Nang magising si Issay naroon si Miguel at binabantayan sya.
Issay: "Ba't ikaw ang nandito nasaan sila?"
Kanina pa nya pinagmamasdan si Issay habang mahimbing itong natutulog. Inaala ang mga nakaraan nilang sana ay hindi natapos.
Miguel: "May binili lang, kaya naiwan ako para bantayan ka!"
Naalala nya noon, hindi pa man sya natatanggap sa napili nyang skuwelahan sa amerika, may plano na ito na pakasalan si Issay bago sya lumipad. Pero hindi ito natuloy dahil kinailangan nyang umalis.
Si Anthon ang dahilan kaya kinailangan nyang umalis ng mas maaga sa plano.
Sya ang nagsabi sa tiyuhin nya na nakabangga sya at namatay iyon. Kaya para hindi masira ang kinabukasan ng pamangkin, sapilitan syang dinala nito sa amerika.
Kahit nuon pa may plano na syang pakasalan si Issay, hindi nga lang natuloy. Aminado syang mahal pa nya ito hanggang ngayon ngunit .... kung sakali kayang ayain nya ito ng kasal ngayon, tanggapin nya kaya gayun batid nyang may iba na sa puso nya.
Miguel: "Bakit ayaw mo ba na narito ako?"
Issay: "Hindi naman, kaya lang alam ko na busy ka at mahalaga ang bawat oras mo!"
Miguel: "Ang sabi ng duktor mo hindi ka daw pwedeng ma stress at sabi rin nya ayaw nyang maulit ang nangyari kanina! Kaya nagpaiwan ako para may kasama ka."
Issay: "Salamat!"
Gumaan ang loob nito.
Miguel: "Totoo ba na nagpakasal ka na?"
Hindi inaasahan ni Issay ang tanong. Sabi ng duktor bawal syang ma stress kaya ba't ganito ang mga tanong?
Issay: "Mahabang kwento pero hindi pa sya tapos!"
Miguel: "???"
Issay: "Haha! Ang cute mo pag nalilito ka!"
"Hindi pa sya tapos kasi hindi pa sya naka rehistro, pinatigil ko!"
Nangiti si Miguel.
Miguel: "Ano bang dahilan bat nagustuhan mo yun taong yun? Antagal na kayong magkakilala pero parang hindi ka nya kilala!"
Issay: Mahal ko e!"
Miguel: "Mahal mo pero wala kang tiwala? Ano yun?"
Nagkibit balikat lang si Issay. Hindi nya rin alam kung papaano ipapaliwanag ang naramdaman.
Mahal nya si Anthon, pero hindi nya kayang makisama dito.
Miguel: "Issay, may gusto pa akong itanong sayo!"
Issay: "Ang dami mo naman tanong! Ano yun?"
Miguel: "Kung inaya ba kitang pakasal nuon papayag ka ba?"
Napaisip si Issay. Sa kalagayan nya noon na buntis sya, pumasok din sa isip nya iyon pero ....
Aminado syang magdadalawang isip sya.
Issay: "Hindi ko sigurado! Pero malamang sa hindi!"
"Bata pa ako nun at marami pa akong gustong mangyari sa buhay ko!"
At hindi ko gagamitin ang bata para pakasalan mo ako! Hindi ako desparado!"
"Saka.. ikaw ang inaasahan ng lolo mo na magbabangon ng negosyong sinira ng tatay mo! Kaya hindi ako sigurado!"
Naintindihan ni Miguel.
Miguel: "E, kung sakaling ayain kita ngayon, may pagasa ba ako?"
Issay: "Hahaha! Umayos ka Miguel! Kilala mo ko!"
Hindi ito biro pero natawa na lang din si Miguel.
Maya maya may nadinig silang ingay sa labas kasunod ang text na natanggap ni Miguel.
Vanessa: [Capt. Miguel, andito si Anthon sa labas nagpupumilit pumasok].
Pagkabasa nya ng mensahe nadinig nya ang pagbukas ng pinto at pagpasok ni Ames at Vanessa.
Ames: "Salamat naman at nagising ka na!"
Nagkatinginan si Vanessa at Miguel.
Miguel: "Issay, may kasama ka na kaya mauna na ako, may kailangan pa akong kausapin!"
Sa labas ng silid nakita nya sa di kalayuan si Anthon na pinipigilan ng mga bodyguard na inutusan nya.
