"Bakit ba sila nagagalit sa akin? Totoo naman ang sinasabi ko na bakla si Luis! Nakita ko sya mismo na nakikipaghalikan sa isang lalaki nuon!"
Reklamo nya kay Conrad, bise presidente ng kompanya nya na nakakaalam ng mga sikreto nya.
Pinuntahan sya nito ng makita ang eskandalong kinasasangkutan nya.
Hindi nya magawang maupo lang dahil nakasalalay dito ang pera nya.
Kahit naiirita si Conrad sa mga ginagawa nitong taong ito, kailangan pa rin nyang makausap ito para tumigil na.
Hindi sila magkaibigan ni Roland, pera lang ang naguugnay sa kanila pero kailangan nyang gawin ito.
Kung minsan kasi, may mga tao talagang kailangang batukan mo para magising sa katotohanan at pakiramdam ni Conrad sya ang kailangang gumawa nun.
Conrad: "Hindi naman tungkol ito sa kung tama ka at wala rin naman kumokontra sa sinabi mo! Kahit kamag anak ni Luis hindi rin naman nila ikinakaila ang tungkol kung totoo ito o hindi!"
"Kasi hindi iyon ang issue, ang issue at kung pano mo sinabi yon! Madami kang nasaktan!"
"Hindi mo lang minaliit ang mga bakla tinawag mo pa silang salot! Nag iisip ka ba?!"
Roland: "Bakit, wala ba akong karapatan magsabi ng sarili kong opinyon?"
Napipikon na sya sa taong ito. Halatang sarado ang utak.
'Jusmiyo, bakit ko ba pinagtyatyagaang kausapin ang isang ito?'
Conrad: "Mag isip ka nga, Roland! Papano kung maungkat ang ginawa mo sa asawa ni Luis? Paano pag nalaman nila ang nangyari kay Jeng kaya sya napaanak bigla?"
Roland: "Hindi ko sinasadya ang nangyari kay Jeng! Ba't kailangan madamay sya dito?"
Conrad: "Pano sya hindi madadamay e nanay sya ng pinag tulungan nyo! Hindi ka ba nagbabasa ng mga comments? Me nagumpisa ng mag ungkat ng tungkol sa nanay ni Edmund!"
Roland: "Hindi ko gustong saktan si Jengjeng! Mahal ko sya! At sya lang ang babaeng minahal ko! Naginit ang ulo ko nun ng makita ko syang buntis! Hindi ko alam na ganuon ang magiging reaksyon nya ng magpakita ako sa kanya... Gusto ko lang naman syang kausapin pero nagsisigaw sya .... Hindi ko alam ang gagawin! Nag panik ako kaya nasuntok ko sa tyan!"
"Gusto ko lang naman syang makausap... bakit hindi nya ko pinag bigyan?
Gusto kong malaman kung bakit nya tinanggihan ang pag ibig ko!
Kung bakit sa lahat ng pipiliin nya si Luis pa na isang bakla!
Hindi ba ang laking insulto sa akin iyon!"
Conrad: "Pero patay na si Jeng, kaya hindi mo na malalaman pa ang dahilan! At patay na rin ang karibal mo, kaya ano pang dahilan ng lahat ng ito? Bakit hindi ka pa mag move on? Ano pa bang gusto mo?"
Roland: "Hindi ko pa nasisira ang kompanya ni Luis!"
Conrad: "Alin ang Perdigoñez Corp? Seryoso kaba?"
Roland: "Hindi ang kompanya ni Luis, ang LuiBel company! Pera ng ama ko ang ginamit nya dun kaya kailangan kong masira yun!"
Conrad: "LuiBel? Hahaha! Nagpapatawa ka ba?"
Nagulat sya sa reaksyon ni Conrad.
'Minamaliit ba ako nito kaya sya tumatawa?'
Roland: "Anong ibig mong sabihin? Bat ganyan ang reaksyon mo?"
