App herunterladen
50% HYEORAEK / Chapter 5: CHAPTER 05

Kapitel 5: CHAPTER 05

Sasandal na sana ako sa backrest ng sasakyan pero nagulat ako ng may biglang kumalampag sa tabi ko.

Napalingon ako sa bintana sa kabila ko at basta na lang nanghina ang mga tuhod ko ng makita ko kung ano iyon.

'Yung... 'yung babae kanina... 'yung ina na tinulungan ko kani-kanina lamang.

Hindi ako pwedeng magkamali, kahit magulo na ang buhok niya, puno na ng dugo ang damit niya at mukha, at kahit puti na lang ang kulay ng mga mata niya. 'Yung mata niya na kanina ko pa lang nakita, 'yung mukha niya na nagpakita kanina ng pagod na ngiti sa ' kin.

Oh god!

I-isa na siya ngayong zombie.

Paulit-ulit lang niyang inuumpog ang ulo niya sa tabi ng salamin ko na parang nawawala siya sa sarili niya.

"Get down, AC. I will shoot her--" I quickly stopped Kuya by putting my hand on his gun. Nanlaki ang mga mata niya dahil sa ginawa ko.

"No!" pigil ko sa kanya. Nilingon ko sila at kita ang pagtataka ng mga mata nila habang nakatingin sa 'kin.

They will not understand me.

"What? What if she bites you?" takang tanong ni kuya, tahimik lang ang tatlo na parang lang nanunuod ng palabas. Umiling ako sa kanya.

"It will not happen, Kuya. We know she can't," I assured him sabay lingon ko ulit sa babae.

Pero agad nanlaki ang mga mata ko nang mas lumakas pa ang ingay galing sa labas na tingin ko ay palapit na sa amin.

Mukhang nakatawag kami ng pansin dahil sa pag start ng engine ng SUV na sinasakyan namin. Mas dumami ang pumaligid sa amin at parang nilindol ang sasakyan namin dahil sa malakas na pag-uga nito na gawa ng mga sumugod sa amin.

"Go! Go! Go!" Xavier nervously said.

"Andar na dali!" pati si Ali ay nagsimula na ring mataranta at panay libot ng tingin sa loob ng sasakyan.

Napahawak ako sa magkabila ko para suportahan ang sarili ko. Sumobra pa ang pagkataranta ng tatlo nang mas lumakas pa ang pag-yanig ng sasakyan.

"Let's get out of here, Kuya!" sumigaw na rin ako dahil sa pagkataranta ko.

Sh*t! Mababasag na ang mga salamin kung hindi pa kami aalis rito!

"Ok. Ok," Erros hurriedly said.

Pati siya ay nataranta na rin at laking pasasalamat ko dahil umandar na rin ito pero sobrang bilis kaya ganun na lang ang higpit ng hawak ko sa upuan ko. Nakita ko rin kung paano nahatak palayo ang mga zombies dahil sa biglaang pagpaandar ni kuya.

Ngayon ko lang narealized na hindi pala ako humihinga kanina pa. Kaya naman binaba ko ang salamin sa tabi ko at lumanghap ng hangin.

Hindi rin mawala wala ang mukha ng babae sa isipan ko.

Kung nakagat siya, ano nang nangyari sa dalawa pa niyang anak? iniisip ko pa lang ang mukha nilang umiiyak parang hindi ko matanggap na posibleng nakagat na rin ang mga ito.

Isa lang ang nasa isip ko ngayon at patuloy na sumasaksak sa dibdib ko.

I didn't save them.

Napapikit ako habang nililipad ng hangin ang buhok ko.

Nang mapamulat ako ay napagtanto kong gabi na pala, madilim na ang daan na tinatahak namin. Kung saan kami papunta? Hindi ko alam.

Tahimik lang kaming lima sa loob.

"Now, explain," narinig kong sambit ni kuya.

