NAG-SET UP ng bornfire dinner by the beach ang resort na pinag-reservan ni Night for two days. May chef na live na nagluluto at reggae band na siyang tumutugtog para sa kanila.
Naging masaya ang lahat sa masarap na kainan at inuman. Syempre, pasimuno na naman si Elijah sa mga party games nito. Magiliw naman ang mga magulang ni Lexine sa sumali sa mga kalokohang naiisip ng bampira.
"Night, maraming salamat talaga sa lahat ng ginagawa mo para sa akin. I appreciate everything," malambing na sabi ni Lexine sa nobyo. Kasalukuyang silang nakaupo sa beach habang nakatapat sa bonfire. Nakapwesto naman si Night sa likuran niya at siya sa pagitan ng mga hita nito.
"I'm actually the one who needs to say thank you Lexine, you changed my life in the most wonderful way. For all these years, I lived alone in my dark world. But when I met you, nagkaroon ng direksyon ang buhay ko. Binigyan mo ako ng bagong pag-asa na maging masaya. Above everything else, you made me feel human again."
Hinarap ni Lexine ang nobyo at hinaplos ang mukha nito at tinitigan ang napaka ganda nitong tsokolateng mga mata, "Mabuti ka Night, napakalaki ng puso mo para magmahal. Lahat tayo may karapatang umibig, lahat tayo pantay-pantay sa mata ng Diyos. Kahit pa may parte ng pagkatao mo na sa tingin mo halimaw, naniniwala ako na mas higit ang kabutihan sa puso mo."
Hinaplos ni Night ang kamay ni Lexine na nasa mukha niya, masayang-masaya siya at umaapaw ang nararamdaman niya. Siguro nga ay tama si Lexine, siguro nga ay mahal pa rin siya ng Diyos sa kabila ng mga naging kasalanan niya sa mundong ito. Dahil si Lexine ang patunay na mabait pa rin sa kanya ang langit. Sa kabila ng mga pagsubok na pinagdaanan at mga bagay na kahaharapin pa nila. Ang pagmamahalan nila ang magiging sandata nila para lumaban sa kadiliman.
"There's always a second chance Night, katulad ng pinagkaloob sa akin ng Diyos na pangalawang buhay. It's never too late for you. Ako, ang mga kaibigan natin, kami ang bago mong pamilya."
Hindi na napigilan ni Night ang mga luhang namuo sa kanyang mata at buong pagmamahal na hinagkan ang mga labi ni Lexine, "You're my hope Lexine. At nagpapasalamat ako sa Diyos na pinagkaloob ka niya sa akin."
Malaki ang naging ngiti ni Lexine, isang napakainit na kamay ang humaplos sa puso niya nang marinig ang mga salitang iyon kay Night. Dahil walang madilim na puso ang hindi kailanman kayang bigyan ng liwanag ng tunay na pag-ibig.
Buong higpit niyang hinagkan ang nobyo at walang hanggang siyang magpapasalamat sa Maykapal sa lahat ng biyaya na pinagkaloob nito para sa kanila.
**
TAHIMIK na nakaupo si Ansell hindi kalayuan sa bonfire habang umiinom ng beer. Kasalukuyang nagkakasiyahan ang lahat. Nagsasayawan ang magulang ni Lexine kasama ang ibang mga kaibigan nila. Pero wala doon ang atensyon niya kundi sa dalawang magkasintahan na nakaupo malapit sa dagat.
Masayang magkahawak kamay ang mga ito habang nagtatawanan at nakatingin sa bonfire. Paulit-ulit na dinidikdik ang puso niya sa sakit.
Ilang saglit pa at umupo sa tabi niya si Miyu, "Cheers."
Napatingin si Ansell sa babae. Nakaangat ang bote ng beer na hawak nito. Dinikit niya ang bote niya, "Cheers," tumunga siya ulit ng alak na hindi pa rin inaalis ang tingin sa dalawa.
"Sinabi mo na ba sa kanya?"
Kunot noong nilingon niya si Miyu, "Alin?"
Napangisi si Miyu na nakatingin na rin kay Lexine at Night, "Ano pa ba, edi na mahal mo siya higit pa sa kaibigan."
Nalukot ang mukha ni Ansell, "Para saan pa? Masaya na siya. Hindi rin naman niya matutugunan ang nararamdaman ko."
"Well, tama ka naman but at least you tell her. Mas gagaan 'yang dibdib ko kung masasabi mo sa kanya ang bagay na matagal mo nang tinatago."
"It's easy to say for you, all my life si Lexine lang ang babaeng minahal ko. Hindi ganoon kadali ang sinasabi mo. It might affect our friendship, ayokong mangyari 'yon."
