App herunterladen
32.81% My Fiancee is a Prostitute (Filipino) / Chapter 21: Impossible

Kapitel 21: Impossible

CHAPTER 21

-=Ram's POV=-

Nagbilin lang ako kay Agnes na agad akong tawagan kapag nagising na si Dad, ngayong nagdecide na akong pumayag sa kondisyon nang taong iyon ay kailangan ko nang malaman kung paano ko ito maipapaalam sa taong iyon at ang naisip ko nga ay pumunta sa kuwarto nito para hanapin ang maaring makapagbigay sa akin ng lead para macontact ito.

Agad akong dumiretso sa kuwarto ni Dad pagkarating na pagkarating sa bahay, hindi ko na nga napansin ang mga naging pagbati sa akin nang mga kasambahay namin.

Agad akong naghalungkat sa table nito trying to look for any piece of paper na maaring nakasulat ang numero na kailangan ko, but I already searched his table ngunit wala pa din akong number na nakita.

I tried to check the landline in his room trying to check for a number sa caller id ngunit katulad nang kanina ay bigo pa din ako.

"Sir may hinahanap po ba kayo?" nagulat na lang ako nang marinig ko ang boses sa labas nang pintuan at paglingon ay nakita ko ang isa pa naming kasambahay na si Rita, may hawak itong vacuum cleaner at mukhang maglilinis na sa kuwarto and I was about to ask her to leave nang bigla kong naisipan na tanungin ito.

"Uhmm Rita by any chance kilala mo ba ang madalas kausap ni Daddy sa phone?" nanantiyang tanong ko dito not really expecting to hear anything that can help me.

"Sorry po sir hindi po ako sigurado....." sagot nito and was about to continue searching nang muli itong magsalita. "Pero ang pagkakatanda ko madalas may kausap ang Señor sa cellphone niya." at gusto kong batukan ang sarili ko na hindi man lang iyon naisip.

"Alam mo ba kung nasaan ang cellphone ni Daddy?" tanong ko dito.

"Ang alam ko po dala ni Manang Agnes ang cellphone ni Sir." hindi ko na hinintay matapos ito sa sasabhin nito at agad akong bumalik sa kotse at agad pinaharurot iyon pabalik sa ospital, kung wala lang akong problema ay siguradong matatawa ako sa nangyayari sa akin, kasi ba naman umalis alis pa ako sa ospital eh nandoon lang naman pala ang kailangan ko.

Pagkadating ko ay agad akong sinalubong ni Agnes.

"Sir Ram gising na po si señor." nakangiti nitong sinabi sa akin kaya naman panandalian kong nakalimutan ang pakay ko at agad dumiretso sa kuwarto nang Dad ko nailipat na din kasi ito nang kuwarto nang masiguradong ligtas na ito sa kapahamakan.

Parang nadudurog ang puso ko nang makita ko ang pilit na ngiti sa labi nito, matatag na tao ang Dad ko pero sa nakikita ko ngayon ay alam kong kailangan kailangan ako nito.

"Kamusta ka na?" a forced smile appeared on my face, pinilit kong huwag mabasag ang boses ko sa lungkot na nararamdan ko habang nakikita ang nanghihina nitong sitwasyon.

"Ok naman ako medyo na puwersa ko lang ang sarili ko." sinabi nito na sinabayan nang pagtawa, akma sana itong babangon sa pagkakahiga nang bigla itong nakaramdam nang pananakit sa dibdib.

"Huwag niyo nang puwersahin ang sarili niyo please." pagsusumamo ko dito at mabuti na lang at nakinig din ito.

Tahimik itong nanonood nang tv na nasa kabilang side naman nang kama, eating the apples na dala ko.

"Nakapagdecide na akong magpakasal kapalit nang tulong na ibibigay nila." mahina lang ang pagkakasabi kong iyon, pero kita ko ang labis na pagkagulat na nagregister sa mukha nito.

"Totoo ba yan Ram?" hindi makapaniwalang tanong nito, and I don't trust myself to talk kaya naman tumango na lang ako bilang pagsagot dito.

