App herunterladen
83.33% Liwanag ng Anino / Chapter 10: Kabanata #10 Demonyo

Kapitel 10: Kabanata #10 Demonyo

Habang naglalaway siya sa inis, hinila niya ako sa kwelyo ng polo ko.

"Tatandaan mo to, wag na wag mo akong patitripan, Gino!" bigkas ni Lennard, namumula sa inis.

"Pagtripan? Ikaw pa ang napagtripan?" sigaw ko habang pinipilit alisin ang braso niya na nakahawak sa kwelyo ko. Umiral narin ang pagiging kupal ko sa sobrang pagkainis ko. Nasa isip-isip ko, pag ako pinangunahan ng suntok, dudurugin ko ilong nito.

Hinataw ko ang kamay niya, upang matanggal ang pagkakahawak niya sa kwelyo ko.

Nagdulot ito ng tensyon at lalong pagkagalit ni Lennard. Hinding hindi kita aatrasan. Kaylangan rin pumreno niyang kakupalan dyan sa katawan mo.

Nangyari na ang pinaka hinihintay ko.

Sumuntok si Lennard at tinamaan ako sa kanang pisnge ko, na agad naman akong napaatras.

Agad ko siyang tinitigan habang ramdam ko ang pag tulo ng dugo sa ilong ko. Isa yan sa mali mong ginawa.

"Yun na yun?!" sabay sapak ko sa baba niya, na agad namang nagpalambot sa tuhod nya't nag pabagsak sa kanya.

Agad kong pinulot ang matamlay niyang katawan sa sahig. Ginising niya ang demonyong matagal ko ng itinatago, wala ng awang dumadaloy sa dugo ko sa mga oras na to.

Inuntog sa pader, hinambalos ang ulo at sinikmuraan pa, kahit sumisigaw na siya at nagmamakaawa, tuloy parin ako sa pag papahirap sa kanya.

"T-Tama n-na, G-Gino" hagulgol niya habang nakasandal sa pader na may dugo niya galing sa pumutok niyang nguso.

Kanina, laway ng yabang mo ang tumatalsik sa bibig mo, ngayon?

Dugo ng wala mong kwentang katawan, nawalang ginawa kundi magyabang at mambulas.

Phew!!

"Wag mo kong pagtitripan ulit, kung ayaw mong hindi ka na magising, naintindihan mo!?" sigaw ng demonyong ginising niya sa loob ng katawan ko.

"O-Oo n-na" pabalang na sagot niya.

"Duguan na yang mukha mo nakukuha mo paring magyabang!? Gago ka talaga!" inis kong sigaw.

Ngumiti siya kahit duguan na ang labi niya, agad nya kong tinulak at tumakbo paakyat sa room.

Naiwan akong tulala sa nagawa ko.

Hindi ako to, anong nangyayari sakin?

Teka.

Paglingon ko wala na ang babaeng nakusap ko. Di ko manlang nakuha pangalan niya.

Posible kayang siya talaga yung batang babae dun sa family picture sa kwarto ni Tito? Siya kaya ung anak ni Tito? May alam kaya siya sa mga kagaguhang ginagawa ni Tito sa bahay? Bakit hindi sila magkasama? Nasan ang tunay na asawa ni Tito?

Mga tanong sa isip ko na gusto kong mahanapan ng sagot.

Gusto kong malaman ang nakaraan ni Tito, para din malaman ko kung pano siya umabot sa gantong buhay.

Nakokontrol na ng droga at salapi ang buhay ni Tito Jeds.

Ay Heyt Drahgs!


next chapter
Load failed, please RETRY

Wöchentlicher Energiestatus

Rank -- Power- Rangliste
Stone -- Power- Stein

Stapelfreischaltung von Kapiteln

Inhaltsverzeichnis

Anzeigeoptionen

Hintergrund

Schriftart

Größe

Kapitel-Kommentare

Schreiben Sie eine Rezension Lese-Status: C10
Fehler beim Posten. Bitte versuchen Sie es erneut
  • Qualität des Schreibens
  • Veröffentlichungsstabilität
  • Geschichtenentwicklung
  • Charakter-Design
  • Welthintergrund

Die Gesamtpunktzahl 0.0

Rezension erfolgreich gepostet! Lesen Sie mehr Rezensionen
Stimmen Sie mit Powerstein ab
Rank NR.-- Macht-Rangliste
Stone -- Power-Stein
Unangemessene Inhalte melden
error Tipp

Missbrauch melden

Kommentare zu Absätzen

Einloggen