App herunterladen
57.14% My Bittersweet Love (Tagalog Romance) / Chapter 4: Chapter Four

Kapitel 4: Chapter Four

Matapos mailagay ni Athena ang finishing touches sa dalawang bite size pastries na ginawa niya ay hinarap na niya ang titikim ng mga 'yon. Nauna ang dalawang kasama niya sa papi-present.

Ang una ay isang Crème brulee ang inihain halata rin sa sagot nito na mataas ang pinag-aralan at walang duda na masarap ang gawa nito. Ang pangalawa naman ay isang velvet cake, ang presentation nito ay top class na habang ang walang pag-aalinlangan ang mga sinagot nito sa tanong ni Mister Sungit.

Hanggang siya ang panghuli huminga muna siya ng malalim bago kinuha ang dalawang platito at inihain sa dalawang 'to.

Kumpara sa dalawang nauna ay iisang pastry ang ginawa ay dalawa naman ang sa kanya.

Inilagay niya sa harap ni Rainier ang Blueberry Cheesecake na ginawa niya habang isang Dark Chocolate Eclaire naman ang kay Dan.

Tinikman muna ng mga ito ang ginawa niya bago may sinulat ang mga ito sa hawak na clipboard saka siya binalingan.

"First of all Miss Mendoza bakit dalawa ang ihinain mo sa amin?" tanong sa kanya ni Rainier.

"'Yan kasi ang tingin ko ayon sa panlasa niyo Sir." Diretsong tanong niya. Bahala na si batman kung ano man ang kalabasan nito ang kaya lang niyang gawin ay maging tapat sa mga sagot niya.

"What do you mean?" napapitlag pa siya nang marinig ang baritonong boses ni Daniel. Sandali siyang napatanga rito kasi ito ang unang bese niya na makita ito ng malapitan, epal lang ang lamesa sa kanilang dalawa pero okay na sa kanya tiba-tiba na ang katawang lupa niya sa kagwapuhan nito. "Miss Mendoza." Napakurap siya saka lang niya naalala na may tinatanong nga pala ito sa kanya.

"Kasi Sir, aminin man po natin o hindi, hindi lahat ng tao ay mahihilig sa matatamis. As a pastry chef dapat din observant tayo sa mga need ng customers. May mga babaeng masyadong maselan pagdating sa mga matatamis dahil sa carbohydrates and fats. May mga iba naman na ilag ditto dahil na estado ng kalusugan nila like diabetes habang ang iba talaga ay hindi kumakain."

Umayos ng upo si Daniel. "What makes you think na ito ang ihain sa amin ngayon?"

"Base lang naman po sa observation ko, Sir Rainier po kasi hindi siya mahilig sa matatamis pero nakain pa rin naman po so I decided to give him Blueberry Cheesecake naghahalo kasi ang tamis at asim na sa tingin ko magiging akma sa panlasa niya habang kayo naman Sir hindi kayo mahilig sa matatamis base pa lang po sa observation ko kanina." Ang totoo niyan napansin sa niya 'yon ng una siyang nagkita dahil black coffee ang iniinom nito. "Ang sabi ni Nanay ang pagkain daw ay repleksyon ng ugali ng isang tao at base sa pag-oobserba madaling malalaman kung anong ayaw o gusto ng mga customers kailangan lang maging attentive tayo pagdating sa mga tao sa paligid natin. Iyon lang po."

Nagkatinginan si Rainier at Daniel bago tahimik na may isinulat sa hawak ng mga ito na clipboard

Marahas siyang napabuga ng hangin habang pinag-krus ang darili niya, pinapalanangin na sana matanggap siya sa trabaho.

"Pwede na kayong magbihis at antayin niyo na lang kami sa labas habang angde-deliberate kami ditto."

Tumango siya at sumunod sa dalawa pa niyang kasama, nang matapos siyang makapagbihis ay ilang minuto ang inantay nila bago sila muling binalikan ni Rainier.

Isa-isa silang pinapasok sa opisina, hanggang sa siya na lang an natira. Hindi niya tuloy alam kung sino sa mga ito ang nakapasa paano walang lingong likod na umalis ang mga ito. Mukha ba siyang invisible? 'Ni hindi man lang siya pinansin kakainis lang.

Nang tawagin na siya ay pumasok na siya pinto, agad na bumungad sa kanya ang isang malawak na espasyo na sigurado siyang nagsisilbing opisina ng restaurant. Floor to wall ang carpet at tulad nang napansin niya sa condo ni Daniel ay maypagka minimalist din ang tema ng opisina.

"Miss Mendoza." Untag sa kanya ni Daniel habang nakaupo ito sa swivel chair.

