Naalimpungatan si Caitlin dahil may humihila sa dalawang kamay niya patayo—pilit naman niyang hinihila pabalik ang katawan niya sa kama at pinapabigat iyon. Hindi niya malaman kung sinong herodes ang nang-iistorbo sa beauty sleep niya dahil hindi pa rin niya magawang maimulat ang kanyang mga mata. Gustong-gusto pa rin kasi niyang matulog pero mukhang wala siyang balak tigilan ng nanghihila sa kanya. Walang babalang nagbago siya ng pwesto at umupo na siguradong nakapagpatulak sa mga asungot. Na-out of balance ang mga ito. Habang pikit pa rin ang mata. Narinig niya ang pag-aray ng dalawang boses sa may harapan niya,pati na rin ang paglagabog ng semento.
Unti unti niyang idinilat ang kanyang mga mata ng bigla siyang hapitin ni Lors sa magkabilang balikat at walang harabas na iniyugyog siya. Pati yata utak niya naalog dahil sa ginawa nito.
"Gising na. Gumising ka na.
Gising na sabi e" paulit ulit na saad ng kaibigan habang hingal na hingal na ito sa pinaggagagawa nito sa sarili nito. Samantalang siya naman natutulilig na at nahihilo. Agad niyang pinigilan ang pagyugyog ni Lors sa kanya dahil baka sa susunod lumipad na palabas pati ang utak niya.
"Gising na ako" reklamo niya
"Mabuti naman" komento ni Lucia na seryosong pinagmamasdan siya habang nakaupo pala sa kabilang gilid niya. "Nakapag-exercise tuloy si Lors ng wala sa oras—tingnan mo naman hitsura tagaktak na ng pawis" Pinasadahan niya ng tingin si Lors, na talaga ngang pawis na pawis na.
"Sino ba kasi may sabing yugyugin ako na parang walang bukas. Kulang na lang pati kaluluwa ko humiwalay sa katawan ko e" litanya niya. Napansin niya ang panunulis ng nguso ni Lors at ang pagtaas ng kilay nito.
"Duh! Ang hirap mo kayang gisingin—muntikan na kaya kitang buhusan ng tubig" ani Lors na tumitirik na naman ang mata
"Duh! panggagaya niya dito. Ang ang aga-aga nang-iistorbo na kayo" katwiran naman niya. Walang babalang inginudngod naman sa kanya ni Lucia ang alarm clock niya. Naduling siya sa pagtingin ng oras
"Alas-onse, maaga pa?" ani Lucia, pagkatapos ay muling inilayo sa kanya ang orasan at ipinatong na iyon sa may side table.
"Oo kaya. Alas-onse ng umaga--kaya umaga pa" pagdadahilan niya. Pinagmasdan niya ang dalawa na halatang hindi natuwa sa joke niya dahil parehong malapit ng bumusangot ang mukha ng mga ito. Napangiwi siya.
"Oo na po mga lola. Sa susunod gigising na ako ng madaling araw para naman makapag-dilig pa ako ng ating mga halaman at para makapalaot pa ako para makahuli naman ako ng isda pang-agahan natin" isa pa ulit na banat niya sa mga ito. Napansin niya ang pinipigilang ngiti ng mga kaibigan, pero hindi tuluyang tumawa sa joke niya.
"Ha.Ha. Funny" komento ni Lucia
"Adik ka!" bulalas naman ni Lors
"Aminin niyo na! Natawa kayo sa joke ko" aniya
"Hindi kaya!" magkasabay pang sigaw ng dalawa
"Ewan ko sa inyo!" sinimulan naman niyang puluputin ang sarili sa kanyang comforter dahil bigla siyang nilamig. Humihikab na pinasadahan niya ng tingin ang dalawa at hindi niya napigilan ang pag-assess sa hitsura ng dalawa.
