THEY give each other a farewell hug before Samantha strides to the driver seat. Hinatid pa niya ng tanaw ang papalabas na kotse ng pinsan niya bago muling bumalik sa loob ng bahay. Pagpasok niya ng living room siya namang pagbaba ni Brielle karga si Kyree.
"May bisita ka kanina?" tanong nito.
She smiled at him and said, "Yeah. Dumaan si Samantha at may kinuwento lang sa akin,"
Habang pababa ng hagdan matamang nakinig si Brielle sa sagot niya ngunit lumipad ang tingin nito sa wall clock na nakasabit sa dingding ng sala. Brielle saw it was past eleven in the morning.
Paglapit niya kay Ivana agad na kinuha nito si Kyree mula sa kanya. "Little prince, tanghali na kayo nagising ni Daddy mo ah,"
"Hindi ba pumasok sa opisina si Samantha? Biglaan naman ata ang pagdalaw niya. At bakit di mo muna pinigilan para sana dito nalang mag tanghalian," Brielle said.
She raised her head and said, "Nagmamadali na siya kasi late na nga at importante ang sadya niya rito,"
"Hmm, talaga? Anong sabi ng pinsan mo?" agad na tanong ni Brielle sabay upo sa tabi niya.
"Maya ko na sabihin sayo, kumain muna kayo ni Kyree, tanghali na kayo nagising mag-ama. Di na kita ginising kanina ng masilip kong bumalik ka ng tulog at katabi mo si Kyree,"
Tumayo na si Brielle at kinargang muli si Kyree, "Tara na ipaghain mo na kaming dalawa. Ang kambal nasaan?"
Sumunod na rin siya kay Brielle papuntang dining room, "Nasa study room, oras na ng klase nila. Mamaya konti bababa na rin iyon,"
"Himala at nagkasundo silang dalawa. Napapansin ko kasi lately laging nagbabangayan ang dalawang iyon, maliit na bagay lang nagtatalo na agad. Maigi pa nga noong maliliit pa silang dalawa mahaba ang pasensya sa isa't-isa," tugon ni Brielle matapos ibaba si Kyree sa upuan nang nasa dining room na sila.
Ngumiti siya ng bahagya at nagtuloy na sa kitchen para ipaghain ang mag-ama. Pagbalik niya sa dining room saka lamang sinagot si Brielle. "Ang init kasi lagi ng ulo ni Brendon, manang-mana sayo ang ugali,"
Brielle picked up the food that she served and put some into Kyree's plate. "Inaasar naman kasi lagi ni Brianna ang kuya niya. Alam naman niyang mabilis mainis si Brendon, lagi rin namang sinasadya na asarin ito,"
Ivana seated next to Kyree and started feeding him, "They will get along with each other, let's give them enough time. As long as, they aren't harming each other physically, let them argued,"
Napapailing lamang si Brielle sa naging sagot ng asawa at nag-umpisa na ring sumubo. After eating they went back to the living room. Siya namang pagpasok ni Yaya Santina at kinuha si Kyree mula kay Ivana. Pumanhik na ito sa itaas matapos magpaalam na paliguan ang bunso nila.
"Matanda na si Yaya Santina, dapat siguro pabalikin na natin siya ng Singapore," Ivana suggested.
"Buti kung sasama pa iyon kina Dad pabalik ng Singapore, lalo na ngayong nandito na nakabase kaming dalawa ni Denise," Brielle said.
"Yeah, speaking of your sister, Samantha had told me, she thought your conclusion about Reymond was right," tugon ni Ivana.
"Pardon?" gulat na tugon ni Brielle.
Bumuntong huminga muna siya bago muling sumagot, "Sabi ko, binanggit ni Samantha na maaaring tama ang hinala mo na may kinalaman si Reymond sa pagtangay kay Denise,"
"Really? You mean, she just came here to told you that? And how did she get convinced?" dudang tanong ni Brielle.
"She told me that Reymond had appeared at the venue during Denise's engagement party. Mismong ang anak niyang si Nate ang nagbinggit kaninang umaga bago siya umalis sa kanila. At ang sabi pa ni Nate nakita nito si Reymond sa comfort room at nakausap nga nito. Mahigpit pa raw binilinan ni Reymond ang pamangkin niya na huwag banggitin sa Mommy nito na nagkita sila at nagkausap. Pero di rin siguro mapakali si Nate kaya sinabi na sa Mommy niya. Then, Samantha went to Simon earlier to confront him, but according to Simon, it wasn't him who told his brother to do such kind of an act; instead, maybe their Mom pushed his youngest brother," Ivana explained.
"Paano naman nakakasiguro si Samantha na hindi kasabwat si Simon sa ginawa ng kapatid niya kung ito nga ang tumangay kay Denise. Baka naman naghugas kamay lang si Simon para di ko siya idamay dahil nga dumaldal na si Nate," tiim-bagang na tugon ni Brielle.
"Do you still think Simon can manipulate his little brother if that's the case? Nakita naman natin pareho na walang access sa outside world si Simon. Hey, can you please let go of the past? It's over between you and Simon, for the sake of my cousin, will you?" She holds Brielle's hand.
"And what about my sister? Do you really believe Simon was innocent, and their Mom was the one who pushed Reymond? Baby, c 'mon, will you stop being so kind, too, because it wouldn't work between my family and Simon? Madali lang para sayo tanggapin na nawawala si Denise at gusto mong maniwala ako na walang kinalaman si Simon? Ivana naman, ang dali mong paikutin eh," naiinis na tugon ni Brielle sabay bawi ng kamay niya.
