Lumipas ang buong araw nang may bara sa dibdib ko. Ang hirap magpigil, lalo na tuwing nakikita ko si Brian na halos hindi na umaalis sa paligid ni Lara. Hindi ko siya mapigilang titigan nang masama, pero wala akong ginawa—hindi pa.
Pagdating ng uwian, doon ko na naisipang kumilos. Inabangan ko si Brian sa labas ng opisina. Nakatayo ako malapit sa parking lot, tahimik pero puno ng tensyon.
Paglabas niya, masaya pa siyang kumakanta ng kung ano-anong kanta. Nang makita niya ako, agad na nagbago ang ekspresyon niya. "Oh, Damian. Anong ginagawa mo dito? May kailangan ka ba?"
Lumapit ako sa kanya, hindi nagbibiro ang tingin. "Brian, alam kong balak mong ligawan si Lara."
Nakita ko kung paano siya bahagyang napaatras, pero mabilis siyang nagbalik ng kumpiyansa. "Bakit? Anong problema doon?"
Huminga ako nang malalim, pinipilit na huwag magwala. "Brian, hindi mo ako kilala, at hindi mo alam kung paano ako magalit. Kaya sinasabi ko sa'yo ngayon, huwag mo nang ituloy ang balak mo." Binabalaan kita.
Napakunot ang noo niya, tila naguguluhan. "Damian, seryoso ka? Parang hindi naman tamang ikaw ang magdikta kung sino ang pwedeng manligaw kay Lara."
Lalong tumindi ang tensyon sa pagitan namin. Lumapit ako sa kanya, ang mga mata ko diretso sa kanya. "Huwag mo akong susubukan, Brian. Sinasabi ko 'to para sa'yo. Huwag mo nang guluhin ang sitwasyon."
Napatingin siya sa akin nang may halong inis at takot. "Damian, gusto ko lang naman ligawan si Lara. Wala kang karapatan para pigilan ako."
Ngumiti ako, pero hindi iyon ngiting mabait. "Siguraduhin mo lang na kaya mong panindigan ang ginagawa mo, Brian. Dahil kapag tinuloy mo yan alam mo na kung ano pwedi mangyari. At siguradong hindi mo gugustuhing mangyari.
Tahimik siyang nakatingin sa akin, parang tinatantiya kung gaano ko kaseryoso ang mga sinabi ko. Nang makitang hindi ako natitinag, tumalikod na siya, pero hindi bago magbitaw ng salita. "Damian, hindi ikaw ang magdedesisyon para kay Lara. Tandaan mo 'yan."
Naiwan akong nakatayo doon, galit pa rin pero mas determinado kaysa dati.
*Hindi ko hahayaang na makuha mo si Lara. Gawin mo lang ang gusto mo, Brian, pero hindi mo ako matatalo.*
Habang pinagmamasdan ko ang papalayong si Brian, hindi pa rin nawawala ang kaba sa dibdib ko. Alam kong tama ang ginawa ko, pero sa isang banda, hindi pa rin ito sapat. Hindi ito ang sagot. Kahit pa anong banta ang gawin ko, hindi ko maiaalis ang katotohanan na may karapatan din siya—dahil ako mismo, wala pa rin namang malinaw na posisyon sa buhay ni Lara.
Habang naglalakad pabalik sa kotse ko, napatingala ako sa kalangitan. Ang mga bituin ay tila tahimik na nanonood, parang ako ang nagiging kontrabida sa sariling kwento. *Damian, ano ba talaga ang plano mo? Aasa ka na lang ba na hindi siya piliin ni Lara, o gagawa ka na ng paraan.?
— Bald kommt ein neues Kapitel — Schreiben Sie eine Rezension