App herunterladen
9.52% Cradled Hearts / Chapter 2: Chapter 1

Kapitel 2: Chapter 1

"Raffy is a real hero, Alexandrei! And I know he can do it. I trust in you, Son."

Rafael Del Vista turned to his mom who sat next to him at the dining table. "Salamat, 'Ma," nakangiting sabi niya. Naikuwento kasi niya sa mga ito ang bagong kasong hinahawakan niya. Iyon ay ang pagkidnap ng mga armadong grupo sa isang dalaga na nagtatrabaho bilang receptionist ng isang hotelsa siyudad ng Makati.

"No wonder kung kanino siya nagmana, Agnes." Kinindatan ni Alexandrei, ang papa niya, ang asawa nito.

"Kanino pa ba, e, 'di sa akin!" Mahinhing napatawa ang ginang.

Napansin ni Rafael na napakamot sa batok ang papa niya. Napatawa siya nang pagak. Kahit na papaano ay masaya siya na sa wakas ay tinanggap na ng kanyang mga magulang ang trabaho niya  imbis na sundin ang yapak ng mga ito na pawing mga negosyante.

Kumuha siya ng baso at sinalinan iyon ng tubig. Ininom niya iyon. Tapos na siyang kumain at mataman siyang nakinig sa pag-uusap ng mga magulang niya.

"Happy 30th Anniversary, Agnes." Malawak ang ngiti ng ama niya na naglakad palapit sa mama niya. May hawak itong isang itim na parihabang kahon. At kung hindi siya magkakamali, iyon ang personalized gold necklace na ipinagawa ng ama niya sa isang sikat na jewelry designer sa Makati.

That must be his dad's gift to his mom. Napansin ni Rafael na namamasa ang mga mata ng kanyang ina. Pinagtiklop nito ang mga kamay at idinapi iyon sa kaliwang pisngi.

"Aww, I love you, Alexandre!"

"Ah-huh, I love you more, wife." Kulang na lang ay mahulog sa kinauupuan ang mama niya dahil sa sobrang kilig. Alexandre kissed her in lips na para bang lalanggamin na si Rafael sa sobrang ka-sweet-an ng mga magulang.

Biglang pumasok sa isipan niya ang mga sinabi sa kanya ng ginang noong 25th birthday niya.

Raffy, sooner or later you have to find your other half, okay? Aba't hindi puwedeng pumuti na ang buhok namin ng papa mo ay wala ka pang ipinapakilalang babae sa amin! Kung hindi ka pa magkaka-girlfriend maybe two years from now, sa ayaw mo't sa gusto, we'll have to deal with the so-called arrange marriage.

Sa gitna ng kasiyahang yumayakap sa paligid at sa kabila ng kumikinang na mga bituin sa payapang kalangitan ay hindi maiwasang manlungkot ang maamong mukha ni Rafael.

Sa isa sa mga pinakamasayang araw ng mga magulang niya ay wala ang nakababata niyang kapatid na si Eris. At mukhang alam niya kung nasaan ito. Bar. Halos gabi-gabi ay umuuwi ito nang lasing at kung hindi naman ay nadadatnan na lamang ng mga kasambahay na may katabi itong babae sa kuwarto nang hubo't hubad.

Speaking of that man, ang pagkamangha ng mama niya sa regalo ng asawa ay napalitan ng pagkatakot. Dahil gawa sa salamin ang dingding sa may entrance ng verandah ay nakita ni Rafael ang pagkabasag ng isang antigong paso na naroon sa isang sulok ng pinto papunta sa kusina nang aksidenteng mapatid iyon ng dalagang kasambahay.

Hindi lang bumagsak sa sahig ang huli. May tumulak dito. Napansin niya ang pagkatakot sa mukha nito at nakatingin sa isang bulto ng katawan na papasok sa kusina.

"Huwag ho, Ser! W-Wala po akong ibang pagsasabihan. Pangako po!"

"Shut your fucking mouth up if you don't want something bad happen to you and your family!"

Kahit na halos pabulong na sabi iyon ni Eris sa kasambahay ay narinig iyon ni Rafael. His authoritative-like hazel brown eyes narrowed. Tumayo siya at naglakad papunta sa kinaroroonan ng mga ito.

"What's with the commotion in there?" Narinig niyang sabi ng mama niya.