Alam kong ako ang kausap niya, napansin ko rin sa peripheral view ko na napalingon sila sa gawi ni kuya. Wala silang kibo at bakas ang pagod sa mga mukha.

For the first time, I rolled my eyes at him. Napahinga ako ng malalim at kinalma muna ang sarili. Hindi naman kami palaging nag-aaway ni kuya, naiinis lang ako dahil palagi na lang nila akong bini-baby nila mama at papa simula ng insidenteng iyon.

"Kailangan kong iligtas ang sarili ko," plain kong sagot habang nakatingin lang sa labas ng sasakyan.

"I said where the hell did you learn that?" he repeated.

Dahil sa inis ko ay hindi ko na napigilan pa ang sarili kong sagutin siya. "Kailangan pa bang matutunan gamitin iyon kung nasa bingit ka na ng kamatayan?" pabalik ko ring tanong sa kanya.

"Sorry, again to interrupt your drama--" it's Ali.

"Shut up. Hindi ikaw ang kausap ko, Mister," mabilis na pagputol ni kuya sa sasabihin ni Ali.

"First of all, hindi pa ako Mister dahil wala pa akong asawa. Second, ikalawa ka na sa tumawag sa 'kin niyan, nauna lang ang kapatid mo. Third may karapatan akong magsalita dahil parang involve ako sa pinag-uusapan ninyo," Ali declared.

Kung kanina ang tahimik sa loob at panay kuliglig lang ang naririg namin. Ngayon ay napalitan na ng mainit na tensyon sa pagitan ni kuya Erros at Ali.

"How come your involved in our conversation? Mister?" may halong pagtataray ang pagkasabi nun ni kuya. Napairap naman si Ali sa naging sagot ni kuya, kita ko ang pagpipigil ng tawa ng dalawa. Mukhang na i-intertain ang dalawang ito sa away ng dalawa ah! parang mga bata, tsk.

Hindi ko na sila pinansin at pinagkrus na lang ang dalawang braso kasabay ng pagpikit ng mga mata ko.

Pero dahil hindi ako makatulog dahil bumabagabag pa rin sa 'kin ang mga mukha ng mag-iina kanina, ay napagpasyahan ko na lang idilat ang mga mata ko.

"Pinahiram ko siya ng baril ko para naman hindi na siya umasa pa sa isang katulad ko," mahangin na sagot ni Ali.

Nagpantig ang dalawang tenga ko dahil sa sinabi niya, nilingon ko siya sa likod at binigyan ng nakakamatay na tingin.

Hiyang-hiya naman ako sa baril niyang dadalawa lang ang bala. tsk.

Binelatan lang ako ni Ali na mas nakapagpainis sa 'kin.

I can't believe this.

Pag tinitignan ko kasi ang mga katrabaho ko o mga tao ay natatakot agad sila sa 'kin. Meron pa sa 'kin nagsabi na ang cold ng mga mata ko, walang emosyon na makikita.

Pero ngayon ay meron na. Galit at inis dahil sa lalaking kaharap ko ngayon.

"Woah! Did I see you gave a death glare, AC?" hindi makapaniwalang sabi ni kuya sa 'kin.

Napakunot naman ang noo ko sa kanya. And what does he think of me, a mannequin?!

"That's great. Mukhang may improvement ka na dahil sa mukhang isip-bata na ito, Ah," he added and laugh in the end.

"Pwera naman sayong mukhang bakla," hindi na ako nagtaka ng sagutin din ni Ali si kuya ng isa ring panlalait.

Dahil sa pagsagot ni Ali sa kanya ay agad na nagsalubong ang mga kilay ni kuya. Narinig kong humalakhak ng malakas si Xavier at nawala na naman ang mga mata niya, habang si Matt ay nagpipigil na rin ng tawa.

"What did you say?" malakas na tanong ni kuya kay Ali.

