App herunterladen
40% Fallacious Romance / Chapter 10: Chapter 10

Kapitel 10: Chapter 10

"Tigilan mo 'ko, Lynne. Umalis ka na't baka mahuli ka pa sa first day mo," ani Hera saka tuluyang itinulak ang kaibigan palabas ng gate. Ngayon ang unang araw nito sa trabaho pero nakuha pa nitong mang-asar kaysa umalis nang maaga.

"Sa'n ang gym mo? Papa-member ako." Ginaya nito ang boses niya kaya napairap siya. "Hindi ko makakalimutan 'yun, Hera. Epic!" komento nito.

"Oo na! Umalis ka na, bye na."

Mabuti na lang at naunang umalis si Chase kaya hindi siya mapapahiya nang husto kahit tuksuhin siya ng matalik na kaibigan. Kahapon, halos magmukha siyang pipi dahil hindi talaga siya nagsasalita. Gusto na nga niyang mag-impake at umuwi na lang talaga sa bahay nila sa sobrang kahihiyan. Sa bawat tanong ni Lynne, tango at kibit-balikat lang ang sagot niya.

Si Chase naman, maraming kailangang tapusing trabaho kaya halos palaging nasa kuwarto, pero sa tuwing lumalabas ito ng kuwarto at nagkakasalubong sila, ngumingiti ang loko. 'Yong ngiting aakalaing sinsero ng makakakita pero may itinatago talagang hindi maganda.

Hindi tuloy malaman ni Hera kung dapat ba siyang matuwa dahil hindi na taong-bato si Chase o maasar dahil mukhang pulitiko na ito.

Huminga siya nang malalim. Pagod na siya kahit Lunes pa lang at kahit wala naman siyang pinagkakaabalahan sa buhay. Tiningnan niya si Lynne nang tapikin siya nito sa balikat.

"O siya, sige, bye na. 'Kaw na bahala sa bahay namin, ha? House wife na house wife ang datingan," sabi nito.

Napalabi siya. Hindi talaga 'to titigil hangga't hindi nasasaktan. Umamba siyang maninipa.

Humagikhik ito at nagtaas ng kamay. "Sorry na, sorry. Bye na."

Pabiro siyang umirap. Mabilis itong nawala sa paningin niya kaya napabuntong-hininga na lang siya. Isinarado niya ang gate. Tahimik na ang paligid.

Wala si Chase, wala rin si Lynne, iniwan sa kanya ang bahay. Ano namang gagawin niya? Gusto niya sanang mag-movie marathon pero naisip niyang hindi masaya 'yon kung mag-isa lang siya.

Pumasok siya sa loob ng bahay at pabagsak na umupo sa sofa. Tinapunan niya ng tingin ang orasan sa dingding. Pasado alas otso pa lang. Hindi niya alam kung anong oras ang uwi ni Chase, habang si Lynne ay nagsabing hanggang alas sais ang shift nito. Ngayong buwan, pang-umaga ito pero dahil rotation ang shifting sa hospital na pinagtatrabahuhan nito ay magiging panggabi rin ito sa susunod.

Binuksan niya ang TV. Pinatay niya rin agad iyon nang walang makitang magandang palabas. She, then, decided to just kill time browsing on her social media accounts. She liked some of her friends' post and accepted familiar friend requests. Pinalitan niya rin ang display picture niya—from a solo, candid picture of herself to a picture of her and her brother which was taken during his wedding. Nakangiti siya nang malawak habang ang kapatid niya ay nakahawak sa buhok niya at nakatingin sa kanya.

In a few minutes, binaha na siya ng notifications mula sa mga kaibigan at ilang kamag-anak. May mga nag-comment, like, heart, wow… and some were even using the haha and angry reactions! Trolls.

Inisa-isa niyang basahin ang mga comment. Her faraway relatives were sending regards and best wishes to her Kuya Louie. Most of her college friends were praising her fair and snow-like skin.

