App herunterladen
49.86% M2M SERIES / Chapter 190: Jin (Chapter 35)

Kapitel 190: Jin (Chapter 35)

BUSOG na busog ang baklang si Kathnis kay Jin. Tatlong beses din siyang nagpalabas sa piling nito. Matapos kasi siyang labasan sa una ay hindi pa rin ito tumigil sa kakachupa ng kargada niyang matigas pa rin kaya muli siyang nilabasan.

Nagpahinga lang siya nang kunti no'n at naisipang makiligo. Pinayagan naman niya ang request nitong paliguan siya. At doon ay muli na naman siya nitong chinupa hanggang sa narating niya ulit ang langit.

Paglabas niya ay binigyan siya nito ng isang libo kahit hindi naman siya humihingi pero hindi niya iyon tinanggap at inisip niyang regalo na lamang niya ang mga nangyaring iyon kay Kathnis.

Labis din naman siyang nag-enjoy nang mga sandaling iyon. Pero tinanggap niya ang ibinigay nitong puting damit. Binili raw nito para ibigay na regalo sa isang lalaki pero hindi na nagpakita kaya hindi natuloy.

Wala siyang kapera-pera kaya muli siyang naglakad. Hindi niya alam kung saan siya patungo at sumasabay lang kung saan man siya dalhin ng mga paa. Muli rin siyang nalumbay no'n at nanumbalik ang sakit na nararamdaman sa dibdib dahil kay Marian. Napapaluha na naman siya.

Mga alas tres ng hapon, nakaramdam na siya ng pagod at gutom. Nasa baryo Mahayahay na siya no'n. Nakita niya kasi sa mga sign board. Naisipan niyang tumambay sa isang tulay. Kunti lamang ang mga nakikita niyang tao roon. Maraming mga puno ng kahoy sa lugar na iyon.

Nakatitig lamang siya sa mga puno ng kahoy. Punong-puno ng pighati ang kanyang puso. Marami siyang naging katanungan sa isipan at sinubukan niyang lutasin ang mga iyon.

Saan nga ba siya nagkamali? Naging sobrang sama ba niya para danasin ang gano'ng mga problema? Bakit kailangan niyang magdusa nang dahil sa sariling kadugo? Bakit kailangang pati ang isa sa mga rason niya para sumaya ay iniwan pa siya?

Kahit pagbali-baliktarin pa niya ang kanyang isipan ay wala talaga siyang matamong kasagutan. Gusto na niyang sumigaw no'n. Napahagulgol siya sa sobrang pait ng mga nangyayari sa kanyang buhay.

Napatanong siya sa isipan, "Paano nga kaya kung bigla na lamang akong mawala na parang bula? May makakapansin kaya? May maghahanap kaya?"

Naisip niya ang kanyang mga magulang. Alam niyang mahal na mahal siya ng mga ito. Pero naisip niyang kung sakaling mawala siya, nandoon pa naman si Din.

Simula't sapol alam niyang mas paborito ng mga magulang ang kanyang kambal. Kabaligtaran siya sa lahat ng mga narating ni Din sa buhay. Walang-wala siya kung ikukumpara rito. Ito ang laging magaling.

Ito ang laging mabait. Ito ang laging matalino. Kung alam lamang ng kanyang mga magulang kung paanong inapakan ni Din ang lahat. Kung paano nitong sinirang parang bagyong Yulanda ang buhay niya. Pero hindi niya talaga kayang gumawa ng mga bagay na hahatak sa kanyang kambal pababa. Napakaswerte pa rin ni Din dahil mahal na mahal niya ito.

Napatingin siya sa konkretong harang ng tulay. Takot siya sa mga matataas na lugar subalit kinalimutan na niya ang takot na iyon at mas nanaig ang sakit na kanyang nararamdaman. Naisip niyang ganoon nga siguro talaga ang buhay. Kapag naranasan mo na ang sakit, kapag nasanay ka na, magiging manhid ka na sa anumang bagay na puwede pang manakit sa 'yo.

Pero kung sanay na nga siya, bakit hindi niya magawang baliwalain na lamang ang lahat? Bakit para siyang talunan nang mga sandaling iyon?

Hindi na niya namalayang dumidilim na pala ang paligid noon. Patuloy siyang inaalipin ng samo't saring emosyon. Alam niyang may mga nakakapansin na sa kanya pero wala na siyang pakialam. Maaaring iniisip ng mga itong nababaliw na siya.

Tumingala siya sa langit. Pilit siyang ngumiti at mas tumaba pa ang mga luhang bumalong mula sa kanyang mga mata. Sa sitwasyon niyang iyon, nakuha pa niyang puriin kung gaano kaganda ang buwan at mga bituin.