Nagmamaneho pa siya kaya sa rear view mirror lang siya sumusulyap kay Ali. Napailing na lang ako, kaya yata napagkamalan ni Ali si kuya na bakla dahil nakasuot lang ito na hanggang siko na pink long sleeves.

Well, matagal ko na ring napagkamalan na bakla si kuya. Bukod kasi sa mukha niya na parang mas babae pa tignan kaysa sa 'kin ay mahilig din siya sa pink, walang araw na walang pink ang suot niya.

Nilinaw na naman niya na lalaki siya at sinabi niya pa na dapat walang maging bakla sa pamilya Gordon. Wala naman problema sa bunso naming lalaki dahil mas straight pa iyon kay kuya.

"Bakla!" Ali repeated.

"Isip-bata!" kuya irritatedly responded.

Dahil ayoko sa maingay ay ako na ang pumigil sa bangayan nila.

"What were gonna do now?" seryoso kong tanong kay kuya ko na sa wakas ay nilingon na rin ako pagkatapos ng bangayan nilang dalawa. Ramdam kong naging seryoso ang mukha ng tatlo sa likod namin. Bumuntong hininga siya tsaka umiling.

"What about you? What's your plan?" baling naman niya sa dalawa dahil pagtingin niya sa pwesto ni Ali ay umirap siya rito.

"'Yung helicopter at si Matt lang ang nagdedesisyon kung saan kami pupunta. Actually mahilig kaming dalawa magtravel rito sa pilipinas gamit ang sasakyan niya. Balak nga sana naming magtravel sa Palawan pero nangyari naman ito, at dahil nga wala na 'yung Helicopter namin. Wala na rin kaming plano," sagot ni Xavier at nagkibit balikat pagkatapos.

They love to travel, huh?

"Pfft, bakit nawala sa picture itong isip-bata na ito? Hindi niyo ba siya kaibigan?" kuya asked them once again. Nagpipigil pa siya ng habang tinatanong niya iyon. Tsk. Hindi na talaga siya makaget-over sa bangayan nila ni Ali.

"Yes-I mean no. Magkababata kaming tatlo, pero kami lang ni Matt ang nagkakasundo magtravel at itong si Ali? Pffft sabit lang to sa amin," pagbabahagi ni Xavier sa amin at natawa pa sa huli niyang sinabi.

Kanina ko pa napapansin ang madalas na pagtawa nitong singkit at pandak na ito-sorry for the term- kaya kahit papaano nagiging magaan naman ang atmosphere rito sa loob.

"Pigilan mo ako Matt, kung hindi itutulak ko iyang pandak na 'yan palabas nitong sasakyan na ito," inis naman na sabi ni Ali na mukha ngang nagpipigil.

"Haha, sorry dude. Hindi kita pipigilan," Matt playfully said.

"Ok," sagot ni Ali sa tumatawang si Matt at narinig ko na lang bigla ang pagsigaw ni Xavier at Matt.

"Aw," I heard Xavier yelp in pain.

Dumaing din si Matt ng aksidente rin siyang nasali sa pagbatok ni Ali sa ipa nilang kaibigan.

"Shh," Kuya hushed them and I curiously turned my head to him. Tumahimik naman ang aming mga kasama pero hindi na yata mawawala ang pagkadaldal ni Ali dahil pati bulong niya ay rinig namin.

"Umusog ka pandak. Naiipit na ako rito oh!" bulong ni Ali at nagmamaktol na dahil kanina pa pala sila naiipit sa isat-isa.

"I said quite," bulong na bulyaw ni kuya sa tatlo lalo na kay Ali. Nagpalakihan lang sila ng mata.

"Quite raw... eh shh lang kaya ang sinabi niya kanina," bulong ulit ni Ali na hindi nakaligtas sa pandinig ko.

Mukhang magkakaroon pa ng world war three pag hindi ko pa siningitan ang dalawang 'to.