Kasalukuyang nakasuot ng pink satin loose dress si Lorelei na umabot hanggang itaas ng tuhod nito. Luckily nakasuot ito ng skin-toned flats at hindi ang laging heels o wedges na nakikita niyang suot ng kaibigan. Nakalugay din ang itim at straight nitong buhok na umabot hanggang baywang ng dalaga. Lors is tall and has a slim figure na kaparehas ng sa mga modelo. She has heart-shaped face, small firm lips, small pointy nose and chocolate brown heavy lidded eyes that normally make her look sexy. She always have this come hither eyes that made countless of men trip over their own feet. May pagka-morena din ito na lalong nakapalabas ng exotic beauty nito. Kapansin-pansin din na light lang ang make-up ng dalaga. Medyo na-disorient nga siya dahil iba ang hitsura nito—she's not her usual sexy and sultry looking woman she's used to see. Today she looks simple, elegant, and a teeny bit flavour of sexy.
Lumipat naman ang tingin niya kay Lucia that looked like she's going to a Halloween party pero pagkakaalam niya next week pa ang Halloween. Nakasuot naman ito ng black snug fitted jeans, off shoulder black cotton blouse na may nakalagay na "BITE ME" na nakasulat pa sa loob ng bunganga na may pangil with matching red splotches pa ng dugo as a matching effect. Nakasuot din ito ng hot red pumps. Na-drawingan na naman ng makapal na eyeliner ang gilid ng mga mata nito.
She also has blood red lips.
May stud earrings din na pumapalibot hanggang sa pinakataas na part ng earlobe nito na binagayan ng spiky boy's cut black hair nito. Thank God! Walang pinta ang mga kuko nito. Kundi talaga, kulang na lang ngumuya ng gum si Lucia at kumpleto na ang look nito. Mukha na ito talagang adik sa may kanto. Kapag pinagtabi ang dalawa, Lucia is every bit the opposite of Lors. Both in their physical attributes and attitudes. Lucia is petite kaya mahilig itong magsuot ng katakot takot na heels, she's also curvier and bustier. Minsan nakaka-stress tumabi kay Luce dahil masyadong malaki ang hinaharap nito. And she's also too pale. The black color she's wearing is really doing wonders in her skin. If she's hitting for an undead look, she hit it right off the bat. She has a small round face, full wide lips at matangos na ilong. She also has smoky black slightly chink eyes, na namana nito sa Korean father nito.
"Gah!. Na-stress ang mata ko sa sa kakatingin sayo Luce" hindi na niya napigilang banat sa kaibigan. Lucia just stuck out her tongue exposing her silver earrings. Lalo siyang napangiwi.
"Buti pinapasok ka pa ni Mama dito sa bahay" dagdag komento pa niya
"Wag kang mag-alala may dinala kasi akong pang–bribe" natatawang sagot nito. Tumaas ang dalawang kilay niya.
"Maligo ka na nga! Nasasayang oras natin! Bilis na!" pagtutulak sa kanya pababa ni Lors mula sa kama. Napipilitang tumayo siya, sinimulan na niyang alisin ang pagkakabalot niya sa kumot ng biglang tumama ang tuhod niya sa may kanto ng side table. Napahiyaw siya sa sakit. Hindi naman nakaligtas sa pandinig niya ang paghagalpak ng tawa ng mga kaibigan. Tinignan niya ang mga ito ng masama, slowly extracting herself from the bundle of mess she got wrapped into. Nang makaalis na siya ay iika-ikang lumapit siya kina Lors at Luce at bigla niyang pinitik ang noo ng dalawa. Hindi agad nakapag- react ang mga ito. Bago pa tuluyang makapag-react ang mga kaibigan bigla na siyang kumaripas ng takbo papuntang banyo. Nang maisara niya ang pinto ay hinayaan niya ang sariling tumawa ng malakas.
