App herunterladen
86.66% My Brother's Bestfriend / Chapter 26: Chapter 26❤️?

Kapitel 26: Chapter 26❤️?

Nasa labas ako ng bahay habang tinatanaw ko parin ang papalayong sasakyan ni harry.

"tsk! Tinatawag ka na ngang BABOY.. Kinikilig ka pa dyan?!" nagulat naman ako sa pagsulpot nito sa likuran ko. Ang tinutukoy ba nito ay ang pagtawag sakin ni harry ng BABE? At Ano naman ginagawa ng isang ito dito samin at nandito sya? Bakit hindi nalang sya sa juliet nya magpunta at dito pa talaga nya napili pumunta.. Para ano? Mang asar na naman?!

"wala ako sa mood para patulan ka!" at dumiretso na ako sa loob ng bahay at baka kung ano pa ang magawa ko dito.

"gustong gusto mo talaga ang tinatawag kang baboy noh? Parang yun lang kinikilig ka naman" nagsasalita ito habang naka sunod ito sakin… Sa totoo lang? Anong pinaglalaban ng isang ito ngayon?

" alam mo humanap ka nalang ng ibang tatawag sayo ng BABOY! Para kang inggit na inggit kay harry kung tumalak dyan eh!" asar na sabi ko dito na hindi naman ito sumagot.. Kasi automatic kasi minsan na pag sumagot ako ay may kasunod na itong talak sakin kaya napalingon ako dito na nakatingin sakin ngayon.

"oh! Ano namang tinitingin tingin mo dyan? Umalis ka na nga!" at tumalikod na naman ako dito para humakbang papasok ng bahay. Nakailang hakbang palang ako ng may maramdaman ako na humawak sa braso ko.

Napalingon naman ako dito na madilim ang anyo nito. Oh? Kanina nang aasar naman ito… bakit ngayon parang susugod naman sa gyera ang itsura nito? " ano ba! Bitawan mo nga ako!" piksi ko dito pero kahit anong gawin ko ay hindi nito inaalis ang pagkakahawak sa braso ko.

"talagang HARRY nalang ang tawag mo ah! Bakit hindi mo na sya tinatawag na KUYA huh?!" galit na galit ang anyo nito ngayon.

"eh ano bang pakialam mo ah?! Bitawan mo na nga ang braso ko!" nagpumiglas naman ako dito.

"bakit? Ka-kayo na ba?!" nakikita ko na ang mga litid nito sa leeg na kinatakot ko naman kasi lalong humigpit ang pagkakahawak nito sa braso ko.

"ano ba! Nasasaktan ako!" at malakas ko na tinanggal ang braso ko sa pagkakahawak nya. Nagmadali akong pumasok ng bahay at pumasok na ng kwarto. Hindi siguro alam ni kuya na nandito si jesthle kasi nakita ko pa itong pumasok ng kwarto pagkagaling sa CR. Kung ganon hindi nya talaga sadya si kuya dito sa bahay?. Ano yun? Pinuntahan lang nya ako para asarin at pagsalitaan na naman ng kung ano ano?!

Napatingin naman ako sa braso ko na may markang pula sa pagkakahawak siguro ni jesthle.  Napapansin ko lang na habang tumatagal ay pa weirdo na pa weirdo sya.. Hindi ko nga alam kung ano talaga ang trip nito sa buhay eh!

*****

Kinabukasan ay tanghali na akong nagising dahil walang pasok. Buti nalang sabado at linggo ang wala kong pasok.. Sa iba kasi alanganin ang araw na walang pasok eh.

"oh.. Kuya namalengke ka?" pababa ako ng hagdan samantalang si kuya ay kapapasok lang galing sa pinto na may mga dalang pinamili.

