BRIELLE nodded and invited Mr. Yang to sit down.
"Akala ko talaga may ibang tao na titira na dito sa bahay mo. Nagulat ako pagsilip ko si Ivana at ang mga kasambahay ninyo ang abalang nagbaba ng mga gamit mula sa movers. Bakit biglaan naman ata ang paglilipat ninyo?" said Mr. Yang.
Tumikhim muna siya bago sumagot dito, "My family is not safe in our old house. Kahapon kasi may nagpadala sa akin ng regalo sa opisina. Laman ay sariwang patay na daga at nakasabit ang larawan na kuha noong kasal namin ni Ivana. Then, my Mom and wife encountered a weird thing on the same day. May palihim na nagmamatyag sa amin. My little boy hacked the CCTV camera from the nearby house, and it happens he got a short recorded clip of someone taking photos secretly to my wife and Mom,"
Nagulat ito ng marinig ang sinabi niya, "Really? Sino ang gumawa nun? Diba wala ka namang nakagalit sa business world?"
"Yeah. I never offended anybody among the business circle. The only enemy, my family, have was Simon's family, yet I still can't accuse them because we all knew they're not living here in Beijing. Saka hindi naman talaga nakisawsaw ang pamilya ni Simon sa anumang alitan namin," aniya.
"Oh, how about your father? Maybe he offended someone among the business circle," Mr. Yang said.
"Nope. I don't think so. Dad was always careful in dealing with people every day. Nagpapaimbestiga na ako para makakuha ako ng solid evidence ng kung sinuman ang nasa likod nito. Kaya't inilipat ko muna ang pamilya ko sa ligtas na lugar,"
"Maganda na rin ang ginawa mong desisyon. Kung may maitutulong ako, sabihan mo lang ako. Nandyan lang naman kami sa kabila," anito.
"Sure! But don't worry, I'm taking care of everything. I can't let this person harm my family,"
"O, paano di na siguro ako magtatagal. May business deal kasi akong pupuntahan mamayang hapon. Tatawagin ko muna ang bunso ko. Uuwi na kami," tumayo na ito mula sa couch.
"No. Let your daughter stay here. Ihahatid nalang namin mamayang hapon sa bahay niyo. Mukhang nagkakasundo sila ni Brianna," nakangiting tugon ni Brielle.
"Eh, medyo mahiyain iyon,"
"Okay lang, Mr. Yang. Madaldal ang anak kong babae, natitiyak kong magkakasundo sila,"
"Okay, sige. Mauna na ako!"
"Ihatid na kita hanggang sa may gate,"
Tumango ito at sabay na silang lumabas. On the other side, at Brianna's room, she put all her toys on the carpet. Nakasalampak sila sa carpet ni Caroline at masayang naglalaro. Sa kabilang kwarto naman abalang nag-aayos si Brendon ng mga books niya ng marinig ang maingay na tawanan nina Brianna at Caroline.
"Brianna, really annoying!" He murmured. Ilang saglit pa ang lumipas di na siya nakatiis. Lumabas siya ng kwarto ang nagtungo sa kwarto ng kakambal. Nadatnan niyang bukas ang pinto nito at nagkalat sa sahig ang mga laruan ni Brianna habang masayang nakasalampak sa carpet ang dalawa.
Pumasok siya at nameywang. "Brianna, look at how messy your room was. Tapos ang ingay pa ninyong dalawa,"
Nag-angat ng mukha si Brianna at tiningnan ang Kuya niya na nakatayo sa may pintuan. "Naglalaro kami ni Caroline, malamang maingay nga,"
"Watch your mouth. Is it the right way to answer your Kuya?" nakataas ang kilay niya habang nakatingin sa dalawa.
Caroline simply glances at him. Napansin niyang ngumiti ito ng bahagya na lalo niyang ikinainis.
Tumayo si Brianna at nakataas kilay din itong sumagot. "Magsara ka ng pinto ng kwarto mo, para di mo marinig ang tawanan namin. Ang dami mo namang arte,"
"You...Hindi sound proof ang bahay natin. Nagpasimuno ka talaga ng kaingayan. Pababain mo na ang bisita mo baka kanina pa naghihintay ang Daddy niya," supladong tugon niya.
"What?! At bakit ko pabababain si Caroline? Naglalaro pa kami. Kapag umuwi na siya sinong kalaro ko? Buti sana kung nakikipaglaro ka sa akin," angil nito.
"Laro lang talaga nasa isip mo. Mag-aral ka, ang dami mo pa atang assignments na di pa natatapos. Inuuna mo pa ang laro,"
"Bakit ba? Pwede ko namang gawin ang assignment mamayang gabi," nakasimangot nitong tugon.
"Ligpitin mo na ang mga nagkalat mong laruan at pababain mo iyang kalaro mo. Ang ingay ninyong dalawa," akma na itong tatalikod ng muling nagsalita si Brianna.
"Ayoko. Manigas ka dyan. Magsara ka ng pinto mo o di kaya, lumipat ka ng ibang kwarto malayo dito sa akin,"
Lumingon siya ulit sa kambal, "Brianna, don't be stubborn. Stop your nonsense spouting,"
"Bahala ka, mainis ka kung gusto mo. Naiinggit ka sa amin dahil masaya kami rito," anito.
"What? Me? Maiinggit sa pambata mong laro? Whatever!"
Naiinis siyang tumalikod. Brianna, throw a naughty smile to her brother's fading back.
"Pikon! Akala mo ha,"
"Brianna, galit ang Kuya mo?" biglang nagsalita si Caroline.
Bumalik si Brianna sa tabi ni Caroline. "Hayaan mo na iyon. Suplado iyon at di ko kayang sabayan ang mga ginagawa niya. Ignore him because I am not afraid of his rude attitude sometimes,"
"You're twins?" Caroline asks.
