App herunterladen
63.63% HELL.O / Chapter 7: Chapter 7

Kapitel 7: Chapter 7

Chapter Seven

...Sa loob ng simbahan, nag-uusap sina Carlo at ang tinatago nitong nobyo alkalde na si mayor Ryan. "Napakaraming lugar na puwede natin gawing dating place, sa simabahan pa talaga." Sabi ni Ryan sa kasintahan. "Dito na lang, member din naman ako ng choir namin dito, at mas koportable ako kapag nasa simbahan ako." Sagot ni Carlo. "Bahala ka. As far as I know, we are homosexuals. I don't think we deserve to be here." Sabi ng alkalde. "So, punta ka mamaya sa bahay?" tanong pa ng mayor. Napaisip at kinabahan agad si Carlo sa sinabi ni Ryan. At napatigil sila sa kanilang pag-uusap dahil sa tema na kanilang pinag-usapan. Nakita sila ng pari na nasa likuran lang pala nilang dalawa kasama si Stella. Alam na agad ng town priest kung ano ang kanilang ginagawa sa loob ng simbahan ng silang dalawa lang mismo. "Anong ginagawa niyo dito Carlo?" tanong ng pari sa dalawang binata. Nagulat agad ang dalawang lalaki at napatayo sabay harap sa pari. "Ah... wala po, nagdadasal lang." sagot ni Carlo. Kinilig si Stella sa sagot ng lalaki. "Dating?" tanong ni Stella sa dalawang binata. Nagulat sina Ryan at Carlo sa tanong ng dilag. "Hoy! Hindi ah! Anong dating ang pinagsasabi mo diyan?" tanong ni Carlo na namamawis sa kaba. "Hindi? Eh anong ibig sabihin ng holding hands?" tanong ni Stella sabay turo sa mga kamay ng dalawang lalaki na nagho-holding hands nga! Agad nagbitawan ang patagong mag-nobyo ng kanilang mga kamay. Mukhang hindi masaya ang mukha ni father de Vina at alam na ng dalawang binata kung bakit. "Okay, I guess I have to go. Hindi 'ata tayo puwedeng magkita sa bahay mamaya. See you na lang overmorrow sa town plaza ha." Sabi ni Ryan sa nobyo sabay lakad palabas ng simbahan. "Bye father. Bye Stella." sabi pa ng mayor sa pari at sa dilag. Nang nakaalis na ang alkalde kinausap agad ni Stella at ni father si Carlo. Napapangiti si Stella habang tinatanong ci Carlo ng, "Hoy meet kayo mamaya?, bakit? jowa mo na ba 'yon?" tanong ng babae. Namawis lalo ang lalaki sa tanong ni Stella. "Hoy! Hindi ha! B.F. ko lang 'yon. Bestfriend." Sagot agad ni Carlo. "Bestfriend lang siguro..." ngiting pagsabi ni Stella. "Tumahimik ka nga, kanina ka pa ha!" naiinis na sigaw ni Carlo. Humarap agad ang binata sa paring hindi masayadong masaya ang mukha. "Father, mali po ang iniisip ninyo. Hindi ko po siya jowa. Wala po akong jowang lalaki." Sabi ni Carlo sa pari. Napangiti ang town priest sa binata at ipinatong ang kanang kamay sa balikat ng lalaki. "Anak, walang mali sa pagkakaroon ng kasintahan, huwag lang sa taong kauri mo ang sekwalidad." Sagot ng pari. Bumilis ang tibok ng puso ni Carlo. "Ang lalaki ay para sa babae at ang babae ay para sa lalaki. Men are like powdered coffee. They are useless if they are not blend to hot waters... which are... the women." Dugtong pa ni father de Vina. Napaluha agad ang binata sa sinabi ng pari sa kanya. "Kung ganyan lang din naman pala kasimplehan ang blending... ba't pa Niya ako ginawang bakla?" tanong ng binata. Sinagot siya agad ng pari ng, "Temtasiyon lang 'yan anak at dapat mo 'yang labanan." Sagot ni father de Vina. "Kung ang Diyos nga ay nagpapako sa krus para sa ating mga kasalanan, isang temtasiyon hindi mo kayang lampasan? Para sa Kanya?" dugtong pa ng pari. Natauhan din ang binata at malamang nga ay temtasiyon lang ang nangyayari ngayon sa kanya at dapat niya itong matagumpayan. "Teka muna," pumagitna bigla si stella sa kanilang dalawa at napatanong kay Carlo, "may party sa plaza, overmorrow? Anong ibig sabihin ng overmorrow?" tanong ng dalaga. "The day after tomorrow... overmorrow tawag do'n anak." sagot ng pari. "May one word pala sa isang mahabang linyang 'yan father? Eh Sino ang magpa-party Carlo? Public figure?" tanong pa ulit ng dilag. "Malamang. Baka celebrity o politician. Hindi sinabi ni b.f...." sagot ni Carlo. Napatitig ulit ang pari sa binata. "Hindi sinabi ni... bestfriend..." dugtong agad ni Carlo. "Carlo, anak, Huwag padadala sa temptasiyon..." sabi ng pari sa binata. "I second that motion." Sambit bigla ni Stella. Napangiti lang ang binata at sumang-ayon lang sa sinabi ng mga kasama...