"oh eh.. Bakit ikaw? Ngayon ka lang gumising?" agang aga may saltik na naman ito! "obvious naman siguro na namalengke ako.. Ikaw talaga! Kita mo na.. Nagtatanong pa! Buti nalang hindi ako ganyan! " pag susuplado ni kuya sakin Sabay pasok  sa kusina para ayusin ang pinamili.

"ang sama mo talaga sakin kuya! Eh bakit nga ang dami nyan? Wala namang okasyon ngayon ah?" tanong ko ulit dito habang abala sa pag aayos..

"tsk! Sasagutin na kita manahimik ka lang! Namili ako kasi dito  gaganapin ang birthday ni james.. Oh ano? Masaya kana?!" banat naman ni kuya sakin.

"sungit!" sabi ko nalang dito. Tsk! Bakit naman dito gaganapin? Wala bang bahay yun? Wala bang magulang yun? Kahit kailan talaga si kuya!

"nababasa ko yang nasa utak mo kahit nakatalikod ako sayo winnie the pooh!" pang aasar sakin ni kuya. "wala ang magulang nya.. Syempre rich eh.. Laging nasa ibang bansa tapos nagiisang anak lang sya kaya dadamayan namin" pinapanood ko lamang itong magayos. Hmm.. Kaya naman pala, sa totoo lang kasi wala talaga akong alam sa buhay ng mga tropa ni kuya. Ang kilala ko lang talaga ay si jesthle at medyo may konti akong alam kay harry syempre.. Lagi ko syang kasama eh.

"alam mo kuya.. Parang sa magkakabarkada nyo ikaw lang walang kotse ano?" kasi naman parang halos lahat ata ng tropa ni kuya ay rich kid.

"tsk! Alam mo hindi ko hinahangad ang mga ganyang bagay. Mayaman ka nga.. May mga ganon ka ngang bagay, hindi ka naman masaya diba? Ako.. Magkakameron din ako nyan pag nakatapos ako ng pagaaral at makapagipon. hindi basta basta nakukuha yun pag ginusto mo. Hindi ako genie na pipitik lang nandyan na sa harap mo! Ang utak mo talagang bata ka!" mahabang litanya ni kuya habang nagtitimpla ako ng milo. Kunsabagay tama nga naman si kuya. Minsan talaga may sense ito kausap pero kadalasan ay wala talaga!

"maigi pa ay tulungan mo ako sa pagluluto at pagaayos mamaya.. Wala si nanay kaya wala akong katuwang." hala! Pagurin ba naman ako.. Eh rest day ko kaya ngayon! "sa ayaw o gusto mo.. Tutulungan mo ako kahit di ka sumasagot dyan" tsk! Panira talaga si kuya! Dinadamay pa ako sa kalokohan nito.

"oo na po. Tsk!" syempre wala naman akong magagawa eh! Pero teka! Baka naman nandito na naman yung isa mamaya? Naku! Kailangan ko maglagay ng foods sa kwarto kasi ayaw ko syang makita mamaya!

*****

After ko manood ng cartoons ay hinila na ako ni kuya para magprepare kami ng mga lulutuin.

" ano ba yan win.. Matanda kana pero cartoons parin pinapanood mo?!"  iiling iling na sabi nito sakin. Eh pake ba nito? Ang sarap kaya manood ng cartoon kahit matanda na ako kasi nakakarelax at nakakatuwa.

"tsk! Sermon na naman si kuya!" puna ko dito kasi puro ako nalang nakikita nito. "ano ba lulutuin natin?" pagbabago ko ng topic dito kasi baka magkaasaran na naman kami.

Madaming sinabi si kuya na lulutuin kaya napag pasyahan naman namin na ako ang mag gagayat ng rekado at taga tikim habang sya ang magluluto ng lahat.

"hays! Dapat may sweldo ito kuya ah! Nakakapagod kaya!" reklamo ko dito pagkatapos namin magluto.

"ikaw talaga! Laging may kapalit pag natulong! Kumuha ka nalang ng gusto mo kainin yun ang premyo ko sayo!" habang naghihimpil ito ng mga ginamit namin.

