"Waaaaahhh!"
Atungal ni Enzo ng sila na lang ang natira ni Issay sa silid ng ospital sa harapan ng nakahigang si Nelda.
Nag alisan na ang lahat at iniwan si Enzo upang magbantay ng dumating si Issay.
Enzo: "Natatakot ako Issay, hindi pa sya gumigising! Paano kung ....."
At umiyak ulit ito.
Kanina pa nya pinipigilan ang emosyon nya. Ayaw nyang makita ni Nicole, ng biyenan nyang babae at ng bayaw nya at pamilya nito na mahina sya, kaya pinigilan nyang wag umiyak sa harapan nila.
Kay Issay lang nya naipapakita ang totoo nyang emosyon. Hindi sya nahihiya dito dahil alam nyang hindi sya huhusgahan nito.
Hindi alam ni Issay kung paano patitigilin sa pagatungal ang kaibigan kaya inakap na lang nya ito.
Pagbalik nya mula sa Zurgau, nalaman nya na ibinalik ulit sa operating room si Nelda dahil nagkaroon ng kumplikasyon sa ibang internal organs nya lalo na ang atay. Nagkaroon daw ng internal bleeding.
At ngayon, kanina pa nila ito inaantay na gumising si Nelda pero hanggang ngayon hindi pa rin nagigising. Kaya takot na takot na si Enzo.
Issay: "Wag kang magaalala magiging okey din si Nelda, gigising din yan."
Matagal silang sa ganuon posisyon ng madinig nilang umungol ang nasa kama.
Nelda: "Hmmm.... Buhay pa ako...
pwede ba, wag mo munang pagnasahan ang asawa ko!"
Nanghihina nitong sabi kay Issay.
Enzo: "Nelda! Asawa ko... Asawa ko... huhuhu! Buti nagising ka na!"
Sabay lapit nya dito at inakap ang asawa.
Nangiti si Issay ng madinig ang boses ni Nelda na medyo paos at inabutan nya ng tubig.
Issay: "Antagal mo kasing gumising! Buti naman nagising ka na! Kamusta pakiramdam?"
Nelda: "Eto, masakit....."
Wag mo na ulit aakapin ang asawa ko! .... Saka na pag patay na ko!"
Enzo: "Nelda! Ano ba? Wagka ngang magsalita ng ganyan!"
Alam nyang nagbibiro ang asawa pero hindi nya maalis na hindi kilabutan ng madinig nya.
Issay: "Huwag kang magaalala Enzo, matagal pa ang buhay nyang asawa mo!"
"Sige maiwan ko na kayo at walang kasama si Nicole sa bahay!"
At umalis na ito.
Enzo: "Salamat at okey kana... Hindi ko alam ang gagawin ko kung may mangyari sa'yo..."
Nelda: " Talaga? E, bakit parang ang sarap ng pagkakaakap mo kay Issay kanina?"
Enzo: "Uy, nagseselos sya.... Huwag ka ngang mag selos dyan! Sinadya ko yun para gumising ka na! Antagal mo kasing walang malay!"
Nelda: "Oo nagseselos ako ... Pero aaminin ko na kung nagkataon na natuluyan ako, kay Issay ko lang maihahabilin kayong pamilya ko!"
Hindi na nagsalita pa si Enzo, inakap na lang ang asawa.
'Malamang na trauma sya sa nangyari sa kanya'
*****
Sa isa pang ospital.
Araw ng check up ngayon ni Belen kaya sinamahan sya ni Gene. Sa bahay nila ito natulog kagabi.
Simula ng malaman ni Gene kung gaano kadelikado ang pagbubuntis ni Belen, lagi na nya itong sinasamahan sa mga check up nya, bagay na ikinatuwa nya dahil hindi nya ito naranasan noon sa una nyang asawa.
Lalo na ng malaman nyang kambal pala ang pinagbubuntis nito, halos araw araw na itong nasa bahay ni Belen.
Gaya ngayon, walong buwan na ang tiyan ni Belen at sobrang laki nito kaya hirap na hirap na itong maglakad ng matagal at laging inaantok.
Kanina pa sila sa harapan ng duktor nagaantay na matapos nyang basahin ang resulta ng mga test na ginawa kay Belen.
Ito ang ObGyne na nirekomenda sa kanya ng duktor nyang si Doc Drew.
Duktor: "Mukhang mahihirapan kang mag normal delivery."
Kinabahan si Belen. Hindi pa nya nararanasan na manganak kaya hindi nya alam kung ano ang sasabihin nya. Isa lang ang natitiyak nya, normal o CS, parehong nagbibigay ng takot sa kanya.
Belen: "Doc, natatakot ako!"
Duktor: "Huwag kang magaalala Mommy sisiguraduhin kong magiging okey ka at ang mga baby mo! Saka andun din si Dr. Drew!"
Gene: "Huwag kang matakot, andito ako... sasamahan kita hindi kita iiwan."
Medyo nawala ang kaba ni Belen ng madinig ang sinabi ni Gene.
Belen: "Dapat lang na nandun ka! Ikaw ang may gawa sa akin nito! Hindi ka mapigilan dyan!"
Singhal ni Belen.
Gene: "Syempre naman Giliw ko, pangako ko yan sa'yo! Wag kang magaalala babawi ako sa'yo!"
Buong ngiti nitong lambing kay Belen.
Napakunot ang noo ni Belen.
'Ba't ba pakiramdam ko iba ang ibig ipahiwatig ng tingin nya sa sinabi nya?'
Gene: "Ah ...Doc may itatanong lang ako, sa lagay ba ni Belen makakasama kung ..... 'lam nyo na!"
Natatawa ang duktor sa tanong ni Gene pero hindi nya maipakita.
Nahiya naman si Belen sa tanong ni Gene.
'Jusko! Sabi ko na iba ang gusto nitong ipahiwatig!'
Ang kapal din ng mukha nitong magtanong tungkol dun! Hmp!'
Duktor: "Medyo malaki na ang tyan ni Mommy, kaya sana hanggat maari bawas bawasan nyo ang madalas na pakikipagtunggali sa kama baka maipit ang bata!"
"Naintindihan po namin Doc"
Sabay nilang sagot.
Sa isip ni Belen.
'Salamat at pinagbawalan kaming mag exercise! Makakapahinga na ako sa kalabit nito!'
Sa isip ni Gene.
'Sabi ni Doc bawasan pero hindi nya sinabing bawal! May ibang paraan naman na hindi maiipit ang tyan nya e, gaya ng ginawa namin kagabi! Hehe!'
Napansin ni Belen na nakangisi ito. Kinakabahan sya pag ganito ang ngiti ni Gene. Ngiting gusto syang kainin.
Belen: "Ano na naman yang iniisip mo? Ngingisi ngisi ka na naman dyan!"
Tanong nito ng nasa sasakyan na sila.
Gene: "Hehe! .... Wala naman Giliw ko may naisip lang akong ikakatuwa mo!"
Belen: "Ano na naman yan? Papagurin mo na naman ako!"
Gene: "Hehe.... Giliw talaga....
naisip ko lang, sa tingin ko oras na para sabihin natin kay Mama Fe ang pagbubuntis mo."
Napalunok si Belen.