara mamaya after practice."

Hindi na rin talaga ako nakakasama sa kanila.

"Ayan, pero makakasama mo girlfriend mo"

Pang aasar ni Abby

"Huwag ka ngang issue bruhilda ka. Sasabay ba sa'tin si Samuel ngayon?"

Siya 'yong nag aya rin sa'kin no'ng nakaraan kung sasabay ako sa kanila, ang tinutukoy niya ay itong mga baliw kong kaibigan.

Naiba lang siya ng isang sub namin kaya ngayon hindi namin siya kasama.

"He's already in canteen, nag reserved na siya ng seat for us"-Julian

"Naks! Bestfriend!"

Asar ko sa kaniya.

Ngumiti kami sa kaniya nang may pang asar hahahahaha...

Konti nalang talaga mapag kakamalan ko nang may something si Julian at Samuel eh.

Madalas mag ka chat tapos laging mag kasama or katabi. Alagang alaga pa ni Sam 'tong si Julian.

"Huwag niyo akong tingnan ng ganiyan baka ihulog ko kayong lahat dito"

Seryosong aniya.

Naks HAHAHAHA..

"Usong uso talaga denial dito sa grupong 'to tsk tsk tsk.."

Iiling iling ni Riza.

"Ayaw pa kasi umamin ni Gab na nag didate sila ni Geronell-"

*Pak*

Mahina kong hinampas ang balikat ni Abby na agad niyang hinawakan.

"Hindi nga kami-"

"Baka kasi hindi pa?"-Mark

Isa pa 'to at saka bakit sa babae ako nililink nitong mga 'to.

"Nakita namin kayo nag susubuan no'ng nakaraan sa bleacher tapos sasabihin mong walang something sa inyo?"

Wow! Mas marunong pa sila sa'kin?!

"Akala ko ba nasa canteen kayo no'n?"

"Hinila kami ni Sab at Riza sa gym kasi nandoon daw si Fistorn kaya no choice kami, nanood nalang din kami habang kinikilabutan sa ka sweetan niyo ng bestfriend mo"-Mark

"Tumigil na nga kayo, hindi nga kami at walang something sa'min, pure friends lang kami. Kung gusto niyo si Mara edi ligawan niyo, di 'yong ako nililink niyo."

Aish! Napaka ma issue nitong mga 'to.

"Diba dating model si Geronell? Parang nakita ko siya sa isang magazine eh"-Riza

Eh? Really? Di ko 'yon alam.

"Ah oo, parang nakita ko nga ang itsura niya sa isang magazine 3 years ago."-Sabrina

"Bet pala ni Gab 'yong mga model eh-"

"Bubusalan na kita Abby"

Lakas mang asar amp.

Lumiko na kami papunta sa canteen at gaya nang nangyari sa sa gym no'ng nakaraan dinagsa rin ang canteen namin.

"What the hell are they doing here?"-Riza

Nakita namin ang iba't ibang courses uniform na nandito sa department namin.

"Baka nandito si Cassey Roman?"-Mark

Artista 'yon at sikat na sikat ngayon sa bansa at dito siya nag aaral sa University na 'to.

"Hayaan na nga natin sila ang mahalaga may mauupuan na tayo.

Nag excuse kami sa nasa daan namin at umugong nanaman ang pangalan kong napaka ganda.

Nakakailang kaya kapag napaka raming tumitingin sa'kin.

May ilang humarang sa'kin para makipag kamay pero hinarang din sila nila Julian.

"Haaays! Ang ganda mo kasi friend"-Abby

Kung hindi sa photography at pageant na 'yon, hindi uugong ang pangalan ko sa department na 'to. Kahit ibang department may nakakakilala sa'kin eh.

Sobrang nahirapan talaga kaming makipag siksikan sa sobrang dami ng tao. Wala bang guard dito? Hindi naman sabay sabay ang mga breaktime namin pero ang dami nanamang tao dito.