...Sa police station panay titig lang sa sheriff na naka-sunglass itong si deputy Yuri habang nag-iinuman ng alak kasama mga ang mga kauri niyang mga diputado kahit alam nilang bawal sa kanilang trabaho at napaka-aga pa paara maglasing. Napansin ni sheriff Von si Yuri na titnititgan siya nito. "Ano deputy Hanzo? Wala ka bang planong uminom, ikaw lang 'ata dito sa estasiyon ang walang hawak na baso with whiskey." Tanong ni Von kay Yuri na nakaupo lang sa puwesto nito at nginitian lang ang sheriff. Ang mukhang lasing na sheriff ay mukhang nagalit sa iginalang ni deputy Hanzo dahil hindi siya sinagot nito. "Aba, bastos to ah!" nilapitan niya si Yuri at hinarangan siya agad ng mga kasama nitong mga pulis. "Kung tinatanong ka, sumagot ka ha! Tandaan mo! Sheriff ako! Deputy ka lang! Ano? Galit ka dahil nag-iinuman kami? Eh anong problema do'n!? Wala namang nakakakita sa whiskey natin dito kung naglalasing man tayo!" dugtong ng sheriff. "Hayaan mo na siya sheriff..." sambit ng humaharang na pulis sa kanya. Napatayo si Yuri sa kinauupuan nito at napsabi ng, "Sige sheriff, inom lang kayo... Magpapahangin lang ako." Sabi ni deputy Hanzo sabay lakad papalabas ng station. Nabastos lalo si Von at hahabulin sana ang galit ngunit pinipigilan lang ang sariling makaaway ang sheriff na si Yuri. "'Wag kang umarteng mabait!! Dahil umiinom ka din ng alak dati kasama namin!!" sigaw pa ni Von mula sa loob. Pumunta na lamang itong si deputy Hanzo sa labas at nagpahangin...

