App herunterladen
25% BOARDING HOUSE / Chapter 1: CHAPTER 1 - TURN ON THE LIGHT
BOARDING HOUSE BOARDING HOUSE original

BOARDING HOUSE

Autor: adanacee

© WebNovel

Kapitel 1: CHAPTER 1 - TURN ON THE LIGHT

BOARDING HOUSE is short but based on true story of 6 friends lived in Mindoro province, but I added some fiction on the story to make it more thrilling and exciting.

TURN ON THE LIGHT

3rd year college.. Yup! 1 year na lang at gagraduate na sa college ang magkakaibigan na sina Vae, Arkie, Jena, Rea, Lyn at Dawn, ngunit dahil sila ay pareho-parehong irregular students ay kinakailangan nilang mag-summer class sa kabilang bayan para makumpleto nila ang units nila at sa wakas ay makagraduate na.

Isang araw napag-usapan ng magkakaibigan ang mangyayaring summer class nila. Since lahat sila ay first time magboarding house kaya pinagplanuhan nila kung sinu ang magdadala ng kawali, ng kalan, ng tubigan at ng kung anu-ano pa, at lahat naman sila ay nagkasundo-sundo.

Sa kabilang bayan sila magsusummer class sapagkat sa private school na pinapasukan nila ay hindi uso ang summer class, kumbaga kapag summer pahinga talaga ang mga guro sa pagtuturo at stress, kaya no choice sila kundi ang mangibang bayan. At dahil magkakasama naman sila ay hindi naman sila mahihirapan.

Pagdating nila sa boarding house na kanilang tutuluyan ay sumalubong agad sa kanila ang napakaraming aso at pusa, ang creepy pero binalewala na lang nila ito at inisip na lang nila na seguro yun na lang ang libangan ng landlady ng boarding house na si aling Nethz, medyo may katandaan na sya at sya na lang mag-isa ang naninirahan at namamahala sa kanyang malawak na bahay at boarding house. Pagpasuk nila ay napanganga sila sa napakalawak na salas, sa kanan ay may dalawang kwarto, ang isa ay kwarto ni aling Nethz at ang isa naman ay stock room daw, sa likod ng salas ay kusina na may malaki at lumang salamin, kasunod ang napakalawak ding cr na pinagtatambayan at pinagtutulugan ng napakalaki at napakaitim na aso na si blacky. Sa kaliwa naman ng salas ay ang hagdan papuntang 2nd floor kung nasaan ang room na tutuyan nila, sa baba ng hagdan bago umakyat ay naka-display ang wheelchair ng namayapang ina ni aling nethz, pag-akyat ng hagdan ay may nag-welcome agad sa kanila na "GOOD LUCK" note at before nila marating ang kwarto nila ay may pintuang plywood na hanggang baywang ang taas, nilagay yun upang hindi makapunta sa taas ang mga aso at pusa sa gabi. All in all, ang weird at creepy ng boarding house pero hindi nila yun pinansin sapagkat maganda ang pakikitungo sa kanila ng matandang babae.

Maayos naman ang kanilang unang gabi, ang iba hindi nakatulog agad sapagkat namamahay. Kinabukasan ay nagluto sila ng tanghalian sa labas ng bahay, bawal magluto sa kusina ayon kay aling nethz, hindi na rin sila nagtanung kung bakit sapagkat ayaw din naman nilang magluto sa kusina dahil everytime na nakikita at nadadaanan nila ang malaking salamin doon ay feeling nila may katabi sila o may sumusunod sa kanila kaya pabor na din sa kanila na sa labas sila magluto. Subalit sa tuwing sila ay nagluluto ay sumasabay din si aling nethz ng pagluto ng pagkain ng kanyang mga alagaang aso at pusa, at napansin nila na sobrang baho lage ng niluluto ni aling nethz na pakiwari nila ay bulok na, at ng minsan ay may nakita silang ahas na bakuran ay walang takot itong kinuha ni aling nethz at nilagay sa kanyang niluluto. Halong takot at pagkamangha ang kanilang naramdaman sa nasaksihan.

Isang hapon pagkatapos ng kanilang klase ay dumiretso na sila sa kanilang boarding house at nakipagkwentuhan sa kanilang kapwa boarder na si Dimple.

"Naka-off ba ang ilaw nyo kagabi?" Tanung ni dimple.

"Opo te hindi po kasi kami sanay na bukas ang ilaw kapag natutulog, bakit te?" Wika at tanung ni Jena

"Kasi kayo lang ang naka-off ang ilaw dito kapag matutulog na, next time on nyo lang kasi kasama naman yun sa bayad eh, saka dapat sanayin nyo na sarili nyo na lageng naka-on ang ikaw, kayo din" sagot at wika ni Dimple.

"Wait.. Bakit te?" Nacucurious na tanung ni arkie. At lahat sila ay nacurious na din kaya wala ng nagawa si dimple kundi ang magkwento.

"Kasi kagabi habang nagrereview ako narinig ko na may umaakyat ng hagdan, nung una parang nililibot nya lang itong buong 2nd floor then bigla syang huminto sa tapat ng kwarto nyo, akala ko nga isa sya sa inyo eh pero hindi sya kumatok sa pinto nyo, hindi rin sya nagsasalita then after ng ilang minutes naglakad na sya pababa ng hagdan, ang pinagtataka ko lang is... hindi tumunog ung maliit na pintong plywood eh diba ang ingay-ingay nun kapag binubuksan natin? Eh hindi din naman pwedeng hindi madaanan yun kapag aakyat or bababa ng hagdan" seryosong kwento ni Dimple.

"Baka niwelcome lang tayo ng nanay ni aling nethz" wika ni Lyn sabay tawa ng malakas.

"Uy wag ka naman ganyan" natatakot na pakiusap ni Rea

"Yun lang naman yung narinig ko kagabi, nevermind na lang baka si Aling Nethz lang yun chineck lang kayo" wika ni Dimple

"Change topic na guys ha?" Wika ni Rea at ayon nga, iniba na nila ang usapan pero simula nun ay hindi na nawala ang tanung at pagtataka sa kanilang mga isipan, ang mga what ifs at mga hows nila....

.... To be continued


next chapter
Load failed, please RETRY

Wöchentlicher Energiestatus

Rank -- Power- Rangliste
Stone -- Power- Stein

Stapelfreischaltung von Kapiteln

Inhaltsverzeichnis

Anzeigeoptionen

Hintergrund

Schriftart

Größe

Kapitel-Kommentare

Schreiben Sie eine Rezension Lese-Status: C1
Fehler beim Posten. Bitte versuchen Sie es erneut
  • Qualität des Schreibens
  • Veröffentlichungsstabilität
  • Geschichtenentwicklung
  • Charakter-Design
  • Welthintergrund

Die Gesamtpunktzahl 0.0

Rezension erfolgreich gepostet! Lesen Sie mehr Rezensionen
Stimmen Sie mit Powerstein ab
Rank NR.-- Macht-Rangliste
Stone -- Power-Stein
Unangemessene Inhalte melden
error Tipp

Missbrauch melden

Kommentare zu Absätzen

Einloggen