App herunterladen
15.02% Kung Maibabalik ko Lang / Chapter 32: 'Wag Mong Maliitin Ang Kaibigan Ko!

Kapitel 32: 'Wag Mong Maliitin Ang Kaibigan Ko!

"Ehem!"

"Ngayong malinaw na ang lahat .... meron pa bang aapila?"

Sambit ni Mayor Arnold sa kanila.

Gusto na nya itong tapusin dahil ginagabi na sila.

At dahil wala ng umapila....

"Mr. Ledesma, ibinabalik ko na ang mga dokumentong dala nyo."

Sabi ni Mayor Arnold kay Roland sabay abot ng mga papeles nito.

"Mayor bakit po may tatak na null and void ito?"

Nagtatakang tanong ni Roland.

"Mr. Ledesma, 'wag mong sabihing hindi pa rin malinaw sa'yo ang lahat kaya hindi mo pa rin alam kung bakit?"

Inis na tanong ni Mayor Arnold sa kanya.

"Hmp!"

Tumahimik na lang si Roland dahil tinabihan sya ng isang pulis.

"Madam Belen, eto na po ang mga dokumento pati resibo at iba pang papeles na ipinakita nyo. Ibinabalik ko na po sa inyo.

Marami pong salamat at nakarating kayo at nagbigay linaw sa usaping ito. Dahil kung di kayo nakarating malamang naguguluhan pa rin kami hanggang ngayon."

Buong galang na sabi ni Mayor Arnold.

Sabay tingin kay Roland na parang sinasabing:

'eto ang magulo'!

Nainis si Roland sa mga tingin ni Mayor sa kanya, pakiramdam nya hindi sya gusto nito. Ni hindi man lang nagpasalamat sa kanya! Samantalang kay Belen sobrang galang!

"Teka! Teka nga, Mr. Mayor! Ba't sa kanya walang nakalagay?"

Nakakunot ang noong sabi ni Roland.

"Mr. Ledesma, kaya wala akong inilagay dahil iiwan ko kay Ms. Isabel ang karapatang magdesisyon sa bagay na yan Dahil sya lang ang natitirang buhay na kamaganak ni Leopoldo Saavedra."

Sabay ngiti ni Mayor Arnold kay Issay.

Tapos ay kinuha ni Mayor Arnold ang titulo at iniabot ito kay Issay.

"Ms. Isabel, eto na ang titulo ni Leopoldo Saavedra, ang Lolo mo sa tuhod. Salamat at dahil dyan magiging maayos na ang isa sa mga rekord ng nasunog na titulo."

"Ayon kay Madam Belen, hindi pa tapos ang napagusapan nila tungkol sa lupain, kaya sa ngayon, si Leopoldo Saavedra pa rin ang tatanggapin ng munisipyong ito na syang tunay na may ari ng sampung ektaryang lupain."

Pagpapaliwanag ni Mayor.

Sabay bulong kay Issay pero naririnig naman ng malapit sa kanila.

"Ingatan mong mabuti iyang titulo ha at maraming mapagsamantala."

Sabay kindat nito kay Issay.

"Opo, Mayor, iingatan ko po! Salamat po!"

Sagot ni Issay.

"Magaling! Hehe!

Ibig sabihin may pagasa pa ako! YES!!!"

Buong sayang sabi ni Roland sabay bigay ng hawak nyang dokumento sa pamangkin nitong si Kapitan Tyago. At tiningnan ito ng matalim.

"Mamya magusap tayo! hmp!"

Natatawang naiinis ang lahat kay Roland.

'Mukha talaga syang payaso'

'Hah!'

"Kung merong gustong magreklamo dahil sa kinalabasan ng usaping ito, malaya kayong gawin iyon."

Sabay tingin ni Mayor Arnold kay Roland.

Pero hindi na pinansin ni Roland ang mga nasa paligid dahil sa mga oras na ito ay abala na sya sa paggiisip ng paraan kung paano mapapayag si Isabel na ibenta sa kanya ang sampung ektaryang lupain.

*****

Paglabas ng munisipyo nagulat na lang si Issay ng biglang sumulpot sa harapan nya si Roland.

"Susmaryosep!"

"Hi, Ms. Beautiful! Hehe!

Pwede ka bang makausap sandali?"

Buong ngiting tanong ni Roland. Kanina pa niya inaabangan ang paglabas ni Issay para makausap ito.

Naalarma si Anthon kaya agad itong nagtungo sa harapan ni Issay para maproteksyunan sya.

Kumunot ang noo ni Issay sa ginawa ni Anthon.

Hindi nya gusto na nagtatago sa likuran ng isang lalaki lalo na't sobrang taas at ang lapad pa ng likod!

Wala syang makita.

Napansin din ni Edmund ang biglang pagsulpot sa harapan ni Issay kaya humangos ito palabas at pumwesto rin sa harapan ni Roland.

Lalong nainis si Issay dahil pakiramdam nya nasa harapan sya ng nagtataasang pader.

"Bata ...tumabi ka nga dyan at sagabal ka sa paningin ko! At isa pa naasiwa ako sa pagmumukha mo!"

Sabi ni Roland kay Edmund at kay Anthon.

"Hindi ikaw at mas lalong hindi rin itong mamang ito ang gusto kong kausapin! Kundi si Isabel! Kaya pwede ba magsitabi nga kayong dalawa dyan! Sinisira nyo ang magandang view!"