...Sa mobile company naman ni Roxanne, busy ang dilag sa pagtatrabaho sa loob ng kanyang opisina. Nang biglang may pumasok sa loob ng office nito ng hindi manlang kumatok, at ang taong pumasok ay ang napaka-sexy na si Portia. "Are you aware of the word, 'knock'? and 'katok'? bago pumasok?" galit na tanong ni Roxanne kay Portia. "Oh! Sorry! But, are you also aware of the word, 'fired'?" tanong din nito kay Roxie. Kinabahan si Roxie sa sinabi ni Portia. "No. I am not aware of that word so get out of my office right now!" galit na banat ni Roxanne. "Sorry, pero, this will be my office now, former president..." sabi pa ni Portia. Nagalit na si Roxanne dahil hindi na nito gusto ang inaasal ng bise presidente nito. npalakad ito papalapit kay Portia at sinigawan ng harapan. "'Wag mo akong bibuwesiten kung ayaw mong mawalan ng trabaho naiintindihan mo!!" sigaw ni Roxanne. "At 'wag mo din akong sisigawan kung ayaw mong makulong ng dalawampung buwan!!" sigaw din ni Portia. Naiinis na si Roxanne dahil hindi nito maintindihan kung bakit siya inaaway at kung umaasal na parang mas mataas pa ang puwesto nito sa kompanya. Sasampalin niya sana si Portia nang biglang dumating si Linda at Harvey na nasa likuran lamang pala ng kalaban niya. Dinakip ni Harvey ang kamay ni Roxanne "'Wag mo siyang sasaktan babae." Sabi ng binata, at si Linda mismo ang sumampal kay Roxie! "Back off!" Sambit ni Linda. Nagulat si Roxanne sa nakakapangilabot na kilos at asal ng tatlong bise presidente nito. Biglang tumunog ang cellphone ni Portia at agad niya itong sinagot. "Hello?" sambit ng dilag. "Ito po siya, kaharap ko. Kakausapin niyo po ba siya? Okay po." Dugtong pa ni Portia, sabay na ibinigay kay Roxanne ang cellphone niya. "Gusto ka niyang makausap. Si chief executive officer Tanza." Sabi nito kay Roxanne. At kinilabutan itong si Roxie sa sinabi sa kanya. Si Fercilu ang nasa kabilang linya ng cellphone ni Portia. Kahit takot si Roxanne ay kinuha niya ang cellphone ni Prtia at sinagot ang demonyo sa kabilang linya. "Hello." Galit at mababang sagot ni Roxanne sa cellphone. "Hell.O! miss Roxanne de Vina. Sorry for the inconvenience but, I called because I want to tell you very disturbing and very demonic news through mobile only because I am way too busy, I want to tell you that that your company, is now my!... company." Sabi ni Fercilu sa kabilang linya! "Ano!?!" sobrang galit na tanong ni Roxanne. "Anong pinagsasabi mong demonyo ka!!" sigaw ng dilag sa cellphone. "Hep, hep, hep! 'wag mo akong sisigawan, you're just nothing now but a piece of shit already. Isang pitik ko lang ng cellphone ko, andiyan na agad ang mga co-members ko para ligpitin ka, tandaan mo." Galit na sagot ni Fercilu. Huminga ng malalim si Tanza at napaluha naman si Roxanne sa mga pinagsasabi ng demonyo sa kanya. "Let's just put it this way. You signed the contract and you gave your whole business mobile corporation to me, from its branches to its home