App herunterladen
90.69% HBS 1: New Generation - The Beauty & Brain / Chapter 39: TBAB: 37

Kapitel 39: TBAB: 37

Now playing: Isa lang - Arthur Nery

Violet POV

>>> 18 months later <<<

Sa sobrang abala ko sa T Corporation, hindi ko na namalayan ang paglipas ng bawat araw. Hindi ko namalayan na gano'n lamang kabilis natapos ang mga buwan. Hindi ko namalayan na halos magdadalawang taon ko nang hindi nakikita at nakakasama si Nicole.

At swear, inaamin ko na sobrang namimiss ko na siya. Gustong-gusto ko na siya na muling mahawakan at mayakap. Sa totoo lang, pwedeng-pwede ko naman siyang sundan sa New York eh. Pero hindi ko ginagawa.

Bukod kasi sa kailangan ako ng T Corporation, eh mayroon kaming napag-usapan na hindi ko pwedeng baliin. Sabi niya, babalik siya, kaya iyon ang pinanghahawakan ko. Alam kong babalik siya, kaya hihintayin ko siya.

Hindi ko man alam kung kailan siya babalik, pero kahit na gaano pa man iyon katagal. Maghihintay pa rin ako. Maghihintay lang ako sa kanya.

Natapos na rin ang graduation nito, pero hindi na siya dumalo pa. Hindi ko man lamang siya nagawang mabatiin ng personal para sa graduation niya, pero gumawa naman ako ng video greeting para sa kanya. At sinigurado kong magugustuhan niya. Hehe.

Pagkatapos noon ay mas naging abala na siya sa branch ng kanilang kompanya sa New York. At ngayon, pinili niya na doon na muna mamalagi.

Umuwi siya rito sa Pilipinas noong nakaraang taon for Christmas, but sad to say hindi kami nagkita. Sandali lamang kasi siya at nagkataon din na sobrang busy ko pa rin no'n sa aking trabaho.

Miss na miss ko na siya. Palagi pa rin kaming nagkakausap kapag mayroong free time at nagkakataon na hindi busy ang mga araw namin. Nakakamustahan, konting kwentuhan, pero hanggang doon na lang.

Kahit na ang totoo ay gustong-gusto ko nang makipagbalikan sa kanya. Sa tingin ko naman kasi eh naghihintayan na lamang kaming dalawa. Pero ayaw ko naman kasing mag-first move dahil mukhang masyado itong abala sa kanyang binubuong career sa New York.

Syempre, bilang pagsuporta sa pangarap niya eh kasama doon ang kailangan kong irespeto ang napag-usapan naming dalawa. Kaya wala akong choice sa ngayon kundi ang mag-focus na lamang din muna sa aking sariling career at pangarap. Pangarap na kasama pa rin naman siya. Kasi syempre, ginagawa ko lahat ng ito para sa future naming dalawa.

Naging abala man kami ngayon sa kanya-kanya naming buhay. May mga nakikilalang tao araw-araw at mga bagong nakakasalamuha. Nag-go-grow kami individually nang hindi magkasama at wala sa tabi ang isa't isa. Pero kahit na gano'n , never kong hinanap siya sa mata ng iba. Never kong hinanap ang presensya niya sa iba. Kasi para sa akin, nag-iisa lang siya. At kahit na ilang milya pa ang pagitan naming dalawa, kahit gaano pa karaming tao ang makilala ko, siya at siya lang ang hahanapin ng puso ko.

Hihintayin ko siya at patuloy na mamahalin ko sa paraang alam ko. Dahil alam ko na darating ang araw na magkakasama rin kaming muli at magiging amin din muli ang isa't isa.

---

Pagkatapos ko sa opisina, pasado alas sais na ng gabi noong napagpasyahan ko na lumakad-lakad muna. Kasi nakaka-miss din ang maglakad lalo na kapag ganitong lubog na ang araw.

Isa pa, kapag ganitong naglalakad ako. Parang kasama ko na rin si Nicole, kasi 'di ba? Ang hilig naming gawin 'yung ganito noon?

