Chapter 5
Hinatid ko na si kuya sa airport actually ayoko talaga siyang ihatid pero gusto niya. I don't know why siguro he will surely miss me.
"Ano aalis ka na ba?" tanong ko. Hindi na ako nakatingin sa kanya kasi i feel like crying.
"Well yes. I don't have a choice I need to follow our parents or else you know what's gonna happen" he hug me tight. Nakakaiyak ayoko ng ganito.
"Let me go" angal ko. still i can't look to him cause I know. Maiiyak na talaga ako eh.
"Be a good girl. Please wag mong pahirapan ung mga tao" paalala niya. Tumulo na ang luha ko when it comes to my brother weak talaga ako.
"B-Basta babalik ka k-kundi...pupuntahan kita at kakaladkarin kita pabalik dito" napangiti na lang siya at pinunasan ang mga luha ko.
Nagpaalam na talaga siya kuya dahil oras na para sumakay siya. Napabuntong hininga na lang ako dahil sa mga nangyayari.
"Gabbie nakaalis na ba kuya mo?" Malungkot na sabi ni Irene.
"Yeah. Namimiss ko na nga siya eh" napaupo ako kasi may naisip ako.
"Irene labas tayo ayoko madepress sa pagalis ni kuya malamang di pa yun nakakarating dun kaya hindi ko pa siya pwedeng tawagan lets go" pangaaya ko sa kanya habang niyuyugyog.
"Nahh ikaw na lang tinatamad ako" inalis niya ung kamay ko. Sinamaan ko naman siya ng tingin.
"Yah! So ganyanan na!?" Napapikit naman siya dahil sa pagsigaw ko.
"Oo na...oo na..." pagsuko niya tumayo na siya at padabog na lumabas ng bahay. Napangiti ako dahil ako ang nanalo.
Umakyat muna ako para magbihis.
"Irene" tawag ko dahil napatagal ako sa kwarto.
"Gabbie!" Sigaw ni Irene.
Lumabas na akong ng bahay pero bahagyang natigilan ako dahil sa nakita ko.
"Sorry...gusto daw nila sumama" umiwas ng tingin si Irene dahil alam niya patay siya sa akin.
"Hi ate! I really miss you" humalik pa siya sa pisngi ko.
"Ahmm whats your name again?" Hindi ko kasi talaga maalala ung name niya.
"Sora! Nakalimutan mo kaagad? How sad" nakasimangot na siya but still ang cute niya pa din.
"Tss feeling close ka kasi masyado" hirit ni Blue. Inirapan niya lang ung kapatid niya.
"So lahat kayo sasama?" Tumango naman silang lahat except kay Irene.
"Bruha! Tara na kunin mo ung sasakyan mo" hinila ko na si Irene para walang kawala. "Sundan niyo na lang tong babaeng to. Lets go"
Hindi nagsasalita si Irene habang nasa biyahe kami alam ko affected siya sa pagaalis ni kuya para siya pa ata ung kapatid kung makapagemote.
"Hoy! umayos ka nga ako dapat ung malungkot hindi ikaw, baliw!" Sinimangutan niya lang ako at tumingin na ulit sa bintana.
"Gabbie magpapakasal na ba talaga si kuya mo?" Napabuntong hininga muna ako bago ko sumangot.
"Yes. Yun ang napagdesisyunan ng mga magulang ko. Alam mo naman na kapag hindi kami sumunod sa isang utos nila freedom namin ni kuya ang nakataya" napabuntong hininga na lang din siya.
"Mukhang kailangan ko na magmove on" nginitian ko na lang siya at niyakap.
"Grabe umalis lang kuya ko naging madrama na tayo. Magenjoy na lang tayo okay" tinapik ko siya at tumango na lang siya
Nagplano kami ni Irene kung ano ung mga pwedeng gawin. Natatawa na lang kami ni Irene dahil kung anu-ano ung naiisip namin.
"So ano na?" Tanong ni Yellow.
"Kain muna tayo? Sa tingin niyo?" Suggestion ni Orange.
"Call" inakbayan ako si Orange.
"Ehem!" Hinila ni Blue si Orange tapos inakbayan niya din. Problema nun?
Hinila ko na lang si Irene at naghanap ng pwedeng kainan.
"Sa korean restaurant tayo pretty please" pagmamakaawa ni Sora.
"Sure! Tara" pumunta na kami sa korean restaurant na gusto ni Sora.
Ang ingay nilang kumain hindi ako sanay pero okay lang masaya naman and actually nakalimutan ko ung problem ko dahil sa kanila.