Nagmamadaling naligo si Caitlin dahil siguradong makakatikim na naman siya ng sermon kapag nagpabagal-bagal siya. Nagmamadali rin siyang kumuha ng susuotin niya. Napili siyang suotin ang black skinny jeans at plain white cotton blouse. She also decided to wear her worn out sneakers. Mabilis niyang sinuklay ang wavy niyang buhok. Her loose curls are thick, smooth and glossy sometimes that it's easy to comb it using her fingers. Napangiwi siya ng mapansing humuhulas na ang black hair dye niya, kapansin pansin na kasi ang white strands niyon. She needs to go to the parlor one of these days. Hinayaan lamang niyang nakalugay ang buhok niya pagkatapos ay hinanap niya ang kanyang eye glasses. Hindi naman talaga malabo ang mata niya, kaya lang hindi siya magsusuot ng contacts. Medyo matatago kasi ng salamin niya ang natural eye color niya— which is vibrant violet. She inherited it from her father. She loves the color of her eyes but she doesn't want to stand out. Sa bansa ba naman na puro black or brown ang kulay ng mata kinakailangan niyang mag-blend in. Alam ng mga kaibigan ang totoong kulay ng mata niya pero hindi alam ng mga ito ang natural hair color niya. It's one of her weird attributes na hindi niya kayang ipaliwanag aside from –it's a genetic anomaly. Matapos maisuot ang kanyang eyeglasses ay mabilis na sinukbit niya ang kanyang body bag at tumakbo pababang hagdan. Nang makita niya ang ina na masinsinang kinakausap sina Lors at Luce habang nakaupo sa may sofa tsaka lang niya naalala na hindi pa pala siya nakakapagpaalam dito. Nakalimutan niya kagabi.
Tumikhim siya. Nakuha naman niya ang atensyon ng tatlo. Naglakad na siya palapit sa ina at hinarap ito.
"You didn't tell me" anito
"Sasabihin ko naman talaga, nakalimutan ko lang kagabi sabihin" She mentally smacked herself.
"Sa susunond i-inform mo ako ng maaga. Sige na, umalis na kayo tanghali na. Ay teka lang hindi ka pa kumakain ng breakfast"
"Daan na lang kami sa drive thru. Alis na po kami" humalik siya sa pisngi nito at niyaya na sina Lors at Luce.
"Alis na po kami Tita" ani Lors
"Sige po Tita" paalam naman ni Luce
"Watch your steps Lucia, masyadong mataas ang heels mo" puna ng Mama niya. Napangiti na lang siya.
"I'll be careful Tita. Wag kayong mag-alala. Multi-tasking po kaya itong shoes ko may mapapangtusok na rin po ako sa mga mata ng manyak" nangingiting sagot naman ni Lucia
Umiling-iling na lang ang Mama niya. Pinauna na niyang lumabas ang dalawa at muling sinulyapan ang ina na saktong namang pinagmamasdan siya. She waved.
"Be careful" paalala nito sa kanya
"I will" matamis niyang pangako dito
Ang kinalabasan ng shopping galore nilang tatlo katakot takot na gutom ang napala niya samantalang abot langit naman ang ngiti ng dalawa. Nag-enjoy din naman siya sa ginawa nilang pamimili kaya lang kasi hindi kinaya ng powers niya. Magparoo't-parito ba naman sa kung saan-saang boutiques talagang napagod siya lalo na't shopping is not really her thing. Marami na silang napamili—at ng sa tingin niya hindi na nila kakayaning buhatin ang lahat ng shopping bags ay pinaghihila na niya ang mga ito papasok ng isang fast food restaurant. Pagkaupo pa lamang nila sa may bandang dulong pwesto ay nagrereklamo na ang mga ito.
"Ayokong kumain dito. Kailangan payat ako pag-isinuot ko yung dress na binili ko" naghuhuramentado na si Lors
"Ako rin baka magmukha akong lumba-lumba niyan" sang-ayon naman ni Luce.
She snorted.
"First things first, Lors. Payat kana wala ka ng maipapayat pa dahil kapag nangyari iyon kalansay ka na at ikaw naman Luce FYI pinagod mo ako sa kakaikot natin dahil hindi ka kaagad nakapag-decide ng bibilhin mo. Tomguts na ako! Kaya kailangan ko ng calories, fats, or whatever! Kakain tayo dito."
