App herunterladen
7.98% Maybe This Time Love Can Win (Tagalog) / Chapter 31: Professional Photographer

Kapitel 31: Professional Photographer

"Tingin ka sa Windmills!" sabay click uli ng camera

"Sa may dagat ka naman tingin!"

"Lagay mo yung kamay mo sa mata na parang nasisilaw ka!"

"Lagay mo naman sa baywang yung mga kamay mo."

Nawili ako sa pagkuha ng picture ni Sir Martin parang naging professional photographer ang peg ko.

"Ikaw naman!" sabi niya habang lumakad palapit sa akin mukang napagod na sa pagpoise. Agad niyang kinuha yung camera sa mga kamay ko at inialis sa leeg.

"Go there!" pagtataboy niya sa akin.

Kaya agad akong lumakad papalayo sa kanya.

Click…Click…Click….

"Uy wait lang di pa nga ako ready eh." Reklamo ko kasi pinipicturan na niya na ko habang naglalakad pa lang.

"Ayan picturan mo na ko dito." Kung saan siya tumayo dun din ako kasi kitang kita dun yung lahat ng windmills at yung background panalo.

Click….

Click…

Click…

Nakadami din siya ng shot ng sa akin. Maya-maya nakita kong may lumapit sa kanyang isang American na babae kaya napahinto siya sa pagkuha sakin ng picture na hinayaan ko lang din naman kasi nga madami narin siyang naging shot sakin.

Pinagmamasdan ko yung apearance nung kausap niya naka one piece bathing suit siya at talagang wow ang katawan. Medyo tan na yung balat niya sa pagkakabilad sa araw habang ang buhok blonde bagay na bagay yung itim niyang suot. Mukang bakasyunista din dito sa Pagudpod pero mukang nag-iisa lang siya. Paglinga ko sa paligid doon ko napansin na dumadami narin yung tao.

Nawili kasi kami sa picture picturan kaya di na naming napansin yung paligid. Nakita kong may inabot na camera yung babae kay Sir Martin na agad naman niyang tinanggap. Mukang magpapakuha ng picture yung Kana.

Di nga ako nagkamali, dahil maya-maya nag aangulo na yung babae ng ibat-ibang posisyun habang si Sir Martin naman seryoso siyang kinukunan. Ibinaling ko nalang yung tingin ko sa dagat tinanaw ko yung buong paligid habang sumandal ako sa isang poste ng windmills. Nung mangawit yung paa ko agad kong ibinaluktot yung tuhod papunta sa poste at tumingala ako para tingnan kung paano umiikot yung elise sa itaas.

Talagang nawiwili ako sa pagmamasid ng elesi habang umiikot dahil sa hangin ng biglang may aninong tumakip sa muka mo. Kaya agad kong ibinaling ang tingin sa bagay na yun.

Parang biglang huminto yung oras sa pagkakataonng iyon si Sir Martin pala ang nasa harapa ko habang bahagyang naka yuko sa akin kaya natakpan niya yung sikat ng araw na tumama sa muka ko. Napa kurap ako para sana verify kung siya ba talaga yung naka tingin sakin pero habang ginagawa ko yun palapit na palapit yung muka niya sa akin. Titig na titig siya sa akin at ganun din sa kanya sabay ang pagbilis ng tibok ng puso ko.

"Thump… Thump…!" Patuloy na pag kabog ng dibdib ko.

Palapit na palapit na yung muka niya sa akin makikita mo sa mata ko ang pagkabigla, kaba at pangamba doon ko narealize na dapat ko siyang itulak kaya agad kong inilagay yung kamay ko sa dibdib niya para magawa iyon pero bago ko pa siya tuluyan maitulak lumapat na yung labi niya sa labi ko.

"SMACK!"

"It is just long enough that I could inhale his breath." Kaya bago ko pa siya maitulak lumayo na siya sa akin na parang walng nangyari. Natulala nalang ako habang pinagmamasdan ko siyang umalis at lumapit uli sa Kana na may hawak na ng kanyang DSLR.

