Para sa grado ni Dennis kahit anong sugat pa at pasa ang dumaan sa kanya hindi pa din siya aabsent.
Habang nag lalakad si Dennis nakita niya ulit yung babae na kumukulit sa kanya at nakita ng babae ang mga sugat at pasa nito kaya agad agad naman siyang lumapit kay Dennis at sinabi kay Dennis kung "okay lang daw siya at kung gusto daw ni Dennis dalhin siya sa clinic".Hindi na nakatanggi si Dennis kasi hawak nang babae ang kamay nito,papunta sa clinic.
Agad agad siyang kumuha ng ng first aid kit para sa mga pasa at sugat ni Dennis.Habang ginagamot niya si Dennis may naramdaman si Dennis na kakaiba sa babae pata bang mayroong halong alaga at pag mamahal.Biglang nalang silang nag katitigan hiyang hiya si Dennis ng time na yun.Biglang siyang ngumiti kay Dennis at nag pakilala"hi,ako nga pala si Carla ang president ng guitar club,baka gusto mo nang sumali?,sumagot si Dennis ng "oo"kesa naman tumanggi pa siya .Tawa siya ng tawa habang ginagamot si Dennis at sa bawat ngiti niya para bang natutunaw ang puso ni Dennis.
At sa oras na yun nag karooon na ng pagtingin dito si Dennis.Nag kapalitan uli sila ng ginawa sa isa't isa kung dati si Carla ang nag hihintay sa labas ng room ngayon naman ay si Dennis.Hindi pa niya alam yung pag tingin ni Dennis sa kanya,natatakot kasi siyang umamin kung masasagot ba siya kung manliligaw si Dennis kay Carla.
Nagkarooon siya ng mga kaibigan sa club na yun,kaya pala gustong gusto si Dennis kunin nila dahil kilala pala nila ang papa ni Dennis.Wala namang siyang pinag kwekwentuhan na tungkol sa papa niya dahil matagal na rin itong kinalimutan ni Dennis.
Nagkaroon ng pulong ang mga estudyante na pinag usapan nila kung makakaya ba nilang mag public band para masanay sila sa maraming tao at napaisip dito bigla si Dennis"baka ito na siguro yung time na aamin ako kay Carla para malaman niya ang tunay kung nararamdaman".Busy na Busy sila kasi mamayang gabi na gaganapin ang kanilang banda.Pag sapit ng gabi kabadong kabado si Dennis kasi marami ang nanonood sa kanila,pero pag nakikita niya si Carla nagkakaroon siya ng inspirasyon at ginaganahan siyang mag tugtog.
Dumating na ang oras nag sisigawan ang mga tao,wala namang naganap na kamalian nanging maganda ito at successful masayang masaya sila,muntikan nang mahalikan ni Dennis si Carla sa tuwa buti nalang napigilan niya ito.Pag punta nila Dennis at Carla sa backstage doon na siya umamin ng tunay niya na nararamdaman,hindi nga siya nag kamali parehas lang pala sila na may pagtingin sa isa't isa.
Naging mag kasintahan sila ng matagal,laging siyang inaaya ni Dennis mag date at lagi niya itong binibigyan ng regalo.Ang hindi lang nila nagawa sa tagal na nilang mag kasama ay ang matulog ng mag katabi kasi para kay Dennis hindi siya komportable,at dahil nga doon nag kakatampohan sila pero lagi itong pinapaliwanag ni Dennis sa kanya pero paulit ulit nalang.Hanggang sa dumating ang araw na nag cool off sila,para wala munang masaktan sa kanila pero sila lang ang nakakaalam na nag cool off sila,kaya pag pupunta sila sa club ng sabay parang wala lang naka holding hands padin sila pero may tampuhan at hindi pag kaunawaan sa isa't isa.
Inabot ang cool off nila ng 3 weeks at nag dadalawang isip si Dennis kung kakausapin niya ba ito para sabihin na "ayaw ko na" o kakausapin niya para sabihin na "ayusin natin to"litong lito na si Dennis parang di niya na alam ang gagawin niya sa sarili niya grabe yung suffer niya sa magulang niya,kahit ito'y kinalimutan na niya,hinahanap hanap niya pa din ito,at sa babaeng minahal niya ng lubos.