App herunterladen
63.91% Love Connection [Tagalog] / Chapter 62: CHAPTER 47 - Hot and Cold

Kapitel 62: CHAPTER 47 - Hot and Cold

CHAPTER 13 - Hot and Cold

ARIANNE'S POV

Aldred: Arianne, anong gagawin mo ngayong hapon?

Kasalukuyan akong nasa Secret Spot nang mag-text si Aldred. Kakatapos lang namin kumain nila Pristine at Bianca nang maagaw ng pag-beep ng cellphone ko ang atensyon naming tatlo.

"Who's that?" tanong ni Pristine, nakakunot ang kilay at may bahid ng pangi-intriga. Sa reaksyon niya'y mukhang tapos na siya sa kung ano man ang iniisip niya.

Binasa ko muli ang text kaya hindi ko kagad nasagot si Pristine. Dahil dito ay iniusli niya ang ulo niya para tignan ang screen ng phone ko. Sumimangot siya nang makita kung sino ito.

"Hmmp! The Freak," she said, her face warped in disgust. Natawa si Bianca.

"Di ba off ka ngayon sa booth? Ba't di mo sabihin sa kaniya?" Bianca suggested.

Pumindot ako ng ilang letra para reply-an siya pero gumana uli ang pag-iisip ko dahilan para mag-alinlangan ako. Hindi ko napigilan ang mapabuntong-hininga.

"May problema ba?" Nakasalubong ang kilay ni Pristine.

Ngumiti ako sa kaniya saka umiling bilang tugon.

"Wala naman, naisip ko lang na baka puntahan niya ako kapag sinabi ko na wala akong gagawin ngayon,"

Malisyoso akong tinignan ni Bianca, "Ayaw mo ba?" tanong niya bago siya ngumiti na tila nang-aasar.

Iniwas ko ang mukha ko. Hindi ko masagot si Bianca dahil una sa lahat ay taliwas sa una kong sinabi ang gusto kong itugon sa kaniya.

"Loko ka Bea, stop teasing Aya. It's too early to see a Freak on a Wednesday. Maglibot na lang tayo ng walang istorbo." Pristine saved me with her reaction.

Nagpalipas pa kami nang sandali. Nag-relax ako ng upo at pumikit. Balak ko sanang burahin pansamantala ang mga nasa isip ko pero malinaw na gumuhit sa alaala ko ang bonding namin ni Aldred sa pwesto na'to. It was fun... It's fun being with him to the point that I forgot something.

How can I be so careless?

Kaninang umaga ay hindi ko alam kung anong mukha ang ihaharap ko kay Natalie.

Am I breaking my promise?

Hindi pa man malinaw ay alam ko sa sarili ko na nagkakaroon na ako ng pagtingin kay Aldred. Hindi ko ito maikakaila dahil hindi ko rin ito inasahan. Sinabi ko man kay Natalie na kahit kailan ay hindi ko magugustuhan si Aldred pero ito ako ngayon at siya ang iniisip.

Sa totoo lang kasi ay kanina ko pa hinihintay na tumunog ang phone ko. Kanina ko pa hinihintay na kontakin ako ni Aldred at ngayong ginawa niya na ay halos tumalon ang puso ko sa saya pati sa bangin...

Nakita ko na kung paano malungkot noon si Natalie nang hindi siya ang piliin ko sa pagitan nila ni Pristine. Nagalit siya sa akin pero kalaunan ay parang okay na naman kami…

Sa totoo ay hindi ko ma-gets si Natalie minsan. Iniintindi ko na lamang siya dahil kahit ganoon ay alam ko naman na she cares for me and I also care for her. Isa siya sa matalik kong kaibigan. Nasaktan ko na siya dati at ayoko uling mangyari iyon.

I don't want to choose again.

I didn't expect her to put so much trust in me but she did.

I need to clear my mind.

Tumayo na kami nila Pristine pero saktong aalis na kami ay dumating sina Irene.

"Miss Pristine, please come with us. Pinag-utos ni Madam Veronica na iuwi ka raw namin ngayon ka agad sa mansion."

