App herunterladen
47.05% BLANK (Bookstore Deities 2, Taglish) / Chapter 14: Scratch 14

Kapitel 14: Scratch 14

Blank

Bookstore Deities

Scratch 14

-*-*-*-*-*-

"Cha?"

"Ano yun?" Liningon ni Charlotte ang isa nanamang babae na tumawag sa kanya. Pinilit niyang ngumiti kahit na binabagabag siya ng kanyang problema.

Hindi maalis sa kanyang isip ang nangyari kanina lamang. Nakasalubong niya kanina sa canteen si Cheena. Kinakamusta nito ang mga sulat na ipinadala niya para sa kanyang crush. Sinabi niyang hindi niya alam kung ano ang reaksyon nina Andy dahil umalis siya kaagad para hindi na ito mag-usisa pa. Pinoproblema niya kung paano sasabihin ang totoong nangyari sa mga sulat na ipinadala ni Cheena sakaling magpadala ito sa susunod.

Naiisip pa lamang niya na gagawa siya ng kung ano-anong dahilan sa tuwing magkikita sila ni Cheena ay parang sumasakit na ang ulo niya kakaisip kung ano ang sasabihin niya.

"Alam kong hindi tayo close, pero ito lang kasi ang alam kong paraan." Dumukot ang babae ng isang stationary envelope na naglalaman ng kanyang tinatagong paghanga niya para kay Andy. "Pwede mo ba itong ibigay sa kanya?"

Mabuti na lamang at hindi niya sinasadyang marinig ang pag-uusap ng isang grupo ng magkakaibigan sa kainan.

Di umano, nakapagbigay sila ng sulat at regalo sa mga kambal nang hindi nalalaman ang kanilang pagkatao dahil sa 'love messenger' na si Charlotte Diane Escovidal. Marami na raw itong mga sulat na naipamigay para sa kambal. Hindi na niya pinalagpas pa ang pagkakataon kaya isinearch niya ito sa facebook para mamukhaan at saka pinabigay ang sulat na ginawa niya.

Hindi nakagalaw si Charlotte sa kanyang kinatatayuan. Tinitigan niya lamang ang sulat habang nag-iisip kung ano ang mainam na gawin.

Ito na naman. Hindi pa tapos ang kanyang pinoproblema, heto at nadagdagan na naman? Hindi niya alam kung paano ibibigay sa kambal ang mga sulat na ipinaabot na naman sa kanya nung isang araw o kung ibibigay niya pa ba gayong ipinapatapon o di naman kaya'y pinupunit lang naman ang mga ito.

Anong sasabihin niya sa mga fans nila? Na hwag nalang magbigay dahil pinapatapon lang rin naman? Hindi maari iyon Kapag pinili niya ang option na iyon, siguradong maraming masasaktan. Maraming iiyak na mga inosente.

Mahirap maging tulay dahil pinakamadaling maipit ang taong nasa gitna.

Nahihirapan na siya sa sitwasyon na kinalalagyan niya. Kung pipiliin niya ang katotohanan, maraming puso ang iiyak. Kapag naman ibinigay niya sa kambal, tiyak na masasayang lang ang lahat ng pinaghirapan ng mga babaeng iyon.

"Please, Charlotte. Ikaw lang ang mapagkakatiwalaan ko dito na maghatid ng sulat," pagmamakaawa pa nito na para bang hindi siya pwedeng biguin ni Charlotte dahil siya na lang ang huling pag-asa.

Paano niya tatanggihan ang isang nakakahabag na mukha? The begging look in her eyes would haunt her, knowing na may nagmakaawa sa kanya ngunit binalewala niya lang. At isa pa, mahirap din tanggihan ang mga taong mapilit dahil hindi sila susuko hangga't hindi mo gawin ang gusto nila.

Napabuntong hininga nalang si Charlotte at napapikit ng mata. "Okay." Hindi niya matiis ang nakakaawa nitong tingin.

"Salamat!" The girl beamed. Her smile was so full of hope because of the angel named Charlotte.

The girl then left merrily, while the other one was left standing there, like the planet earth crushed her.

Ano ba naman yan, Charlotte! Hay, paano 'to?

Bahala na nga.

-*-*-*-*-*-

"You have been defeated," sabi ng isang character sa mobile legends.

Gumuho na naman ang mundo ng kanilang tropa. Pang-ilang beses nang natatalo sina Andy, Ark, Francis, at Julian, sa larong Mobile Legends ng isang tao lang. Paulit-ulit lang silang natatalo ng taong ito, nang hindi man lang pinagpapawisan. Isa laban sa lima ngunit nagawa pa sila nitong talunin? Paano mangyayari yun? Imposible. Palagay nila ay may dayaang nagaganap.

Napamura si Ark nandahil sa nangyari. "Fuck!"

