App herunterladen
30.76% Heal My Wounds Once Again / Chapter 8: 5 against 1

Kapitel 8: 5 against 1

Ng mag-uwian na ay sabay na umuwi ang tatlong bata.

"Takeshi.." sabi ni Ezekiel pero'di ito natuloy dahil nagsalita bigla si Chelsea.

"Ay, Ezekiel! Pwede ka ba sa tuwing sabado at linggo?" tanong ni Chelsea sa kanya.

"Anong gagawin sa sabado tsaka sa linggo?" tanong ni Ezekiel.

"Haha,maglalaro tayong tatlo nila Chelsea sa playground." si Gussion ang sumagot sa tanong ni Ezekiel.

"Ano? Pwede ka ba nun?" tanong ni Chelsea.

"Hmmm" nag-isip si Ezekiel.

"Sige naaa! Pumayag ka na! Tutal friends ka na rin naman namin ehh." sabi ni Chelsea kay Ezekiel at nagulat ang dalawang kasama nito.

"Oo nga, pumayag ka na!" dagdag sabi pa ni Gussion at ngumiti si Ezekiel sa kanila.

"Haha oo naman" sagot ni Ezekiel at nginitian nito ang kasama niya.

"Promise 'yan ahh" sabi ni Chelsea.

"... Promise" nag-hi five silang tatlo.

"Haha friends!" sabay na sinabi ng tatlong bata habang bumababa sa hagdan.

In Other Side.

"Ano? Hihintayin mo talaga si Takeshi?" tanong ni Brando kay Kiel.

"Oo nga! Lima tayo mag-isa lang siya" sagot ni Kiel kay Brando.

"Oh 'yan na si Takeshi, kasama niya si Ezekiel tsaka si Chelsea" dagdag sabi ni Tristan.

Napatigil sa pagku-kwentuhan ang tatlong bata ng makita nila si Kiel at ang apat nitong kasama.

"Takeshi.." sabi ni Ezekiel at kinalabit nito si Gussion.

"Bakit? Anong meron?" tanong ni Gussion

"Si Kiel.." sabay na sinabi ni Ezekiel at Chelsea ang pangalan ni Kiel at lumingon ito sa limang batang nag-aabang sa kanila.

"Sus, mga takot naman 'yan ehh." sabi ni Gussion at lumapit si Kiel sa kanila at tinulak si Gussion at napaatras ito.

"Ba't mo ako binangga kanina?" tanong ni Kiel kay Gussion habang hawak niya ito sa kwelyo.

"Haha duwag ka pala ehh, magtatawag ka nalang ng tutulong sa'yo 'yung mahihina pa" payabang na sinabi ni Gussion sa apat na kasama nito.

Binitiwan ni Kiel si Gussion.

"Ano?" payabang na tanong ni Gussion kay Kiel, "Layo muna kayo dito, baka madamay kayo" pabulong na sinabi ni Gussion sa mga kasama nito.

"Ano, lapit dito" payabang na sinabi ni Gussion at dahan-dahan na lumapit ang limang kaaway nito.

"Sa tingin mo mananalo si Takeshi sa kanila?" nag-aalalang patanong ni Ezekiel kay Chelsea.

"Oo naman" sagot nito.

Ng umamba ng suntok si Gussion ay umatras ang lima nitong kalaban. "Hahaha, oh ano, ba't kayo lumalayo?" pang-aasar na tanong ni Gussion at nagalit si Brando.

"Grrrr" lumapit si Brando at sumuntok ito pero naka-ilag si Gussion at in-uppercut niya ito. Tinaldyakan ni Gussion si Kiel dahil sumunod ito kay Brando ng sumuntok ito, napaatras si Kiel at natuma ito, tumalon naman si Gussion at sinipa ang dalawang bata na papunta sa kanya gamit ang kaliwa at kanan nitong paa dahil ang dalawang bata ay nasa kaliwa at kanan habang papunta ito sa kanya. At hindi napansin ni Gussion si Tristan na pumunta sa likod niya at niyakap ito ng mahigpit.

"Haha, wala ka ng kawala!" pang-aasar na sinabi ni Tristan kay Gussion at tumayo agad ang natumbang apat at sinuntok nila si Gussion at...

"Takeshi! Gussion!" sabay na sinigaw ni Ezekiel at Chelsea.

*******

" 'Wag Takeshi, tama na! Panalo ka na!!" hiling ni Kiel kay Gussion habang hawak ito sa kwelyo.

"Takeshi!" sigaw ni Sir Lann kay Gussion at hinawakan niya ito, "Tama na 'yan!" dagdag sabi pa ni Sir Lann.

"Si-sir Lann! Si Gussion po may pakanan ng lahat—" sumbong ni Kiel kay Sir Lann.

"Tahimik! Kayo ang nauna, nakita kita na nilapitan mo si Gussion at tinulak mo siya!" sabi ni Sir Lann kay Kiel. "Bukas, kayong anim, kailangan kong maka-usap ang parents niyo!" dagdag sabi pa ni Sir Lann.