Napasimangot si Pristine pero hindi na siya pumalag pa. Kapag utos ng mama niya ay kahit na labag sa loob niya ay ni-isang beses ay hindi niya ito sinuway. Malungkot siyang nagpaalam sa amin ni Bianca bago siya sumama sa mga bodyguards niya.

"Badtrip naman," inis na sambit ni Bianca.

Kami na lang sana ni Bianca ang tutuloy pero habang naglalakad kami sa may academic hallway ay may humahangos na mga estudyante ang lumapit sa amin.

"Ate Bianca, we need your help!" sabi ng tatlong babae na estudyante. Kabilang sila sa Clothing/Fashion Club kung saan presidente si Bianca.

Ngiwi siyang lumingon sa akin. Alam ko naman ang responsibilidad niya kaya hinayaan ko na siyang samahan ang mga members ng club niya.

♦♦♦

As usual ay naiwan akong mag-isa. Gusto ko sanang mag-libot pero hindi ko kayang gawin iyon ng mag-isa.

"Hi Ate Arianne," bati sa akin ng grupo nang mga estudyanteng babae. Tumigil ako para pansinin sila.

"H-Hello," nakangiti pero naiilang kong tugon.

Bigla silang nag-ingay kaya nahiya ako at mabilis na lumakad. Lumayo ako sa mga taong nakapansin sa akin at tumigil nang hindi ko na maramdaman ang nakaka-pressure na presensya ng mga mata sa paligid.

Napabuntong hininga ako.

I wonder what Aldred is currently doing right now. Sigurado ay wala siyang gagawin ngayong hapon kaya minessage niya ako. Hindi ko na siya ni-reply-an pa kaya hindi ko alam ang dahilan ng tanong niya. Minabuti kong pumunta na lamang sa room namin at tumulong sa booth.

Paakyat na ako ng 4th floor at papaliko ako nang muntik ko ng makabunggo si Natalie. Nalaglag ang lunch bag na dala ko kaya pinulot ko ito at pagka-angat ko naman ng mukha ko ay saka ko nakita ang pagkagulat sa mukha niya. Tinignan ko ang paligid niya at mukhang wala siyang kasama. Umayos si Natalie ng tindig nang maka-recover siya kaya't ito naman ako't na-intimidate sa kaniya.

"H-Hi Nat."

Tumikhim siya bago tumugon, "Hi," malamig niyang sabi bago parang usisain ang paligid ko.

"Mag-isa ka lang?" nagtataka niyang tanong. Tumango ako.

"Pinasundo si Pristine ng tita mo while Bianca is in her club."

Nagkunot ang kilay ni Natalie.

"Alam mo ba yung dahilan kung bakit pinasundo si Pristine?" Natalie asked curiously and also kind of worried?

I told her what happened to Pristine this morning and it made her face turn grim.

"Is she alright?"

I smiled at her before answering a yes. Natalie's face relaxed as if she just felt relief.

Saglit kaming hindi nag-imikan pagkatapos. Dahil nasa may hagdanan kami ay nadadaanan kami ng mga tao. Napapatingin sila sa amin at yung iba pa nga ay parang usi na naghihintay kung anong mangyayari. Kalat kasi sa buong SNGS ang history ng galit sa akin ni Natalie.

I became uneasy because of the stares I received. Napayuko ako at parang napansin ito ni Natalie nang mag-react ang mata niya. Lumingon siya sa paligid bago muli sa akin.

"Are you okay?"

Hindi ko siya sinagot pero tinanong ko siya. "Mag-isa ka lang din ba?"

Saglit na umiwas ng tingin si Natalie sa akin bago niya ako sagutin.

"Uhm, yea. Busy kasi pareho sina Noreen and Eunice. Ngayon pa lang ako kakain ng lunch."

Pansin ko na parang nahihiya siya. Nagtaka ako. Inangat ko ang mukha ko saka marahan siyang nginitian.

"Gusto mo ba samahan kita?"