"Arggh! Tangina!" Napasigaw na rin sa inis si Francis at sumunod ang pag-ulan ng mga malulutong na mura. Buhos na buhos ang kanilang galit at frustration na nararamdaman sa bawat masasakit na salitang kanilang binibitawan.

"Hoy, ginagago mo ba kami? Wag kang madaya!" pagrereklamo ni Andy habang dinuduro-duro si Niccolo.

"I won fair and square. Why don't you just accept defeat?" sabi ni Niccolo habang chill na chill na nakapamulsa pa sa kanyang black hooded jacket.

Nagsasawa na siya sa paulit-ulit na panghahamon nina Andy at Ark. Masaya naman na magkaroon ng kalaro kasama ang mga kapwa mo gamer na mga kaklase, ngunit hindi na niya matiis ang paulit-ulit na pagrereklamo ng mga ito, na para bang kasalanan niya pa na nanalo siya. Hindi porket nananalo siya palagi ay nandaraya na siya.

Napagtanto ni Nicco, na hinding-hindi niya makukumbinse ang mga ito sa normal na pagpapaliwanag lang. Kaya naman, napagdesisyunan niyang ilatag ang isang suhestiyon na alam niyang sasang-ayunan ng mga ito. "Okay, how about this. Let's have a rematch."

Nagkatinginan ang magbabarkada bago ibigay ang kanilang sagot. "Sige, pero kami ang pipili ng game," paninigurado pa ni Andy.

The odds will be in their favor, iyan ang sisiguraduhin nina Andy para siguradong sa kanila ang huling halakhak. Sila ang mga tunay na game master at babawiin nila ang kanilang trono mula kay Niccolo.

"Sure. Kayo bahala. Basta kapag nanalo ako, hindi niyo na ako kukulitin na makipaglaro ulit," kampanteng sagot ni Nicco. He does not always win games because he cheated nor because he always played a game kung saan pinakamadali sa kanya. Wala yan sa game. Nasa skills iyan.

Syempre, pinili nina Andy ang isang laro na kabisadong-kabisado nilang laruin. Ito ang best played game nila sa lahat ng mga nalaro na nila. Paniguradong, sila ang mananalo this time.

Ang sikreto lang naman ni Nicco sa paglalaro ay pagiging level-headed. Aniya, ang buhay natin ay parang isang laro. Sa bawat stage ay mayroong mga pagsubok na dapat lagpasan hanggang sa matapos mo ang quest. May mga panahong may tutulong sa iyo sa pakikipaglaban pero dapat matuto tayong tumayo sa sarili nating mga paa at huwag dumipende sa iba. Matuto tayong protektahan ang ating sarili.

Kung tatanga-tanga ka, at hindi natututo sa pagkakamali mo, paulit-ulit ka lang na namamatay sa parehong stage at kahit na anong reklamo pa ang gawin mo, hindi ka makakaalis. As if, ang computer ang maga-adjust sa pagkatalo mo.

Sa paulit-ulit niyang pagkatalo sa mga una niyang laro noon, doon siya natuto ng strategy at planning na nakaayon sa rules ng laro.

This is it. Nararamdaman na ng dalawa ang kakaibang enerhiya at determinasyon na dumadaloy sa kanilang katawan. It's Andy and Ark vs. Niccolo. Magsisimula na sana ang ultimate rematch battle ng tatlo, nang biglang narinig nila ang naghy-hysterical na boses ni Julian.

"WAAAAAH! Sharry! Babe, tulungan mo ako!" palingon-lingon habang tumatakbo si Julian sa loob ng classroom na animo'y hinahabol ng isang kriminal.

Takbo!

Kahit na anong mangyari, hindi siya dapat mahuli dahil kapag nangyari iyon, magiging biktima siya ng kriminal na iyon.

Isang kriminal na may itim na nguso at blush-on sa mukha.  


next chapter
Load failed, please RETRY

Wöchentlicher Energiestatus

Rank -- Power- Rangliste
Stone -- Power- Stein

Stapelfreischaltung von Kapiteln

Inhaltsverzeichnis

Anzeigeoptionen

Hintergrund

Schriftart

Größe

Kapitel-Kommentare

Schreiben Sie eine Rezension Lese-Status: C14
Fehler beim Posten. Bitte versuchen Sie es erneut
  • Qualität des Schreibens
  • Veröffentlichungsstabilität
  • Geschichtenentwicklung
  • Charakter-Design
  • Welthintergrund

Die Gesamtpunktzahl 0.0

Rezension erfolgreich gepostet! Lesen Sie mehr Rezensionen
Stimmen Sie mit Powerstein ab
Rank NR.-- Macht-Rangliste
Stone -- Power-Stein
Unangemessene Inhalte melden
error Tipp

Missbrauch melden

Kommentare zu Absätzen

Einloggen