Napaismid si Miyu, "Edi duwag ka pala kung ganon."
Humarap si Ansell, "It's not like that…."
"Asus, duwag ka, aminin mo na. Sa tagal na taon niyong magkaibigan you had all the chance to confess to her pero hindi mo ginawa. Ano ang tawag mo dun?"
Sasagot pa sana si Ansell pero naurong ang dila niya dahil tama naman ito, naduwag nga siya. Napangisi ng malaki si Miyu.
"If I were you, sasabihin ko pa rin sa kanya. Magpapakatotoo ako. Hindi lahat ng tao nabibigyan ng second chance na mabuhay ulit. Minsan mo nang hindi nasabi sa kanya, ngayon na may pagkakataon ka ulit sasayangin mo pa rin ba? Just be a man and tell her. That's it. Para sa'yo din 'yan, para makamove-on ka na. You cannot move forward kung may mabigat ka pa ring dinadala."
Natahimik na lang si Ansell at tinitigan si Miyu. This girl is really weird. Pero totoo ang sinabi nito at napaisip siya nang husto dahil doon.
Samantala, nahinto sa pagsasayaw si Elijah nang mapansin na magkatabi si Miyu at Ansell. Napakunoot ang kanyang noo. Masyadong madikit ang pwesto ng dalawa. Isang kakaibang kirot ang tumusok sa dibdib niya at hindi niya alam kung bakit nakakaramdam siya ng ganito.
***
PAGOD NA PAGOD na sumayaw si Devorah kaya bumalik na siya sa lamesa at uminom ng juice dahil hiningal siya. Mas madami pa palang energy ang parents ni Lexine sa pagsasayaw. Ilang sandali pa at tumigil na rin si Eros sa kasiyahan at lumapit sa kanya.
"Tita levels na ba?"
Napairap si Devorah, "I'm tired, hindi na kaya ng energy ko sumayaw ng sumayaw."
Eros chuckled and sit beside her. Taimtim niya lang na pinagmasdan si Devorah, kahit pawis na pawis ay napakaganda pa rin nito sa kanyang paningin.
Nahalata ni Devorah na tinitignan siya ni Eros kaya hindi niya naiwasang mamula, "What's that look? May dumi ba sa mukha ko?" Tinaas niya ang kamay upang hawakan ang pisngi pero mabilis itong kinuha ni Eros.
Napalunok si Devorah dahil naging seryoso ang kulay karagatang mata ni Eros. Hinawakan nito nang mahigpit ang kamay niya hinaplos ang kanyang pisngi.
"Dev… I still love you. Mula noon hanggang ngayon."
Nahigit niya ang hininga sa narinig. Mabilis na namuo ang luha ni Devorah kanyang mata. Noong nangyari ang ritual at muntik nang malagay sa peligro ang buhay ni Eros, labis siyang natakot na baka mawala ito sa buhay niya. Doon niya na-realized na hindi niya kaya.
"Please give us another chance Dev," nakikiusap ang mga mata ni Eros, "I'll promise to love and take care of you. More than what I did before. Sabihin mo lang sa akin kung ano ang kailangan kong gawin para mahalin mo ako ulit."
Tuluyan nang pumatak ang luha mula sa mata ni Devorah, saglit niyang nilingon si Lexine at Night. Napangiti siya nang makitang masaya ang dalawa. Binalik niya ang tingin kay Eros. Pinakita ni Night at Lexine sa kanya ang isang klase ng matatag na pag-ibig na pinaglalaban ng dalawang tao kahit ano man pagsubok ang kanilang kaharapin.
Naging duwag siya noon nang pinili niya ang pamilya at iniwanan niya si Eros. Pero ngayon, binigyan ulit sila ng Diyos nang pangalawang pagkakataon. Katulad nang binigay nito kay Lexine at Night. At hindi niya dapat sayangin iyon. This time, mas magiging matapang na siya. Kahit pa tutulan sila ng buong pamilya niya, this time, ipaglalaban na niya ang pagmamahalan nila ni Eros.
Buong pagmamahal na hinaplos niya ang magkabilang pisngi ni Eros, "Lalaban na ulit ako Eros, hindi na ako maduduwag, mahal na mahal pa rin kita mula noon walang nagbago."
Masayang hinagkan ni Eros si Devorah, "Thank you so much Dev, thank you…"
Sa pagkakataong ito. Magkahawak kamay nilang kahaharapin ang lahat ng pagsubok.
Do you love the character development our characters?? :) Ang layo na nang narating ni Lexine and Night! Author is so happy for my babies... Huhuhu, God is good all the time :)
JOIN OUR FAMILY!
FB GROUP: Cupcake Family PH
DISCORD: https://discord.gg/sz7rHfN