Sa simpleng balitang iyon ay parang biglang bumata ang itsura nito na ang ibig sabihin lang ay totoo ang sinabi ni Agnes na ang naging dahilan nang atake nito sa puso ay ang problemang kinahaharap namin.

I love my life, I love making my own decision but I love my Dad more at hindi ko hahayaan na mawala ito nang dahil lang sa pride ko.

"Dad maari ko bang makuha ang number nang taong gustong tumulong sa atin?" tanong ko dito, sandali nitong tinawag si Agnes at pinakuha ang cellphone nito na nasa bulsa nang pantalon nito nang sinugod ito dito.

Lumabas muna ako nang kuwarto nito bago dinial ang number na binigay nito, isang cellphone number ang binigay nito at ilang ring lang ay may sumagot nang boses nang babae napaisip tuloy ako kung ito ba ang papakasalan ko.

"Hello this is Ram Santiago." hindi na ako nagpatumpik tumpik pa at agad kong sinabi ang pakay ko, nalaman ko lang na secretary pala ito at sandali itong nagpaalam para kausapin ang boss nito nang hiniling ko makausap ang taong iyon.

"Sorry Mr. Santiago but my boss is quite busy right now and can't take your call, but he wants me to tell you to be ready on Sunday for your engagement." iyon lang at agad na nitong binaba ang tawag ko, ni hindi ko man lang naitanong kung saan, masyado akong nabibilisan sa mga nangyayari lalo na't hindi pala ang mismong tutulong sa akin ang papakasalan ko ang buong akala ko pa naman babae iyon kaya mas lalo akong naguguluhan, sa totoo lang hindi ko nagugustuhan ang nangyayari pero wala na naman akong choice kung hindi ang sumunod.

Dahil friday night na ngayon ay nanatili ako sa ospital kasama ang Dad ko, sinabi ko na din dito na sa Linggo ang magiging engagement party ko kung saan unang beses kong makikita ang taong papakasalan ko at papahirapan hanggang magsisi ang kung sinumang babaeng iyon na pumayag itong makasal sa akin.

Kinabukasan ay agad din naman namin nailabas ang Dad ko kahit na nga ba tumututol ang doctor, pinayagan na lang kami nito nang pumirma kami nang waiver, kailangan kasi naming mag-ayos sa mangyayari sa Linggo.

"Salamat anak." narinig kong sinabi nang Dad ko, ako na kasi ang nagdrive dito pauwi nang bahay at nasa bandang unahan siya.

"Wala iyon Dad para sayo gagawin ko ang lahat and besides kung matutulungan nila tayo ay tatanggapin ko ang lahat ng demands nila." nakangiti ko naman sagot dito ngunit sa loob loob ko ay sobrang pagkamuhi ang unti unting nabubuo sa dibdib ko, sa taong may pakana nito at sa babaeng magiging kasangkapan para manipulahin ako.

Hindi na din ako nagtagal matapos kong masiguradong nasa maayos nang kalagayan ang Dad ko at agad akong dumiretso sa condo unit ko kung saan naghihintay si Atilla.

Mabigat ang mga paa ko habang binabagtas ang condo unit ko, mabigat man sa loob ko ay alam kong kailangan ko nang pakawalan ito lalo na't ikakasal na ako, kahit naman labag sa kalooban ko ang magiging pagpapakasal ko ay hindi ko kayang maging other woman si Atilla lalo na't isa ito sa mga naging dahilan nang sayang naramdaman ko sa loob nang ilang buwan.

Naabutan ko itong nanonood nang tv at nang makita ako ay isang ngiti ang sumilay sa mga labi nito at agad lumapit sa akin.

"Kamusta na ang Dad mo?" nakangiti nitong tanong, nabanggit ko na din kasi na ilalabas na namin siya sa ospital.

"Ok na naman siya kailangan na lang niyang magpahinga." nahahapo kong sagot dito, agad akong umupo sa bakanteng couch na nasa sala at matiim na tumingin dito, kitang kita ko ang pagtataka sa itsura nito sa kinikilos ko sa totoo lang hindi ko alam kung paano sasabihin ito sa dalaga lalo na't bigla bigla.

"May problema ba Ram?' nag-aalalang tanong nito, at katulad nang dati ay kitang kita ko ang genuine na pag-aalala nito na lalong nagpapahirap sa akin.