"Ok sabi nga namin" panghihinuhod ni Lors na mukhang na-stress sa outburst niya. "Ako na ang mag-oorder" prisinta pa nito
Ibubuka na sana niya ang bibig para sabihin dito ang gusto niyang kainin ng agap siya nitong pinigilan—palms forward.
"Alam ko na" anito
"Bilisan din natin. Baka nandoon na yung homeservice sa inyo na tinawagan namin kanina" paalala naman ni Luce
"Homeservice?" ulit niya. Sumagot naman agad si Lors
"Kanina kasi noong naliligo ka palang naisipan na naming magpa-home service na lang para may-magaayos sa atin. You know hair and makeup and n—" siya naman ang pumigil dito.
"Seryoso? Ano 'to prom" hindi makapaniwalang saad niya
"Nope. This is more important than prom" seryosong saad ni Lors. "This is a matter of life and death. It is about my future and happiness" she said with as much conviction she mustered. She watched her best friend, her mouth agape. Oh dear! This is more serious than she thought.
"No more questions" anito sa maawtoridad na boses. She just nodded. Ano pa bang magagawa niya? Ibubuhos nalang niya ang buong atensyon niya sa pagkain. She could endure the tormenting hours of being pampered basta ba kargado ang tiyan niya. Tsaka nalang niya iisipin si Sebastian Mercer, ang lalaking kinahuhumalingan ng kaibigan niya and how she'll handle the growing mess she could see her best friend will eventually fall into. For now, she will eat, and she'll do it with vigor.
Napamata si Caitlin sa hitsura niya ng pinasadahan niya ng tingin ang sarili sa harap ng full length mirror na nakalagay sa may kwarto niya. She smiled with the result. She still looked like herself but a prettier version. Hindi siya masyadong komportable sa suot niya pero hindi maikakailang maganda talaga iyon. She looked more feminine. Hindi na siya nakipag-argue pa ng iyon ang ipinasuot sa kanya ng kaibigan dahil sabi nga ni Lors tonight is a matter of life and death. And according to Lors she also needed her best friends to look awesome that would rock the attention of the clubbers and Sebastian's band para wala ng ibang makasingit pang babae kundi sila. Again she didn't argue pero hindi niya sinabi dito na wala siyang balak makipag-socialize sa mga ka-bandmates ni Sebastian. Hahanap na lang siya ng tiyempo mamaya para makatakas. She focused in examining herself in the mirror. She's wearing a white ethereal sateen chiffon mini dress with corseted bodice that hug her curves and with raw edge sweetheart neckline that accentuate her bust. She may not be as bustier as Luce pero meron din naman siyang hinaharap kaya lang more on average type, thanks for that. Napangiti siya sa isipin. Naka-fishtail braid naman ang buhok niya exposing her neck. She decided to expose her eyes tonight.
"Just for tonight though" she reminded herself. Taliwas naman sa gusto nina Lors at Luce, binulungan na niya kanina si Ate Sam ang make-up artist niya na wag na siyang masyadong lagyan ng make-up, that it's better to just keep it simple and light. Sumang-ayon naman agad ito at sinabing alam na nito ang perfect look para sa kanya, at natutuwa naman siya sa resulta. As she assessed herself again, she noticed her elfin face, pronounced cheekbones, and deep set eyes with thick long eyelashes. Kaya nga pinili na rin ni Ate Sam na wag masyadong kapalan ang eyeliner na ilalagay sa gilid ng mga mata niya at kunting curl na lang sa pilik mata niya. Nag focus nalang ito sa pagti-trim ng eyebrows niya. Masyado kasi iyong makakapal. Then she put a bit of a blush, pink lipstick and a bit of lip gloss on her lips. Nakapag-pa dye din siya ng buhok para maalis ang white strands ng buhok niya. She's also wearing white peep-toe sandals that completed her look. Bago pa niya suotin ang kanyang black coat, ay isinecure niya muna sa kanyang leeg ang kwintas na regalo ng Papa niya. Ang regalo ng Papa niya na magically nag-materialize sa leeg niya after her last dream with him. Hindi na siya nag-aksaya ng panahon para kumbinsihin ang sarili na hindi totoo ang lahat dahil kahit anong gawin niyang tanggi at pag-gawa ng dahilan alam niyang totoo ang lahat at nangyari na ang nagyari. Kaya ibinuhos nalang niya ang atensyon sa pagtingin sa kwintas, and after spending hours figuring out the design of the necklace. She realized that it is a flower design—specifically an iris, her father's favourite flower and her too. Ang ipinagtataka niya nga lang may nakikita siyang engrave scripture sa bawat petals ng bulaklak pero hindi niya malaman kung ano iyon. Masyadong maliit para mabasa niya and at the center of the flower is a small violet gem stone which she learned was a lapis lazuli. Sinunod naman niyang suotin ang coat. Then she grabbed her silver clutch bag and faced her best friends doing some finishing touches.