"Y-yes Sir?" blanko ang mukha nito kaya wala siyang ideya kung ano ang iniisip nito. Kung naiba lang siguro siya baka kanina pa siya kumaripas ng takbo mukha kasing itong mangangain ng tao kapag ganon ang itusra nito. Pero okay lang at least nagpapala ang mata niya sa pagtingin pa lang sa kagwapuhan nito.

"Congratulations, ikaw ang bagong pastry chef ng Flavors of Asia."

"Ho?" para siyang natulig sa sinabi nito, siya? Sa galing ba naman ng mga kasabayan niya siya pa talaga ang napili? Hindi pa rin nagsi-sink in sa utak niya ang sinabi nito nang umandar na naman ang kasungitan ng kaharap.

"I don't like repeating myself." Oh di ba nasampolan na naman siya nito. Pero medyo nagulat pa siya nang tumayo ito inilahad ang kamay sa kanya.

"Welcome to Flavors of Asia." Sa pagkakataon na 'yon ay tinaggap na niya ang kamay nito.

Magaspang 'yon at halatang batak sa trabaho hindi ng katulad ng mga tipikal na kamay ng mga mayayaman. Nang tuluyang naglapat ang kanilang mga palad ay siyang kakaibang boltahe ng kuryente ang bigla niyang naramdaman.

Para kiniliti at ang init na hatid 'non ay tumagos ata hanggang buto niya, wala sa sariling napatingin siya kay Daniel pero bago pa niya maibuka ang bibig para itanong kung naramdaman din nito ang naramdaman niya ay binitawan na nito ang kamay niya.

"You'll be starting tomorrow and I hope you'll be on time six am sharp, maliwanag ba?"

"Yes Sir." Pormal niyang sagot. Tama ito na ang boss niya ngayon, malamang na hindi na siya nito naalala dahil kung nagkataon baka hindi na siya ang pinili nito.

"Ikaw na ang bahala sa kanya Rainier."

"Okay Sir." Iminuwestra nito ang pintuan at nauna nang lumabas sa kanya.

"Athena." Napahinto siya nangmarinig niyang tinawag siya ni Mister Sungit ay mali Boss Sungit na pala. Pero hindi nakaligtas sa pandinig niya ang pagbanggitnito sa pangalan niya at sa hindi niya malamang dahilan parang ang gandang pakinggan ng boses nito.

Ang weird pa ay parang nakaramdam siya ng isang hindi normal na pagtibok sa puso niya hindi katulad kanina na kinakabahan siya pero ang pakiramdam na may kung anong mainit ang biglang lumukob 'don.

Ahh... tama na nga 'to kung ano-ano na lang ang naiisip niya, agad niyang hinanda ang matamis niyang ngiti.

"Yes Sir?"

Umayos ito ng upo at pinagkrus ang mga braso sa dibdib."This doesn't mean na hindi ko naalala ang atraso mo sa'kin."

Nauwi sa ngiwi ang ngiti niya, ang akala pa man din niya case closed na hindi pa rin pala.

Pero syempre hindi siya papatalo 'no. "Sir, quits lang tayo." Kumunot ang noo nito halatang nagtataka sa sinabi niya kaya mabilis na siyang kumilos. "Bye Sir! See you tomorrow." Saka dali-daling lumabas.

Pagkatapos ng isang maikling briefing niya kay Rainier ay hinyaan na siya nitong makauwi.

Wala sa sariling tinignan niya ang kamay na hinawakan ni Dan parang hindi pa rin siya maka-move on bad trip lang.

Saka niya naalalang tawagan ang kaibigan niyang si Iona para ibalita ang good news.

Hindi na siya makapagantay na magsimula ng trabaho para siyang timang na nakalagay ang cellphone sa tenga niya at ngiti-ngiti na umalis sa lugar.

Nadia Lucia


next chapter
Load failed, please RETRY

Wöchentlicher Energiestatus

Rank -- Power- Rangliste
Stone -- Power- Stein

Stapelfreischaltung von Kapiteln

Inhaltsverzeichnis

Anzeigeoptionen

Hintergrund

Schriftart

Größe

Kapitel-Kommentare

Schreiben Sie eine Rezension Lese-Status: C4
Fehler beim Posten. Bitte versuchen Sie es erneut
  • Qualität des Schreibens
  • Veröffentlichungsstabilität
  • Geschichtenentwicklung
  • Charakter-Design
  • Welthintergrund

Die Gesamtpunktzahl 0.0

Rezension erfolgreich gepostet! Lesen Sie mehr Rezensionen
Stimmen Sie mit Powerstein ab
Rank NR.-- Macht-Rangliste
Stone -- Power-Stein
Unangemessene Inhalte melden
error Tipp

Missbrauch melden

Kommentare zu Absätzen

Einloggen