Nagtaka si Anthon ng makita si Miguel na palabas sa silid ni Issay.
'Anong ginagawa ng lalaking yan sa silid ni Issay?'
Simula pa nung pagkabata ginaya na nya ang taong ito. Ang kilos nya at kung paano magsalita pinagaralan nya lahat ang mga ito. Maging ang dahilan kaya sya nag piloto ay dahil sa taong ito.
Dahil nasa isip nya kung nagawa ni Miguel na makuha ang puso ni Issay, makukuha din nya kung gagayahin nya ito.
Nang masangkot si Miguel sa isang aksidente, nakakita sya ng pagkakataon para mawala ito sa paningin ni Issay. Pero ng magtagumpay sya na paalisin si Miguel, hindi nya akalain na bigla ring mawawala si Issay.
At ngayon nakita na nya si Issay at nagtagumpay na sya na makuha ang puso nito pagkatapos ng napaka habang paghihintay, hindi nya hahayaan na mawala pa ulit si Issay sa kanya.
Nilapitan sya ni Miguel
Miguel: "Halika, sumunod ka!"
Anthon: "HA!! At bakit naman ako susunod sa'yo.. close ba tayo?"
Miguel: "Hahaha!"
Anthon: " Anong nakakatawa? Bakit ikaw lang ba ang may karapatan magsabi ng ganun?"
Miguel: "Hahaha!"
"Anong nakakatawa? ... IKAW!"
"Tama ka hindi tayo close Anthon pero ... "
Unti unti na itong lumapit kay Anthon.
Miguel: "Hindi ako kagaya mo! Kasi ako kaya kong paikutin ang pwet mo sa takot! Kaya kung hindi ka susunod isusuplong ko sa pulis ang ginawa mo kay Issay.
Krimen na ngayon ang pananakit at pang aabuso ng babae!"
Tinitignan nya ng matalim si Anthon.
Miguel: "Huwag mo kong subukan, Anthon!"
At umalis na ito naiwan si Anthon na nagaalburuto sa inis dahil wala syang magawa sa banta ni Miguel.
*****
Anthon: "Bakit mo ba ako dinala dito? Akala ko maguusap lang tayo?"
Tanong nito kay Miguel ng isinama sya nito sa isang bakanteng warehouse.
Plano lang talaga ni Miguel na kausapin ito tungkol kay Issay, pero nagbago ang isip nya.
Panahon na para turuan ito ng leksyon.
Miguel: "Mas maganda ditong magusap para walang makikialam!"
At bigla nyang sinuntok si Anthon na ikinagulat nito. Pumutok ka agad ang labi nya at umuga ang ibang ipin.
Bumawi si Anthon pero nasanga nito ang mga suntok nya.
Sila lang dalawa lang naroon at walang makakapigil sa kanilang magsuntukan.
Pero hindi nya kaya ang lakas ni Miguel. Kahit mas matanda ito sa kanya malakas pa rin ito.
Miguel: "Wag na wag mong sasaktan si Issay!"
Anthon: "Ikaw ang lumayo sa kanya dahil asawa ko sya!"
Miguel: "Asawa? Hahahaha! Sigurado ka?"
Nainis si Anthon kaya lumusob ito kahit pagod na sya at puno na ng sugat ang katawan nya.
Hindi sya tinigilan ni Miguel hanggang sa tumumba ito
Miguel: "Sa susunod na saktan mo si Issay, hindi lang yang ang aabutin mo!"
Hindi sumagot si Anthon kaya nagpatuloy pa rin ito.
Anthon: "Tama na, ayoko na... hindi ko na kaya..."
Miguel: "Hindi kita titigilan hanggat hindi mo sako sinasagot!"
Sumagot ka! Huwag mo syang lalapitan naiintindihan mo?!"
Anthon: "Oo ... Oo .. pangako hindi na ako lalapit sa kanya!"
Sagot ni Anthon sa takot na baka tuluyan sya ng taong ito.
Nang madinig ang sagot, tumigil na si Miguel sa pagsipa kay Anthon. Sumakay sya ng sasakyan at iniwan si Anthon ng magisa.
Pagkatapos noon hindi na nila muling nakita si Anthon ng matagal.
Love is not really blind.
We sometimes choose to be blind.
Happy Wednesday!