"Takeshi, may bago raw tayong kaklase tsaka teacher" pamamahagi ni Ezekiel kay Gussion.
"Ehh" sagot ni Gussion kay Ezekiel.
Si Ezekiel ang seat mate ni Gussion, lagi silang magkausap pero 'di pa rin sila mag-kaibigan kase para kay Gussion napakahirap sabihin ng salitang 'yun para sa kanya.
"Ezekiel.." pagtawag ni Gussion kay Ezekiel at umub-ob ito.
"Bakit?" napalingon ito kay Gussion pero nadatnan niya itong naub-ob.
"Babae ba o lalaki?"
".. Haha 'di ko alam ehh, pero sana naman 'di sila masungit kagaya ng iba nating kaklase nohh" kamot ulo na pasagot ni Ezekiel kay Gussion.
"Andyan na si sir Josh!" pasigaw na sinabi ng kaklase nila habang tumatakbo papasok ito sa room nila.
*******
"Good morning class." pagbati ni sir Josh sa kanila at nakangiti ito.
"GOOD MORNING SIR JOSH, WELCOME TO GRADE 5 MAHOGANY." pagbati ng mga istudyante ni sir Josh sa kanya.
"Ok class you may have a seat now." nagsiupuan na ang mga istudyante ni sir Josh, ".. Sa araw na ito, may bago kayong kaklase.. Tara na pasok na tayo" sabi ni sir Josh sa bagong istudyante at sabay silang pumasok.
"Sige na, magpakilala ka na" pamungkahi ni sir Josh kay Chelsea at kinalabit niya ito.
"Uhmm ahhh.." nakayuko ito at nahihiya, "Ahmmm, ako nga po pala si.. Chelsea Irishida, 10 years old at nakatira sa manggo street number 13. Kinagagalak ko po kayong makilala."
Nagulat si Brando, Tristan, Kiel at Gussion ng marinig nila ang beses ni Chelsea, nakuha ni Chelsea ang atensyon ng lahat dahil sa girlish nitong boses. Pumunta ito sa bandang likuran at tinawag siya ni Gussion.
"Psst, Chelsea dito ka" pabulong na sinabi ni Gussion kay Chelsea at umupo siya kung saan ay bakante at sa tabi ni Gussion.
"Haha, Gussion. Magkaklase tayo" sabi ni Chelsea kay Gussion na may halong ngiti.
"Gussion?.. Takeshi mag kakilala kayo?" tanong ni Ezekiel kay Gussion
Magkatabi silang tatlo, nasa leftside si Ezekiel, sa rightside si Chelsea, at sa gitna nilang dalawa ay si Gussion.
"Takeshi? Sino 'yun?" tanong ni Chelsea kay Gussion.
"Haha ganito kasi 'yan..." kamot ulong pasagot ni Gussion sa tanong ng dalawa at dahil sa lakas ng boses nilang tatlo ay pinagalitan sila ni sir Josh.
"Students at the back! Nakikinig ba kayo?" tanong ni sir Josh sa kanila.
"Opo Sir!" sagot ni Ezekiel.
Nagpatuloy sa pagsasalita si sir Josh at hininto na ng tatlong bata ang pag-dadaldalan.
Recess Time.
"Gussion? Sino si Takeshi?" tanong ni Chelsea kay Gussion.
"Takeshi Gussion Sonata. 'Yan ang buong pangalan ni Takeshi, sa totoo lang ikaw palang 'yung tao na tumawag kay Takeshi ng second name niya." si Ezekiel ang sumagot sa tanong ni Chelsea.
"Hayyyy" malalim na huminga si Gussion na para bang isang senyas 'yun kay Ezekiel.
"Ahaha, Chelsea ako nga pala si Ezekiel. Haha sana maging mahaba ang pasensya mo 'gaya ng isa dyan dahil madaldal ako haha" sabi ni Ezekiel at tinamaan si Gussion at napatawa ng kaunti ito.
"Hahaha ako rin, sana habaan mo rin pasensiya mo 'gaya ng isa dyan" bulong ni Chelsea kay Ezekiel at narinig pa rin ito ni Gussion at tumawa ito ng kaunti.
"Transferee palang siya pero may close na agad siya sa room." sabi ni Kyla sa friends niya habang nakatingin ito kay Chelsea.
"Oo nga ehh kay Takeshi tsaka Ezekiel pa" dagdag sagot ni Minty.