Tininingnan sya ng matalim ni Roland.
Conrad: "Seryoso ka?"
Sya naman ang nagulat ng makita ang seryosong mukha ni Roland.
Conrad: (ehem)
"Hindi kay Luis ang LuiBel Company, si Isabel delos Santos ang tunay na may ari ng kompanya! Hindi mo ba talaga alam?"
"Ang pagaari lang ni Luis duon ay ang building pero ang kompanya ay si Isabel ang mayari simula pa nung una at representative lang nya si Luis!"
Isang pribadong kompanya ang LuiBel kaya hindi ito basta basta nag lalabas ng impormasyon sa publiko pero dahil sa paghahanda sa kanilang tatlumpung taon ipinasilip na nila ang history kung paano nagsimula ang LuiBel company.
Roland: "Hindi! Hindi totoo yan! Pera ng ama ko ang ginamit nila! Pano nangyari yun? Tyak gumagawa lang ng kwento ang mga iyon!"
Conrad: "Hindi ko alam ang sinasabi mo pero sigurado ka ba na sila ang gumagawa ng kwento?"
Roland: "Pinagdududahan mo ba ako?"
Conrad: "Nasa opening ako ng LuiBel Charity Foundation at dun ipinakita ang video kung paano nagsimula ang kompanya. Kay Isabel nagsimula ang 50% at ang 50% ay inutang sa bangko. Walang nilabas si Luis ni singko nung umpisa at lahat ng ideya ay kay Isabel nagmula."
"Nung nagbukas ulit sila ng bagong negosyo saka lang nag bigay ng pera ang magkapatid na Luis at Belen tag 20% sila kaya hindi totoo ang sinasabi mong ibinigay sayo ang 50% ni Luis dahil wala namang 50% ang shares nya sa kompanya!"
"At isa pa, si Luis ang gumawa ng video kaya mahirap sabihing gawa gawa lang ng mga naiwan nya ito!"
"At sa buong video hindi ko nadinig ang sinasabi mong pera ng ama mo pero sinabi dun sa video kung kanino mapupunta magiging parte nya!"
Roland: "Kung pera ni Isabel ang ginamit sa LuiBel nasaan ang pera na dapat ay kay ama?"
Conrad: "Bakit hindi mo tanungin ang kapatid ni Luis baka may alam sya!"
****
Belen: "Ano pa bang gusto mo Kuya Roland? Hindi ka pa ba masaya sa mga pinaggagawa mo?!"
Pang ilang ulit na syang tinatawagan ng pinsan pero hindi nya sinasagot. Kaya lang naririndi na sya at ayaw nyang malaman ito ni Edmund baka maginit na naman ang ulo nito.
Naging masayahin na ulit ito at bumalik na rin ang sigla pagkatapos nilang magusap ni Issay.
Roland: "Mayroon lang akong gustong linawin, kaya pwede bang magkita tayo?"
Pumayag syang makipagkita para matapos na ito.
Sa isang coffee shop sa loob ng mall sila nagkita.
Belen: "Tungkol ba saan ito Kuya? Sabihin mo na at marami pa akong kailangan gawin!"
Roland: "Totoo bang si Issay ang tunay na may ari ng LuiBel at hindi si Luis?"
Hindi na nagpapaliguy ligoy pa si Roland.
Belen: "Nakarating na pala sayo, mabuti naman! Yun lang ba pwede na ba akong umalis?"
Roland: "Ba't hindi nyo sinabi sa akin?"
Belen: "Bakit naman namin sasabihin sa'yo? Ano bang kinalalaman mo sa kompanya?"
"Kailangan bang lahat ng ginagawa namin ipaalam namin sa'yo!"
Roland: "Hindi ako naniniwala!"
Belen: "Edi wag kang maniwala!"
Sabay tayo ni Belen at iniwan ito.
Hinabol sya ni Roland at hinawakan sya sa kamay.
Roland: Hindi pa tayo tapos!"