Biglang naglikot ang mga mata ni Natalie. Iniwas niya ang kaniyang mukha sa akin at tumikhim. Nang ibalik niya ito at ang kaniyang tingin ay parang puno siya ng irita.

"Whatever you like," aniya sa iritableng tono. Kinabahan ako pero agad din itong naalis nang mapansin ko ang pagpula ng porselana niyang pisngi.

♦♦♦

Bumaba kami ni Nat at pupunta sana sa canteen nang maalala ko na may isa pa pala akong lunch box na hindi nagalaw. Inalok ko ito sa kaniya na malugod niya namang tinanggap. Sa Green Garden sana kami pipwesto pero puno ng tao roon. Pumunta pa kami sa iba pero ganoon din kaya napag-isipan ko na yayain na lamang siya sa Secret Spot.

Pagdating na pagdating namin sa Spot ay napalingon kagad siya sa taas. Sa may kurtina na winawasiwas ng hangin.

"What a great idea," bulalas niya habang nakatingin sa bintana ng chairwoman. Nakangisi siyang lumingon sa akin.

Umupo ako sa damo at sumandal sa punong nasa likod ko. Inaya ko siyang tumabi sa akin dahil maganda ang tubo ng damo sa pwesto ko pero sinamaan niya ako ng tingin. Umupo siya sa tapat ko.

Habang kumakain si Natalie ay di ko maiwasang mapatitig sa kaniya. She is so stunning. She is so classy and acts mature for her age. She is so cool too and looks like someone you can depend on.

"What are you looking at?" she asked, eyebrows furrowed.

"I was just stunned. Ang ganda mo kasi talaga Nat," sabi ko sa kaniya at parang dahil doon ay nabilaukan siya. Agad kong kinuha ang tubig sa loob ng lunch bag ko at iniabot ito sa kaniya. Marahas siyang lumagok dito at nang matapos ay yamot akong tinignan.

"You don't need to state the obvious," aniya. Pulang-pula ang mukha niya kaya nangiti ako. Bihira lang kasi na mag-react ng ganito si Natalie sa akin.

Muli ay nakita niya akong nakatingin sa kaniya.

"Please stop staring at me," naiirita niyang sabi.

"Anong nagustuhan mo kay Aldred?" I asked out of nowhere. Napatitig siya sa akin na tila ba nagulat siya sa tanong ko.

"Why do you ask?"

Ngumiti ako, "I'm just curious. Aldred is physically attractive pero sigurado akong hindi lang 'yon yung dahilan," paliwanag ko.

"So, you're acknowledging his handsomeness?" Natalie smiled while eyeing me. Nailang tuloy ako.

"Uhm, yea. I will be lying if I will deny it."

"Tell me Arianne, what can you say about him?" Parang napasubo ako dahil si Natalie na ang nagtanong sa akin.

"Di ba dapat sagutin mo muna yung tanong ko?"

Sumama ang tingin ni Natalie.

"Ah—ah w—well, since magkasama kami sa iisang bahay uhm, nalaman ko na may pagka-childish siya at immature. Mukha siyang cool, well he really is cool sometimes pero madalas siyang parang engot umasta. Inosente siya pero may pagka-bastos. Mayabang pero mabait naman. He is family oriented too," I said without even realizing that a smile formed on my lips. Pagkatapos kong magsalita ay doon ko lang napansin ang pagtitig sa akin ni Natalie. Binura ko kagad ang ngiti ko.

"Ganoon ba? Nakakainggit, ngayon mo lang nakasama si Aldred pero mukhang mas nagkakakilanlan na kayo."

Nakangiti si Natalie pero bakas sa ekspresyon ng mga mata niya ang paglungkot.

"No, it's just that we are living under the same roof. It can't be helped," agad kong paliwanag.

Pinagpatuloy ni Natalie ang pagkain niya na para bang hindi pinansin ang paliwanag ko.

