"Nakuu ma'am ayaw po ni--" pagpipigil nang secretary sa akin ngunit huli na't nahawakan ko na ang pintuan at binuksan iyon.
"Hi my beloved fiancé." sarcastic kong pagbati sa lalaking naka-upo sa swivel chair at nagbabasa nang papel. Tumingin sya sa akin at napabuntong hininga.
"It's okay Dom, iwan mo muna kami." magalang na utos niya sa secretary niya na ikinatango na lamang ito at umalis na. Buti pa sya sa secretary niya magalang samantalang sa akin kulang nalang ata na ipapako ako sa krus dahil sa galit niya.
"What are you doing here?" kunot noong saad niya sa akin.
Tignan mo tung lalaking toh kung hindi ko lang talaga ito arranged fiancé, siguro matagal ko na itong naging boyfriend. Well, as if naman noh ayoko sa lalaking parating dinudugo katulad nito.
"If you don't mind." binigyan ko sya nang aking plastik na ngiti at umupo sa harapan niya.
"So, I am here Mr. Luke Cervantes as I will be proposing to you." pormal kong saad sa kanya na mas lalong ikinakunot nang kanyang noo.
Siguro iba na proposal ang iniisip niya, naku hindi noh. Not that kind of proposal na papakasalan sya.
"I am here to propose a plan of 'breaking the engagement'." taas noo kung ibinigay sa kanya ang documents na hawak ko na nakalagay ang mga detalye sa plano ko. Kinuha naman niya ito at binuksan, habang binabasa niya ito ay naka kunot pa rin ang kanyang noo.
"What the hell is this?" naguguluhang tanong niya sa akin at ibinaba na ang documents na hawak niya.
"Can't you read?" pabalang na tanong ko rin sa kanya. Ang laking laki na nga ng font dyan sa ginawa kong document noh tapos tatanungin niya pa ako. Sure ba sila na CEO talaga ito? Hindi nakakabasa ng maayos eh.
"Of course I can read Zara but what kind of nonsense is this?" halos pa sigaw na sambit niya sa akin at hinawakan ang kanyang noo.
"Hoy pinaghirapan ko yan ah and hindi yan nonsense. Gusto mo talagang magpakasal sa akin noh?" Pang-aasar kong sambit sa kanya at binigyan syang nakakalokong ngiti.
"No! I don't have any plans on marrying you." mabilis niyang saad habang nakatingin sa akin nang masama.
"Eh gago ka pala eh, bakit ayaw mong intindihin ang mga nakasulat dyan." inis kong saad sa kanya.
"I understand this Zara but why would I have to ruin my name for you?" nagtitimpi sa galit niyang tanong sa akin.
Ganito kasi yung plano, we will act as a happily engaged couple for the sake of our families tapos after 4 months ay magbrebreak din kami dahil makikita kong may kasama syang ibang babae. Pero maghihire lang kami nang girl and mag-aact na naging intimate silang dalawa. While ako yung kukuha nang pictures nila then iuupload kos internet as anonymous reporter na nakita silang dalawa. Kaya't Luke and I will tell our parents na ibreak nalang ang engagement dahil hindi na namin mahal ang isa't isa.
"Kung ako ang mangangaliwa hindi nila papaniwalaan dahil alam naman nang buong mundo na madami akong flings and guy friends noh." pagdadahilan ko sa kanya.
"Ayoko, I won't risk my name and image for you." pagmamatigas na sambit ni Luke sa akin.
"Oh sge madali naman akong kausap eh. You won't risk your name and image for me then I will glady have your surname and be your wife." nakangiti kong saad sa kanya habang diniinan ko talagang sabihin ang 'your wife' para ma-inis sya.
At tama nga ako, dahil nakita kong napalunok ito.
"Fine! Pero dapat may rules tayo." pilit na sumang-ayon sa mga plano ko si Luke.
To be honest, type ko naman itong si Luke pero masyado lang talagang seryoso at masungit. Kaya pass ako kapag sya dahil pangit ang combination naming dalawa.
"Yes deal! Let's break this stupid engagement once and for all." masayang saad ko sa kanya at inabot ang aking kanang kamay. "Can't wait to work this out with you Mr. Luke Cervantes." dugtong ko sa kanya at binigyan sya nang matamis kong ngiti.
"Yeah, I am also looking forward working with you Ms. Zayla Rae Tan." tinanggap niya ang aking kanang kamay at nakipag kamay sa akin.
And that's how we started in this little plan of ours.
“We had the right love at the wrong time.”