"Sirr—" sabi ni Tristan.

" 'Wag kayong papasok sa time ko bukas 'pag wala kayong dalang parents bukas o gurdian" dagdag sabi pa ni Sir Lann sa apat. "Umuwi na kayong lahat!" at sumunod ito sa kanya at umuwi na ito. "Kayong dalawa rin, umuwi na kayo! Ako na bahala dito kay Takeshi, ako na maghahatid sa kanya pauwi" sabi ni Sir Lann sa dalawang kasama ni Gussion.

"Kuya Lann, kaya ko ng umuwi, 'di mo na ako kailangan ihatid" mahinahon na sinabi ni Gussion kay Sir Lann.

"Takeshi, kakausapin ko ang kuya mo" mahinahon na sinabi ni Sir Lann kay Gussion.

"'Diba kakausapin mo naman 'yung parents or gurdian namin? Kaya hayaan mo na akong umuwi kasama 'yung mga kaibigan ko" hiling ni Gussion kay Sir Lann at umalis na ito.

"Ezekiel! Chelsea! Hintay!" tinawag ni Gussion ang dalawa nitong kaibigan na naka ngiti pa rin.

Ang laki na ng pinag-bago mo, Gussion. 'Di namin nakita ng kuya mo 'yang ngiti mo na 'yan simula ng nalaman mo na ulila ka sa magulang mo.

"Takeshi, akala ko ba ihahatid ka ni Sir pauwi" tanong ni Ezekiel.

"Oo nga akala ko ba ihahatid ka, pero.. Ok ka lang ba Gussion?" tanong ni Chelsea sa kanya.

"Haha nag-dudugo lang naman 'yung labi ko." sagot ni Gussion.

"Sa totoo lang Takeshi, nakakatakot ka kanina, 'di ka talaga ma-aawat kung 'di ka pa lalapitan" sabi ni Ezekiel kay Gussion.

"Haha, ang yayabang kase ehh, tinuturuan ko lang ng leksyon" kamot ulong pasagot ni Gussion kay Ezekiel.

"Tapos kanina nanlilisik talaga 'yung mata mo, hayyy grabe, nakakatakot ka Gussion kapag nakikipag-away" dagdag sabi pa ni Chelsea kay Gussion.

"Hahahaha, kalimutan na lang natin 'yun. Uyyyy sa sabado tsaka sa linggo ahhhh" sabi ni Gussion sa dalawa nitong kasama.

"Hahaha oo alam namin" sabay na sinabi ni Chelsea at Ezekiel.

"Haha dito na 'ko, BYE!" tumakbo na agad ito papunta sa bahay nila.

"'Di ka ba natatakot sa kanya?" tanong ni Ezekiel kay Chelsea.

"'Di naman siya nakakatakot ehh, mabait naman siya sa mabait at sa kaibigan niya, sa atin" sagot ni Chelsea.

"Haha.."

"Ikaw? Natatakot ka ba sa kanya?"

"Oo, minsan, lalo na kanina"

"Eh, pa'no?"

"Kanina, isang beses lang silang nakasuntok kay Gussion at halos lahat sila nabugbog ni Gussion, may pasa, dugo ang ilong, may blackeye, buti nga naawat siya ni Sir Lann"

"Ibig sabihin, kanina ka lang natakot sa kanya? Gano'n?"

"Oo" Gussion? Takeshi ang tawag ko sa kanya ehh, siguro ganito rin si Chelsea, lahat ng malalapit ang loob kay Takeshi ay Gussion ang tawag nila sa kanya.

"Hoyyy!" ginulat ni Chelsea si Ezekiel.

"Ay!"

"Haha nakatulala ka na ahh, sige na dito na ako, manggo street na 'toh eh,BYE!"

"BYE!" Gusto ko ring matuto ng 'Martial Arts' para matulungan ko si Gussion, bukas na bukas rin magpapaturo agad ako sa kanya.


AUTORENGEDANKEN
MicroIsLife MicroIsLife

kung sakaling may makita po kayong typos. just comment a paragraph nalng po hehe :D

next chapter
Load failed, please RETRY

Wöchentlicher Energiestatus

Rank -- Power- Rangliste
Stone -- Power- Stein

Stapelfreischaltung von Kapiteln

Inhaltsverzeichnis

Anzeigeoptionen

Hintergrund

Schriftart

Größe

Kapitel-Kommentare

Schreiben Sie eine Rezension Lese-Status: C8
Fehler beim Posten. Bitte versuchen Sie es erneut
  • Qualität des Schreibens
  • Veröffentlichungsstabilität
  • Geschichtenentwicklung
  • Charakter-Design
  • Welthintergrund

Die Gesamtpunktzahl 0.0

Rezension erfolgreich gepostet! Lesen Sie mehr Rezensionen
Stimmen Sie mit Powerstein ab
Rank NR.-- Macht-Rangliste
Stone -- Power-Stein
Unangemessene Inhalte melden
error Tipp

Missbrauch melden

Kommentare zu Absätzen

Einloggen