Oo nga pala! Kailangan ko magtabi ng makakain ko para mamayang hapunan para di ko makita ang asungot! Tama! Yun na nga ang gagawin ko.

*****

Nandito ako sa kwarto ng may marinig akong sasakyan sa tapat ng bahay namin.. Tsk! Yan na ang mga asungot! Goodluck nalang sa imisin bukas!

Habang kumakain ako ng hapunan dito sa silid ko ay nanonood naman ako ng kung ano ano sa internet para makapaglibang ako. Nasan na kaya si nanay? Gabi na pero wala pa ito…

*tok tok*

*tok tok*

"bukas yan kuya!" sigaw ko dito habang nakatutok parin ang mata ko sa PC.

"tsk tsk! Kaya pala hindi nababa kasi may pagkain kana dito" napatingin naman ako dito na may dalang pagkain at inumin.

"sabi ko pasok kuya! Bakit ikaw ang pumasok? Si kuya ka ba?" pang aasar ko dito at inirapan ng bahagya.

"sungit! Hindi ako ang kuya mo.. Pero ako ang BABE mo!" imbes na sya ang maasar parang ako ata ang naasar ngayon sa sinabi nito!

"tss.. Ano namang ginagawa mo dito? Kaya nga ako nagdala ng foods dito para di ko makita pagmumukha nyo eh tapos yan ka na naman sa pang aasar mo! "  sabi ko dito ng hindj na tinitingnan habang busy parin sa pag iinternet.

Nilapag nya ang dala nya sa table ko kung san ako nagPPC. "ahm.. Ano.. Nga pala magiinom kami ngayon" sabi nito pagkalapag ng pagkain. Eh ano naman? Nagpapaalam ba ito sakin?

"tss.. Eh di uminom ka.. Bakit mo pa sinasabi sakin? Ako ba magulang mo? " habang hindi ko parin ito tinitingnan.

"syempre girlfriend kita kaya karapatan mo malaman.. Diba?" napatingin naman ako sa kanya sa sinabi nito sakin. Hala! Seriously?

"ano ka ba… KuNya kunyarian lang naman yun atsaka walang ibang makakakita kasi nasa bahay lang naman kayo." pag papaliwanag ko dito.

"ano ba yan.. Si babe parang walang pakialam sakin! Hindi mo ba ako pipigilan?" at naginarte naman ito sabay upo sa kama ko.

"alam mo wag kang maginarte dyan ah! Atsaka wag mo akong mababe babe dyan ah! Umalis kana nga" naimbyerna na naman ako dito. Sabi na eh.. Pumunta lang dito para mangasar na naman sakin itong harry na ito!

"bakit? Ang cute kaya.. BABE.." at ngiting ngiti naman ito sakin. Cute sana to eh.. Kaso parang nakikita ko sa kanya si kuya kaya minsan naasar ako dito lalo na pag nangaasar ito sakin.

"alam mo sarap mo sakalin! Istorbo ka! Nanonood kaya ako dito.. Shupe! Busy ako" at tumalikod ako para manood ulit. Sa totoo lang dahil sa sobrang bored ko na.. Nagtry ako manood ng mga kpop hanggang sa mapunta ako sa BTS.

Hindi ko naman namalayan na nasa likuran na pala ito ng upuan ko na nakatayo. Sinilip nya ang pinapanood ko yung tipong magkatabi ang mukha namin na nakaharap sa screen ng PC "tss.. Mas gwapo ako sa mga yan!" sabi pa nito.

Hindi naman ako makaimik kasi sobrang lapit ng mukha namin nung nagsalita nga sya naamoy ko pa ang hininga nito eh.. Hindi ba nya naiisip ang ginagawa nya?

"oh.. Bakit hindi kana umimik dyan?" tumingin pa ito sakin kaya ang posisyon namin ngayon ay mas awkward pa.. Kasi nakaharap ako sa pc at sya naman ay nakaharap sa mukha ko habang nakatagilid ako sa kanya.