"Hey Nat, so ano ngang nagustuhan mo kay Aldred?" Pag-uulit ko sa tanong na hindi niya sinagot kanina. Alam kong makulit ang dating ko pero napagdesisyonan ko na gusto kong malaman. Gusto kong malaman kung ano ang dahilan niya kaya nagustuhan niya si Aldred.

"I don't know, I just like him," sabi niya na nagpatigil sa akin.

"Like no reason at all?"

Natalie threw me a puzzled look. Parang napaisip siya.

"Physically-wise, I am attracted. Attitude-wise I am hooked. I can't pinpoint it out but I know I like him."

Nakadiretso at focus ang tingin niya sa akin habang seryoso niyang binibitawan ang mga salitang iyon.

Tumango ako. Naiintindihan ko siya dahil ganoon rin ako. Hanggang ngayon ay hindi ko ma-pin point kung ano ang meron sa ungas na 'yon dahilan para mag-react ng abnormal ang puso ko sa kaniya.

"Is he your first love?" tanong ko pa na ikinagulat niyang muli. Kahit ako ay nagulat din sa sarili ko. I can't help myself to not getting curious about what Natalie feels for Aldred.

She said she likes him but does she love him? Does Natalie feel lonely when she doesn't see him? Does she always want to see him? Does he bring her happiness?

"No," tugon niya na nagpatigil sa akin.

Saglit bago ko naalala ang namagitan sa kanila ni Charles. Na-guilty ako nang biglang maglungkot ang mukha niya. Feeling ko ay napaalala ko sa kaniya ang isang masakit na bagay. Gusto kong burahin iyon.

"Ah Nat, I just noticed recently na hindi ka na masyado gumagamit ng deep red shade na lipstick," sabi ko para maiba ang usapan.

Mabilis nag-iba ang reaksyon niya. Nakasingkit ang mata niya akong tinignan.

"So what?" mataray niyang tanong na ikinangiti ko.

"Mas gusto ko kasi sayo 'yang light lang."

Saglit siyang napatitig sa akin bago ibalik ang atensyon niya sa pagkain. Masaya ako dahil nag -light na ang mood.

Gusto ko pa sana siyang kausapin dahil minsan lang kami magkasama pero ayoko ng istorbohin pa siya.

Dahil sa pananahimik ay pansin ko ang panunuyo ng lalamunan ko. Kinuha ko ang tumbler ko na pinag-inuman ni Natalie at uminom din ako roon. Pagkatapos kong uminom ay naabutan kong naka-fixed ang mata niya akin.

"Nauuhaw ka pa ba? Ito oh."

Inabot ko sa kaniya ang tubig pero tinanggihan niya ito. Bigla niyang tinakpan ang lunch box at inayos ito sa lunch bag. Tumayo siya.

"No, bibili na lang ako," sabi niya. Tumayo na rin ako.

Base sa naging aksyon niya ay siguro ayaw niyang nakikiinom ng tubig. Naglalakad kami patungo sa cafeteria nang bigla siyang tumigil.

"A—Arianne, thank you pala sa lunch. It was really tasty."

"Welcome, I'm glad you like it,"

Nagpatuloy kami sa paglalakad. Habang papunta kami sa canteen ay hindi lingid sa akin ang mga matang nakatingin sa amin. Kasama ko ba naman si Natalie and with her gorgeousness flaunt out ay attention grabbing talaga siya katulad ng pinsan niyang si Pristine.

"Hi Ate Arianne," a grade school girl student greeted me. I smiled at her before I replied.

"Hello."

The girl squealed together with her friends. Nahiya tuloy ako dahil feeling ko ay pinagtrip-an nila ako.

"You really are popular, especially with the kids."

Nagtataka akong napalingon kay Natalie.

"Are you kidding me?"

Naalala ko tuloy noong pinagtrip-an ako ni Pristine. Ako yung pinadala niyang representative ng section namin noong Children's Month last year. Hindi naman sa ayaw ko sa mga bata pero ang kukulit ng mga grade 2 na napunta sa akin.

"Ate Arianne, dito ka sa akin."

"Hindi, Ate Arianne dito ka sa amin."

