App herunterladen
30% Fallen for you (Gabriel dela Torre) / Chapter 6: Chapter 5

Kapitel 6: Chapter 5

Gabriel's Pov

Pagkatapos kong ihatid si Ella ay umuwi ako ng bahay. Gusto ko munang makapagpahinga bago bumalik sa trabaho.

"Aba mukhang masaya ang kuya namin." sabi ni Seb, ang kapatid kong bunso.

"Kuya nahanap mo na yung babae? Kaya ka ba masaya?" tanong ni Seph ang kapatid ko na sumunod sa akin.

"Siguro nga noh. Kelan ba namin siya makikilala?" tanong naman ni Migs ang pangatlo saming magkakapatid.

Napangiti naman ako sa kanila. Alam nilang lahat ang nangyayari sa akin. Lalo na ng una kong makita si Ella. Nung araw na yun, nag away kami ng lolo ko kasi gusto nyang balikan ko ang babaeng ipinagkakasundo nya sa akin. Dahil lang sa negosyo at nagkakaganyan siya na kailangan kong magpakasal sa babaeng hindi ko naman gusto. Mabuti na lang at very supportive ng pamilya ko. Hindi nila hinayaang mangyari ang gusto ni lolo. Matagal nang hindi nakikialam si Papa sa mga negosyo ni lolo at pinalaki nya kami sa sarili nyang pagsisikap.

Si Don Emilio dela Torre ang aking ama. Marami siyang negosyo at isa na dun ay ang ospital kung saan ako nagtatrabaho. Ipinamana nya sa akin ang ospital na ito. Lahat kaming magkakapatid ay may kanikaniyang minanang negosyong. Gusto kasi ni Papa na magsaya naman daw sila ni Mama. Tutal malalaki na kami kaya okay lang sa amin.

Si Leticia dela Torre naman ay ang aking ina. Isa siyang maybahay dahil ayaw siyang payagang magtrabaho ni Papa. Itinuring naming lahat na reyna si Mama dahil yun ang sinabi ni Papa. Apat kaming magkakapatid at ako ang panganay. Sumunod sakin si Joseph o Seph, pangatlo si Miguel o Migs kung tawagin namin at ang bunso ay si Sebastian o Seb.

Pinagpala ako dahil mabubuti ang aking pamilya lalo na ang aking mga magulang. Kaya naman sobrang close kami ng mga kapatid ko. Malayo kami sa pagiging perpektong mga anak pero ang laging turo sa amin ng aming mga magulang ay ang magtulungan at magmahalan kaming magkakapatid.

"Siya nga naman anak, mag asawa ka na para naman magkaapo na kami. Gusto ko uling may inaalagaang bata dito sa bahay." sabi ni Mama. Habang naghahain ng aming hapunan.

"Huwag kayong mag alala Mama, ipapakilala ko siya sa inyo kapag naging maayos na ang lahat. Medyo nililigawan ko pa po eh." sabi ko.

"Hala kuya, kelan ka pa natutong manligaw? Di ba ikaw ang nililigawan?" sabi ni Migs.

"Anak gusto mo ba ng payo tungkol diyan. Sasabihin ko sayo kung paano ko niligawan ang Mama nyo." sabi ni Papa. Hinampas ni Mama si Papa sa braso.

"Ikaw talaga, nakakahiya sa mga anak mo. Pero Gab, bilis bilisan mo ha kasi sabik na akong magkaapo pati na magkaroon ng anak na babae." sabi ni Mama.

"Yes Ma!" sagot ko sa kanya.

"O siya magsikain na kayo at nang makapagpahinga na kayo agad." sabi ni Papa.

Nagpatuloy kami sa pag uusap tungkol sa mga negosyo habang kumakain kami. Yan ang gusto ng mga magulang namin ang sabay sabay kumain kahit kumain ka na sa labas o hindi ka gutom ay gusto nila na makasama kami. Pagkatapos naming kumain ay nagpaalam muna ako sa kanila na magpapahinga ako. Sa sobrang pagod ko ay nakalimutan kong itext si Ella. Hindi ko namalayan na nakatulog na ako.

Maaga akong gumising at maagang pumasok sa trabaho. Isa akong neurosurgeon pero madalas sa pamamahala ako ng ospital tumututok. Kaagad kong tinext si Ella pero wala akong natanggap na reply. Inisip ko na baka busy lang. Mamaya na lang ako magtetext ulit pagkatapos ng operasyon na gagawin ko.

