App herunterladen
76.24% M2M SERIES / Chapter 291: The Stripper (Strip 17)

Kapitel 291: The Stripper (Strip 17)

Dumating ang araw ng party ng kumpanya. Hindi na ako mapakali dahil hindi pa din ako nakakapag desisyon.

Sa akin nakasalalay ang lahat,ang relasyon namin ni Kaze,ang relasyon nya sa pamilya ko,ang kahihiyan ko at ng pamilya at kumpanya nya. Sobrang nakaka pressure na talaga,para ng sasabog ang utak ko,ang hirap na wala akong mapagsabihan ng mga dinadala ko.

I texted Edge kahapon para makausap sya,baka may maibigay syang idea na pwedeng makatulong sa akin. But he's out of the country. Nag outing ang kumpanya nila.

"May problema ba?" ang puna sa akin ni Kaze nung nagbibihis na kami.

"Kinakabahan lang ng kaunti." ang sabi ko naman at inayos na ang pagkakatupi sa sleeves ng polo ko.

"Don't be. Plano ko ding aminin na sa parents mo ang relasyon natin. Panay kasi ang pasaring ng kakambal mo eh,balak ko naman talaga iyon,pero mukhang napaaga lang." aniya at niyakap ako.

Dumistansya ako ng kaunti para makita ko ang gwapo nyang mukha. Na sa una pa lang ay nabihag na ako. Kitang kita ko sa mga mata nya kung anong nararamdaman nya para sa akin. At nagiguilty ako dahil alam kong pag nalaman nya ang katotohanan ay kakamuhin nya ako.

"Maraming salamat at ako ang minahal mo. Napaka swerte ko na ang gaya mo ang nag ukol ng pagmamahal sa akin." ang maluha luha kong sabi. Huminga ako ng malalim para mawala ang paninikip ng dibdib ko,at para mawala din ang kung anong nakabara sa lalamunan.

"Mas maswerte ako. Kasi kahit sumasakit na ang ulo mo sa akin ay ako din ang minahal mo. Handa na akong makasama ka habang buhay,Keeyo."

Niyakap ko sya. Sinubsob ko ang mukha ko sa dibdib nya. Pinabayaan kong tumulo ang aking mga luha,hinayaan kong mailabas ko ang pamimigat ng aking dibdib.

"Mahal na mahal kita Kaze Celis. Tandaan mo yan." ang sabi ko. Bahagya nya akong inilayo sa kanya at nagsalubong ang mga kilay nya ng makitang lumuluha ako.

"Bakit ka umiiyak?" pinunasan nya ng daliri nya ang mga luha ko. "May nasabi ba akong nakasakit sayo?"

"W-wala. Sobrang saya ko lang. Napaka overwhelming ng mga sinasabi mo." ang sabi ko at ngumiti. Mahigpit nya akong niyakap at hinalikan sa noo.

I never knew that I could love like this. Hindi ganito ang naramdaman ko kay Budz noon. Kaya sobrang natatakot ako sa posibleng mangyari.

Kahit nasa taxi ay panay ang text ni Keesha,dalian ko daw dahil ipapakilala nya sa akin ang manliligaw nya. I just can't get over the fact na talagang infatuation lang ang naramdaman nya kay Kaze. Akala ko talaga ay magiging magkaribal kami,na magkakaroon kami ng malaking gulo.

At masaya ako na masaya sya sa manliligaw nya. Sana tuloy tuloy na iyon.

Madilim na ng makarating kami sa Party. Sa isang five star hotel ito,madami agad ang nakakilala sa amin pagpasok namin,may mga bumati at may mga kumausap saglit. Pero naintriga sila sa amin ni Kaze.

Kaya ang tanging sagot ni Kaze ay "You will know later."

Napansin agad namin ni Kaze sina Mama at Papa,pero wala si Keesha. Agad kaming lumapit,may mga pinakilala si Papa sa akin na mga bussiness tycon.

Hanggang sa si Kaze na ang kinausap nila. Nagpaalam ako na mag iikot muna baka may makita pa akong ibang kakilala.

Hindi nga ako nagkamali,nakita ko si Lourd at Zeth pero hindi ko sila pinansin. Ayaw kong masira ang gabing ito.