"Eris," halos pabulong na sabi ni Rafael. Ano naman kaya ang kasalanan ng kasambahay nilang iyon at uminit na naman ang ulo ng kapatid niya? He shook his head. May kasalanan man o wala, what he did was against to the law, to the rights of the maid. As an authoritarian, and as being his older brother, he should be doing something. Kailangan niyang awatin ang kapatid bago pa mayroon itong magawang masama sa kasambahay. "Tama na."

Tiningnan niya ang kasambahay. "You may now go. Ako na ang bahala sa kanya."

Napansin niyang kahit papaano ay nagliwanag ang mukha ng  babae. "S-salamat po, Ser!" Tumayo ito at dali-daling tumakbo palayo.

Hindi niya inaasahan ang pagtulak sa kanya ng kapatid. Muntikan na siyang mawalan ng balanse. "Ano'ng problema natin, Eris?"

Napansin niyang namumula ang mga mata ng kapatid. Tama ang hinala niya, lasing na naman ito. Kahit anong pangaral niya rito na limitahan ang pag-inom, mas matigas pa sa bakal ang ulo nito at sige pa rin sa pagpunta sa mga bar. Minsan ay nababalitaan niyang dumadayo ito sa Quezon City para lang maglasing.

Nakita rin niya ang pasa sa kaliwang pisngi ng kapatid. He does not know why his brother acts like a brat dahil sa tuwing kinakausap niya si Eris ay ayaw nitong magsalita. Sa katunayan, nasasayangan siya sa kapatid. Bukod sa graduate itong Suma Cum Laude sa kursong pareho ng mga magulang nila, isa rin ang huli sa prospect na maging tagapagmana ng mga negosyo ng mga Del Vista.

Bata pa lamang ay maayos na ang relasyon ni Rafael kay Eris. Sa katunayan, nang sabihin niya sa mga magulang na gusto niyang maging isang pulis, ang kapatid niya ang numero unong nagparamdam ng pagsuporta. Eris also counted him as his hero since then.

Mahal na mahal niya ito at kahit na nagbago ang ugali nito ay hindi siya magsasawang iligtas ang kapatid.

Eris' jaw tensed. Matalim siya nitong tinitigan na mistulang mayroon itong matinding hinanakit sa puso. "My problem? It's you!"

Nangunot ang noo ni Rafael.

"Masyado kang pabida, bro!" Eris  stressed the latter word. "Ang gusto mo, sa 'yo lahat ng puri! You fucking know what? Aliby mo lang yata ang pagpupulis para mapansin nina mama!" Napatawa ito nang pagak. "Kung alam ko lang  na sa ganoong paraan ko makukuha ang respeto at suporta nila, sana, nagpulis na lang ako at hindi hinayaang magpakulong sa bagay na ayokong maging ako!"

"M-magsitigil kayo!" Napansin ni Rafael na hinahabol ng mama niya ang hininga nito. His parents were standing on the doorway, inaalalayan ni Alexandre ang asawa na sapo ang dibdib.

"Inhale, Agnes," narinig niyang sabi ng papa niya at sinunod naman ito ng mama niya. "Exhale. Okay, one more time. Inhale… exhale."

Lalapitan sana niya ang mga magulang, ngunit mabilis na nahawakan ni Eris ang kanang braso niya at kinuwelyuhan siya.

"Elena!"

Nahagip pa ng paningin niya ang pagpasok sa kusina ng nangangalaga sa kanya at napansin pa niyang napatakip ito ng bibig. Lalapitan sana siya nito, but he eyed her his parents at mukhang naintindihan naman nito ang gusto niyang sabihin. "Agnes! Jusko po, ano po'ng nangyari?"

"Asthma attack. Dalhin mo muna siya sa kuwarto, Elena, and give her meds. May aasikasuhin lang ako."

Halos hindi huminga si Rafael dahil hindi niya gusto ang amoy ng alak na ihinihinga ng kapatid. Nagngingitngit sag alit ang mukha ni Eris habang mahigpit na nakahawak sa kuwelyo ng suot niyang police uniform.

Eris pointed the badges on Rafael's uniform. "Walang kuwenta ang mga 'yan! Itapal mo sa mukha mo!" halos pabulong na sabi nito.

Parang may bala ng baril na tumama sa puso ni Rafael nang marinig mismo sa bibig ng unang tumingin sa kanya bilang isang superhero ang mga salitang iyon. Para bang napantig ang mga tainga niya at hindi na niya narinig ang mga sumunod nitong sinabi. Maging ang pagsuntok ng ama sa mukha ni Eris ay hindi niya napaghandaan.