"Hayyy. Crush na crush niyo talaga sila nohh" nakisali sa usapan si Tristan.
"Hmph! Ano namang ginagawa niyo dito?" tanong ni Lisa na may halong sungit.
"Hayyy, napakasungit mo talaga nohh" pang-asar na sinabi ni Tristan kay Lisa.
"Pa-epal ka talaga nohh!" pinalo ito sa braso ni Lisa at napa-aray si Tristan.
"Aray!! Huuuu hmm huuu" hinihipan ni Tristan ang braso nito kung saan siya pinalo ni Lisa habang nakatingin pa rin sina Minty at Kyla kay Chelsea ng masama.
"Si Chelsea?" sabi ni Tristan sa tatlong babae.
"Kilala mo siya?" tanong ni Kyla.
"Oo naman, lagi ko kaya 'yang nakikita sa playground."
"Haha mag-isa ba siyang naglalaro?" sabi ni Minty
"Haha siguro mag-isa siyang naglalaro lagi do'n nohh" sagot ni Kyla kay Minty at nag-hi five sila.
"Hmm mali, lagi kaya silang magkalaro ni Gussion."
"Ano?!!" sabay na tanong ni Minty at Kyla at sa lakas ng boses nila ay nakuha nila ang atensyon ng iba nilang classmate nila.
"Huuh?" napatingin na rin si Chelsea sa kanila.
"Hayyyy, naiirita talaga ako kapag naririnig ko 'yung boses nila" dagdag sabi pa ni Ezekiel habang naka salung-baba.
"Hahaha 'di ka na nasanay" pasagot na tawa ni Gussion kay Ezekiel.
"Kanino?" tanong ni Chelsea kay Gussion at Ezekiel.
"Haha 'yung sumigaw sino pa ba?" tinawanan ni Ezekiel si Chelsea.
"Hahaha sorry naman busy ako sa pakikipagkwentuhan sa inyo ehh" patawa rin na sagot ni Chelsea.
"Hahahaha wait, ano dala niyong pagkain?" tanong ni Ezekiel at nilabas niya ang pagkain na dala niya.
"Hmmm 'etong akin snacks lang" sagot ni Gussion
"Hmmm eto namang akin snacks rin" sagot rin ni Chelsea.
"Ehh 'yung sa'yo naman?" sabay na nagtanong sina Chelsea at Gussion.
"Hmmm itong akin ay..." nilabas ni Ezekiel ang baon niya na, "Hahaha snacks rin haha" patawa na sinabi ni Ezekiel sa dalawa.
"Hahahahha na-uto mo nanaman ako ahhh" sabi ni Gussion habang kumakain.
"Hayyyy kala ko pa naman masarap." patawa rin sa pagkasabi ni Chelsea.
"Nauna ka nanamang kumain" sabi ni Ezekiel kay Gussion.
"Ano naman? NomNom" sagot ni Gussion.
"Pahinge nga ako" sabi ni kiel kay Ezekiel.
"Huh? Ayoko nga 'di ka naman namimigay, ang damot damot mo pa!" tutol na sagot ni Ezekiel kay Kiel.
"Ayaw mo?!!" pasigaw na tanong ni Kiel at natakot si Ezekiel sa kanya.
Ng hahawakan na dapat ni Kiel ang kamay ni Ezekiel ay agad na tumayo si Gussion at tinapik ito at nilayo ang kamay nito kay Ezekiel.
"Kung ayaw, ayaw, sa susunod na sapilitan kang manghingi kay Ezekiel, mabibigla ka" seryosong sagot ni Gussion at nagulat si Brando na kasama ni Kiel at ang dalawang kasama ni Gussion.
"Grrrr 'wag na nga tayo dito" pamungkahi pa ni Kiel at sumunod sa kanya si Brando.
"Hmph" Niyabangan ni Gussion si Kiel.
"Ezekiel ok ka lang?" tanong ni Chelsea.
"Ok lang ako" nakatulala ito habang sunod sunod na kumakain.
"Hahaha para kang baliw sa ginagawa mo, Ezekiel." umupo si Gussion at tinuloy 'yung kwentuhan nila na para bang walang nangyari.
First time lang ako pinagtanggol ni Gussion kay Kiel. Gusto ba talaga niyang makipagkaibigan? Kung gusto niya ganon rin ako.
Kung sakali pong may makita kayong typos or wrond gramar ay ikoment paragraph niyo nalang po :D Salamat po ulit sa pagbabasa <3 God bless u oll po :D