App herunterladen
37.11% Maybe This Time Love Can Win (Tagalog) / Chapter 144: OVER PROTECTIVE 2

Kapitel 144: OVER PROTECTIVE 2

"Ikaw na malandi ka, ang kapal ng muka mong kasuhan ang anak ko ng attempted rape samantalang ikaw itong naglalandi sa sakanya!" Bulyaw ng matandang babae sa akin ng makapasok kami.

"Magdahan-dahan po kayo sa pananalita niyo Mrs. De Jesus baka po demanda namin kayo ng slander." Pahayag ni Bert. Pero ramdam na ramdam ko yung galit ni Martin sa tabi na itinago pa ko sa bandang likuran niya para mailayo ako sa paningin ni Mr. De Jesus at ng kanyang ina.

"Kakasuhan mo kong slander ha! Eh talaga namang malandi at pu..."

"Pak!" Di na natapos ni Mrs. De Jesus yung gusto niyang sabihin na sampalin siya ni Martin. Labis akong nagulat dahil sa ginawa ni Martin na pananakit nung makita ko na parang muli niyang sasampalin si Mrs. De Jesus agad ko siyang pinigilan sa pamamagitan ng magyakap sa kanya.

"Martin!" Tawag ko sa pangalan niya at talagang natakot ako kasi nasa loob kami ng presinto paano na lang kung bigla siyang damputin ng pulis dahil sa pananakit.

Parang natigilan ang lahat dahil dun sa nangyari hanggang sa marining namin ang palahaw na iyak ni Mrs De Jesus.

"How dare you to hit me! Wahahaha...wahaha.....!" Iyak niya. Mabili siyang niyakap ni Mr. De Jesus na umiyak na rin. Di ko mapililang hilahin si Martin para sana lumayo kasi feeling ko gusto niya uling bugbugin yung mag-ina.

"Nakita niyo yung officer sinaktan niya yung Mommy ko wala man lang ba kayong gagagwin? Ganito naba talaga ka unfair yung batas ngayon ha? Huhuhuh....Huhuhu....!" Reklamo ni Mr. De Jesus.

Ang kapal ng muka ng baboy na ito samantalang nung ako ang sinabunutan niya at pagnasaaan di man lang naisip yung batas ngayon para siyang tanga na nagmamakaawa na implement ang batas kay Martin.

"Mr. Ocampo, please calm down doon po muna tayo sa labas para po maayos natin ito!" Pagyaya ng Pulis kay Martin.

"I will stay with my girlfriend!" Matigas na sagot ni Martin at di man lang natinag. Masakit parin ang pagkakatitig niya sa mag-ina na patuloy na umiiyak. Parang sumakit yung ulo ko pakinggan yung reklamo ng mag-ina pero mas lalo pang sumaki sa pinapakitang attitude ni Martin na para siyang ibang tao nakakatakot.

"Mr. Officer pwedi na po ba nating umpisahan yung process para po maisampa namin yung kaso?" Tanong ko. Gusto ko narin kasing maka alis narin sa lugar naiyon lalo pa nga at ramdam na ramdam ko yung murderous instict ni Martin natatakot akong mapatay niya si Mr. De Jesus sa loob mismo ng presintong iyon.

"Sige po Ma'am, Dito po kayo maupo para makuhaan ko na po kayo ng statement." Agad naman akong sumunod sa itinuro niya sa aking pwesto at sumunod naman sa akin si Martin at umupo sa tabi ko sa harap namin umupo si Bert.

Nang makaupo na kaming lahat nagsimula na yung office na magtanong.

"Complete name?"

"Michelle De Vera!"

"Age and Birthday?"

"26, March 16, 1994"

"Status?"

"Single po!"

"May boyfriend na at di na available." Side comment ni Martin sa gilid. Aga kaming napatingin sa dereksyon niya at napangiti na lang ako. Di ko alam kasi kung matatawa ako o maasar sa pagiging over protective niya sa akin.

"Maari niyo na pong isalaysay yung buong pangyayari." Sagot ng Officer sa akin at nagsimula na akong magkwento sa nangyari kahapon. Habang ginagawa ko iyon hawak-hawak ni Martin yung palad ko na parang takot na takot siya na baka magka nervous break down ako or something pero para sakin wala na yun at dapat ng kalimutan charge to experienced na lang.