"You irresponsible man, get out of my house!" Alexandre's teeth were gnashing in rage. "Wala kang ibang inambag sa pamilya kundi kahihiyan!" Nanatiling nakakuyom ang mga kamao nito.

Napatingin siya sa kapatid at nakonsensya siya sa hitsura nito. Sa lakas ng pagkakasuntok ng ama ay pumutok ang kanang gilid ng mga labi nito, normal nang makakita siya ng dugo, pero pagdating sa kapatid, kinikilabutan siya at kinokonsensya ang kanyang utak.

Eris doesn't deserve it.

Maling-mali ang kapatid niya pero hindi iyon ang nababagay kay Eris. Gusto niyang sabihin iyon sa ama pero wala siyang lakas. Hindi. Ayaw niyang lumaki ang gulo. Ayaw niyang dagdagan ang hinanakit sa puso ang ama at baka may masama pang mangyari rito. Maybe, kailangan niyang palamigin muna ang sitwasyon, saka niya kausapin ito nang masinsinan.

Bagkus, umalis muna saglit si Rafael at muling bumalik na may dalang first aid kit. Nabitiwan niya iyon nang makitang kinukuweyuhan ito ng ama. Binilisan niya ang pagtakbo at inawat ang mga ito.

"Tama na po, tama na," pakiusap niya habang hawak-hawak sa mga braso ang kapatid. Laking pasasalamat niya at nagtitimpi si Eris na suntukin ang ama. Nakakuyom lamang ang mga kamao nito, ngunit pansin niyang pinipigilan nitong umiyak. Patuloy pa rin sa pagtulo ng dugo sa mga labi nito.

Mariing nakaturo ang hintuturo ni Alexandre kay Eris. Nagngingitngit sa galit ang mukha nito at malalalim ang naging paghinga. Matalim itong nakatingin. "Kung ayaw mong magbago, kung ayaw mong makinig sa amin, kung hindi mo rerespetuhin ang kuya mo, kung ayaw mo ang buhay mo, the door is open. You are free to leave anytime you want. Hindi kita pipigilan." Mahinahon, ngunit may diin sa tinig ni Alexandrei.

Malungkot ang mukhang napailing si Rafael. Hindi niya inaakalang aabot sila sa puntong iyon ng buhay na magulo at hindi maayos ang relasyon sa isa't isa. "'Pa, pakiusap kumalma po kayo."

Hindi siya pinakinggan ni Alexandrei. "The choice is yours, Eris. You've heard me. Once you left, there's no coming back."

Binawi ni Eris ang mga kamay sa kanya at walang anu-ano'y naglakad palabas. Nilingon niya ito. "Eris! Bro!"

Pero hindi nakinig ang kapatid. Umakyat ito ng hagdan papunta sa kuwarto at muling lumabas dala ang isang kulay itim na handbag. Gusto sana niya itong habulin at kausapin pero mabilis na hinawakan ni Alexandre ang kamay niya. Nilingon niya ito. "'Pa—"

Umiling ito. "He'd made his decision. All he have to do is face it." Saglit ay sumilay ang ngiti sa mga labi nito. "Rafael, ikaw na lang ang inaasahan ko. Kung mangyaring kami ni Agnes ay mawala na sa mundo, gusto kong ikaw ang mag-manage sa mga negosyo natin. Bahala ka na kung ano'ng balak mo whether ikaw ang mag-manage o ang kapatid mo, basta gusto kong malaman mo, my trust will always be in you." Tinapik siya nito sa kaliwang balikat. "Huwag mo kaming bibiguin." At saka ito umalis.


next chapter
Load failed, please RETRY

Wöchentlicher Energiestatus

Rank -- Power- Rangliste
Stone -- Power- Stein

Stapelfreischaltung von Kapiteln

Inhaltsverzeichnis

Anzeigeoptionen

Hintergrund

Schriftart

Größe

Kapitel-Kommentare

Schreiben Sie eine Rezension Lese-Status: C2
Fehler beim Posten. Bitte versuchen Sie es erneut
  • Qualität des Schreibens
  • Veröffentlichungsstabilität
  • Geschichtenentwicklung
  • Charakter-Design
  • Welthintergrund

Die Gesamtpunktzahl 0.0

Rezension erfolgreich gepostet! Lesen Sie mehr Rezensionen
Stimmen Sie mit Powerstein ab
Rank NR.-- Macht-Rangliste
Stone -- Power-Stein
Unangemessene Inhalte melden
error Tipp

Missbrauch melden

Kommentare zu Absätzen

Einloggen