Ilang beses ko na tinetext si Ella ngaung araw pero wala pa din akong reply. Kaya naman naisipan ko itong tawagan na lang. Ngunit nakapatay ata ang cellphone nito. Pagkatapos ng trabaho ko ay dumiretso ako sa bahay nila Ella ngunit wala namang tao. Nag antay ako ng 3 oras pero wala pa ding dumarating.

Umuwi akong bigo ngaung araw. Hindi ko tuloy maiwasang isipin na baka tinakasan nya na naman ako. Lumipas ang tatlong araw na ganun pa din ang ginagawa ko araw araw nag iintay sa bahay nila Ella bago ako umuwi.

"Gabriel?" tawag ng isang tao sa likod ko. Nakatok kasi ako sa pinto ng bahay nila Ella.

"Alex!" masayang bati ko.

"Wala si Ella dito. Sinundo siya ng Mama nya nung gabi na inihatid mo siya galing kayo sa pamamasyal." sabi ni Alex.

"Ilang beses na ako tumatawag at nagtetext pero hindi siya nagrereply." sabi ko.

"Ganun ba? Naku pasensiya ka na pero kada susunduin nila si Ella ay iniiwan nya ang cellphone dito sa bahay. Medyo mahabang kwento pero ang alam ko eh hindi pa siya makakabalik sa ngayon." sabi pa nya.

"Pero bakit? Ilang araw ba siya mawawala?" tanong ko

"Hindi ko alam. Linggo? Buwan, o baka taon." kumunot ang noo ko sa sinabi ni Alex.

"Ano?" nagtatakang tanong ko.

"Masyadong komplikado kasi Gabriel. Kung hindi ka seryoso sa kaibigan namin ay mabuti pa tumigil ka na." sabi ni Alex.

"Bakit ako titigil? Seryoso ako sa kaibigan mo. Sabihin mo nga ang totoo, hindi na ba siya babalik?" tanong ko.

"Ano kasi.... kasi...." hindi na natapos ni Alex ang sinasabi nya kasi may sumigaw ng pangalan nya.

"Alex!" sigaw ni Jordan.

"Oh bakit ka ba humahangos diyan?" tanong ni Alex kay Jordan.

"Tumawag sakin si Ella at umiiyak na naman. Anong gagawin natin?" tanong ni Jordan.

"Wait, why is she crying?" tanong ko. Nagkatinginan naman ang dalawa.

"Gabriel, sigurado ka bang seryoso ka sa kaibigan namin?" tanong ni Alex.

"Yes! Hindi ako mag aaksaya ng panahon pabalik balik dito kung hindi ako seryoso sa kanya." sagot ko.

"Please save Ella." natataka ako sa sabi ni Jordan.

"Bakit? Nasa panganib ba si Ella?" tanong ko.

"Hindi maganda ang trato sa kanya ng pamilya nya. Tanging ang kuya nya lang ang kakampi nya. Matagal na nyang gustong umalis sa pamilya nya kaso kapag kailangan nila si Ella ay sapilitan nilang pinababalik si Ella. Pagbabantaan nila si Ella na gagawan ng di maganda ang mga pamilya namin. Makapangyarihan kasi ang tatay ni Ella sa bayan namin. Dahil sa sobrang mabait ni Ella ay pinipili nyang sumama kahit hindi nya gusto. Pero pagnasa bahay nila si Ella ay minamaltrato nila ito. Parang awa mo na Gabriel ilayo mo na ang kaibigan namin sa kanila." paliwanag ni Jordan.

Nakatikom ang aking kamay na parang gusto kong manuntok. Kaya ba ganun na lang kailap si Ella dahil sa kanyang pamilya?

"Saan ko matatagpuan si Ella?" galit na tanong ko.

Sinabi sa akin nila ang kinaroroonan ni Ella. Kinuwento pa nila sakin ang ibang nangyari sa kanya. Pati na kung paano siya lokohin ng lalaking minahal nya. Umuwi ako ng bahay na puno ng galit sa pamilya ni Ella. Naabutan ko sila Mama at Papa na nanunuod ng tv sa sala. Nagmano ako sa kanila at naupo sa tabi nila.

"Anak may nangyari ba sayo?" tanong ni Mama.

"Oo nga naman anak, para kang manununtok." sabi ni Papa. Napabuntong hininga naman ako bago magsalita.

