App herunterladen
76.8% Maybe This Time Love Can Win (Tagalog) / Chapter 298: Kiss Mark

Kapitel 298: Kiss Mark

Grabe yung pagkakayapos sakin ni Martin kaya bahagya ko siyang itinulak pero lalo pa niyang hinigpitan yung pagkakapit sakin.

"Behave, mahal ang bayad ko sayo kaya wag kang magulo!" sabi niya habang isinubsob yung muka niya sa leeg ko.

"Di nga ako pumayad sa gusto mong mangyari!" reklamo ko pero di na sumagot si Martin.

"Hays!" buntong hininga ko, dahil nga wala na kong magama at kahit anong gawin ko ayaw na niya akong bitawan. Ang pakunswelo ko nalang is yung sinasabi niya na babayaran niya ko ng one hundred thousand atleast nabawasan yung utang ko.

Maya-maya narinig ko na yung paghilik ni Martin at di ako makapaniwala na talagang natulog siya. Samantalang ako ay nanatiling naka tingala sa kisame at nag-aabang ng butiking dumaan. Isang malaking unan ang naging papel ko sa kanya, paano ba naman yung ulo niya ay bahagyang naka patong sa balikat ko habang yung kamay niya ay nasa ilalim ng leeg ko. Naka-tanday pa sakin yung isa niyang binti habang naka pulupot sa baywang ko yung isa pa niyang kamay.

Di na naming nagawang dalawa magtanggal ng sapatos, "paki ko kung madumihan yung higaan niya siya naman magpapalaba nun!" sabi ko sa utak ko.

Maya-maya ay nakaramdam na ko ng pangangalay kasi nga mula kanina ganun lang yung ayos ko kaya bahagya akong gumalaw.

"Hmmm!" ungol niya na para bang naistorbo sa paggalaw ko.

"Sensya na nangangalay din!" reklamo ko at buti naman nakaka intindi kasi bahagya niyang niluwagan yung pagkakapit sakin kaya tumagilid ako ng higa pero patalikod sa kanya pero mabilis niya kong hinila para muling humarap sa kanya ang masaklap lang ay bumangga yung muka ko sa matigas niyang dibdib.

"Aray!" pero parang walang narinig si Martin at muli lang uli natulog. Balikatad na yung position namin ngayon ako na yung naka unan sa ma-muscle niyang braso pero yung kamay at paa niya ay nanatiling naka pulupot sakin.

"Naman talaga!" muli kong reklamo habang itinukod ko yung dalawa kong palad sa dibdib niya, paano kasi gusto niya yata akong isubsob dun.

"Kagatin ko utong mo eh, makita mo!" pagbabanta ko.

"Subukan mo!" garalgal niyang sabi. Bigla akong natahimik di ko akalain na maririnig niya yun akala ko kasi nag-aagaw pa yung antok at ulirat niya. Kaya di na ko muling nagsalita hanggang marinig ko na uli yung paghilik niya.

Nung masigurado kong tulog na siya, nag-angat ako ng tingin. Sobrang lapit ng muka ni Martin sakin at kagaya dati di parin nagbago yung kaguapuhan niya. Pinag-aaralan kong mabuti yung bawat parte ng mukang iyon kasi baka yun na yung huling matitigan ko yun ng matagal.

Napansin ko lang na nangingitim yung ilalim ng mata ni Martin na halatang kulang sa tulog. Bahagya din humpak yung pisngi niya na di ko napigilang ilagay dun yung isa kong palad habang hinahaplos iyon ng aking hinlalaki. Sinigurado kong dahan-dahan lang iyon para di ko siya magising.

"Di ka ba inaalagaan ni Elena?" sabi ko sa isip ko. Sa dalawang araw kasi naming pagsasama sa loob ng opisina niya kahit minsan di ko siya narinig na tumawag kay Elena o tinawagan siya nito. Sabagay, doctor nga pala si Elena baka busy sa trabaho at si Martin ay ganun din.

"Baka kaya puyat kasi sa gabi lang sila nag-uusap ni Elena." rason ko at kasabay nun ay parang may kutsilyong bumaon sa puso ko kasi kahit anong isip ko, yung lalaking katabi ko ngayon ay di na sakin. Dahil dun ay hinihinto ko yung paghaplos sa muka niya, aalisin ko na sana yung kamay ko na bigla niya yung hawakan sabay dilat ng mata niya.