Feeling ko nasosuffocate ako at pulang pula ang mukha kaya hindi ko na natake ay napaatras ako dito para magkaagwat kami. Ano bang ginagawa ng lalakeng ito? Hindi ba nya naisip na ang lapit lapit ng mukha namin?

"hahaha ang cute mo pag namumula!" tawang tawa naman ito habang nakatingin sakin.. Samantalang ako naman ay pilit pinapakalma ang sarili habang sya ay tuwang tuwa pa sakin.

"hu-huwag ka nga lapit ng lapit" hindi na ako makatingin sa kanya habang sinasabi ko yun.

"tsk! Mas gwapo naman ako sa mga pinapanood mo kaya pinapakita ko lang sayo na dapat sakin kalang tumingin at hindi na sa iba, okay?" Sabi nito na seryoso na ngayon habang nakacross arm habang nakatayo sa likuran ko at ako naman ay nakaupo sa upuan ko at kita ang reflection sa harap ng monitor ng PC kaya nakikita ko ang ginagawa nito.

"baliw ka na ba?!" buti nalang magkalayo na kami ngayon. ano bang sinasabi nito ngayon? Nakainom na ba ito o ano? Pero hindi naman sya amoy alak!

"aalis na ako.. Kaya dapat wag na yan ang panoorin mo, dapat walang ibang boys except sakin!" sabi nito habang paalis na ito ngayon.

"at oo baliw na ako.. %@*#" sabi pa nito na tuluyan ng umalis. Ano? Hindi ko narinig yung last na sinabi pa nya kasi parang sinadya na hindi iparinig sakin.

******

Pagkatapos ko maglinis ng katawan ay nagpasya na akong mahiga at matulog dahil sa pagod ko ngayong araw.

*tok tok*

Hindi ko pinansin ito kasi baka si kuya lang naman kaya di ko pinagbuksan.

*tok tok*

"kuya! Kung may sasabihin ka ay bukas nalang!" sigaw ko kasi tinatamad na akong bumaba ng kama.

*tok tok*

Siguro si harry ito? Kasi kung si kuya ito ay kung ano ano na ang sinabi sakin.

"harry.. Kung pupunta ka lang ulit para magdala ng pagkain ay busog pa ako at gusto ko na matulog!" bulyaw ko dito

*TOK TOK*

lalong lumakas ang katok nito kaya napilitan akong pagbuksan ito at para bulyawan kung si harry nga ito.

"ano ba har--" hindi ko na natuloy ang sasabihin ko kasi ibang tao ang nasa harap ko ngayon at hindi ko sya inaasahan dito ngayon.

Isasara ko na lang ulit sana ng pigilan nya ang pinto ng kwarto ko. Pilit ko sinasara pero pinipigilan nito kaya wala akong nagawa kasi mas malakas ito sakin.

"ano bang kailangan mo ah?!" inis na tanong ko dito. Pero hindi ito nagsalita  bagkos ay nakatingin lang ito sakin ng seryoso at pulang pula ang mukha nito ngayon.

Teka! Nakainom ba ito? Kaya inamoy amoy ko ito bahagya kahit malayo itoa ay tama ang hinala ko. . Uminom nga ito!

"problema mo hah?" hindi parin ito umiimik habang nakatitig sakin.

"nakainom ka! Ano bang kailangan mo?!" pabulyaw na tanong ko na dito kasi hindi parin ako sinasagot nito.

"ikaw!" at marahas nya akong hinalikan habang hawak nya ang bewang ko ng mahigpit. Nagpapapalag ako dito at pinagsusuntok ang dibdib pero patuloy parin ito ng paghalik sakin kaya lasang lasa ko ang alak sa bunganga nito.