Isa sa mga bagay na namimiss kong ginagawa naming magkasama ay yung tatambay hanggang sa abutin na kami ng umaga. Para lang magkwentuhan, magtawanan at pag-usapan 'yung mga bagay tungkol sa aming dalawa.

Hayyy. Kailan kaya mauulit 'yung mga moment na gano'n? Tanong ko sa aking sarili.

Habang naglalakad ako patawid ng kalsada ay tila ba biglang bumagal ang paligid noong sandaling magtama ang aking paningin sa isang babaeng naglalakad pasalubong sa akin. Nanggaling ito sa kabilang kalsada kung saan ako papunta.

Madilim na ang paligid pero para bang biglang lumiwanag muli dahil sa unti-unting pagsilay ng kanyang matatamis na ngiti habang diretsong nakatingin lamang sa akin.

I can't believe that she's back. Hindi ko mapigilan ang maluha sa saya bago napatakip ng aking bibig habang tinitignan siyang naglalakad papalapit sa akin.

Awtomatikong bumilis ang pagtibok ng aking puso, kasabay ang pabilis na pabilis na pag hakbang ng aking mga paa pasalubong sa kanya, ganoon din siya. Hanggang sa patakbo naming sinalubong at niyakap ang isa't isa.

Kumalas ako mula sa pagyakap at tinignan siya ng maigi sa kanyang mukha. Walang salita ang gustong kumawala sa aming mga labi ngunit makikita ang saya sa pagkislap ng aming mga mata.

At wala na akong pakialam pa kung may ibang taong nakakakita sa amin. Basta ko na lamang siyang hinapit sa kanyang beywang at hinalikan sa kanyang labi, bagay na agad naman niyang ginantihan.

Nagmistula kaming mga bida sa eksena ng isang pelikula na muling nagkita pagkatapos ng ilang taong paghihiwalay.

God! I miss her sweet smile, her lips, her smell and everything about her. And I can't believe na nandito na siyang muli, na yakap ko na siyang muli.

Parang kani-kanina lang nasa alaala at isipan ko lamang siya pero ngayon, totoong hawak ko na siyang muli.

"You're back." Hindi makapaniwalang sabi ko habang mataman na nakatitig lamang sa kanyang walang kupas na kagandagan.

Nandito kami ngayon sa isang coffee shop malapit sa building ng T Corporation. Sakto rin dahil wala masyadong tao ngayon na tila ba pinagbibigyan kami ng tadhanan.

Napatango ito at binigyan ako ng isang matamis na ngiti.

Hindi ko mapigilan ang mapatulala palagi sa ganda niya. Alam niyo ba na mas lalo pa siyang naging maganda ngayon? Parang literal na naging isang barbie na talaga siya na nagkaroon lamang ng buhay.

"Kasi meron akong babalikan." Napapakagat sa labi na sabi niya. "Ikaw." Dagdag pa niya. "Kasi nandito ka. Ikaw 'yung dahilan bakit ako bumalik."

Mabilis na napaiwas ako ng tingin mula sa kanya para itago ang kilig na aking nararamdaman. Hindi ko rin mapigilan ang mapakagat sa aking labi

Shit dude! Kinikilig na naman ako. Pagkatapos ng halos dalawang taon na hindi namin pagkikita, andito na naman ako. Kinikilig na naman ang lola niyo.

"Pinapakilig mo ba ako or what?" Diretsahan na tanong ko sa kanya.

"Well, it depends." Sagot nito na mayroong nakakalokong ngiti at tingin bago iniharap ng maayos ang kanyang sarili sa akin. "So, kinikilig ka?" Bago naging malagkit ang mga tingin nito sa akin na para bang inaakit ako.

Damn! Ang hot.

Hindi naman namin pareho napigilan ang mapatawa at malagkit din na tinignan ko siya pabalik sa kanyang labi.

"You know what?" Sabay lapit ko ng aking mukha sa kanya. Iyong malapit na malapit na halos maduling na siya.