"Yes. But he had different interests. He was like my Dad; in fact, his knowledge was exceptional. As I said, ignore him!"
Nakasimangot na bumaba ng hagdan si Brendon. Nadatnan niya sa living room si Kyree at ang Daddy niya.
"Dad, can you please tell Brianna to be quiet? Ang ingay nilang dalawa noong anak ni Mr. Yang,"
"Ganon ba? Hayaan mo muna ang kapatid mo, ngayon lang kasi siya nagkaroon ng ibang kalaro," natatawang tugon ni Brielle.
"Ang ingay nilang dalawa," pasalampak siyang umupo sa sofa.
Lumapit si Brielle sa kanya at ginulo ang buhok niya. "Ikaw talaga, masyadong suplado. Alam mo naman si Brianna, isip bata pa talaga. Pagbigyan mo na, kuya ka eh,"
"Sumasagot sa akin," nakasimangot niyang tugon.
"Eh...talaga? Bakit naman? Alam mo masamang nagtatalo kayong dalawa. Baka makasanayan niyo iyan," aniya at tumabi ng upo rito.
"Sabi ko pauwiin na ang kalaro niya at mag-aral siya. Aba, sumagot agad sa akin,"
Brielle smiled at his son. "Ikaw naman oo, mag-give way ka. Kasi alam mo, isip bata pa nga si Brianna. Hindi siya kasing lalim mo mag-isip, saka anak masama ang laging seryoso. Makihalubilo ka sa iba para maranasan mo naman maging bata minsan. You are still young, and you have a long way to go serious when the time comes,"
"I wanna learn more things like you,"
"Yeah, I know, but don't deprive yourself of being a child. Mukhang naiinis ka lang dahil di lumapit sayo si Caroline eh," tudyo niya sa anak.
"No way! I hate being childish!" ismid nito.
"Eh bakit ka apektado? Mukha namang mabait si Caroline. Saka kaibigan natin ang pamilya niya. Mas matanda pa kayong dalawa ni Brianna doon. It is good to have a childhood friend,"
"Humph! Naiinis talaga ako!"
"Cheer up, my boy! C'mon, you're mature enough to handle your little sister. Don't be too harsh!"
"Lakad na bumalik kana doon sa taas at makipaglaro ka sa kanila. O kung ayaw mo bantayan mo nalang si Kyree. Tutulong lang ako sa Mommy mo mag-ayos ng gamit namin," aniya.
"Sige na nga. Magbabantay nalang ako kay Kyree kesa bumalik ako doon sa taas na maririnig ko ang ingay nila,"
"Okay. Ikaw ang bahala. Alagaan mo muna kapatid mo,"
He stood up and patted Brendon's head before he left. Nagtungo siya sa kwarto nilang mag-asawa at nadatnan niyang abalang nag-aayos ng gamit nila si Ivana.
"Baby, tutulong na ako sayo,"
Lumingon si Ivana at ngumiti sa kanya. "Si Kyree nasaan?"
"Andon iniwan ko sa sala, binantayan ng Kuya niya," Brielle said.
"Eh...himala at pumayag mag-alaga doon sa kapatid niya. Anong nakain noon?" bulalas ni Ivana.
"May sumpong eh, nainis sa ingay ni Brianna at Caroline kaya bumaba at nagmamaktol," natatawang tugon ni Brielle.
"Talaga? Bakit?"
"Naku, alam mo naman iyon. May sariling mundo. O mas tamang sabihin nainis siya dahil di siya pinansin ng anak ni Mr. Yang,"
"Ganon ba, nagmana sayo," natatawang tugon ni Ivana.
"Bakit ganon ba ako noon? Nakikipaglaro namin ako sa inyo ni Denise ah," aniya.
"Nang-aasar hindi nakikipaglaro. Madalas mo akong pinapaiyak kesa makipaglaro ka,"
"Diskarte ko lang iyon dahil di mo ako pinapansin eh. Lagi kang sumasama kay Denise," He said while grinning.
"Ah, so iyon naman pala. Iba ka rin ano? Manang-mana nga sayo ang anak natin,"
"Forget about it. Tulungan na kita rito para matapos kana. Alam kong pagod kana eh,"
"Naks naman. Ang sweet ha, di ako sanay," biro niya.
"Anong di sanay. Sweet naman ako lagi sayo. Maarte ka nga lang,"
"Ibang klase ang lambing may halong kapilyuhan," aniya.
"Mas exciting kasi ang mga gusto kong gawin lalo na kapag tayong dalawa--"
"Oops! Huwag mo ng dugtungan alam ko na sasabihin mo. Di na tayo pwedeng magdagdag ng isa pang anak dahil marami akong inaasikaso sa HOUSE OF FONTANER. Naaawa na ako kay Grandma dahil siya lang halos nag-aasikaso doon sa London. I should be the one to do it but you didn't allow me to stay in London," Ivana said.
"Syempre may pamilya kana. Saka magagaling naman ang mga tauhan mo doon. Kayang-kaya nila iyon. Hindi rin ako kumportable na nandoon ka tapos maiiwan kami rito. Isa pa may kinakaharap na naman tayong panibagong problema. Di pa natin kilala kung sino talaga ang nasa likod ng panggugulo na naman sa buhay natin," malungkot niyang tugon.
"Hayaan mo lilipas din ito, malalaman din natin kung sinuman ang nasa likod nito. Alam ko namang hindi mo kami pababayaan,"
Dear Readers,
Since I decided to give this novel free, I am demanding (LOL) to all of you to give a power stone vote, rate, and review as much as possible. I might consider writing one chapter a day and update it on a daily basis.
I will check if readers will understand my demand. Thank you!