Sa huli napagkasunduan namin ituloy ang demanda kay Mr. De Jesus at dahil nga sinampal ni Martin si Mrs. De Jesus nagdemanda din sila ng injury laban sa kanya at muli kaming nagsampa ng slander kay Mrs. De Jesus. Inutasan na ni Martin si Bert na siya na ang bahala sa kaso at wag magapapa areglo gusto daw niyang makitang nabubulok sa kulungan si Mr. De Jesus. Matapos pa ng ilang bilin kay Bert ay tuluyan na kaming umalis.

"Okey ka lang?" Muling tanong ni Martin sa akin.

"Okey na ko wag ka ng mag-alala!" Sagot ko sa kanya habang hinalikan ko siya sa pisngi pero di siya pumayag na dun ko lang siya halikan at inilapat niya yung labi niya sa akin. Akala ko bibigyan lang niya ako ng peck sa labi pero naging mainit yun pero bago pa lumalim iyo agad ko siyang itunulak.

"Nakakahiya kay Mang Kanor!" Saway ko sa kanya habang hinampas siya sa dibdib.

"Di niya tayo nakikita!" Sagot ni Martin sa akin at muli akong hinalikan sa labi. Paanong di niya kami makikita eh wala naman kaming partition sasabihin ko sana pero di na niya ako hinayaan dahil tuluyan na niyang nilamon yung buo kong bibig. Wala na kong nagawa kundi tugunin na lang iyon.

Matapos iyon idinikit ko yung tenga ko sa dibdib niya at pinakikingan ko yung tipok ng puso niya na parang musika sa aking tenga.

"Sa pad ko muna ikaw mag-stay!" Mahinang sabi niya sa akin habang hinahaplos yung buhok ko."

"Uuwi na ko sa bahay, baka nag-aalala na yung parents ko sakin." Sagot ko sa kanya. Isa pa alam ko namang busy si Martin kasi nga by December a-appoint na siya bilang bagong Presidente ng company at ayaw ko ng dagdagan yung iniisip niya kaya gusto ko sa bahay na lang muna magpahinga.

"Sige! Pero susunduin kita sa Monday!"

"Bakit?" Takang tanong ko at tuluyan na kong umupo ng maayos para tingnan siya sa muka.

"Humingi ako kay Daddy ng one week vacation. Punta tayong Palawan!" Sagot niya sa akin habang iniayos niya yung buhok ko at inipit sa tenga para ma-reveal ang buo kong muka.

"Sige, paalam ako kina Papa!" Sagot ko naman sa kanya at muli akong sumandal sa balikat niya.

"Naka usap mo na si Boss Helen mo?" Muling tanong niya sa akin

"Oo binigyan niya ko ng one week vacation."

"Pero gusto ko sanang magresign ka na sa trabaho mo!" Sagot ni Martin sa akin habang hinawakan yung kamay ko.

"Hon, please I know you are concern about me pero di naman dapat darating sa point na kailangan give-up ko yung trabaho ko."

"Lumipat ka na lang sa company ko. Pwedi ka dun sa planning department o kaya gusto mo maging secretary ko." Naka ngiting sakot ni Martin sa akin na parang ini-imagine niya na secretary niya na ko at sumusunod-sunod sa lahat ng lugar na pupuntahan niya.


next chapter
Load failed, please RETRY

Wöchentlicher Energiestatus

Rank -- Power- Rangliste
Stone -- Power- Stein

Stapelfreischaltung von Kapiteln

Inhaltsverzeichnis

Anzeigeoptionen

Hintergrund

Schriftart

Größe

Kapitel-Kommentare

Schreiben Sie eine Rezension Lese-Status: C144
Fehler beim Posten. Bitte versuchen Sie es erneut
  • Qualität des Schreibens
  • Veröffentlichungsstabilität
  • Geschichtenentwicklung
  • Charakter-Design
  • Welthintergrund

Die Gesamtpunktzahl 0.0

Rezension erfolgreich gepostet! Lesen Sie mehr Rezensionen
Stimmen Sie mit Powerstein ab
Rank NR.-- Macht-Rangliste
Stone -- Power-Stein
Unangemessene Inhalte melden
error Tipp

Missbrauch melden

Kommentare zu Absätzen

Einloggen