I don't care again kung may iilang customer kaming kasama ngayon sa loob ng shop. At pinagbubulingan kaming dalawa. Huh!

So, what? Ngayon lang ba sila nakakita ng dalawang magandang naglalandian?

Mas lalong inilapit naman nito ang kanyang mukha sa akin pabalik. Iyong para bang nanghahamon pa.

"What?" Tanong niya pagkatapos ay napasulyap din ito sa aking labi.

At noong magsasalita na sana akong muli ay bigla niya akong halikan sa aking labi. Hindi ko napigilan ang mapasinghap at agad na napahawak din pabalik sa kanyang pisngi para gantihan siya sa paghalik.

Gosh! Na-miss ko talaga ang malambot at napakasarap papakin niyang labi. Ang sarap kagat-kagatin at gawing bumble gum sa gigil.

Noong sandaling naghiwalay nang muli ang aming mga labi ay saka ko ipinagpatuloy ang gusto kong sabihin.

"Tayo na ba ulit?" Tanong ko sa kanya na ikinakunot ng noo niya. "I mean, Official? Girlfriend na kita ulit?" Awtomatiko namang namula ang kanyang buong mukha habang tumatawa dahil sa kilig.

"What?" Bigla tuloy akong nahiya at pinanghinaan ng loob.

Ba't naman natawa lang siya? :(

"Ang korni palang marinig kapag tatanungin ka kung magiging girlfriend ka na ba or what." Tumatawa pa rin na sabi nito sakin. "Hindi talaga uso ang ligawan sating mga gay 'no?" Dagdag pa niya kaya this time ako na naman ang natawa dahil sa sinabi niya.

Actually, ang korni naman talagang marinig eh. Lalo na sa relasyon na ganito. Hindi na nga uso ang ligawan, hindi pa uso ang tanungan. Basta nag-kiss kayong dalawa, kayo nang bahalang maglagay ng label.

"Hahahahaha! Sira!" Tawang-tawa pa rin na saway ko sa sinabi niya. "Hindi na talaga uso. Ba't pa magliligawan? Dun na rin naman papunta. Atsaka ba't pa kita liligawan eh mahal mo ako, mahal kita. Edi tayo na. Nag-kiss na tayong dalawa tapos nag---"

"Hey, stop." Pigil nito sa akin habang tumatawa at pinandidilatan ako ng kanyang mga mata. Dahil baka may ibang makarinig sa akin.

"Akala ko nga mag-po-propose ka na agad eh! Girlfriend pa rin pala." Parang dismayado pang sabi niya sa akin.

"Ay! Ready ako riyan." Bigla naman itong natigilan na animo'y kinabahan. Kaya lalo akong napangiti ng malawak at napataas baba ng aking kilay na tumayo mula sa aking pag-upo.

"A-Anong---"

Natigilan ito noong sandaling inilabas ko ang isang maliit na box mula sa loob ng handbag ko.

Hindi nito napigilan ang mapatakip ng kanyang bibig habang naluluhang nagpalipat-lipat ang kanyang tingin sa aking mukha at sa box na hawak ko.

"Bakit meron ka kaagad niyan? Ang totoo hindi talaga para sakin 'yan, ano? Kanino ka magpo-prose dapat bakit ka may ganyan?!" Sunod-sunot na tanong niya habang tinitignan ako ng masama ngunit naluluha.

Napatawa lamang akong muli habang napapailing.

"Sabi ko naman sa'yo, ready ako." Nakangiting sagot ko sa kanya bago dahan-dahan na napaluhod sa harap niya.

Agad naman na pinagtinginan kami ng ibang customer na kasama namin ngayon dito sa loob ng shop. Habang iyong iba naman ay agad na kinuhaan kami ng litrato at video.

"Dito ka talaga magpo-propose?" Tanong niya habang napapatingin sa paligid.

Nagkibit balikat lamang ako.