Dinig na dinig ko pa rin ang pangalan ko pati na ang pangalan ni Sab dahil popular din si Sab dito kasi bukod sa maganda siya, madalas siyang emcee ng mga event at siya ang announcer sa broadcasting ng school.

"Nag kamali talaga ako ng kinaibigan"-Riza

"HAHAHAHA same"-Abby

Halos hindi magkanda ugaga si Julian at Mark para tulungan kami at dumating narin si Sam para tumulong.

Hindi naman ako artista pero bakit ang dami nilang sumusupport sa'kin?

"Galingan mo bukas Gab!"

May sumigaw no'n kaya napa ngiti ako.

"Sure po, thank you po"

Magalang na bati ko sa kanila lalo lang ata silang nag kagulo.

"Damn Gab, don't talk back we can't handle this anymore"-Mark

Nag sorry ako sa kaniya hanggang sa nakapasok na nga kami sa canteen.

May mga guards doon at mukha ngang may artista kaya naman pala hindi lahat naka pasok.

"Excuse me Ma'am, Sir? BA Communication department po?"

Magalang akong sumagot na oo.

"Kasama ko sila kuya"-Sam

Tumango si kuyang guard at pinapasok kami nang tuluyan.

Nilibot namin ang tingin namin sa buong canteen at-

"Bakit nandito ang Computer Engineering, Tourism at Criminology?"

Wala sa sariling tanong ko.

"Wow ah.. alam na alam mo mga course nila ah?"-Abby

Syempre kasama ko sa iisang bahay ang mag pipinsan na 'yon.

"Bago pa pumasok dito si Cassey Roman nandito na 'yan sila kaya hindi pinaalis"-Sam

"Hindi sa hindi sila pinaalis, hindi sila kayang paalisin ng kahit sino sa kung saan sila pupunta dahil kay Lexie Jane"-Mark

Tumingin kami kay Mark kasi parang kilalang kilala niya sila Lexie.

"Anong alam mo."

Sarkastikong tanong ni Sab sa kaniya

"I just know."

Nakangiting sagot niya.

Nag lakad na kami papunta sa mesa namin. Well may iba namang ka department namin dito at ang naiiba lang ay ang grupo ng mag pipinsan.

Nag tago ako sa tangkad ni Mark para hindi ako makita ng mag pipinsan. Hindi pa ako handang mag explain sa-

"Hi Gab!"

Napa hinto ako sa pag lalakad at saka napa lunok.

Tiningnan ko ang mga kaibigan ko na may mga tanong sa itsura nila at gulat.

"A-ate Miks"

Kumaway ako nang may pilit na ngiti sa kaniya.

"Can I borrow her for a minute?"

Tanong niya sa mga kaibigan ko.

Tiningnan ko ang table nila at lahat sila nakatingin sa'kin at kumaway pa si Tristan.

"Oo naman Miss"-Sam

"Bibili na kami ng pang family set ah"-Abby

"Sige-"

Mag lalabas na sana ako ng pera pero inangat na agad ni Sab ang school card niya.

"It's on me Gab, no need to worry"

Ngumiti ako ng may thankful look sa kaniya.

"Let's go?"

Tumango ako.

Nag paalam ako sa kanila saglit.

Habang nag lalakad ako papalapit sa kanila para akong hinihila ng paa ko paatras.

Kinakabahan ako. Hindi ako sumabay sa kanila pumasok kanina kasi mas maaga ang pasok ko sa kanila ngayon.

Nangangatog ako kahit hindi naman siya nakatingin sa'kin. Nakatingin siya sa cellphone niya at kunot na kunot ang noo niya.

"Hi Gab!"

Masayang bati ni Tristan sa'kin.

Nakoooo! Baka sabunutan ako ng mga babae nito.

"You know where to sit Gab. She's not listening to us again, baka mapa payag mo siyang kumain."

Hindi nanaman siya kumain?

Lumapit ako sa tabi niya at umupo.

"Nasa gadget ka nanaman?"

Tinakpan ko ng kamay ko ang screen ng cellphone niya. Doon lang siya tumingin sa'kin.