"What is it, Kuya?" tanong ko sa kanya at pinakiramdaman narin ang paligid. Tanging ilaw lang ng SUV ang nagiging dahilan namin para makita ang kung anong meron sa labas.

"Nothing. Parang naninibago lang ako dahil ang tahimik ng paligid," My brother said after he inspect outside.

Tumango na lang ako. Nasaan na nga ba kami? hindi ko pa saulo ang pasikot-sikot sa manila dahil almost one month pa lang ako rito. Hindi rin ako mahilig gumala dahil mas priority ko ang trabaho ko at kung wala namang ginagawa ay sa apartment ko lang ako nanatili at natutulog.

Hindi ko rin kasi kasama si kuya sa tinitirhan ko dahil nasa navotas ako habang nasa marikina city naman siya.

Kanina sigurado akong nasa marikina pa kami, pero ngayon hindi ko na alam. Ngayon lang rin ako nakapunta rito dahil hindi ako nabibigyan ng pagkakataon na makapunta rito, nakikita ko lang ang building na tinatrabahuan ni kuya dahil bukod sa mahilig siya sa kulay lila ay hilig rin niya ang pag-seselfie.

Sabi pa nga niya kung hindi siya ngayon napromote bilang Sergeant ay magpo-potographer na lamang siya.

Wait. Speaking of Phone.

Habang abala ang apat sa pagmamasid sa paligid, at naging dahan-dahan na rin ang pagmamaneho ni kuya.

Lumapit ako sa mga radio's at naghanap ng pwedeng magamit para malaman naming kung ano na nga ba ang nangyayari. Habang kinakalikot ko ang mga laman ng SUV ay tinanong ko si kuya.

"Kuya, where is your phone?" I asked my brother.

"Holy sh*t! I forget it in my table after I called to our parents," mahina niyang mura at bakas ang pagsisisi.

Napabuntong hininga na lang ako, wala akong phone, ganun din si kuya. Binaling ko ang ulo ko sa tatlo.

"Do you have phones?" tanong ko sa kanila.

Sa ilang oras ko na kasama itong tatlo ngayon ko lang naisip na posibleng may telepono sila. Nakita ko ang pag-angat ni Xavier ng phone niya na isang Iphone.

Nabuhayan ako ng pag-asa na pwede namin 'yung gamitin para makahingi ng tulong.

"I have one. Pero deadbat," he said at parang isang kisap mata lang ang pag-asa ko dahil sa sinabi niya. Sa kay Matt naman ako tumingin.

"I left it in my helicopter, pasensya na." Tumango lang ako sa kanya para malaman niyang ayos lang. Binalik ko ulit ang tingin sa harap.

"Ako? Hindi mo ako tatanungin?" si Ali naman ang nagtanong sa 'kin ngayon.

"Why? Do you have one?" hamon ko sa kanya.

Tumawa siya na siyang kinalingon namin apat sa kanya. Para siyang baliw sa totoo lang at kanina ko pa rin napapansin na parang walang delubyo ang nangyayare sa paligid niya, pareho lang sila ni Xavier. Kaunti na lang talaga at iisipin ko na si Matt na lang ang matino sa kanilang magkakaibigan.

"Wala," he answered and then laughed to his own stupidity.

See? Binatukan siya ni Xavier at inilingan lang siya ni Matt habang may ngiti sa kanyang labi.

"Tsk," Napahawak ako sa sentido ko at napailing ng ilang ulit.

Nagpatuloy na ulit sa pagmamaneho si kuya. Akala ko pa naman may makukuha akong matinong sagot sa isang isip bata na katulad niya.

"Nasaan na ba tayo? Ngayon lang kami nakarating rito sa Marikina dahil hindi pa ito nasasali sa travel list namin noon," putol ni Xavier sa katahimikan namin.

And I just notice na nagiging magkasundo na sila ni kuya, ewan ko lang kay Matt dahil parang ang tahimik lang niya. At kay Ali? Halata namang ayaw ni kuya rito.