"Well, ayaw kong sayangin ang moment. Hindi naman mahalaga ang place, 'di ba?" Tanong ko sa kanya at sinimulang buksan na ang maliit na box at tumambad sa kanya ang kulay silver na diamond.

"Violet, sure ka na ba talaga---"

"Damn, it! Gusto mo ba akong pakasalan or hindi?!" Tanong ko sa kanya para matigilan siya.

"Eh ba't parang galit ka? How can I say yes kung galit kang nagpo-propose?" Napahinga ako ng malalim bago napapikit.

"Nicole..."

"Yes?" Bago ito napakurap-kurap ng kanyang mga mata.

"Do you still remember the first time we met?" Napatango ito at magsasalita sana nang magpatuloy ako.

"The first time our eyes met? That magical feeling I felt at that moment, I knew that was not the first and the last time na pagtatagpuin tayo ng tadhanan. And the moment you kissed me, that's when I felt that you would not only be a stranger in my life, but you would be my end game, Nicole. Kaya sinabi ko sa sarili ko, no matter what situation we have, whether we are both in a relationship or not, I will make sure na magiging atin ang isa't isa." Pagpapatuloy ko.

"Ang dami nang nangyari," Kasabay noon ang unti-unting paglaglagan ng mga luha ko.

"May mga nawalang buhay, may mga nakakulong, naghiwalay tayo, pero...ngayong nandito ka nang muli, hinding-hindi ko na'to sasayangin pa. Gusto kong malaman mo na ikaw ang gusto kong maging end game ko. 'Yung taong gusto kong makasama hanggang dulo." Dagdag ko pa.

"Pwede mo ba akong samahan sa dulo na sinasabi ko? Will you be my end game?" Tanong kong muli.

Mabilis na pinunasan nito ang kanyang luha bago napatango at agad na hinalikan ako sa aking labi.

"Yes, V. YES!!!" Nakangiting sabi niya habang lumuluha pa rin bago ako niyakap at muling dinampihan ng halik sa aking labi.

Mabilis naman na isinuot ko ang singsing sa kanya at pagkatapos ay niyakap siya.

Pagkatapos ng eksena naming dalawa, ay may iilang customer ang lumapit sa amin para magpa-picture. Ganoon din 'yung ilang staff ng coffee shop, maging ang manager nito.

Ang saya lang sa feeling na nakapag-propose ako ng disoras na parang kanina lamang ay palakad-lakad lang ako mag-isa.

Expect the unexpected, ika nga nila.

Mabuti na lang pala talaga at nasa bag ko palagi ang singsing na sinadya ko talagang ipagawa para sa kanya noon pa.

Haaayyy. Napakasarap sa pakiramdam. Engage na ako sa babaeng pangarap ko lang noon na maging akin.


AUTORENGEDANKEN
Jennex Jennex

Aweeee! Abangan ang naiiwan na apat na kabanata ng kanilang kwento! Sure naman na makukuha niyo ang masayang wakas na gustong-gusto ninyong lahat! Syempre, malakas kayo sakin eh! At maghanda sa panibagong kwento na atin na namang muling bubuksan for 2023. Yahooo!

next chapter
Load failed, please RETRY

Wöchentlicher Energiestatus

Rank -- Power- Rangliste
Stone -- Power- Stein

Stapelfreischaltung von Kapiteln

Inhaltsverzeichnis

Anzeigeoptionen

Hintergrund

Schriftart

Größe

Kapitel-Kommentare

Schreiben Sie eine Rezension Lese-Status: C39
Fehler beim Posten. Bitte versuchen Sie es erneut
  • Qualität des Schreibens
  • Veröffentlichungsstabilität
  • Geschichtenentwicklung
  • Charakter-Design
  • Welthintergrund

Die Gesamtpunktzahl 0.0

Rezension erfolgreich gepostet! Lesen Sie mehr Rezensionen
Stimmen Sie mit Powerstein ab
Rank NR.-- Macht-Rangliste
Stone -- Power-Stein
Unangemessene Inhalte melden
error Tipp

Missbrauch melden

Kommentare zu Absätzen

Einloggen