Kung di sinasadyang makapatay, ipinagtanggol ang sarili, o naghiganti lamang ay kailangang litisin at imbistigahan. Kung mayroon kayong mga pangangailangan ay huwag kayong mahiyang lumapit sa reyna lalo na at kaya naman namin itong matugunan imbis na magnakaw, pumatay o anuman para makamtan lang ang nais. Sapagkat sabi ng reyna na ang tama ay tama, ang mali ay mali at ito'y dapat ituwid... naiintindihan!
Lahat ng tao sa loob: Ye!
Alam mo mas maganda kung sya na lang naging reyna hindi yang naluklok di ba!
Huwag naman kayong ganyan... kaigi nga at nariyan sya para gabayan ang nakaupong reyna sa ngayon...
Oo nga! Tugon ng marami!
Ryu Ji: magaling talaga syang mamuno simulat sapol pa aming pagkabata! Sa pagtulong sa mga mahihirap na nga laang!
Totoo ba yan ginoo! Swerte ang mapangasawa nyang Lady Seung na iyan!
Ryu Ji: Hehehe! Oo nga po!
Makalipas ang ilang minuto...
(Nagsing alisan na ang lahat - si Ryu Ji na lang ang natira at ang reyna at si Lady Seung)
Papalapit pa lang si Ryu Ji ay narinig nyang nagusap ang mga iyon!
Hoy ikaw ngang reyna ka ayusin mo ang pamumuno mo wag ka tatamad-tamad kung hindi... bibigwasan kita at pagsasampalin!
Oo na po ginoong ginang!
Anung sabi mo!
Binabae!
Binabae, anong binabae; hoy nagpapanggap lang akong babae! Grr!
Ahahahaha, di naman to mabiro!
Hmm! Hmm! Hmm!
Patawad na!
Belat! Hindi!
Ikaw!
(Naghabulan) (nagkapangabot) (at nadapa)
Ah, aray!
Wow! Ikaw pa ang umaray ikaw nga yung nakapatong sa akin!
Che!
Hmm!
Ryu Ji: wag na kayong magaway!
Joonnah: 😏 aba napapasarap ang pagdapa mo sa akin ah!