"Ate Arianne, ayoko na sayo! Sabi ko dito ka sa amin e!"

Hindi ko alam kung paano sila ia-approach kaya nalito ako hanggang sa ma-irita ako sa kanila. Nandilim ang paningin ko at ewan ko't bigla na lang silang nag-iiyak. I was reported that I shot the kids a cold glare. Pinatawag ako sa guidance to confront their parents. Hiyang-hiya ako noon pero hindi ko alam kung bakit nang makita ko ang mga magulang nila ay agad nila akong pinatawad kahit na hindi pa naman ako nagpapaliwanag.

"Do I look like I'm kidding?"

Hindi na ako sumagot dahil biglang nagbago ang aura ni Natalie.

"Are you really not aware of your popularity?" dugtong niya na inilingan ko. Imposible naman kasi 'yon.

She huffed before eyeing me.

"Better," aniya.

Pumasok kami ng cafeteria at parang humina ang ingay na naabutan namin. Natalie bought bottled water then after that we left. It was already past 1 in the afternoon when I looked at my watch.

"May gagawin ka ba ngayon?" tanong ni Natalie. Sinabi ko sa kaniya na off ako sa booth at parang nagliwanag ang mukha niya.

"Is it okay for you if you go with me? Off din kasi ako ngayon at hindi pa ako nakakapaglibot sa mga booths since mag-start 'tong JFE," sabi niya. "Pero okay lang din naman kung ayaw mo," dugtong ni Natalie sabay tingin ng masama. Para bang binabantaan ako ng mata niya.

"I'm glad that you asked me to," tugon ko sa kaniya. I saw the glint of a smile on her lips.

"So do we need cat masks like the one that you and Aldred wear?"

Napatigil ang utak ko dahil sa tanong niyang iyon. Of course, malalaman niya iyon lalo na at kaibigan niya si Noreen. Tinignan ko siya pero masayang ngiti niya ang naabutan ko.

"Shall we?" aniya.

♦♦♦

Nagsimula kaming mag-libot pero hindi ako nagsasalita. Iniisip ko kung anong nasa isip ni Natalie nang malaman niya ang tungkol sa "Wanderer Cats" caption namin ni Aldred. Masyadong malalim ang iniisip ko kaya't hindi ko napansin ang reaksyon ng mukha ni Natalie.

"Are you not enjoying with me?" malungkot niyang tanong. Kasalukuyan kaming nasa tapat ng candy booth dito sa SNGS nang tanungin ni Natalie iyon at dahil doon ay napalingon sa amin ang mga crew nila.

"I'm sorry, ano k—kasi, naisip ko lang yung s—sinabi mo kanina. Are you not angry with me?"

"Ah about that, pardon me if I brought it up. For a moment, I did become jealous but, I chose to trust you so I dismissed it," she said, again with that powerful word. Parang gusto ko tuloy saksakin ang sarili ko.

"You won't break your promise, right?"

Napangiwi ako sa tanong niya. Marahan akong tumango at ngumiti si Natalie.

"Two chocolate cones for the beautiful girls in front of our booth."

Nagulat kami ni Natalie nang bigyan kami ng candy booth ng chocolate cones kahit na hindi naman kami umo-order.

"No, we didn—" sasabihin ko sana pero hindi na ako natapos pa.

"It's rare to see such beautiful flowers like yourselves to be together so consider that as a gift for giving us a nice view."

Parehas kami ni Nat ay namula sa pinagsasabi ng staff.

"I will pay for it then, since it will go naman sa mga donations," ani Natalie saka nagbalak na bubunot sana ng wallet sa bulsa niya pero pinigilan siya ng staff.

"Please not, but if you want to pay it then your beautiful smiles are enough."

Natalie smiled samantalang sure ako na pag-ngiwi ang gumuhit sa labi ko. I know that they intend no harm and was just glad like they said but, it's really hard to deal with that kind of people. Sobrang bait nila, mahihiya ka nalang at kapag nahiya ka, hindi mo sila matatanggihan kahit na hindi ka komportable.

