Chapter 4
Sa araw ng graduation. Inaabangan niya ang pagmarcha at pagsabit sa medalya ni Johnny bilang nangunguna para makipicture taking dito. Siya kasi ay wala ng pag-asa para magkahonor. Hindi na nga umattend ang parents niya dahil wala naman siyang makukuhang medalya.
Hangang hanga siyang nakatingin sa lalaki ng magmarcha na ito kasama ang ina at ng sabitan na ito ng medalya.
Natapos ang program ay picture taking na, napangiti siya ng palinga-linga ito. Alam niya kasing siya ang hinahanap kahit ideny pa nito. Lumapit siya .
"Congratulations!! Oh para sayo" iniabot niya ang rosas kasama ang regalo niyang nasa maliit na wrapped gift.
Ngumiti ito "salamat."
Ito ang nagbago sa lalaki ngumingiti na ito sa kanya at minsan-minsan lang nito gamitin ang matinis na boses. Masaya siya sa pagbabago nito pero mas masaya siya kung pure at hindi pilit lang ang nangyayari dito.
Teka bakit naman niya pinipilit magbago aber?? Sabi ng isip niya.
"Picture tayo" yaya nito sa kanya.. "Kuya kami naman" tawag nito sa nakakatandang pinsan na may hawak ng camera.
Inakbayan naman ni Anabel si Johnny sabay ngiti ng napakalawak nang magclick ang camera. Naramdaman niyang nanigas ito ng pisilin pa niya ang braso nito... Hahaha isingit rin ang chansing! Tumatawang sabi ng isip niya. Minsan pang click ang nangyari bago ipakita ni kuya Jowel ang kanilang litrato.
"Woww.. Bagay talaga tayo Johnny.." Manghang sabi niya sa litrato nilang parehong nakangiti..
"Anong bagay jan?" Pambabara nito.
Ang sumunod naman ay ang huling litrato nila ang tiningnan nila.Napatawa siya dahil ang tingin nito ay sa kamay niyang nakaakbay dito imbes na sa camera, sa camera naman ang tingin niya at malawak ang pagkakangiti.
"Anong tinatawa mo?" naiinis na tanong sa kanya ni Johnny..
"Ikaw.. Mukhang gusto mo ang pagkakaakbay ko sayo, sa kamay ko pa ikaw nakatingin." Nang-iinis na sabi niya..
"Akin na nga iyan, buburahin ko ang litratong yan" naiinis na anito. Hahablutin na sana nito sa kanya ang camera ng dali-dali siyang lumapit Kay kuya jowel at binigay dito ang camera.
"Kuya wag mong hayaang burahin niya ang litrato namin.." Sabi niya. Binelatan pa niya si Johnny pagkatapos dali-daling tumakbo pauwi, buti pang umuwi na siya, ayaw niyang mainis ito, graduation pa naman nito.. Hindi niya alam na may naglalarong ngiti sa mga labi ni Johnny habang tinatanaw siyang tumatakbo pauwi...
Pagdating niya sa kanilang tahanan ay nagpagulong-gulong siya sa kanyang kama, tili siya ng tili hanggang bumukas ang pintuan ng kanyang kwarto. Napatigil siya, nakatingin sa kanya ang kanyang ina na para bang nabuang siya..
"Anyare sayo anak bakit tili ka ng tili, akala ko ginagahasa ka na.." Ani nito.
"Kinikilig ako 'nay, nachansingan ko kasi yung binibigyan ko ng rosas, kanina lang. Tapos nagpicture taking pa kami." Kinikilig na turan niya. Pinagpatuloy niya ang pabalik-balik na paggulong..
"Sino ba iyan anak? Hindi mo naman nababanggit sa amin ang pangalan.."
"Si.." Nag-iisip pa siya kung sasabihin, sa huli ay napagpasyahan niyang sabihin na lang. "Si Johnny Agbayani po 'nay"
Nanlaki naman ang mata ng kanyang INA. "Susme!! Yung bakla bang anak ng may-ari ng hotel dito sa atin?" Kilala sa bayan nila si Johnny dahil bukod sa anak ng may-ari ng hotel ay isa itong gwapong bakla.
Tumango siya. "Opo 'nay. Siya nga.."
"Susme!! Kaya pala bigay ka ng bigay ng bulaklak dahil bakla ang natipuhan mo! Anak maraming lalaki wag mong piliin yung may pusong babae.."
"Susme rin 'nay! Lala- " tinampal ni nanay ang bibig niya. Pero nagpatuloy pa rin siya "lalaki pa rin yun konting kembot na lang ibibigay na niya sakin ang matamis niyang Oo.." Sagot naman niya..
"Pero mas malambot siya sayo anak, at lalaki ang gusto.." Pilit ng kanyang ina.
" 'Nay ang mahalaga kaya niya akong buntisin.." Baliwalang turan niya.
"Anabel!!" Malalaki ang matang sigaw nito bago tampalin ulit bibig niya. "Wag magsalita ng masama..!"
"Sorry po pero magpapabuntis ako sa kanya pag wala na akong choice.."
" Pero hindi ngayon, matagal pa yun" Bawi niya dahil akmang tampalin na naman ni nanay ang bibig niya.
Kinabukasan dali dali siyang nag-ayos. Pupuntahan niya ang bahay nina Johnny sa kabilang barangay.
Nagpaalam muna siya bago tinungo ang waiting area ng pampasaherong sasakyan. Nakasakay na siya ng tricycle ng maisip niyang magpapabili ng motor sa tatay niya, naisip kasi niyang madali niyang dalawin si Johnny pag may sarili siyang service.