"Thank you!" agad niyang sabi sa babae

"Your welcome! Thank you also! Bye!" Sabi nga Kana sabay layo na kay Sir Martin. Nakita ko si Sir Martin na tinitingnan yung camera niya habang lumalakad siya papalapit sa akin.

Ganun parin yung pwesto ko kung pano niya ko iniwan kanina. Di ko nga alam na stroke na yata ata ako di ako makakilos parang nan lalamig yung buong katawan ko at kumakabog kabog parin yung dibdib ko kaya di ko na napigilang hawakan yung dibdib ko katapat ng puso ko.

"Hays!" Buntong hininga ko. Bahagya kong kinagat yung labi ko kasi feeling ko andun parin yung labi ni Martin.

Natauhan lang ako ng maramdaman kong pabalik na sa pwesto ko si Martin.

Nung mga isang dipa nalang ang layo sa akin ni Sir Martin tumayo na ako ng tuwid at nag umpisa ng lumakad papalayo sa kanya parang di ko kasi siya kayang harapin. Bale ganun na yung naging sistema naming habang naglalakad sa baybayin.

Nasa unahan ako habang siya nasa likuran ko isang dipa ang pagitan naming dalawa. Mabagal lang naman yung mga hakbang parang naglalakad lang sa buwan ganun pero minimaintain ni Sir Martin yung distansya naming dalawa.

Siguro ayaw niya kong pressure or ayaw niyang mag explain tungkol sa ginawa niya at para sakin naman iniisip ko na parusa niya lang yun sakin dahil sa paglabas ko sa usapan naming bawal siyang tawaging Sir.

Nang makakita ako ng isang puno na natumba agad akong naglakad papunta doon. Malaking puno siya ng mangga na marahil nabuwal ng bagyo kaya tumabingi siya pero kahit ganun position nanatili parin itong mayabong.

Pinili kong umupo sa sanga na halos naka sayad na sa buhangin. Pag upo ko dun agad ding umupo si Sir Martin sa tabi ko tinanggal na niya yung isang metrong distansya naming dalawa.

Di na ko nakapag react kasi agad niyang inabot sakin yung mineral water at sandwich na dinala niya kanina. Di na ko nag inarte syempre kasi medyo nagugutom narin ako at nauuhaw sa paglalakad kaya agad ko yung tinanggap.

Itinabi ko muna yung mineral water sa may buhangin at inumpisahan kong kainin yung sandwich pero di ko naka limutang magpasalamat.

Di naman siya sumagot sakin pero muli niyang inabot yung mineral water at binuksan para matanggal yung pagkaka lock ng takip nito at muling ibinalik kung saan ko ito ipinatong.

Naging tahimik lang kaming kumain ng snack hanggang sa matapos kami. Parehas lang kaming nakikiramdam sa bawat kilos ng isat-isa at kung sino ang unang babasag ng katahimikan.

Makalipas pa ng ilang minuto nagsalita na si Sir Martin.

"Balik na tayo! Para maka pag-ikot pa tayo sa ibang island."

"Okey!" Pagsang ayon ko.


next chapter
Load failed, please RETRY

Wöchentlicher Energiestatus

Rank -- Power- Rangliste
Stone -- Power- Stein

Stapelfreischaltung von Kapiteln

Inhaltsverzeichnis

Anzeigeoptionen

Hintergrund

Schriftart

Größe

Kapitel-Kommentare

Schreiben Sie eine Rezension Lese-Status: C31
Fehler beim Posten. Bitte versuchen Sie es erneut
  • Qualität des Schreibens
  • Veröffentlichungsstabilität
  • Geschichtenentwicklung
  • Charakter-Design
  • Welthintergrund

Die Gesamtpunktzahl 0.0

Rezension erfolgreich gepostet! Lesen Sie mehr Rezensionen
Stimmen Sie mit Powerstein ab
Rank NR.-- Macht-Rangliste
Stone -- Power-Stein
Unangemessene Inhalte melden
error Tipp

Missbrauch melden

Kommentare zu Absätzen

Einloggen