Nagpatuloy kami sa paglalakad. Natalie is happily eating her cone. Naalala ko tuloy noong bata pa kami na fave niya talaga ang mga chocolates. Lagi siyang may chocolates sa bag at madalas niya itong shini-share sa akin.

Kinagat ko yung cone ko and it's delicious. Napansin ko ang pagtingin sa akin ni Natalie saka siya tumuro sa gilid ng labi niya. Agad kong hinanap ang panyo ko ngunit naiwan ko ata ito sa bag ko sa may room.

"Cute."

Huh?

Napalingon ako kay Natalie at kasabay noon ay ang pagpahid ng panyo niya sa gilid ng labi ko. Nahiya tuloy ako.

Naglibot pa kami ni Natalie. Bumili kami ng mga pagkain, specialties, arts, crafts, etc. na gawa ng mga iba't-ibang booths para makatulong sa donation sales nila. Niyaya ko siyang pumunta ng booth namin pero isa lang ang naging sagot niya.

"Hell no."

Impit akong natawa. Ayaw niya talaga ng mga bagay na related sa horror.

Natutuwa ako habang tinitignan si Natalie. Madalang lang kaming magkasama kaya't masaya ako ngayon na nabigyan ako ng pagkakataon. Bilang kaibigan niya ay syempre gusto ko ring maka-bonding siya.

Pumunta kami ng ground at tumungo sa Street Booths ng NIA. Naglaro kami ng mga games pero halos maubos na ang laman ng coinpurse namin ay wala pa kaming napapanalunan ni isa. Natalie's face is full of frustration. Kita ko sa mukha niya ang gigil at inis dahil sa hindi siya manalo-nalo.

"I will go up, kukunin ko yung wallet ko."

Hindi ako makapaniwala.

"Hey 'wag na. May pera pa naman ako rito," sabi ko. Liningon niya ako at sinamaan ng tingin. Maya-maya ay parang nanlumo siya.

"If you want a stuff toy, I can easily get one," sabi ko at parang nabuhayan siya. Pumunta kami sa may crane game at nakita niya nang palihim akong maglabas ng magnet galing sa coinpurse ko.

"That is the— well, this game is a cheater," Natalie gave me an approving look before she checks our surroundings.

Since there's no other crane game here, the stuffed toys are the same as those Aldred and I have. I started the game and voila I won and got two stuffed cats again.

Binigay ko kay Natalie ang dalawa pero tinanggihan niya ang isa't ibinalik sa akin.

"I will take the pink one." Masaya niyang sinabi saka pinasok ang kamay niya sa tali nito.

"Thank you, Arianne."

Pinasok ko rin ang kamay ko sa tali ng blue stuff cat. I looked at it and realized na bale dalawang ganito na ang meron ako. Nagpatuloy kami sa paglilibot hanggang sa mapadpad kami sa isang photobooth. Sa buong paglilibot ko ay ngayon ko lang ito nakita. Katulad ito nang mga nasa arcade na photobooth ang naiba lang ay buong 50 pesos cash ang kailangan para gumana.

"Do you want to take a photo?" tanong ko kay Natalie nang mahuli ko siyang nakatingin dito.

"Yea, but I don't have enough cash though," aniya. Tsinek ko ang coinpurse ko at puro barya lang ang laman nito.

Parehas kaming nalungkot pero parang biglang dumating ang isang anghel sa katauhan ni Jerome nang marinig namin ang boses niya.

"Good afternoon, Arianne," bati niya sa akin saka siya lumingon kay Natalie, "at sayo rin Miss Natalie."

Sumingkit ang mata ni Natalie.

Jerome is really handsome, like a charming prince. I will always have this adoration for him pero hindi na ito kagaya noong una na napapatalon ang puso ko at napapainit ang pisngi ko.

"Oh, so you're in need of a 50 pesos bill. I can lend you some para hindi na kayo bumalik pa sa SNGS," alok niya na nagpangiti sa akin. Samantala ay hindi naman umiimik si Natalie at katulad ni Pristine ay masama ang aura sa tuwing nandyan si Jerome.