"Atilla, may kailangan akong sabihin sayo." nag-aalangan kong sinabi dito at kita kong naplitan ang pag-aalala nang pagtataka sa itsura nito.

Ilang buntung hininga ang lumabas sa bibig ko bago ko nahanap ang kakayahang magsalita.

"Atilla....... sorry hindi ako makakauwi bukas." kahit ako man ay nabigla dahil imbes na sabihin dito na kailangan na naming maghiwalay ay iba ang lumabas sa bibig ko.

"Ahhh ganoon ba? Ok." halatang naweweirduhan na ito dahil marahil ay nagexpect itong ibang bagay ang sasabihin ko which is dapat but for some reason hindi ko nagawang sabihin ang bagay na iyon, pero minabuti ko na munang huwag sabihin dito ang totoo dahil hindi pa naman agad kami ikakasal nang kung sinumang babaeng iyon.

Hindi na ako kumain at agad nang natulog sa kuwarto nang gabing iyon ay walang nangyari sa aming dalawa, natulog lang kaming magkayakap.

Dahil hindi ko kayang harapin si Atilla at magpanggap dito na wala lang ay maaga pa lang ay nagpaalam na ako ditong pupuntahan ko ang Dad ko, naabutan kong tahimik na nag-aalmusal ito sa bandang hardin, kung mga nakaraang araw ay halatang problemado ito ngayon naman ay kita ko ang kapayapaan sa mukha nito.

"Good morning Dad." pilit kong pinasigla ang boses ko para hindi nito mahalata na napipilitan lang ako.

"Magandang umaga din naman hijo, halika at samahan mo akong mag-almusal." pag aya nito sa akin na hindi ko tinanggihan.

"Parang kailan lang nang maliit ka pa lang at binubuhat pa kita." narinig kong sinabi dito, at parang nalunok ko ang dila ko nanng makita ko ang pagmamahal nito s aakin, kahit naman kasi hindi kami iyong tipong nagsasabihan na mahal namin ang isa't isa ay alam namin at ramdam namin ang importansya sa bawat isa.

"By the way Ram, sinabi na sa akin kung saan gagawin ang engagement party ninyo." sinabi nito nang nanatili akong tahimik.

Sa isang bigating restaurant gaganapin ang naturang engagement party at kahit ngayon ay clueless pa din ako kung sino ang pasimuno nang lahat nang ito at kung anong mahihita niya kung sakaling magpakasal ako, anon magiging kapalit nang pagtulong niya sa kumpanya namin ngunit agad ko iyong isinantabi dahil kahit anong isip ko ay hindi naman masasagot nun ang mga katanungan na bumabagabag sa loob ko at masasagot lang iyon once na dumating na ang oras.

Dahil maaga pa ay sinamahan ko itong maglibot libot hardin na alagang alaga pa din, noon kasi ang Mom ko ang nag-aasikaso sa hardin pero nang mawala ito ay kumuha na ang Dad ko nang hardinero.

"I know this is just an arranged marriage pero umaasa akong matutunan ninyong mahalin ang isa't isa." narinig kong sinabi nito.

Napapailing na lang ako sa mga naririnig ko ilang tao na ang nagsasabi sa akin tungkol sa pag-ibig, dahil unang una hindi ako naniniwala sa pagmamahal mas naniniwala pa ako sa companionship na aaring idulot nang papapakasal at pangalawa malabong mangyari iyon dahil ang tanging nararamdaman ko ay galit sa pagmamaniobra ng ibang tao sa buhay ko, hindi na lang ako kumibo ay hinayaan itong magpahinga.

Talagang ganoon siguro kung kailan ayaw mong mangyari ay parang nagbibiro ang pagkakataon na parang mas pinabibilisan nito ang takbo nang oras.

Alas siyete na nang gabi nang magsimula kaming mag-ayos mag-ama, alas nueve kasi ang engagement party, I decided to wear a black tuxedo hindi dahil para pumorma kung hindi para ipakita sa suot ko na labag ang loob ko sa mga nangyayari, kung ako ay nakablack tux ang daddy ko naman ay guwapong guwapo sa suot nitong silver tux.