Hindi ko namalayan na nakapasok na kami sa loob ng kwarto at sinara nito ang pinto kaya wala na akong makita kasi patay din ang ilaw sa loob ng kwarto ko dahil hindi ako sanay ng bukas ang ilaw pag natutulog.

Yung marahas na halik nito ay naging banayad kaya nadala na naman ako sa mga halik nito sakin at ang taksil kong puso't isipan ay nagpatangay na naman sa kalandian ko.

Kung kaninang sinusuntok ko ang dibdib nito ngayon naman ay nakapulupot na ang mga braso ko sa leeg nito. Sinandal nya ako sa pader ng kwarto ko habang ninanamnam namin ang tamis ng bawat pagsasagutan ng mga labi namin.

Nilayo na nya ngayon ang mukha nya sakin at tanging naghahabulang paghinga lang ang naririnig namin ngayon. Kahit madilim ang kwarto ko ay kita ko parin ang mga mata nito na nangungusap.

"bakit pumunta sya dito kanina?" kahit ang boses nito ay ang gwapo sa pandinig ko.

"sino ang tinutukoy mo?" tanong ko naman dito.

"si Harry" may diin sa pag bigkas nito sa pangalan ni harry. Galit ba ito? Para kasing galit ang tono ng pananalita nito ngayon eh.

"ah.. Sya ba? Ahm.. Oo nagdala lang sya ng pagkain kanina" sabi ko naman dito kasi nagdala lang naman talaga sya eh.

"tsk! Nagdala o nakipaghalikan ka lang?!" galit ang anyo nito ngayon habang sinasabi ang mga salitang yon.

"ano na naman ba ang pinagsasabi mo?!" nagaakusa na naman ito ng walang katotohanan!

"nothing!" at nagiba na naman ang ugali nito. May mood swing kaya ito?

Luminga linga ito na parang may hinahanap ng makita nya ang gitara  ay nilapitan nya ito at Kinuha sa gilid ng kama ko.

"huwag ka magpapahalik sa iba! Ako lang ang pwedeng humalik ng ganto sayo" pag katapos nya angkinin ulit ang mga labi ko ay nagmadali na itong lumabas ng kwarto bitbit ang gitara.

Sa tuwing nakakainom ito madalas nya akong halikan pero nung nakaraan hindi naman ito nakainom bakit hinalikan nya parin ako? Hindi kaya may gusto na ito sakin?

"Ano ba win! Kung may gusto yun sayo hindi sya ganon! Na pagkatapos manghalik ay mangiiwan nalang!" sabi ng isang isipan ko.

"wag ka magassume! May juliet na yun!" sabi naman ng isang isipan ko.

Ahhh! Ano ba yan! Kahit anong isip ko sumasalungat parin sakin! Eh ano yung mga halik nyang iyon? Ano yun? Wala lang ba yun? Napapadalas nalang ang paghalik nya sakin.. Wala lang ba talaga yun?!

A/N: thank you for reading guyz😘😘😘


next chapter
Load failed, please RETRY

Wöchentlicher Energiestatus

Rank -- Power- Rangliste
Stone -- Power- Stein

Stapelfreischaltung von Kapiteln

Inhaltsverzeichnis

Anzeigeoptionen

Hintergrund

Schriftart

Größe

Kapitel-Kommentare

Schreiben Sie eine Rezension Lese-Status: C26
Fehler beim Posten. Bitte versuchen Sie es erneut
  • Qualität des Schreibens
  • Veröffentlichungsstabilität
  • Geschichtenentwicklung
  • Charakter-Design
  • Welthintergrund

Die Gesamtpunktzahl 0.0

Rezension erfolgreich gepostet! Lesen Sie mehr Rezensionen
Stimmen Sie mit Powerstein ab
Rank NR.-- Macht-Rangliste
Stone -- Power-Stein
Unangemessene Inhalte melden
error Tipp

Missbrauch melden

Kommentare zu Absätzen

Einloggen