App herunterladen
94.11% BLANK (Bookstore Deities 2, Taglish) / Chapter 30: Scratch 30

Kapitel 30: Scratch 30

"Ahh!" sigaw ni Ark matapos siyang matapakan. Ganito pala ang pakiramdam na hindi importante.

"Aray! Shit!" sigaw niya ulit nang matapakan siya sa di mabilang na beses. Ilang tao na ang nakatapak sa kanya. Gusto niyang umalis. Gusto niyang ipagsigawan ang nararamdaman niya, ang ipaalala kung paano siya ginamit kanina. Pero walang nakakarinig.

Biglang bumuhos ang malakas na ulan. Naiwan siyang nakalupasay sa lupa. Punit-punit at madumi. At ngayon naman ay nagsisimula nang mabasa at malusaw sa tubig ulan.

He wants to shout but nobody hears his pleas, his cries of anguish and pain except his twin. After all, he is just a paper. A paper which people use every day for different purposes, but at the end of the day, ang ending, itatapon pag gamit na. Ganon lang ang halaga niya sa mundong ito.

Ipinampupunas sa marumi. Susunugin. Tatapaktapakan. Pupunitin. Lalakumusin. Depende sa gusto ng tao. At ang mga papel na katulad niya? Walang magagawa. At alam mo ba kung ano ang nakakalungkot? Araw-araw niyang dinaranas ang ganitong klaseng paghihirap.

Ano pang saysay na nandito siya sa daigdig? Para saan pa ang buhay niya? Nabubuhay ba siya para paglaruan ng mga tao? Paglaruan. Oo. Katulad ng ginagawa nila sa mga taong nakapaligid sa kanila.

It pains Andy to hear his twin suffering. He can't stand it anymore. Anderson tried to call Ppela. The goddess showed herself at his front. Tricksters like him don't say sorry. But he made an exemption for the love of his twin. If he choose to not apologize, it also means that he is choosing that his twin's humanity begone… forever.

But Ppela mockingly laughed at them. "Oh my, pathetic. Kamusta naman ang maging papel? Masaya bang tinatapon-tapon ka kapag wala ka nang halaga?"

"So—" Andy found it strange to hear his tounge utter that word. But he willed himself to do so. "Sorry. Nandahil sa pagkaburara ko, naiwala ko ang drawing book. Hindi na namin uulitin. Pero ibalik mo na kami sa dati. "

"Ako rin. Sorry dahil hindi namin iningatan ang mga drawing books. Sorry sa pagpunit."

"Ano bang kailangan naming gawin para bumalik si Ark sa dati? Ibalik mo na siya sa'kin… Please."

"Hmm. Kapag nakita kong nagsisi na kayo, I'll think about it," Ppela replied with a smug look and smirk on her lips. It's like the twins exchanged wheels with the goddess. The goddess is now the trickster, and the tricksters gets to be tricked.

"Nagsisisi naman na kami, ah? Ano pa bang kulang? Ano bang gusto mong gawin namin?"

"Hmm? Hahaha." The scratch queen laughed, then her emblem changed into indigo. Suddenly, her eyebrows rose, an indication that her mood became bitchy. "You're so cute. Ano kaya kung ganyan nalang kayo forever?"

"Hindi!" Andy shouted. The Scratch goddess left, leaving them, hopeless.

*-*-*-*-*

"Boys, tulungan niyo akong dalhin ang mga gamit ko sa faculty room," utos ni Sir Domeng pagkatapos ng kanyang klase sa III-Cassioppeia.

Kaagad namang tumayo at nagvolunteer si Sigmund. Wala namang siyang gagawin, might as well help. "Okay sir."

Napansin ni Ginoong domeng ang pagkatulala ni Ark. Kaya tinawag niya ang pansin nito. "Arwin, tulungan mo si Sigmund."

"Yes, sir." Dahan-dahang tumayo si Ark sa kanyang upuan at kinuha ang isang pile ng mga quizzes nila. Masakit ang kanyang katawan mula sa torture na naranasan niya kahapon bilang isang papel.

Pagod na rin siyang maramdaman na wala siyang halaga.

"Saan po ito ilalagay sir?" tanong ni Sigmund. Sir Domeng pointed at the vacant space at the right side of his table. "Lagay niyo nalang dyan."

Naupo si Sir Domeng sa kanyang swivel chair. "Ark, kamusta ka?"

"Okay lang sir," sagot ni Ark, nang hindi tumitingin nang diretsyo sa guro. Hindi siya kumportableng ilahad ang problema. Pero parang hinaplos ang kanyang puso dahil sa tanong na iyon.

Akalain mo, may taong may pake pa pala sa kanya? It feels as if may halaga naman pala siya, kahit papano.