"Hey Yellow! bakit ang pangalan mo ay Yellow is that really your name or it just your nickname?" tanong ko kay Yellow ang weird kasi ng mga pangalan nila. "Ikaw bat orange pangalan mo? can you please explain to me" naweweirduhan kong tanong sa kanila.
"May gusto ka ba kay orange? masyado ka kasing papansin sa kanya" bigla naman akong napatingin kay feeling gangster. Talaga bang inaakusahan niya ako ng may gusto ako sa kaibigan niya?!
"Anong sabi mo?" naiinis ko sabi.
''Bingi ka ba? maglinis ka nga ng tenga mo. Itanong mo jan sa mga katabi mo baka sila narinig" sabay tayo niya at hila kay Orange.
Ako?! Hindi naglilinis ng tenga?! Excuse me kahit dito pa siya tumira napakalinis kaya ng tenga ko!
"SANDALI!"sigaw ko. tapos tumayo ako at hinabol siya. "Ang kapal mo naman sabihan ako ng hindi ako naglilinis ng tenga! kahit dito ka pa tumira wala kang makikitang dumi napakapal ng mukha mo!!!" binatukan ko pa siya with feelings.
"Aish! bat-" hindi ko siya pinatapos nagsalita na ako kaagad. at tinakpan ko din ung bibig niya para sure.
"FYI! wala akong gusto jan sa kaibigan mo!" huminga muna ako dahil kumukulo na ung dugo ko baka masapak ko pa to. "AT NEVER AKO MAGKAKAGUSTO SA KAHIT SINO MAN SA INYO LALONG LALO NA SAYO!!! KAYA PLEASE LANG STOP PISSING ME OFF KASI HINDI KA NA NAKAKATUWA!!!!!" gigil kong sabi. napapabeast mode ako ng wala sa oras. nakairita!!!.
Mukhang nagulat siya dahil sa sinabi ko nakakairita na kasi siya. lumabas na ako sa restaurant na pinagkainan namin uuwi na ako ayoko ng gumala na wala na ung excitement ko kanina. lahat sila tinatawag ako. Alam kong mababaw lang yun pero nakakadami na siya wala naman akong ginagawa sa kanya pero parang ang laki ng nagawa kong kasalanan sa kanya kahit wala naman. Kung hindi niya ako gusto pwede naman na iwasan lang niya ako hindi ung kailangan eh gaganunin niya na lang ako palagi.
"Arghh nakakainis edi sana hindi ako magtataxi pauwi nakakairita talaga!" naghahanap ako ng masasakyan dahil gustong gusto ko na umuwi.
"sakay na" sabi ni feeling gangster nahanap niya pala ako. inirapan ko lang siya at umalis na ako sa harap ng sasakyan niya.
inatras naman niya ung sasakyan niya. napabuntong hininga na talaga ako napaka ano niya inaasar talaga ako ng taong to eh!. Ako na nga ung umiiwas para wala na gulo kaso siya talaga ata ung naghahanap ng gulo.
"Ano ba!? Hindi mo ba talaga ako titigilan? sandali lang" naghanap ako ng bato. nang makakita ako kumuha ako ng mga lima.
"DIBA SABI KO" binato ko ng bato ung sasakyan niya. "TIGILAN MO NA AKO?! ALIN BA DUN ANG HINDI MO MAINTINDIHAN?" sobrang gigil kong sabi. Wala na akong pakealam kung may nababasag ba kasi naiinis na talaga ako.
"Sh!t" yun na lang ang nasabi niya at umalis na siya.
akala mo ah hindi kita papatulan. nang makauwi ako walang tao kaya dumiretso na lang ako sa kwarto at natulog dahil tomorrow is another day!. Tutal sirang sira na naman na ung araw ko.
"Gabbie!" sino ba itong istorbo na gumigising sa akin...sarap kaya matulog
"Gabbie wake up may mga pulis sa baba!"
(ang sarap ta--wait pulis?!) bigla naman akong napatayo.
"Naku Gabbie mabuti naman at nagising ka na. may mga pulis sa baba" sabi ni manang Rosa.
"Bakit daw po?" nagtatarantang tanong ko hindi ko kasi alam kung may nagawa ba akong mali.
"Ayaw nila akong kausapin. ikaw daw ang kailangan humarap sa kanila" nagtatakang sabi ni manang.
"Sige po baba na ako magaayos lang ako. kakagising ko lang eh" naghilamos lang ako saka nagsipilyo nakakahiya naman kasing humarap ng hindi nagaayos.
"Asan po sila manang?" tanong ko kaagad pagkababa ko.
"Nasa garden Gabbie" bigla naman akong nagtaka kung pulis talaga sila ba't sa garden?.
agad akong nagtungo sa garden and to my surprise...yes nasurprise talaga ako.