Lors is currently wearing a metallic leopard halter dress exposing too much of her skin on the front and also hugging her body in all the right places. She's also wearing a matching cut out sandals. Her long black hair fell in loose waves. Kumpleto din ito ng accessories, silver hoop earrings, chain necklace at cuff bracelet. She's wearing more make-up kumpara sa make up nito kaninang umaga but it's almost the same look she always had. Sexy and sultry, with smoky black eyes and red stained lips. She also painted her finger nails and toe nails red. Samantalang napili namang magsuot ni Luce ng black vinyl mini tube dress, pushing off more of her ample bust and tightly hugging her curves making her look smokin' hot that could definitely catch too much attention from the hormonal opposite sex and she matched it with black lace up booties that gave her badass look. As usual she's wearing too much dark make up making her look like a gothic kid. Bakasuot din ito ng railroad spike bracelet and skull necklace. Nakapinta din ng itim na ang mga kuko nito sa paa at kamay. And she also put additional highlights in her short spiky hair. Hindi na nito tinanggal ang stud earrings nito, dahil anito mas badass at sexy daw itong tingnan na totoo naman talaga. She's definitely not a simple kind of girl; she's a sexy badass lady with an attitude. Caitlin grinned. All in all, their threesome definitely looks gorgeous and exotic in their own choice of styles. She just hope this night will turn out to be something fun, good and 100% harmless night out of college girls.
Kinuha niya ang coats ng mga kaibigan at inisa-isang pinasuot ang mga iyon. Nakita niyang napamata ang dalawa sa ibinibigay niya.
"Wag nang magreklamo, malamig ngayon baka mapulmonya kayo niyan" turan niya.
"Oo na po Inay" napipilitang saad ni Lors
"Oo na po Lola" ani naman ni Luce. Pinagpipitik niya ang tungki ng ilong ng mga ito.
"Ang sweet niyo" nang-aasar na saad naman niya.
"Ipagda-drive ba tayo ni Mang Ben?" mayamaya ay tanong ni Luce.
"Nope. I'll drive" imporma naman ni Lors
"Paalam na tayo kay Tita" ani Luce
"Wala si Mama, may date daw sila ngayon ni Papa" aniya, napansin niya ang paglawak ng ngiti ni Lors. Nakikinita na niya kung ano ang tinatakbo ng isip nito "BUT we need to go home before midnight, dito na kayo matutulog, naipagpaalam na kayo ni Mama kay Tita"
"Awww! Kill joy!" sabay na protesta ni Luce at Lors
"Batok gusto niyo?" banta niya sa dalawa
. This night she will take responsibility again. It's inevitable anyway. Sa kanilang tatlo, most of the time siya lang ang level-headed. Anyway she's been doing it for a long time, kaya wala namang bago, but she couldn't help but think this time she's the one who needs to be taken care of. She shook her head with the thought. It is what is, she's Caitlin Rose Sinclair, she need to suck it up.