Bumaba na siya ng marating ang dalawang palapag na bahay ng mga ito, malaki ito sa karaniwang bahay. Tinungo niya ang doorbell , maya-maya lang ay may nagbukas na sa malaking gate.. Isa siguro itong kasambahay dahil may hawak pa itong walis..
Binati niya ito bago nagtanong.
"Nandiyan po ba si Johnny, pakibigay po ito sa kanya.." Inabot niya dito ang bulaklak..
"Naku pasensiya na pero wala ho silang mag-anak dito, nagbakasyon. Kagabi pa sila nagbiyahe. Baka sa pasukan na sila makaka balik.."
Laglag ang balikat na tumalikod siya..
Sana sinulit ko na kahapon..
"Nakakainis!!" Frustrated na sabi niya , ginulo pa ang buhok..
Umuwi na lang siyang malungkot. Pagdating sa bahay nadatnan niya ang mga magulang na nakaupo lang at nagkwekwento. Narinig niyang tungkol sa kanya ang pinag-uusapan hindi muna siya tumuloy at nakinig.
"Naku Vincent, ang bunso nating iyon alam mo bang hindi na makapaghintay at siya na ang nanliligaw?" Malungkot na kwento ng nanay niya.
"Sally hindi naman masama kung babae ang manligaw basta ba alam niya ang limit niya."
"Pero hindi lalaki ang sinusuyo niya!" Masama ang loob na pahayag ng ina niya.
"Anong ibig mong sabihin? " tumuwid ng upo ang ama niya
"Susme Vincent! Hindi mo man lang ba natanong sa kanya?, eh araw-araw siyang pumipitas ng rosas dun sa flower garden mo.. Bakla ang sinusuyo niya!" Pahisterya na sabi ng babae. "At kahapon ko lang nalaman,"
Napahawak naman ang ama niya sa sariling ulo. Maya-maya ay nagsalita.
"Hindi siguro masama iyon. Mas maganda nga iyon para hindi mapahamak ang anak natin. Hindi naman siguro magtatagal ay mauunawaan niyang hindi niya gusto-"
Hindi na niya pinatapos ang ama at pumasok na siya.
"Hello! Bumalik na ako..." Umupo siya sa tabi ng tatay niya. "'Tay may hihilingin sana ako sayo pwede bang magtanim ka ng rosas dun sa likod? Yung paborito ko ah? Alam mo namang namamatay ang mga tinatanim ko, wag kang mag-alala itatanim mo lang , ako na ang bahalang mag-alaga." Mahabang litanya niya..
Nagpaalam na siyang papasok na sa kwarto, ihihiga na lang niya ang lungkot niya. Binuksan niya ang bintana, inaayos niya ang kurtina ng marinig na naman niya ang kapitbahay na mag-ina na laging nag-aaway sa wikang ingles kahit na walang dugong banyaga. Nasa bakuran ang dalawa. Nakabestida ang anak ng kulay pink. Off shoulder at above the knee ang haba, hapit na hapit pa kaya kitang-kita ang magandang hubog ng katawan. Ang INA naman ay nakadaster pero ang kapal ng make-up. Bigla siyang nabadtrip...
"Mommy why don't you understand me?!" Sigaw ng anak.
"There's no way Margaret, your too young to have boyfriend.!break up with him now!!" Balik sigaw ng INA..
"But mommy I love him. We love each other and I'm seventeen now.!" Pilit ng anak.. Naririndi na si Anabel sa naririnig isama pa ang tinis ng mga boses ng nag-aaway at ang lungkot niya. Sumungaw siya sa bintana.
"STOP YOU TWO!! You always argue about boyfriend!!! Margaret just fuck your boyfriend and run away with him!!!" Sigaw niya . Nagulat ang mga ito sa pagsabat niya dahil biglang natahimik tapos sabay na bumaling sa kanya.
"What!!? " sigaw niya ng hindi kumibo ang mga ito.. Isinara na lang niya ng malakas ang kanyang bintana. Sakto namang bumukas ang pintuan ng kwarto. Ang Ama at Ina niya.
"Ano yung narinig naming sigaw dito?" Nag-aalalang tanong ng kanyang ina.
"Wala yun nanay, tatay. Yung kapitbahay lang nating inglisera ang sinigawan ko.." Tinatamad sa sabi niya.
"Bakit mo sinigawan?" Tanong ng ama niya.
"Kasi naman kanina pa nagsisigawan narindi ako at sumabat. Tingnan mo tumigil na sila.." Sabi niya. Wala na kasing sigawan na maririnig.
"Anak. Halika tulungan mo ako sa pagtatanim ng Rosas." Yaya ng tatay niya. "Kailangan matapos yun bago maghapunan. Makapal na kasi ang damo ng bakuran.." Tuloy nito.
"At bibisita ang mga kapatid mo ngayon, bilisan niyo at tulungan mo ako sa pagluluto Anabel.." Ang INA niya.
Namilog naman ang mata niya. Magmula kasi ng magkapamilya ang dalawang nakakatandang kapatid ay bihira ng bumisita ang mga ito. Ang ate may-may niya-ito ang panganay.
At ang kuya ton-ton niya.
Pagdating ng hapunan ay nalimutan niya ang lungkot dahil maingay na ang bahay nila. May mga anak ang kapatid niya. Ang kukulit ng mga ito, sila ang nagpaingay sa tahimik nilang pamamahay.