Pagtingin ko sa entrance ay nakita kong papasok yung babaeng nasa opisina ni Lourd,yung babaeng lumalandi kay Kaze. Hindi ako nagpahalatang sa kanya ako nakatingin.

What's her name again? Oo nga pala,kaya hindi ko maalala dahil hindi naman sya nagpakilala o pinakilala sa akin.

Huminga ako ng malalim. I really feel somethings not right. Pakiramdam ko ay wala dapat ako dito,na hindi na dapat ako nagpunta. But I just shrugged it off. This is our company's party,and I should be here no matter what.

Umakyat na si Papa sa isang flatform. Sa likod nya ay isang malaking screen. Magsasalita na siguro sya kaya nagsiupuan na ang mga tao.

Hinanap ng mga mata ko si Kaze,nasa table sya ng mga board members kaya nagdesisyon akong puntahan na lang si Mama. Malayo pa lamang ako ay nakikita ko na si Keesha at ang katabi nyang lalaki na kausap ni Mama.

Napanganga ako. Sya yung lalaking nagsauli ng wallet ni Keesha! Yung gwapo. Tingnan mo nga naman ang tadhana.

"Hi!" ani ko ng makalapit. Sa tabi ako ni Mama umupo.

"Mga anak,kayo na bahala dyan sa bisita huh? Susuportahan ko lang ang Papa nyo." ani Mama,nagulat na lang kami ng videohan nito si Papa na nagsisimula pa lang sa speech.

"Hi twin bro! Naalala mo ba sya?" ani Keesha na kilig na kilig. Tiningnan ko yung lalaki at nginitian ako nito.

"Ofcourse!"

"Well,sya ang manliligaw ko." anito na kumikislap pa ang mga mata. "Bently,meet my twin Keeyo."

"Nice meeting you." at nag shake hands kami ni Bently. Bagay sa kanya ang pangalan nya,gwapo.

"The company won't reach its success without everyone of you." ani Papa. Nagpalakpakan ang lahat.

Nilingon ko si Kaze. Lumapit sa kanya yung babaeng hitad at may iniabot na envelope. Mabilis itong binuksan ni Kaze,inilabas ang laman at binasa.

Kumalabog ang dibdib ko. Shit! May mali talaga.

Biglang dumilim at bumukas ang malaking screen.

Puro ungol ng tatlong lalaki ang maririnig,mga gumagawa ng kahalayan.

Agad na umingay ang paligid. Napatayo ako,hindi ko alam kung saan ako titingin. Nag unahang lumandas ang mga luha ko.

Kitang kita ang mukha ko sa video. Pero ang mukha nina Lourd at Zeth ay blurred.

B-bakit?

"The fuck is that?" dinig kong sabi ni Keesha. Para ng umiikot ang paningin ko.

"Oh lord! Stop that!" sigaw ni Mama. Lalong umingay ang mga tao.

"Itigil nyo yan! Sinong may pakana nito?!" umalingawngaw sa buong paligid ang boses ni Papa.

Biglang tumutok sa akin ang spotlight. Hiyang hiya ako,nanginginig ang buong katawan ko. Gusto kong mabiyak ang lupa at lamunin ako nito.

Ramdam kong sa akin nakatingin ang lahat. Umatras ako. Ito na ang resulta ng mga mali kong aksyon,ito ang bunga ng lahat ng mga pagkakamali ko.

Kahit nakatungo ay tumakbo ako. Gusto kong makalayo na sa lugar na ito. Hindi na mahalaga sa akin kung sino ang may pakana,dahil una pa lang ay alam kong may mangyayari,hindi ko nga lamang ito napaghandaan.

"KEEEEYYOOOO!! SANDALI LANGGG!!" boses iyon ni Kaze ngunit hindi ako tumigil o lumingon.

Hindi ako karapat dapat para sa kanya. Hindi ako nararapat sa pagmamahal nya. Ipinipilit ko lamang ang sarili ko.

Paglabas ng hotel ay agad akong pumara ng taxi.

"San tayo sir?"