Huminga siya nang malalim. Naisip niyang maaaring iyon na ang huling sariwang hangin na kanyang malalanghap. Dumungaw siya sa ibaba, nakita niya ang tuloy-tuloy na pag-agos ng tubig sa ilog.

Ipinikit ni Jin ang kanyang mga mata. Nakiramdam siya sa paligid. Ang sariwa at malamig na simoy ng hangin, ang tunog ng mga dahon at sanga ng kahoy, ang ingay na dala nang umaagos na tubig sa ilog at ang mga kuliglig. Dinama niya ang lahat ng mga iyon na parang isang kolektor ng mga mahahalagang bagay sa mundo.

Alam niyang hindi na niya madadala pa ang mga ito sa paraisong naisip niyang puntahan nang mga sandaling iyon. Pero nagpapasalamat pa rin siya at nasaksihan niya ang kagandahan ng mga ito.

Alam niya sa kanyang sarili na handa na siyang iwan ang lahat. Wala ng makakapigil pa sa kanya. Iyon na lamang ang naisip niyang solusyon no'n. Ang takasan na talaga ang lahat. Dahan-dahan niyang iminulat ang mga mata. Nilibot niyang muli nang tingin ang buong paligid. Napatangis siya nang husto.

Naisip niya ang maliit na kutsilyo na palagi niyang dala. Dinukot niya iyon sa bulsa. Laking pasalamat niya kasi nakalimutan niya iyon at hindi nagamit para paslangin si Amos, ang bumaboy sa kanyang pagkatao na naging dahilan nang pagkakaroon ng lamat sa relasyon nila ni Marian.

"Yap, mahal na mahal kita. Mahal na mahal," humihikbi niyang turan.

Napatingin siya sa matalim na kutsilyong hawak. Nangingintab iyon at may bahagi ng buwan at mga bituing naaaninag niya roon. Huminga ulit siya nang malalim. Nanginginig ang kanang kamay na itinapat ang kutsilyo sa kanyang kaliwang pulso. Patuloy lamang siyang lumuluha no'n. Alam niyang ang mga luhang iyon ang huling papatak mula sa kanyang mga mata.

"Diyos ko... kung ano man ang mga kasalanang nagawa ko sa 'yo, sana mapatawad mo pa ako. At patawarin mo rin ako sa gagawin kong ito ngayon. Hindi ko na kaya. Pagod na pagod na ako. Pagod na pagod na ako..."

Nagmistula na siyang bata nang mga sandaling iyon na inagawan nang pinakapaboritong laruan. Nahihirapan na siyang huminga sa sobrang sikip ng kanyang dibdib.

Muling pumasok sa kanyang isipan ang mga alaala ng kanyang kabataan hanggang sa kasalukuyan niyang edad. Napagtanto niyang wala nga talaga siyang dapat pang panghinayangan sa kanyang buhay. Karapatdapat na niyang lisanin ang mundong iyon. Wala siyang kwenta. Isa siyang malaking salot sa lipunan.

"Hoy, tanga! Magpapakamatay ka na lang din naman, bakit sa kutsilyo pang 'yan? Masyado naman yatang maliit."

Nagulat si Jin sa narinig. Pamilyar sa kanya ang boses na iyon. Para siyang ginapos at hindi na nakagalaw pa.

"Ano na? Gusto mong bigyan kita ng kutsilyong malaki at mas matalas diyan sa hawak mo?"

Napahugot nang malalim na hininga si Jin at napalingon sa pinanggalingan ng boses na iyon. Nakita niya ang isang luhaang babae.

"Akala mo ba ikakamatay mo 'yang kutsilyo na 'yan kapag ginamit mo? Hindi! At kapag nahulog ka diyan sa ilog, wala ring silbi dahil mababaw lang 'yan. Magmumukha ka lang tanga alam mo ba 'yon?"


next chapter
Load failed, please RETRY

Wöchentlicher Energiestatus

Rank -- Power- Rangliste
Stone -- Power- Stein

Stapelfreischaltung von Kapiteln

Inhaltsverzeichnis

Anzeigeoptionen

Hintergrund

Schriftart

Größe

Kapitel-Kommentare

Schreiben Sie eine Rezension Lese-Status: C190
Fehler beim Posten. Bitte versuchen Sie es erneut
  • Qualität des Schreibens
  • Veröffentlichungsstabilität
  • Geschichtenentwicklung
  • Charakter-Design
  • Welthintergrund

Die Gesamtpunktzahl 0.0

Rezension erfolgreich gepostet! Lesen Sie mehr Rezensionen
Stimmen Sie mit Powerstein ab
Rank NR.-- Macht-Rangliste
Stone -- Power-Stein
Unangemessene Inhalte melden
error Tipp

Missbrauch melden

Kommentare zu Absätzen

Einloggen