Hindi mapakaling naghahalungkat si Anderson sa kanyang bag. Sinilip niya ang ilalim ng kanyang upuan. Ginalugad niya ang bag ni Arwin, pero wala. Hindi niya nakita ang hinahanap.
"Ark, nawawala ang drawing book ko!" Andy shouted in terror. Now, his source of entertainment is lost!
"Ah, nawala lang pala eh." Problema ba yun? Edi hihingi sila ulit sa Bookstore Deities! Eazy breezy.
Nawala lang?
Lang?
Natagis ang kayang bagang. Nanlilisik ang dati'y mapaglaro niyang tingin. How could his twin be so calm gayong nawawala ang valuable item niya? Ang sarap manakal ng inutil na kapatid at pagkatapos ay itapon sa Bulok Creek!
Samantala, ang hindi nila alam….
"Spot? Spot?" tawag ni Niccolo sa aso. Kanina niya pa ito hinahanap sa buong eskwelahan. Nakaugalian na kasi niyang pakainin ang aso tuwing lunch at sa uwian, bago siya magtungo sa net shop kung saan siya suki.
Sa wakas ay namataan niya si Spot malapit sa compost pit na may kagat-kagat na isang hugis parisukat na bagay. Kaagad niyang nilapitan ang aso. "andito ka lang pala."
Nagstretching at tumahol ang aso, tanda ng pagbati sa kanya. Hinimas-himas niya ang pisngi ng aso. Pumikit naman si Spot na parang sarap na sarap sa paghimas ng kanyang kaibigang tao.
"Ano yan? Kung anu-anong kinakagat mo." Dahan-dahan niyang kinuha ang bagay na iyon at saka inilapag ang Tupperware na palakainan ni spot. Araw-araw na naghahanda siya ng packlunch para sa alaga. "You should eat this instead, okay?"
Maganang linamon naman ni Spot ang sinabawang kanin na maraming buto at laman ng baka. Magiliw niya itong tinignan at hinintay na matapos bago umalis.
*-*-*-*-*
"Sasabay ka ba?" tanong ni Charity sa kapatid. Nakita niya sa likod ni Charlotte ang kinaiinisan niyang si Andy, na parang may hinahanap. She ignored the sight and turned her eyes on her sister instead.
"Sorry sissy, cleaners ako, eh."
"Okay."
"Mauuna na kami, Cha!" paalam ni Sigmund.
Tuluyan nang nakaalis ang dalawa, at siya'y naiwan kasama ang walis ting-ting at dustpan. "Hmp! Edi kayo na may lovelife! Wala na naman akong kasabay umuwi."
Sumulpot si Ryan na nakapamewang sa kanyang likod. Nasaksihan na naman niya ang page-emote ng kanyang kaibigan. "Hoy!"
"Ay, anak ng tokwa!" sigaw ni Charlotte sa gulat.
"Itapon mo tong basura para may silbi ka. HAHA," pabirong utos sa kanya ng kaibigan niyang si Ryan.
Kinuha niya ang isang malaki at mabigat na trash can. Paika-ika siyang naglalakad. Hindi niya mahawakan nang mabuti dahil mabaho ito.
Pagkatapos yata ng sampung taon niyang paghihirap ay nasa field na siya, papunta sa kanyang pupuntahan.
Sa di kalayuan, malapit sa compost pit, may natanaw siyang isang aso, sa wari niya'y ang asong iyon din ang madalas nilang makita sa labas ng classroom na sugatan, at madungis. Kasama ng aso ang isang lalakeng payatot pero matangkad, nakahoodie na itim at may headphones na nakasabit sa leeg.
Sandali, pamilyar. Parang si Nicco yun ah. Pero baka hindi rin. Parang hindi niya kasi maimagine ang kaklase niyang yun na sweet sa mga hayop. Tingin palang nito, lalamigin ka na. Tsaka, gaming is life lang yata ang alam nun eh.
Hindi niya lang kasi maaninag ang mukha dahil nakasukbit ang hoodie nito sa ulo. Dahil tapos nang kumain ang aso, kinuha na ng lalake ang Tupperware at saka naglakad paalis.
Habang naglalakad papunta sa compost pit, nadaanan ni Charlotte ang aso, pero ang nakapukaw ng pansin at nakapagpahinto sa kanya sa paglalakad ay ang parihabang bagay na inilapag doon ng lalaking nakahoodie, na lingid sa kanyang kaalaman ay ang kaklase nga niyang si Niccolo.
"Uy, ano 'to?" Pinulot niya ang gamit. Isang black drawing book na may mga nakaburdang simbolo sa ibabang bahagi ng cover.
"Hmm. Kanino kaya 'to?" Binuklat niya ang drawing book, nagbabakasakaling may makitang pangalan o address ng may-ari para maibalik niya. But to her dismay, walang kahit na anong nakalagay na impormasyon doon tungkol sa may-ari.
Puro mga drawing lang ang nandito.
'Infairness, ah. Ang galing magdrawing ng may-ari, kung sino man siya. Siguro, sumasali siya sa mga art contests dito sa school. Nanalo na rin siguro yun, sa galing ba naman niya magdrawing eh.'
Hmm. Hindi man alam ni Charlotte kung ano ang pangalan ng nagmamay-ari ng misteryosong drawing book na kanyang napulot, pakiramdam niya, kilala niya ito.
Kilalang-kilala.
*-*-*-*-*