Her former workmates, however, were busy asking her if she's available next weekend. Birthday raw ng Chief Financial Officer ng dati niyang kompanya at kahit nag-resign na siya at exclusive sana sa Accounting Department ang event, gusto raw siyang imbitahan ni Mr. CFO.

News flash: niligawan siya nito dati. Kasabay ni Lucas actually, and yes, she chose Lucas. Hindi naman sa ayaw niya kay Jon—the CFO. He was somehow… nice and pretty handsome, too. Kaso, may catch, he was so full of himself and not to mention, vain. Parang slideshow kung magpalit ng display picture sa Facebook. Nagbibigay ng regalo pero isang buwan niyang maririnig kung magkano ang presyo ng niregalo nito. He could also talk about himself for hours, nonstop—his achievements, awards, aspirations, future endeavors and whatnots. Ni hindi ito nag-aabalang magtanong ng tungkol sa kanya. Masyadong… self-centered.

Ni-reply-an na lang niya ng 'let me check my sched first' ang mga dating katrabaho. Nang magsawa sa pagsagot sa comment section ay pinindot niya ang search bar.

Chase Gabriel Domingo.

No results found.

Pinuntahan niya ang timeline ni Lynne. Alam naman niyang hindi pala-post ang kaibigan pero nagulat pa rin siya nang makitang a year ago pa ang huling post nito, wala ring Chase na naka-tag sa mga picture at naka-private pa ang friends list.

Sinubukan pa niyang mag-search ng Chase lang. Hindi pamilyar ang mga taong lumabas.

She sighed then finally gave up.

Humalukipkip siya at nag-isip ng iba pang maaaring gawin. Nang makapagdesisyon ay mabilis siyang tumayo at kumuha ng walis, dustpan, floor wax at bunot. Kung nasa kanilang bahay siya, malamang tulog pa siya hanggang ngayon. Pero dahil wala siya sa kanila at inip na inip na siya, maglilinis na lang siya. Baka sakaling bumait-bait si Chase at tigilan na nito ang walang katapusang logic discussions kapag nakitang pinakintab niya ang sahig at diniligan ang halaman.

—x—

Mahirap talagang maglinis ng bahay. Muli iyong napatunayan ni Hera nang makita sa orasang nakasabit sa dingding na pasado alas tres na siya natapos sa gawaing-bahay. Nagwalis siya, nag-floor wax, nagbunot, naglinis din ng dalawang banyo, nagdilig at nagplantsa ng mga damit ni Lynne. Napaso pa nga siya ng plantsa pero hindi naman gaanong kalala kaya nilagyan na lang niya ng tooth paste, iyon kasi ang nakalakihan niyang gamot sa paso kahit hindi niya alam kung talagang epektibo.

Nilapitan niya ang isang malaking frame na umagaw ng atensyon niya habang naglilinis. Litrato iyon kung saan totoy pa si Chase at nene pa si Lynne. Nakangiti ang mga ito at nakayakap sa isang magandang babaeng may mahabang buhok. Kamukha ni Lynne ang babae.

"Ang ganda ng nanay nila," bulong ni Hera. "Ano kayang itsura ng tatay?" Inilibot niya ang paningin pero wala na siyang nakita pang ibang litrato.

Nagkibit-balikat na lang siya bago tumungo sa kusina. Ngayon naman, nagsasaing siya. Tinablan na siya ng gutom dahil hindi siya nagtanghalian.

Kinuha niya ang kaldero. Hirap na hirap siya sa ginagawa dahil hindi pa yata nausuhan ng rice cooker sina Chase kaya sa kalan pa rin nagsasaing ang mga ito. Tinakal niya ang bigas, sunod ay hinugasan niya iyon ng dalawang beses bago tinantiya ang tubig.

Pinasadahan niya ng tingin ang buong bahay pagkatapos. Maliit lang iyon pero malinis, at dahil 'yon sa kanya kaya napangiti siya.