Utos ni Roland sa dalawa.

Hindi umalis sa pwesto ang dalawa kaya sa inis ni Issay hinawi nya ang mga ito at hinarap si Roland.

"Bakit gusto mo akong makausap, Mr. Ledesma? Sa pagkaka alam ko wala naman tayong dapat pag usapan!"

Mataray na sabi ni Issay kay Roland.

"Alam mo Ms. Isabel, napakaswerte mo. May anting anting ka ba? Lagi kasing umaayon sa'yo ang pagkakataon!Pakiramdam ko tuloy gusto ko ring maambunan ng swerte mo!"

Sabay ngiti nito kay Issay.

Ngiti na hindi kaayaayang pagmamasdan.

"Swerte? Sigurado ka ba na sinuswerte lang ako? At sigurado ka rin ba na nagkataon lang yon?"

Mataray pa ring sagot ni Issay, sabay ngiti nito kay Roland.

Ngiting may halong pangiinis.

"Maari ka bang maimbitahang kumain? Ms. Isabel Para makapagusap tayo ng maayos? Naaasiwa kasi ako sa dalawang bantay mo."

Tanong ni Roland.

"Pasensya na Mr. Ledesma, pero gabi na. Napagod ako sa mga nangyari at masakit pa ang ulo ko. Ang tanging nais ko lang gawin ngayon ay magpahinga!"

Sabay hikab ni Issay.

"Hahaha! Naintindihan ko, kahit ang ulo ko'y sumakit din! Mas mabuti nga sigurong sa susunod na tayo magusap. Sige maiwan na kita. Hanggang sa muli, Ms. Beautiful!"

Sabi ni Roland

Sabay flying kiss bago umalis.

Na inilagan naman ni Issay.

'Anong pinagsasabi nun na sa susunod?'

Pag alis ni Roland saka hinarap ni Isabel ang dalawang pader nya kanina.

"At kayong dalawa! Umayos nga kayo!"

Mataray nyang sabi sa dalawa.

Sabay alis at iniwan ang dalawang nakatanga at nagiisip kung bakit nagalit sa kanila si Issay.

Saktong palabas naman si Belen ng makita ang dalawang pader.

"Tsk tsk tsk! Anong tingin nyo ke Issay? Sampung taon gulang lang hindi kayang ipagtanggol ang sarili kaya kailangan kayong dalawa? Haiisst!"

Sabi ni Belen kila Anthon at Edmund.

*****

Nang mga sandaling iyon, papalabas na rin ng munisipyo sila Mayor at ang asawa nitong si Chedeng ng mamataan si Issay na kausap si Roland.

"Mahal, mabuti pa siguro kausapin mo ang kaibigan mo at sabihin mong mag ingat dyan kay Ledesma."

May halong pagaalalang sabi ni Mayor Arnold sa asawa

"Huh? Sino?"

At hinanap ni Cheddeng kung saan nakatingin ang asawa.

"Si Issay? Hahaha! Mahal, 'wag mo naman maliitin ang kaibigan ko, hindi mo kilala si Issay! Mukha lang syang mahina pero wala ako sa kalingkingan nyan!"

Sabi ni Cheddeng sa asawa.

Nagulat si Mayor Arnold sa sinabi ng asawa. Para sa kanya napakagaling ng asawa nya pero para sa asawa nya mas magaling si Issay sa kanya? Bakit?

Napansin ni Chedeng ang pagkakangiti ni Issay kay Roland.

"Sa tingin ko si Ledesma ang dapat magingat kay Issay, dahil nahulog na sya sa patibong ng kaibigan ko!

Hahahaha!"

Mayor Arnold: "..... "

Napansin ni Cheddeng ang pagkalito ng asawa.

"Alam mo Mahal, kung naghahanap ka ng running mate sa susunod na eleksyon, si Issay ang the best na marerekomenda ko sa'yo. Yun nga lang ..... kung papayag sya! Hahaha!"

Napaisip si Mayor.

'Binibigyan ba ako ng ideya ng asawa ko? hmmmn'.

Lingid sa kaalaman ng dalawa may nakadinig sa sinabi ni Chedeng at halatang na alarma ito.

"Hello, may ipapagawa ako sa'yo!Gusto kong makuha ang lahat ng impormasyon tungkol kay Isabel delos Santos!"


next chapter
Load failed, please RETRY

Wöchentlicher Energiestatus

Rank -- Power- Rangliste
Stone -- Power- Stein

Stapelfreischaltung von Kapiteln

Inhaltsverzeichnis

Anzeigeoptionen

Hintergrund

Schriftart

Größe

Kapitel-Kommentare

Schreiben Sie eine Rezension Lese-Status: C32
Fehler beim Posten. Bitte versuchen Sie es erneut
  • Qualität des Schreibens
  • Veröffentlichungsstabilität
  • Geschichtenentwicklung
  • Charakter-Design
  • Welthintergrund

Die Gesamtpunktzahl 0.0

Rezension erfolgreich gepostet! Lesen Sie mehr Rezensionen
Stimmen Sie mit Powerstein ab
Rank NR.-- Macht-Rangliste
Stone -- Power-Stein
Unangemessene Inhalte melden
error Tipp

Missbrauch melden

Kommentare zu Absätzen

Einloggen