Nagkatitigan kaming dalawa na para bang nagpapakiramdaman habang yung mga mata namin ay parang nag-uusap hanggang sa lumapit na lumapit yung muka niya sakin at nagdikit yung labi namin.

Nung una slight touch lang yun na nagdala ng wave and affection namin sa isa't-isa kaya nauwi yun sa mainit na halikan hanggang namalayan ko nalang naka ibabaw na sakin si Martin at ako naman ay nakakapit sa leeg niya. Bago ako mawalang ng hininga ay iniwan ni Martin yung labi ko at sa muka mo naman siya bumaling.

Dinampian niya halik yung dulo ng ilong ko, pati yung baba at noo ko papunta sa magkabilaang pisngi ko bago siya muling bumalik sa labi ko. Ganun yung naging proseso niya bago siya bumaba sa leeg ko.

Immerse na immerse ako sa kiliting dulot ng kanyang halik pero ng maramdaman kong sinisipsip niya yung leeg ko ay agad ko siyang itinulak at dahil nga di siya handa sa gagawin ko agad siyang natumba sa gilid ko.

"Bakit?" takang tanong niya.

"Anong bakit eh lalagyan mo ko ng kiss mark!" sabi ko habang hinaplos yung bahagi ng leeg ko na sinipsip niya, may naiwan pa dung laway niya kaya pinunasan ko iyon ng palad ko bago ako tumayo.

"Haha...haha...!" tawa niya para itago yung kalokohan niya. Inirapan ko lang siya bago ako lumabas ng kwarto at sakto namang may kumakatok sa pinto ng office niya.

"Sir!" tawag ni Yago.

"Pasok!" sigaw ko habang naglalakad ako palapit sa lamesa ko. Hinihintay kong pumasok si Yago pero di yun nangyari. Doon ko lang napansin na naka lock pala yun.

"Bwisit talaga!" nasabi ko habang lumapit ako sa pinto para buksan yun.

Naisahan nanaman ako ni Martin. Ewan ko ba, lagi akong nahuhulog sa ganung diskarte niya sakin na para bang yun ang weakness ko pagdating sa kanya.

"Si Sir Martin po?" tanong ni Yago ng magkaharap kami, pero nakita ko sa muka niya na para siyang nagulat. Bigla tuloy akong na conscious sa sarili ko baka may nakita siya na dapat di niya makita kaya napatingin ako sa damit ko. Maliban sa nagusot kong damit wala namang mali, I mean is wala namang naka lihis o natanggal na butones kaya para maka iwas ay tinalikuran ko nalang si Yago at bumalik na ko sa table ko, habang sinagot ko yung tanong niya.

"Nasa kwarto niya!"

"Okay po!" sagot ni Yago sakin sa professional way na lagi naman niyang ginagawa kahit ilang beses kong sabihin na tawagin niya nalang akong Michelle.


AUTORENGEDANKEN
pumirang pumirang

Guys bawi nalang ako bukas!!!

Nangangalay kasi yung kamay ko

Huhuhuh due to injection! :(

next chapter
Load failed, please RETRY

Wöchentlicher Energiestatus

Rank -- Power- Rangliste
Stone -- Power- Stein

Stapelfreischaltung von Kapiteln

Inhaltsverzeichnis

Anzeigeoptionen

Hintergrund

Schriftart

Größe

Kapitel-Kommentare

Schreiben Sie eine Rezension Lese-Status: C298
Fehler beim Posten. Bitte versuchen Sie es erneut
  • Qualität des Schreibens
  • Veröffentlichungsstabilität
  • Geschichtenentwicklung
  • Charakter-Design
  • Welthintergrund

Die Gesamtpunktzahl 0.0

Rezension erfolgreich gepostet! Lesen Sie mehr Rezensionen
Stimmen Sie mit Powerstein ab
Rank NR.-- Macht-Rangliste
Stone -- Power-Stein
Unangemessene Inhalte melden
error Tipp

Missbrauch melden

Kommentare zu Absätzen

Einloggen