"Wow sobrang guwapo ata natin Dad ah." biro ko dito.

"Siyempre naman kailangan paghandaan ang importanteng kabanatang ito nang buhay mo." nakangiti nitong sagot.

"Kung alam niyo lang ang totoo." sa loob loob ko.

Matapos makapag-ayos ay sumakay na kami sa kotseng maghahatid sa amin sa venue sa bandang Makati.

Pakiramdam ko ay maririnig nang mga kasama ko sa kotse ang kabog nang dibdib ko, sobrang kaba kasi ang nararamdaman ko nang mga oras na iyon, may isang parte nang isip ko ang nagsasabing huwag na itong ituloy at makakahanap din kami nang ibang solusyon at kabila naman nang isip ko ang sinasabing ituloy ko ang engagement na ito.

Sa lalim nang naging pag-iisip ko ay hindi ko namalayang nakarating na pala kami sa destinasyon namin, agad kaming pumasok sa loob ng restaurant kung saan marami na din mga tao sa loob, mga taong kilala sa lipunan na kinabibilangan ko, ilang mga kaibigan na sinubukan kong hingan nang tulong na umaaktong parang wala lang nangyari.

Agad kaming sinalubong nang isang matandang babae na marahil ay nasa late fourties na ang edad, nakasuot ito nang black suit at nakatali sa isang bun ang buhok.

"He's waiting for you." ang sinabi nito matapos kaming dalhin sa isang private room sa naturang restaurant.

Nanginginig ang kamay ko nang dahan dahan kong pinihit ang doorknob ng pinto,at tuluyang bumungad sa akin loob, hindi ko agad nakilala ang taong nasa loob dahil nakatalikod ito sa akin at marahil sa wakas naramdaman nitong may ibang tao kaya naman agad itong humarap.

Hindi ako makapaniwala habang nakatingin sa taong naghihintay sa akin.

"Henry Cervantes?" sobra akong naguguluhan nang malamang kong ang mayaman na si Henry Cervantes ang taong gustong tumulong sa akin, kung kanino ko inagaw si Atilla.

"Glad to finally meet you Ram, I heard a great deal about you." nakangiti nitong sinabi na para bang dati na kaming magkakilala at magkaibigan.

"Pero...paano...." gulong gulo ako sa mga nangyayari at mukhang magpapaliwanag nito nang maputol lang nang biglang tumunog ang speakerphone na nasa kuwartong iyon.

"Mr. Cervantes, she's here." narinig kong sinabi sa speakerphone.

Agad namang lumipat ang paningin ko pabalik sa pinto nang dahan dahan itong bumukas, parang sasabog ang dibdib ko nang mga oras na iyon habang hinihintay ang magiging fiancee ko.

Parang biglang tumigil ang inog nang mundo nang tuluyang bumungad sa akin ang babaeng pakakasalan ko., kita ko ang pagkagulat sa mukha nito nang makita akong kasama ni Henry, hindi ako makapaniwala na makikita ko siya sa ganitong lugar.

"Atilla..." naguguluhan kong sinabi not really sure what to say.

"Ram, Atilla is going to be your fiancee." narinig ko na lang na sinabi ni Henry.

Nothing make sense to me now, how can a prostitute become my fiancee?!


next chapter
Load failed, please RETRY

Wöchentlicher Energiestatus

Rank -- Power- Rangliste
Stone -- Power- Stein

Stapelfreischaltung von Kapiteln

Inhaltsverzeichnis

Anzeigeoptionen

Hintergrund

Schriftart

Größe

Kapitel-Kommentare

Schreiben Sie eine Rezension Lese-Status: C21
Fehler beim Posten. Bitte versuchen Sie es erneut
  • Qualität des Schreibens
  • Veröffentlichungsstabilität
  • Geschichtenentwicklung
  • Charakter-Design
  • Welthintergrund

Die Gesamtpunktzahl 0.0

Rezension erfolgreich gepostet! Lesen Sie mehr Rezensionen
Stimmen Sie mit Powerstein ab
Rank NR.-- Macht-Rangliste
Stone -- Power-Stein
Unangemessene Inhalte melden
error Tipp

Missbrauch melden

Kommentare zu Absätzen

Einloggen