"Hmm. Salamat, Ark, Sigmund."

"Sige, sir." Tumalikod na silang dalawa, akmang paalis na, pero naglakas-loob na humarap si Ark at nagpakawala ng tanong. "Sir…. Anong gagawin mo kung gusto mong mapatawad?"

"Ano ba dapat, sa palagay mo, Arwin?"

"Humingi ng tawad," sagot niya sa mahinang boses.

"Mali. Kulang."

Napaisip naman ang dalawa.

Nagsalita si Sigmund. "Pero sir, hindi po ba sapat na humingi ng sorry? 'Di ba dapat kapag humingi na ng tawad, patawarin na natin? Tsaka, si God nga eh, hindi pa tayo humihingi ng tawad, pinatawad na tayo. Bakit tayo, hindi? Masama po ang magtanim ng galit sa kapwa. Kasi ang hindi pagpapatawad, sabi ni Buddha, parang pag-inom ng lason; wag mong asahang gagaling ka. "

"Humingi ka nga ng tawad, nagsisi ka ba? At sabihin na nating nagsisi ka nga. Pero ano ang magagawa ng pagsisisi? Ang pagsisisi ay isang emosyon lamang na nararamdaman ng dibdib. Maibabalik ba ng pagsisisi mo ang lahat?"

Natahimik ang dalawa. Sapul. May punto ang kanilang guro.

"Hindi sapat ang paghingi ng tawad. Dapat meron tayong gawin para itama ang pagkakamali. Madaling sabihin ang salitang sorry. Madaling umarte at umiyak para lang makakuha ng simpatya. Pero ang pagsisisi, mapapatunayan yan sa gawa," pagpapatuloy ng guro.

Those words strucked him. Right. How could just a sorry be enough for all what they have done? Of course, they should fix the mess they created. Hindi lang sila may kasalanan kay Ppela, kung'di pati na rin sa ibang napaglaruan nila.

*-*-*-*-*

"So, kelan mo balak ayusin ang problema ni Charlotte kina Cheena?" tanong ni Charity na nakasandal ngayon sa pader. Nagsisimula na siyang maningil ng utang kay Andy. Mahirap na at baka mautakan siya.

"Easy lang. Wala ka bang tiwala sa'kin?"

"Wala. Hindi ako tanga para magtiwala sa isang trickster," prangkang sagot ni Elisse.

"Sandali. Humahanap pa ako ng timing. Akala mo ba madaling kausapin lahat ng mga babaeng iyon? Ni hindi ko sila kilala at baka pagkaguluhan ako."

"Gawan mo ng paraan. Ginagawa ko ang parte ko, yun ay ang ilihim ang nangyayari sa inyo. Gawin mo rin ang parte mo sa usapan para patas. "

"Andy, alam ko na kung papaano tayo makakabalik sa dati!" Napalingon sina Charity at Andy sa kakarating na si Arwin. "Palagay ko, hindi lang tayo kay Ppela may kasalanan. Sa kanila rin. At kailangan nating itama ang lahat ng pagkakamali natin sa kanila."

"Okay. Pero paano?"

Isang tao lang ang nakakaalam ng problema nila, kaya siya lang rin ang may kayang tulungan sila sa pagresolba nito. Sabay silang napatingin kay Charity.

Kaagad na nainis si Charity. Kung makatingin ang dalawa, parang siya ang pag-asa. Nangangamoy may manghihingi ng pabor. "O, tinitingin-tingin niyo?"

"Cha…"

-*-*-*-*-


AUTORENGEDANKEN
hanarilee hanarilee

Last two chaps! Hoho. Thank you so much for the support! Kahit silent readers karamihan.

next chapter
Load failed, please RETRY

Wöchentlicher Energiestatus

Rank -- Power- Rangliste
Stone -- Power- Stein

Stapelfreischaltung von Kapiteln

Inhaltsverzeichnis

Anzeigeoptionen

Hintergrund

Schriftart

Größe

Kapitel-Kommentare

Schreiben Sie eine Rezension Lese-Status: C30
Fehler beim Posten. Bitte versuchen Sie es erneut
  • Qualität des Schreibens
  • Veröffentlichungsstabilität
  • Geschichtenentwicklung
  • Charakter-Design
  • Welthintergrund

Die Gesamtpunktzahl 0.0

Rezension erfolgreich gepostet! Lesen Sie mehr Rezensionen
Stimmen Sie mit Powerstein ab
Rank NR.-- Macht-Rangliste
Stone -- Power-Stein
Unangemessene Inhalte melden
error Tipp

Missbrauch melden

Kommentare zu Absätzen

Einloggen