mobile company." Sabi ni Fercilu. "Tumahimik ka!" galit at takot at mababang tono na sigaw mula kay Roxanne, "wala akong kontratang pinirmahan! At kailanman ay hindi ko ibibigay kanino man ang kompanya ko!" dugtong pa ni Roxie. Napatawa si Fercilu sa kabilang linya at napasagot lang ng, "What? Di mo ba gets?" tanong ng demonyo, "peke ang kontrata! Peke..." sambit pa ni Tanza na nagsasalita na parang demonyo na talaga. "It's fake bitch. At lahat ng mga miyembro mo ay sumanib puwersa na sa kausap mo..." sabi pa ng dyablo. Napatingin si Roxanne sa tatlong bise presidente nito at nagulat ito nang makita ang mga mata nina, Portia, Harvey at Linda na namumula habang sila ay nakangiti at nakatitiga sa kanya. Nanginginig sa takot si Roxanne. "eh ano ba'ng magagawa ko, nagustuhan nila ang Facebook page ko, mga utos at patakaran ng kompanya ko, isang click lang, like na nila agad! akalain mo..." dugtong pa ng demonyo. "Pero, you still have a chance. You can be a rich mobile company president again kung ako na ang magiging Diyos mo... Just click number six three time sa phone at ikaw na ulit ang presidente ng kompanya mo. How's that Roxie?" sabi ni Tanza sa dilag. Napaisip si Roxanne. Inisip nito angDiyos at mukhang malabong mangyari ang sinasabi ni Fercilu. "Hindi mangyayari 'yan. Hindi ako magiging isa sa mga fans mo." Sabi ni Roxanne. Nagulat ang diyablo. "Bakit? Dahil isa akong demonyo?" tanong ni Fercilu. "Mabuti't alam mo." Matapang na sagot ng dalaga. Nainis na si Tanza at nagagalit na ito dahil sa katapangan ni Roxie. "Sigurado ka na ba? Hindi mo ba talaga gusto ang mga rules and regulations ko? Parang mas masarap nga ang bawal di ba? 'Yan lang naman ang kautusan ko, ang gumawa ng mali at iwanan ang dating gawi. Mahirap ba'ng sundin 'yan para sa'yo?" tanong ni Tanza. "Oo." Sagot agad ng dilag. Napahinga ng malalim si Fercilu at napasabi ng, "Bahala ka. Darating din ang araw ako na mismo ang susundin mo. Hindi lang dito ang kaya kong gawin, tandaan mo, diyablo ang kausap mo." Sabi ni Tanza, "tatawag ako ulit sa'yo at ako naman ang sasambahin mo. Lumayas ka sa opisina mo. 'Yan ang bago kong kuwarto. Umalis ka na diyan bago pa uminit ang kaluluwa ko." Dugtong pa ng galit na demonyo. Naputol ang linya at inagaw bigla ni Portia ang cellphone nito kay Roxanne. "Get the hell out of your former company." Sabi ni Portia kay Roxie. Napaluha lang si Roxanne palabas ng kompanya niya at lahat ng mga miyembro ng Roxcell mobile company, mula sa mga bise presidente nito hanggang sa mga call center agents ay nakatitig sa dilag ng galit habang ito ay lumalabas ng building. Napaiyak ito palabas ng gate. Nagulat ito at napanganga nang makita ang nakaukit na bagong pangalan sa building nito. Napaluha siya lalo habang binabasa ang 'Hell.O Moble Company' sa entrance ng kompanya niya. Walang magawa ang babae kundi pumasok na lamang sa sasakyan nito at bumyahe papalayo sa datii nitong pagmamay-ari na mobile company...