"Bakit? Kapag ba pinairal mo ang galit mong iyan, mababago ang sitwasyon? Makukuha ba natin si Denise? Malalaman ba natin ang lokasyon nila? Be reasonable, Brielle. And look at the current situation that Simon has. Do you think he dares to lie? Nawala na ata sa tamang huwisyo ang utak mo dahil sa mga nangyari," inis na ring tugon ni Ivana.
"Ah, so, gusto mo ngayong palabasin na ako ang mali?" mataas ang tono ng boses ni Brielle nang sumagot sa kanya.
"Bakit sinabi ko bang mali ka? Ang sabi ko lang tingnan mong maigi ang sitwasyon ni Simon bago ka humusga,"
"Yeah, right! It's easy for you to believe them because of your cousin. Iyon ba ang pinunta ni Samantha rito? Ang pakiusapan ka na huwag idamay ang asawa niya sa akusasyon ko?" galit na tugon ni Brielle.
"You're ridiculous and unreasonable because you jump into a conclusion. It's hard to argue to someone like you," She hissed.
"What are you guys arguing?�� boses ni Brendon ang pumutol sa mainit na pagtatalo nila. Pababa na ito ng hagdan at kasunod si Brianna.
"Mom, Dad, nag-aaway ba kayong dalawa? Ang lakas ng boses ninyo ah," puna ni Brianna habang sumunod sa kuya niya.
Kapwa napatigil sina Brielle at Ivana. Mainit ang ulo nilang pareho at umismid sa isa't-isa habang nakahalukipkip na tumalikod. Nasa tapat na nila ang kambal at tiningnan silang pareho ng mga ito.
"Ahem...anong meron at mukha galit kayo sa isa't-isa? Ang bigat ng aura ninyo," muling tanong ni Brendon.
"Oo nga, ang lakas pa ng boses ninyo, halos magsigawan na kayong dalawa. Eh, anong dahilan? Ngayon talaga kayo nagtatalo na may problema tayo?" biglang tugon ni Brianna at lumapit sa mismong harapan ni Brielle.
"Bakit sa akin ka nakatingin, tanungin mo ang Mommy ninyo," tugon ni Brielle at salubong ang kilay.
"Bakit ang sungit mo ngayon, Dad? Nakakagulat kayong dalawa ha. After decades, this has been the first time we heard you quarreled," Brianna quickly answered.
"Mommy wala ka bang sasabihin?" tanong ni Brendon sa ina.
"Itanong ninyo sa Daddy ninyo dahil siya ang mainit ang ulo," inis na tugon ni Ivana.
"So, ganyan nalang kayong dalawa? Galit sa isa't-isa at walang magpapakumbaba?" Brendon again.
"Wala na akong ganang magsalita pa," Ivana said.
"Yeah, right because you're being so emotional," Brielle answered.
"At ako talaga ang emosyonal ha? Sino bang naunang nagalit, diba ikaw?" sumbat ni Ivana.
"Brianna pumanhik ka nga doon sa taas kumuha ka ng mga stuff toys natin at ibigay mo sa kanilang dalawa para maghampasan sila sa isa't-isa hanggang sa maubos ang galit nila," tugon ni Brendon.
"Hahaha, seryoso ka kuya?" natatawang tanong ni Brianna.
"Bakit mukha ba akong nagbibiro? Ayaw nilang mag-usap ng maayos, diba? Mas okay ang ganon, maghampasan sila ng stuff toys sa isa't-isa para mailabas ang galit nila," Brendon again.
Kapwa napatawa ang mag-asawa sa sinabi ni Brendon. Si Brielle ang unang nakabawi matapos ang malutong na tawa nito.
"Son, are you really my eldest child?" tanong ni Brielle.
"Eh, galit kayo sa isa't-isa Dad kaya maigi ng idaan sa ganon para mabawasan ang sama ng loob ninyo," walang ngiting tugon ni Brendon.
"Magbati na kasi kayong dalawa Mommy, Daddy," untag ni Brianna.
"Ewan ko dyan sa Daddy ninyo, siya itong mataas ang boses agad eh. Daig pa babaeng nag menopause. Mahinahon naman ako kanina ng nagkwento sa kanya," Ivana said.
"Lagi nalang ako ang may kasalanan sa ating dalawa ah. Ayaw mo talagang umamin," tugon ni Brielle.
"Bakit, ikaw naman talaga nag-umpisa ng mainit na argumento eh. Manang-mana ka talaga---"
"Manang-mana siya kay Mommy La, Mommy," mabilis na pagtatama ni Brianna.
"Isa ka pa! Sulsol ka kaagad eh," Brendon glared his twin.
"Bakit totoo naman ah, palibhasa kasi pareho kayo ng ugali," bulong ni Brianna.
"Pakilakasan nga ng sinabi mo para naman dinig ko," tugon ni Brendon.
"Oh, tama na iyan baka kung saan na naman kayo mauwing dalawa. Lagi nalang kayong nag-aasaran," puna ni Brielle.
Kumandong si Brianna kay Brielle at humalik sa pisngi ng ama. "Daddy, bakit ang init ng ulo mo?"
"Ito kasing Mommy ninyo, kahit nagsasabi lang ako ng totoo, binibara agad ako," Brielle said.
"Kasi tamang hinala ka, bigla kang nagbigay ng konklusyon gayong di mo pa nga inimbestigahan ang mga nangyayari. Mahirap nga kasi makipagtalo sa isang matalinong kagaya mo,"
"At ako talaga ang--"
"Ops! Ano di pa rin kayo tapos dalawa?" biglang pumailanlang ang boses ni Brendon na medyo mataas na ang tono.