"Let go-"

"Sabi mo hindi ka papasok ngayon?"

Sabi niya kasi 'yon kahapon. Pinag mamalaki niya na excuse siya sa lahat ng subject teacher niya.

"Blame Mika"

Simpleng aniya

Tumingin ako kay ate Miks

"Kasi walang may free time sa'min ngayon, baka tumirik mata niyan mag isa kaka tingin niyan sa computer."

Binalik ko ang tingin ko kay Lexie at nakatulala naman siya ngayon.

Ano bang nasa isip niya? Madalas na siyang lutang.

"Kumain ka na Lexie, kailangan mong magkaroon ng lakas-"

Nagulat ako nang hawakan niya ang kamay ko sa ilalim ng mesa.

Tiningnan ko siya nang may gulat.

Kumabog nang malakas ang dibdib ko. Anong ginagawa niya, baka may makakita sa'min!

"What- what's with that face Gab?"

Takang tanong ni Yra

Pinanlakihan ko ng mata si Lexie na naka ngisi na sa'kin ngayon at saka ako bumaling sa mga pinsan niya na nakatingin sa'min.

"Wala- Wala may naalala lang ako."

Sinubukan kong hilain nang bahagya ang kamay ko pero hindi niya 'yon pinakawalan.

"Siguraduhin niyo lang na masarap 'to."-LJ

Nilapag niya sa mesa ang cellphone niya at kumuha ng pizza.

Habang siya nag eenjoy sa ginagawa niya, ako naman kinakabahan.

Ilang beses ko rin hinila ang kamay ko nang pasimple pero wala talaga.

"Kumain ka na rin Gab."-kuya Troy

"May pagkain na po ako sa kabilang table."

Magalang na pag tanggi ko sa kanila. Minabuti ko nang hindi tingnan ang mga kasama ko dahil alam kong masasalubong ko lang ang mga tingin nilang nang uusig.

"Lexie Jane Fistorn?"

May tumawag sa likod namin kaya mabilis kong sapilitang tinanggal ang kamay kong hawak niya.

Tiningnan niya ako ng masama bago bumaling sa babaeng-

Cassey Roman!

Pati artista kilala siya. Sheeeet!!

Lalo lang akong nanliit sa sarili ko.

"Why? Who are you?"

Napanganga ako sa tanong niya.

Tumawa naman ang mga pinsan niya habang nakatingin sa kanilang dalawa.

"She's really hopeless."

Iling iling ni Tristan

"Si Gab lang ang kilala niya"

Natatawang sabi naman ni Yra.

Tumingin ako kay Cassey Roman kasi ang ganda niya lalo sa malapitan.

"Hey, stop staring at her"

Kunot noong untag niya sa'kin.

Bakit? Anong masama? Tumitingin lang eh.

Natawa naman si Miss artista

"Hindi na ako nag taka na hindi mo ako kilala. I'm Cassandra Roman and Cassey Roman ang screen name ko-"

"Ahh.. you're the reason why there's so many people outside, don't you know that your presence here is disturbing the BAC department?"

Pasimple kong dinanggi ang tuhod niya ng gilid ng tuhod ko kasi ang rude niyang sumagot.

"Hindi lang naman ako ang dahilan ng-"

"But it's almost all your supporters"

"Neh neh neh.. huwag na kayong mag sisihan, ako na ang sinusundan nila kaya nandiyan sila sa labas"-Tristan

Tumawa naman ang kuya niya

"Kapal ng mukha mo"-Yra

"Ok I'm sorry about that-"

"You must be."

Dinanggi ko ulit ang hita niya at saka siya pinandilatan.

"We're very sorry Miss Roman, she's having a rough day that's why she's a bit abnormal"-ate Miks

Pinaningkitan naman siya ng tingin ni Lexie.

"Ahh.. anyway it's nice to finally meet you personally Miss Lexie Jane Fistorn"

Inabot niya ang kamay ni kay Lexie.