...May kumatok bigla sa front door ng bahay ni Joeceline. Binuksan ng charity foundation president ang pintuan at nakita nito ang humahagulgol sa iyak na si Roxanne. "What happened?" tanong ni Joecel sa kaibigan.

...Ibinahagi ni Roxanne ang problema nito kay Joeceline at hindi makapaniwala si Joecel sa sinabi ni Roxie sa kanya. "Walang hiyang demonyong 'yon! Ang kapal ng mukha!" sabi ni Joeceline nag alit habang niyayakap at pinapakalma ang kaibigang panay ang iyak. "Hayaan mo na siya Roxanne. Ibigay mo na sa kanya ang kompanya mo, at least, kompanya mo lang ang ibinigay mo, at hindi ang kaluluwa mo." Dugtong pa ni Joecel. Napatigil si Joeceline sa pagyakap kay roxie at hinawakan ang mga kamay nito. "Tandaan mo, kahit anong luho o kayamanan sa mundo, ay walang katumbas sa karangyaan ng Panginoon, kaya mawala na lahat ng yaman sa'yo, huwag lang ang Diyos..." sabi ni Joeceline. Natatakot nat panay ang pag-iyak si Roxanne habang sinagot si Joecel ng, "Pero, anong mean niya na tatawag daw siya ulit at sasama rin daw ako sa kanya? Joecel, natatakot ako..." sabi ni Roxanne na nanginginig. "'Wag kang matakot... Dumi lang ang ibig sabihin ng demonyo kaya 'wag na 'wag kang matakot sa dumi..." sabi ng charity lady. Tumango si Roxie at sumang-ayon ang mukha sa sinabi ni Joecel. "Mawala na ang lahat 'wag lang ang Panginoon..." sabi ni Roxie sa sarili. "Tama..." sambit pa ni Joecel. Habang nag-uusap ang dalawang dalaga, nakatingin lang ang magkakapatid na batang lalaki sa kanila mula sa dining room habang kumakain kasama ang kanilang ama. Bumukas bigla ang front door at pumasok ang asawang pulis ni Joecel. "Yuri, napauwi ka? ang aga pa ah." Tanong ng nobya kay deputy Hanzo. "Ang sama ng hangin sa station. Naglalasing naman ang mga kasama ko do'n. Ang aga pa para gumawa ng kasalanan. Mukhang mag-a-absent 'ata ako nito bukas or maybe a week..." Sagot ng diputado. Napansin ni Yuri na umiiyak si Roxanne. "What happened Roxie?" tanong ng pulis sa kaibigan. Umiyak ulit si Roxanne at hindi masagot ang tanong sa kanya. "Ninakaw ni Fercilu ang kompanya nito, pera, lupa, miyembro lahat-lahat..." sabi ni Joeceline sa nobyo. Nagulat si Yuri sa narinig. "Really, ano? Alam na ba 'to ni father de Vina?" tanong ni Yuri ulit kay. Napatingin ang magkasintahan sa kaibigan. Napasagot lang si Roxanne ng, "Hindi niya pa alam," sagot nito, "ayokong malaman." Dugtong pa ng dalaga. "Huh?" sambit ni Yuri. "Bakit?" sambit din ni Joecel. "Ayokong malaman niya na wala ng pera ang kapatid niya at wala ng kuwenta. Hinayaan ko lang na mawala ang natatanging kayamanan na iniwan ng mga magulang namin." Sagot pa ni Roxie. "Please guys, let me stay muna dito sa house niyo. I want to think, to settle and solve these problems by myself ng mag-isa..." dugtong pa ng dilag. Kahit hindi san-ayon ang magkasintahan sa sinabi ni Roxie na gusto nitong malutas ang kanyang mga problema ng siya lang mismo. Umakyat ito ng hagdan at pumasok sa kuwarto ng mag-nobyo at sinara ang pinto. "Dito lang muna ako sa kuwarto niyo!" sigaw ni Roxie mula sa bedroom ng magkasintahan. Nagtitigan sina Joeceline at Yuri. "Alone..." sambit ni deputy Hanzo. Hinayaan na lamang ng pulis at ng charity lady si Roxie na mapag-isa...


next chapter
Load failed, please RETRY

Wöchentlicher Energiestatus

Rank -- Power- Rangliste
Stone -- Power- Stein

Stapelfreischaltung von Kapiteln

Inhaltsverzeichnis

Anzeigeoptionen

Hintergrund

Schriftart

Größe

Kapitel-Kommentare

Schreiben Sie eine Rezension Lese-Status: C7
Fehler beim Posten. Bitte versuchen Sie es erneut
  • Qualität des Schreibens
  • Veröffentlichungsstabilität
  • Geschichtenentwicklung
  • Charakter-Design
  • Welthintergrund

Die Gesamtpunktzahl 0.0

Rezension erfolgreich gepostet! Lesen Sie mehr Rezensionen
Stimmen Sie mit Powerstein ab
Rank NR.-- Macht-Rangliste
Stone -- Power-Stein
Unangemessene Inhalte melden
error Tipp

Missbrauch melden

Kommentare zu Absätzen

Einloggen