Hindi naman 'yon ang unang pagkakataon na naglinis siya ng bahay. The truth is, she was once a pro. Noong bata pa siya, hindi naman sila gano'n kayaman kaya wala silang kasambahay. Tumutulong siya sa mommy niya sa paglilinis. Pero simula nang makaangat sa buhay ang Kuya Louie niya at magkaroon ng sariling law firm at ilan pang negosyo, hindi na ulit niya naranasan kahit ang simpleng paghuhugas ng plato.

Humiga siya sa sofa matapos maisalang ang sinaing. Masyado yatang nabigla ang katawan niya sa pinaggagawa niya kaya makalipas lang ang ilang minuto, idinuyan na siya ng antok at tuluyang nakatulog.

Naalimpungatan lang si Hera nang may tumapik sa pisngi niya. Dahan-dahan niyang kinusot ang mga mata saka umupo sa sofa. Nanlaki ang mga mata niya nang makitang si Chase pala ang gumigising sa kanya.

Tiim ang bagang nito at kunot na kunot ang noo. Napalunok siya nang wala sa oras.

"Hi?" wala sa sariling bati niya.

"Anong oras na?" mariing tanong nito.

Bakit galit 'to? Ano na namang nagawa niya? Napatingin siya sa orasan. "4:10. Bakit? Anong meron?"

Umigting ang panga nito sabay hila sa kanya patayo. "Anong oras ka nagsaing?"

"Past three o' clock. Bakit ba ka—" Pansamantala siyang natulala nang maintindihan niya ang lahat, kung bakit galit ito at kung bakit siya nito tinatanong tungkol sa oras.

"Shit!" Tumakbo siya patungo sa kusina.

Napanganga siya nang tingnan niya ang sinaing at makitang sunog na sunog ito at halos hindi na rin makilala ang kalderong pinagsaingan niya kanina. Tinapkan niya ang kanyang ilong. Puno ng maitim na usok ang kusina. Bakit hindi niya agad naamoy? Bakit hindi man lang siya nagising?

"Oh God," nanginginig na sambit niya.

Ramdam niya ang pagpatak ng luha mula sa mga mata niya pero hindi siya nag-abalang punasan iyon. Hinarap niya si Chase kahit nanghihina't nanginginig pa siya. Maraming bagay ang pumapasok sa utak niya. Mga posibilidad na maaari sanang maging resulta ng kapabayaan niya.

Napalunok siya nang dumagundong ang malakas na boses ng lalaki sa kanyang likuran.

"How careless can you be, Hera?!" His voice sounded so thick and it scared her.

Humikbi siya. Minsan na nga lang siyang gumawa ng maganda, palpak pa. Pinunasan niya ang luhang hindi naman nauubos.

"Paano kung nasunog ang bahay? Paano kung hindi ako nakauwi agad, ha?! Buti bago mag-alas kwatro, nandito na 'ko! Paano kung hindi? This house may not cost a lot but—" Pumikit si Chase at inihalamos ang palad sa mukha. Mabigat ang paghinga nito at kuyom ang kamao.

"Mas importante pa 'yung bahay kesa sa buhay ko? Is that what you're saying?!" bahagyang tumaas ang boses ni Hera. Pagalit niyang pinunasan ang mga luha sa kanyang pisngi.

"Stop putting words into my mouth. I didn't say that. Stop being illogical!"

Illogical? Another fallacy? Strawman? Misrepresenting your words? Go on! D'yan ka naman magaling, sa pagpuna ng mga argumento kong sa tingin mo e baluktot! Hera bit her tongue. Mabuti na lang at napigilan niya ang sariling isigaw iyon.

Huminga siya nang malalim at pilit pinakalma ang sarili. She was guilty and she knew it. But still… hindi naman yata tamang sigaw-sigawan siya nito.

She sighed. Pagod na siya, ayaw na niyang makipagtalo pa.

"Saan kami pupulutin ni Lynne kung nagkataon? Ha?" Matatalim ang titig ni Chase sa kanya kaya napaatras siya.

Sinabunutan nito ang sariling buhok bago nagpatuloy, "Hera, you almost bring the house on fire! Nakikitira ka na nga lang, magsusunog ka pa!"