Hmmm.. I can see a twinkle in her eyes same as mine when I'm looking at Lexie. This girl is into Lexie Jane.

She's into girls?

"I'm sorry I can't hold your hand miss, I'm eating but nice to meet you"

Tumango lang si LJ at bumalik sa pag harap sa table.

Nag apologetic smile naman ako nang sa'kin naman tumingin ang artistang nasa likod namin ngayon.

"Nice to meet you too Gabrielle Rhemzo"

Nagulat ako sa sinabi niya, kilala niya ako?!

Omy-

Tiningnan siya ng masama ni Lexie.

"Can you just eat in your table. I don't want to be an apple of an eyes in D.U files again later."

Prangkang aniya kay Cassey.

Mukhang sawang sawa na nga 'to sa mga tingin at atensyon ng mga tao.

"D.U. files?"

Takang tanong niya.

Anong D.U. files? Hindi kasi talaga ako nag bubukas ng social media. Kailangan ko na bang pasukin ang social media ngayon?

Dalawa kaming clueless dito.

"It's the Dalton University page Miss Cassey, it is where the top trends in the university is being posted."

Ngumiti si Cassey at saka tumingin sa kumakain na si Lexie, nakatalikod na ulit mula sa kaniya.

"So, she trends there?"

Magandang ngiting tanong niya.

"She's almost the always number 1 trending in that page."-kuya Troy

Para siyang kinikilig na ngumiti habang nakatingin sa likod ni Lexie.

"Thanks for information, I'll see you around"

Masayang umalis si Cassey at bumalik sa table niya.

"Don't you have a reputation needed to be taken care of Lexie? Stop being rude LJ"-kuya Troy

"Stop talking too, you're ruining my appetite"

Hmm..

"Babalik na ako sa table namin, naka handa na kasi 'yong pagkain namin."

Mabilis naman sumagot si ate Mika

"Uhmm oo nga pala- thank you Gabrielle"

Ngumiti ako sa kanila

"Trabaho ko po 'yon"

Bilang future wife niya.

Echos.. hanggang sabado na lang pala ang kasiyahan ko.

"I'll fetch you later"-LJ

"Ha? Susunduin ako ng kaibigan ko mamaya."

"Aww.. naunahan si Lexie"

Pang asar na tono ni Tristan.

Sinipa naman siya ni Yra para tumigil siya.

"Then tell her to drop you in my building unit. I'll wait you there"

Bakit doon? Feeling ko ang layo no'n.

"Ok... Bye"

Paalam ko sa kanila at nag bye rin sila pabalik.

Medyo bumait bait na sa'kin ngayon si Yra, netong mga nakaraang araw kasi parang ang sungit sungit niya sa'kin, wala naman akong ginagawa sa kaniya.

Pag balik ko sa table namin sinalubong agad nila ako ng sandamakmak na tanong kaya no choice ako kundi sabihin sa kanila ang lahat nang nangyari pwera lang sa pag tira ko sa bahay ng mga Fistorn.

Mas kinikilig pa sa'kin sila Riza eh.

Kung alam niyo lang ang mga nangyari sa'min baka sabunutan nila ako sa pang aagaw ko sa crush nila.


AUTORENGEDANKEN
Piksmeayminit Piksmeayminit

Medyo napa haba ang update... please support my work.. thank you <3

next chapter
Load failed, please RETRY

Stapelfreischaltung von Kapiteln

Inhaltsverzeichnis

Anzeigeoptionen

Hintergrund

Schriftart

Größe

Kapitel-Kommentare

Schreiben Sie eine Rezension Lese-Status: C22
Fehler beim Posten. Bitte versuchen Sie es erneut
  • Qualität des Schreibens
  • Veröffentlichungsstabilität
  • Geschichtenentwicklung
  • Charakter-Design
  • Welthintergrund

Die Gesamtpunktzahl 0.0

Rezension erfolgreich gepostet! Lesen Sie mehr Rezensionen
Unangemessene Inhalte melden
error Tipp

Missbrauch melden

Kommentare zu Absätzen

Einloggen