Mukhang pansin naman ito ni Jerome. "Did I do something wrong?" he asked when he glanced at Natalie.

"No, wala lang ako sa mood. Sorry," mataray na sabi ni Natalie. Nagulat naman ako sa inasal niya.

"It looks like I'm not good with the Vicereal bloodline," ilang at natatawang sabi ni Jerome. "Sige na, I'll take my leave. Napadaan lang naman ako para i-visit yung isang booth dito. Enjoy the photobooth. Anyways, may 10% interest 'yang pagpapahiram ko."

Parehas kami ni Natalie ay nasingkitan siya ng tingin dahil sa sinabi niya.

"You sound like someone I knew," ani ko nang maalala ko si Pristine.

"Ganoon ba?" Tumawa siya. "Nagbibiro lang ako, actually libre ko na 'yan," bawi ni Jerome saka siya muling nagpaalam sa amin at umalis.

"Biruin mo mukha mo," rinig kong bulong ni Natalie habang masamang nakatingin sa nakatalikod na pigura ni Jerome.

Ilang na lang akong natawa.

Tumungo kami ni Natalie sa may booth at pumasok doon. Ako ang nag-operate ng machine at habang ino-operate ko ito ay napansin ko ang inis na mukha ni Natalie.

"May problema ba?" tanong ko sa kaniya bago ko ipasok ang 50 pesos. Inirapan ako ni Natalie pero saglit lang ay binalik niya rin ang tingin sa akin.

"Do you like him?" tanong niya. Nag-init ang pisngi ko dahil sa gulat. Ngumiti ako kay Natalie bago siya sinagot.

"May crush ako sa kaniya," pag-amin ko.

Wala dapat akong balak sabihin sa kaniya pero mabuti na rin ito para alisin niya na sa isip niya na may pagtingin ako kay Aldred.

Inantay ko ang reaksyon ni Natalie pero hindi siya nagsalita. Akala ko ay matutuwa siya pero mas lalo lang sumama ang mukha niya.

Pumasok ang 50 pesos sa machine at nagsimula ng kumuha ng litrato ito. Nakaramdam ako ng awkwardness because Natalie still has this irritated look. Ngiwi ang mga ngiti ko habang siya naman ay hindi maipintura ang mukha. Nanghihinayang lang ako dahil minsan lang ito kaya inipon ko lahat ng courage ko.

"Nat smile," sabi ko sabay dikit sa kaniya. Nakatingin ako sa camera pero kita ng peripheral vision ko yung gulat niyang reaksyon.

Dalawang copy ang lumabas sa machine. Tinignan ko isa-isa ang mga shots namin at katulad nga ng inaasahan ay ang grumpy at awkward face ko at ni Natalie ang naroon. Ang matino nga lamang ay iyong huli kahit na hindi nakatingin si Natalie sa camera.

"Nat ang cute mo dito," pagturo ko sa kaniya dahil busy rin siya sa pagtingin ng picture. Saglit niya akong tinignan bago irapan.

♦♦♦


next chapter
Load failed, please RETRY

Wöchentlicher Energiestatus

Rank -- Power- Rangliste
Stone -- Power- Stein

Stapelfreischaltung von Kapiteln

Inhaltsverzeichnis

Anzeigeoptionen

Hintergrund

Schriftart

Größe

Kapitel-Kommentare

Schreiben Sie eine Rezension Lese-Status: C62
Fehler beim Posten. Bitte versuchen Sie es erneut
  • Qualität des Schreibens
  • Veröffentlichungsstabilität
  • Geschichtenentwicklung
  • Charakter-Design
  • Welthintergrund

Die Gesamtpunktzahl 0.0

Rezension erfolgreich gepostet! Lesen Sie mehr Rezensionen
Stimmen Sie mit Powerstein ab
Rank NR.-- Macht-Rangliste
Stone -- Power-Stein
Unangemessene Inhalte melden
error Tipp

Missbrauch melden

Kommentare zu Absätzen

Einloggen