Disclaimer: This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, locales, and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.
Chapter 1
She stared at the body infront of her. Traces how the body died are still fresh---it was brutal. Lahat ng bakas sa parte ng katawan nito ang siyang makapagsasabi kung gaano kalala ang pinagdaanan nito. Gamit ang kaliwang kamay na may guwantes, binaybay niya ang naiwang marka sa leeg nito. Naghahalong kulay ube at itim na ito. Sinipat din niya ang bandang ibabaw ng dibdib nito---may maliliit na butas doon na parang pinaso.
The smell of the body lingers on her nose. She smell the blood of death. The woman's naked body had been disposed carefully by the murderer. But she knows too well, she know how the murderer felt guilty after what happened. Base sa mga naiwang marka sa katawan, alam na kaagad niya kung anong iniisip ng pumatay dito habang ginagawa nito ang krimen.
The weapon used was still buried between the woman's chest. Ang ipinagtataka lamang niya ay kung bakit may tila mali sa crime scene. Hindi niya mapagtagpi kung bakit tila may magkaibang paraan sa pagpatay ang makikita sa katawan.
Hindi kaya dalawa ang salarin?
There was a violet rose near the woman's feet. She cannot distinguish how possible it was. Kinuha niya ang cellphone at tinawagan si Priam, ang partner niya sa lahat ng bagay.
"Pri, I need you to do things for me. There's something off about the case I'm holding now," sabi kaagad niya.
"Just tell me the details later. I'm having a bon---Oh damn baby, shit. Ugh! Move it yeah."
Nailayo niya ang cellphone sa tainga. Dinig pa niya ang pag-ungol ng babae sa kabilang linya. Maging ang paghabol ng hininga ni Priam ay naririnig niya.
"You jerk! I'll just send the details, perv!" Sigaw niya na ikinatawa naman ng huli. She ended the call and turn again to the dead body.
"Soul has taken. And another soul will be taken, too," she whispered. Hinayaan na niya ang mga pulis ang mag-asikaso sa huling parte ng kaso.
Dumiretso siya sa Fortuner niya. Pabagsak na isinara niya ang pintuan ng sasakyan at pagod na sumandal sa upuan. Tatlong magkakasunod na murder case ang hinarap niya bago ang isang ito. Ilang araw na rin na halos dalawang oras lamang ang naitutulog niya.
Muli niyang naalala ang hawak na kaso ngayon. Nakasisigurado siyang may iba pang ganap bukod sa pagkakapatay sa babae. Hindi kaagad iyon mapapansin dahil tutok ang lahat sa pumatay dito. Sa kabilang banda, may kakaibang nasa likod ng kaso. At iyon ang aasikasuhin niya ngayon.
***
"Mame, saan ka galing?"
Napahinto siya sa pag-inom ng kape. Ibinaba niya iyon sa lamesa. Humarap siya sa pintuan ng teresa na nagdudugtong sa kaniyang kwarto. Nakatayo roon ang humihikab na si Moni, mukhang antok pa.
"Come here baby," yaya niya. Nilapitan siya nito at mahigpit na niyakap. "Mame's just busy. Kagagaling ko lang sa botique, and you know what? I bought you a gift," nakangiting tugon niya. She kissed her on her hair.
"Really? Can I see it now?" Nagniningning ang mga mata nito. Natatawang kinarga niya ito at dinala sa kuwarto.
She open her drawer and get the present. Pinaupo niya si Moni sa kama at lumuhod siya sa paanan nito. She gave her the gift. Tuwang-tuwa naman ito sa natanggap. Kaagad nitong binuksan ang regalo at inilabas doon ang isang scarf na kulay pink.
"I love it. Thank you, Mame. You're the best. Really."
Nginitian niya ito. Kahit kailan talaga ay mahilig itong mambola sa kaniya. Naupo na rin siya sa tabi nito at yumakap. She caressed her hair and kiss it slowly. She never imagined that Moni will have a big part on her life.