App herunterladen
40.37% Kung Maibabalik ko Lang / Chapter 86: Hindi Nag E-exist

Kapitel 86: Hindi Nag E-exist

Pagkatapos ng nangyari kila Gene at Belen nagkailangan na ang dalawa. Pareho silang hindi sigurado kung ano ang nagudyok sa kanila kaya nangyari iyon dahil kahit kailan hindi naman sila naging malapit sa isa't isa.

Aminado si Belen na ang katulad ni Gene ang tipo nyang lalaki. Matapang, makisig, makapangyarihan at loyal.

Bukod sa matipuno kung tumindig, mabuting tao ito at responsable din. Sinong hindi maiin love sa lalaking ito.

Hindi rin maikakaila ni Gene na si Belen ang tipo nyang babae. Matapang matalino, independent at hindi madaling paikutin. Kahit na mas matanda sa kanya si Belen ng apat o limang taon, hindi pa rin halata sa mukha nya ang tunay na edad nya. Mas bata pa itong tingnan ng sampung taon o higit pa!

Pero ano nga bang masama sa ginawa nila kung pareho naman silang balo.

Hindi na sumama si Belen pabalik ng resort. Pinasundo na lang nya si Uncle Rem sa katiwala nila para dalhin sa bahay nya.

Pero hindi alam ni Belen nakaalis na ito, sumama daw kay Miguel.

Belen: "Hmp! Hindi man lang nagpaalam sa akin!"

Hindi kasi sya makontak ni Uncle Rem kaya nagbilin na lang ito sa Manager ng resort na may importante syang kailangan gawin.

Lubos lubos naman ang kasiyahan ni Mama Fe ng mabasa ang sulat nila Anthon at Issay. Naglulundag ito sa saya at hindi nila mapigilan.

Marami tuloy naroon na naintriga kung bakit sobra ang saya nya, kaya nalaman ng lahat na nagtanan ang dalawa.

"Kinikilig naman ako sa dalawang iyon!"

"Oonga, para silang mga teenager, may patanan tanan pa!"

"Hahaha!"

Hinila ni Mama Fe si Vanessa at pilit na pinag kwento ito kung anong nangyari kahapon.

At duon nagsimula ang pagiging close nila sa isa't isa.

******

Sa eroplano.

"Ano bang nakita nya sa babaeng iyon? Hmp! Ang liit liit na ang simple simple pang manamit, parang manang!"

Naiinis na sabi ni Winnie pagbalik sa station nya sa likod.

"E, sino ba kasing may sabi sa'yo na lumapit ka duon at istorbohin sila! Ngayon nag mukha kang tanga nagagalit ka dyan!

Ba't di mo inantay maka baba tayo bago mo binati? Haist!

Ikaw ang gumawa ng ikakagalit mo kaya wag kang mag dabog dyan!"

"Bahala ka na nga dyan!"

Boses ito ng kasamahang nyang stewardess na si Pearl na alam ang damdamin nito kay Anthon.

Matagal na nyang sinasabi dito na mag move on dahil halata naman walang pakialam sa kanya si Anthon na parang hindi ito nag e exist!

Pero pano nga ba nya magagawang mag move on kung simula pa lang na makita nya si Anthon ito na ang gusto nyang pakasalan.

Katunayan lahat ng katrabaho nila alam na may gusto sya kay Anthon at malamang alam na rin ito ni Anthon. Pero kagaya ni Anthon, iniiwasan din nila si Winnie dahil sa ugali nito mapang abuso.

Pakiramdam nya kasi pagaari na nya si Anthon kaya walang sinuman babae ang makalapit dito dahil tinatakot nya at lagi syang naka gwardiya.

Matapang sya dahil kilalang congressman ang tiyuhin nya.

Si Vanessa lang ang tanging babae na malakas ang loob na nakagawa nito.

Nagkaroon kasi ng lindol nuon sa bandang Visaya at nagkataon na nasa loob ng paliparan pareho sila Anthon at Vanessa.

Muntik ng madaganan si Vanessa ng malaking haligi dahil sa pagliligtas sa isang matanda. Mabuti na lang nakita sya ni Anthon at tinulungan silang makaalis agad bago bumagsak ng tuluyan ang haligi pero nahagip naman ang kaliwang binti nito.

Humingi ng tulong si Vanessa ng makita ang nangyari kay Anthon at hindi nya ito iniwan hanggang sa ma rescue at madala sa ospital. Siya din ang nagbantay dito habang naka confine ito.

Duon sila nagkakilala ng bunsong kapatid ni Anthon na si Joel at mula nuon niligawan na sya nito.

Kaya hindi man sila magkapareho ng airlines na pinagtatrabahuhan naging close si Anthon at Vanessa na sobrang nagpangitngit kay Winnie.

Kaya ginawa ni Winnie ang lahat, ginamit pati impluwensya ng pamilya para mawawala sa paningin ni Anthon si Vanessa.

Hindi nito matagalan pag nakikita nyang nakikipagbiruan si Anthon kay Vanessa pero ni sulyap hindi man lang magawa nito sa kanya.

Sa panggigipit ni Winnie nagresign si Vanessa.

Hindi man nagsasalita si Vanessa tungkol sa nangyari alam ito lahat ni Anthon pero hindi alam ni Issay.

Winnie: "Kailangan kong malaman kung saan sila pupunta! Hindi ako makakapayag na makuha nya si Anthon ko! Akin lang si Anthon!"

Nanggigil sa galit nitong sabi habang palihim na sinusulyapan ang matatamis na tinginan ng dalawa.

Walang kamalay malay si Issay na mayroon na palang isang tao na nagpaplano ng masama para pag hiwalayin sila ni Anthon.


next chapter
Load failed, please RETRY

Wöchentlicher Energiestatus

Rank -- Power- Rangliste
Stone -- Power- Stein

Stapelfreischaltung von Kapiteln

Inhaltsverzeichnis

Anzeigeoptionen

Hintergrund

Schriftart

Größe

Kapitel-Kommentare

Schreiben Sie eine Rezension Lese-Status: C86
Fehler beim Posten. Bitte versuchen Sie es erneut
  • Qualität des Schreibens
  • Veröffentlichungsstabilität
  • Geschichtenentwicklung
  • Charakter-Design
  • Welthintergrund

Die Gesamtpunktzahl 0.0

Rezension erfolgreich gepostet! Lesen Sie mehr Rezensionen
Stimmen Sie mit Powerstein ab
Rank NR.-- Macht-Rangliste
Stone -- Power-Stein
Unangemessene Inhalte melden
error Tipp

Missbrauch melden

Kommentare zu Absätzen

Einloggen