"Sa pier po!" yun lang ang naisip ko. May dala akong pera,kailangan kong makalayo para makalimutan ako ng lahat,para makalimutan nila ang nakita nila.

Hilam na ang mga mata ko sa luha,nanlalabo na ang mga mata ko dahil dito. Panay na ang hagulhol ko at wala na akong pakialam kung ano ang isipin ni Manong driver.

Pagdating sa Pier ay agad akong kumuha ng ticket,maswerte at nakakuha ako ng mismong byahe ngayong gabi. Wala akong pakialam kung saan ang destinasyon,basta ang gusto ko lang ay maglaho ng tuluyan.

Panay ang tunog ng phone ko kaya ini-off ko ito. At ng umakyat na ako sa barko ay nablangko na ang utak ko.

Wala ng matinong pumapasok sa isipan ko,ni hindi ako dumiretso sa cabin. Sa rooftop ako dumiretso at naupo sa isang bench doon na nakaharap sa dagat.

Nang maglayag na ang barko ay nagsimula na naman akong umiyak. Kasalanan ko naman ang nangyari eh. Hinding hindi nila ako mapapatawad,isa akong malaking kahihiyan,isa akong pagkakamali.

Hindi ko alam kung gaano ako katagal sa bench,niyakap ko ang sarili ko dahil malamig at malakas ang hangin. Tumingin ako sa paligid,madami ding tambay dito sa rooftop.

Anu-ano kaya ang kwento ng buhay nila? Tulad din ba sa akin? Ano kaya ang rason ng pag alis nila ng Manila? Hindi din ba naging maganda ang buhay nila gaya ko?

Tumungo ako at pumikit. Mahapdi na ang mga mata ko at pagod na ako. Kailangan ko ng magpahinga.

"Sir,kung inaantok na po kayo ay mas mabuting dun na kayo sa Cabin nyo. Delikado po kung dito kayo makakatulog." sabi ng isang boses. Pagtingin ko ay isa pala ito sa mga crew ng barko.

"Pasensya na." tumayo na ako. Tiningnan ko ang ticket ko,sa economy ako,sa kulay orange na bracket.

Bumaba na ako at hinanap yung higaan ko. Nang makita ko ito ay agad na akong humiga at pumikit.

Nakakapagod,gusto ko ng magpahinga,gusto ko ng matapos ang lahat ng ito.

Nagising ako sa ingay. Agad akong bumangon,mukhang oras na ng pagkain pero wala akong gana at hindi ako nakakaramdam ng gutom.

Tumayo na ako at lumabas para makita ang dagat. Pakiramdam ko ay para akong alon,walang eksaktong patutunguhan.

"Sana balang araw ay mapatawad nila ako."

May mga malalapit na isla sa paligid,I wonder nasaan na kaya kami ngayon?

Tumingin ako sa paligid,walang tao. Ngayon ko na maisakatuparan ang iniisip ko bago matulog kagabi.

May natanaw akong bangka,pero mukhang hindi din ako mapapansin nga mga nandun.

Agad na akong tumuntong sa railing. Pumikit ako at hiniling ko,na sa pagkawala ko ay mapatawad na nila ako.

Tumalon na ako at hinayaan kong bumulusok ako pababa sa dagat.

Sa huli kong hantungan.


next chapter
Load failed, please RETRY

Wöchentlicher Energiestatus

Rank -- Power- Rangliste
Stone -- Power- Stein

Stapelfreischaltung von Kapiteln

Inhaltsverzeichnis

Anzeigeoptionen

Hintergrund

Schriftart

Größe

Kapitel-Kommentare

Schreiben Sie eine Rezension Lese-Status: C291
Fehler beim Posten. Bitte versuchen Sie es erneut
  • Qualität des Schreibens
  • Veröffentlichungsstabilität
  • Geschichtenentwicklung
  • Charakter-Design
  • Welthintergrund

Die Gesamtpunktzahl 0.0

Rezension erfolgreich gepostet! Lesen Sie mehr Rezensionen
Stimmen Sie mit Powerstein ab
Rank NR.-- Macht-Rangliste
Stone -- Power-Stein
Unangemessene Inhalte melden
error Tipp

Missbrauch melden

Kommentare zu Absätzen

Einloggen