"Ma, Pa, hindi ko po gusto ang nangyayari sa babaeng mahal ko. Iniisip ko kung paano ko siya tuluyang maialis sa pamilya nya." sabi ko.

"Aba inlove na ang anak ko. Pero bakit mo siya gustong ialis sa pamilya nya? Hindi naman ata maganda yun." sabi ni Mama.

Sinabi ko sa kanila ang mga nalaman ko sa pamilya ni Ella. Sinabi ko din sa kanila ang mga bagay na ginagawa nila kay Ella. Nakikita ko sa mukha ni Mama ang galit tulad ng naramdaman ko nung malaman ko ang lahat lahat.

"Sobra naman ang pamilya nya. Bakit nila ginagawan ng ganun kawawang batang yun? Gaano ba kalaki ang nagawang kasalanan nya para itrato nilang basura ang batang yun." galit na sabi ni Mama.

"Naku anak, mukhang makapangyarihan ang pamilya ng nagugustuhan mo. Maige pa at pagplanuhan mo muna bago siya ilayo. Isang bagay lang ang naiisip ko para makawala na ng tuluyan ang batang iyon sa pamilya nya." sabi ni Papa. Nagkatinginan sila ni Mama.

"Ano pong ibig nyong sabihin? Paano ko maiaalis si Ella sa pamilya nya." nagtatakang tanong ko.

"Sigurado ka na ba anak na mahal mo siya?" tanong ni Mama. Tumango naman ako bilang tugon sa tanong ni Mama.

"Kung ganun ay pakasalan mo ang babaeng mahal mo. Sa ganung paraan mo lang siya maiaalis sa pamilya nya."  sabi ni Papa.

"Pag isipan mong mabuti anak. Kung ano man ang maging desisyon mo ay nandito lang kami na aalalay sayo. O siya pumanik ka na sa taas at magpalit. Maya maya ay kakain na tayo." sabi ni Mama.

"Salamat po Ma, Pa. Panik na po ako." paalam ko sa kanila.

Napahiga ako sa aking kama at napaisip sa sinabi ni Papa. Tama ba na gawin ko yun? Alam ko naman na hindi ako mahal ni Ella pero sisiguraduhin ko na mangyayari din iyon. Napaisip din ako kung bakit nga ba nila ganun ituring si Ella. May nagawa ba itong kasalanan? Bumangon ako at nagbihis ng pambahay. Tinawagan ko naman agad ang kaibigan ko.

"Yo! Whats up bro?" sagot ng kaibigan ko.

"Baliw ka pa din Tony hanggang ngayon. May ipapagawa ako sayo." sabi ko sa kaibigan kong private imbestigator.

"Aba kaya ka pala tumawag para bigyan ako ng trabaho. Kala ko pa naman ay aayain mo akong uminom."  sabi pa nya.

"Aayain kitang uminom kapag nagawa mo nang hanapin ang mga impormasyon tungkol kay Isabella Garcia at sa pamilya nya." sabi ko.

"Sabi mo yan ha. Sige bro magtatrabaho na ako para naman makalibre ng inom." sabi ni Tony.

Pinatay ko na ang tawag. Kahit kelan talaga ang kuripot ng kaibigan ko na yun. May pera naman pero laging nagpapalibre. Napailing na lang ako at saka bumaba para kumain. Sana ayos ka lang Ella. Huwag kang mag alala gagawin ko ang lahat para lang maalis kita sa pamilya mo.


next chapter
Load failed, please RETRY

Wöchentlicher Energiestatus

Rank -- Power- Rangliste
Stone -- Power- Stein

Stapelfreischaltung von Kapiteln

Inhaltsverzeichnis

Anzeigeoptionen

Hintergrund

Schriftart

Größe

Kapitel-Kommentare

Schreiben Sie eine Rezension Lese-Status: C6
Fehler beim Posten. Bitte versuchen Sie es erneut
  • Qualität des Schreibens
  • Veröffentlichungsstabilität
  • Geschichtenentwicklung
  • Charakter-Design
  • Welthintergrund

Die Gesamtpunktzahl 0.0

Rezension erfolgreich gepostet! Lesen Sie mehr Rezensionen
Stimmen Sie mit Powerstein ab
Rank NR.-- Macht-Rangliste
Stone -- Power-Stein
Unangemessene Inhalte melden
error Tipp

Missbrauch melden

Kommentare zu Absätzen

Einloggen