Muling bumuhos ang mga luha niya. Chase is mad, fuming mad. Fail, Hera, fail. Napatingin siya sa kamay niyang napaso ng plantsa kanina. Sinadya pa niyang iangat iyon para makita ng kaharap pero hindi ito natinag.

Of course, ano ba naman ang simpleng paso kumpara sa kasalanang nagawa niya? Tumingala siya para pigilan ang tuluyang paghagulgol.

"Sorry, C-Chase," bulong na lang niya.

"Sa susunod..." Huminto ito at bumuntong-hininga. "Sa susunod, 'wag ka nang makialam kung hindi mo naman kayang gampanan hanggang huli. Sana hinintay mo na lang ako o si Lynne."

Tumango na lang siya dahil wala na siyang lakas para sumagot. Napapitlag siya nang lumayo ito at suntukin ang lamesa. Nanlaki ang mga mata niya. Ramdam pa rin niya ang panginginig ng kanyang labi.

"Wag ka nang kikilos dito sa bahay mula ngayon. Hangga't maaari, 'wag ka na lang makialam."

Tumango siya nang ilang ulit. "H-hindi na, sorry."

Nag-iwas ito ng tingin. "Gamutin mo nang maayos 'yang paso mo," malamig na bulong nito bago umakyat sa hagdanan. Dinig na dinig niya ang malakas na pagsarado ng pinto ng kuwarto nito mula sa kinatatayuan niya.

Napaupo siya sa sahig at doon humagulgol. "Hera kasi, ang tanga-tanga mo."

Nang mahagip ng mga mata niya ang walis at bunot na ginamit siya sa paglilinis ng bahay ay mas lalo siyang naiyak.

—x—

Ibinaba ni Chase ang kanyang cellphone matapos makipag-usap kay Ai. May usapan silang magkikita ng alas singko pero hindi na siya nakapunta dahil sa nangyari. Agad naman iyong naintindihan ng abogada, may susunod na pagkakataon pa naman daw. Sa totoo lang, kung hindi dahil sa usapan nila ni Ai, baka nasa unibersidad pa siya hanggang ngayon. Umuwi lang sana siya para makapagpalit ng mas komportableng damit pero iba pa ang nadatnan niya.

Nagbuga siya ng hangin. Hindi pa rin matanggal sa utak niya ang inis sa kapabayaang ginawa ni Hera. Nagpapasalamat siyang walang nangyaring masama, pero hindi pa rin niya pwedeng ipagsawalang bahala ang lahat. Pumikit siya nang mariin.

"Kuya Chase!"

Napabalikwas siya at napaupo. Tumambad sa kanya ang galit na galit na mukha ng kapatid niya. Kunot ang noo nito at nakataas ang isang kilay habang nakaturo ang isang daliri sa kanya.

"What?" pagod na tanong niya kahit may ideya na siya.

"Anong ginawa mo kay Hera?"

"Ginawa ko?" At siya pa talaga ang may ginawa? Ibang klase. Muli siyang humiga sa kama.

"You made her cry!" sigaw ni Lynne makalipas ang ilang minutong pananahimik.

Umiling siya. Ayaw muna niyang makipag-usap ngayon. Galit pa rin siya at ayaw niyang madamay ang kapatid niya sa galit niyang 'yon.

"Not now, Lynne, not now."

"Hindi, Kuya, sumosobra ka na, e."

He blinked. Sumosobra?

"I know you. You're kind, you're sweet, pero pagdating kay Hera, ganyan ka—cold, evil, and unsympathetic. Can't you give my friend a break?" Umirap ito.

Binasa niya ang kanyang labi bago pinasadahan ng kamay ang buhok niya. "I am trying my best, Lynne. I am trying to understand her but I just can't."