"I'm not sure. But base sa dinaanan natin kanina noong maliwanag pa ay hindi pa naman tayo nakakala---"

"Sh*t!" I cursed out.

"Look out!" Xavier shouted.

Agad naputol ang sasabihin ni kuya nang may biglang sumalubong sa aming isang zombie sa harap namin.

Dahil doon ay napaliko siya. Napahawak ako sa upuan ko at namalayan na lang na umuusok na pala ang sasakyan namin mula sa harap. Nasa state of shock pa rin ako dahil sa nangyare at natauhan na lang bigla nang sinigaw bigla ni kuya ang pangalan ko.

"AC! Get out of the car. Now!" rinig kong sigaw niya sa 'kin. Mabilis kong kinalas ang seatbelt ko at lumabas sa sasakyan.

Naabutan ko silang tatlo na pinapaputukan na ang iilang zombie's na sumusugod sa amin. Mabuti na lang at naisip kong may baril pala ako. Hinugot ko ang baril sa bulsa ko at tutulong na sana pero agad na inagaw ito ni kuya mula sa 'kin.

"What the?" bulalas ko.

Bago pa ako makapagreklamo sa kanya ay inunahan na niya ako.

"You're not allowed to use guns when I'm around, AC," He declared.

What?

"Pero---" natigil ulit ako dahil tinawag na niya si Xavier na kinakapkapan na ngayon ang sarili. Alam kong wala na siyang bala dahil sinabi niya ito kanina kay Ali.

"Hey Xavier! Use this one!" sigaw ni kuya rito sabay hagis niya sa baril ko. Agad namang sinalo ni Xavier iyon sabay ngiti ng malapad.

Great! Ang galing talaga ng kuya kong inisin ako.

Pinagmasdan ko ulit ang mga kasama ko. Parehong naka-extend 'yung kanang kamay ni Xavier at Matt habang si kuya naman ay nakahawak ang dalawang kamay sa isang Springfield Armory na baril niya.

Nakadagan ang kamay niya sa bubong ng sasakyan habang nasa tabi niya lang ako, at sa hindi malamang dahilan ay hinanap ng malikot kong mata ang taong nawawala sa mga kasamahan ko.

Nakita ko siyang nakapamulsa lang sa likod ni Matt at seryosong pinagmamasdan lang ang mga zombies. Tumingin rin siya sa 'kin na naging dahilan nang pagtambol ng puso ko. Ngumisi pa siya dahilan nang pagtindig ng mga balahibo ko.

He has this dark aura again!

What the hell? Ganoon na lang ba iyon kadali sa kanyang baguhin ang sarili niya mula sa pagiging isip-bata into a dark Ali now?

And I'm getting confused about his identity right now. Bakit parang may similarity sila ni kuya kung tumindig at 'yung dating niya na nagsusumigaw ng autoridad?

Is he a police?

A Soldier? Army? Or what?

Who is the real you, Ali Madrigal?


next chapter
Load failed, please RETRY

Wöchentlicher Energiestatus

Rank -- Power- Rangliste
Stone -- Power- Stein

Stapelfreischaltung von Kapiteln

Inhaltsverzeichnis

Anzeigeoptionen

Hintergrund

Schriftart

Größe

Kapitel-Kommentare

Schreiben Sie eine Rezension Lese-Status: C5
Fehler beim Posten. Bitte versuchen Sie es erneut
  • Qualität des Schreibens
  • Veröffentlichungsstabilität
  • Geschichtenentwicklung
  • Charakter-Design
  • Welthintergrund

Die Gesamtpunktzahl 0.0

Rezension erfolgreich gepostet! Lesen Sie mehr Rezensionen
Stimmen Sie mit Powerstein ab
Rank NR.-- Macht-Rangliste
Stone -- Power-Stein
Unangemessene Inhalte melden
error Tipp

Missbrauch melden

Kommentare zu Absätzen

Einloggen