Totoo namang sinusubukan niya. Pero padami nang padami ang kinaayawan niya rito. Una, palpak ang karamihan sa mga argumento nito. Not that he wanted someone who had perfect debate skills. Gusto lang naman niya ng taong may sense, 'yong hindi bumabanat ng mga rasong baluktot at bali-baliko, 'yung maayos kausap, 'yong hindi magsasabi ng 'ang pangit mo' kapag wala nang maisagot sa isang diskurso. And that wasn't Hera.

Pangalawa, nalaman niyang ito rin ang dahilan kung bakit namomroblema siya sa kapatid niyang wala raw balak mag-asawa o magmahal dahil baka masaktan lang. May bahagi sa kanyang nag-iisip na… umiling siya. Hindi na dapat niya isipin ang bagay na 'yon.

Pangatlo, muntik na silang mawalan ng bahay dahil dito.

"You're not trying hard enough!" akusa ni Lynne. "Lagi mo pa siyang inaasar sa logic na 'yan!"

"Look, alam kong kaibigan mo siya, pero muntik na niyang masunog ang bahay natin," kalmado niyang sagot.

Tinapunan siya nito ng unan sa mukha. "Kuya, hindi niya kasalanan! Nakatulog siya dahil sa pagod. Napagod siya dahil naglinis siya ng bahay," sabi nito bilang pagdepensa sa kaibigan.

"Kasalanan pa rin niya. That's gross negligence, kung hindi ako umuwi, wala na tayong bahay."

Sumighap si Lynne. "Pero sana kinausap mo siya nang mas mahinahon. Sinabihan mo pa siyang nakikitira na nga lang, magsusunog pa. You're better than that, Kuya. Isa pa, sana naisip mo ring higit kanino, si Hera ang pinakananganib sa 'tin. Nandito siya sa loob ng bahay, tulog. Kung nagkasunog nga, she will be the first victim. Buhay niya kumpara sa bahay natin, ano 'ng mas mahalaga?"

Hindi na siya sumagot. Ramdam niya ang inis ni Lynne. Iyon yata ang unang beses nitong magalit nang sobra-sobra sa kanya. At one point, he knew she was right. But…

"I don't know," kusang lumabas sa bibig niya.

Isang unan ang muling tumama sa mukha niya, pero ngayon, mas may pwera na ang pagkakabato ro'n. Saglit siyang natigilan nang makitang umiiyak na ang kapatid niya.

"Lynne," bulong niya saka hinawakan ito sa braso.

Kumalas agad ito sa pagkakahawak niya. Tumingin ito sa kanya gamit ang matalim na mga mata.

"I am saying this again, you're better than that, Kuya. Sana ma-realize mong mali ka. Don't talk to me hangga't 'di ka nagso-sorry kay Hera."

Hindi na siya nakapagsalita dahil tumakbo na si Lynne palabas ng kanyang kuwarto. Huminga siya nang malalim at pinakalma ang sarili. Nag-away silang magkapatid at hindi siya makapaniwalang dahil pa iyon kay Hera. Gusto na niyang isiping may dalang malas ang dalaga.


next chapter
Load failed, please RETRY

Geschenke

Geschenk -- Geschenk erhalten

    Wöchentlicher Energiestatus

    Rank -- Power- Rangliste
    Stone -- Power- Stein

    Stapelfreischaltung von Kapiteln

    Inhaltsverzeichnis

    Anzeigeoptionen

    Hintergrund

    Schriftart

    Größe

    Kapitel-Kommentare

    Schreiben Sie eine Rezension Lese-Status: C10
    Fehler beim Posten. Bitte versuchen Sie es erneut
    • Qualität des Schreibens
    • Veröffentlichungsstabilität
    • Geschichtenentwicklung
    • Charakter-Design
    • Welthintergrund

    Die Gesamtpunktzahl 0.0

    Rezension erfolgreich gepostet! Lesen Sie mehr Rezensionen
    Stimmen Sie mit Powerstein ab
    Rank NR.-- Macht-Rangliste
    Stone -- Power-Stein
    Unangemessene Inhalte melden
    error Tipp

    Missbrauch melden

    Kommentare zu Absätzen

    Einloggen