App herunterladen
95.19% BACHELOR'S PAD / Chapter 99: Chapter 29

Kapitel 99: Chapter 29

PAULIT-ULIT na huminga nang malalim si Jane habang naglalakad papunta sa opisina ng kanyang ama. Ilang beses na rin niyang sinulyapan ang hawak na makapal na folder na pinaglagyan ng mga shoe design na pinili niya sa napakaraming ginawa sa mga nakaraang taon. Kahit anak siya ng may-ari ng shoe boutique ay kabado pa rin siya. Hindi niya alam kung tatanggapin ng kanyang ama ang mga nilikhang disenyo.

Dalawang linggo na mula nang magpunta sila ni Charlie sa rest house nito sa Tagaytay. Ganoon na rin katagal mula nang huli silang magkita kahit pa minsan ay tumatawag ang binata sa kanya para lang mangumusta. Kahit paano ay napapasaya siya ng mga tawag na iyon ni Charlie. Dahil sa totoo lang, miss na miss na niya ito. Dalawang linggo pa lang ang lumilipas, unti-unti na siyang nagiging miserable. Idagdag pa ang isiping baka palaging kasama ni Charlie si Vanessa habang siya ay ni hindi man lang masulyapan ni anino ng binata.

Subalit pinatatag ni Jane ang kanyang sarili. Mahal niya si Charlie subalit ayaw niyang uminog lang sa binata ang kanyang buhay. He was a very busy man. Kahit pa magkaroon ng himala at magkatuluyan sila, hindi mababago ang katotohanang abala si Charlie. Hindi palaging magkakaroon ng oras ang binata para sa kanya. Kaya dapat gumawa rin siya ng sariling pagkakaabalahan. She wanted to pursue something she could be passionate about, too. Kaya nilakasan na niya ang loob para kausapin ang kanyang ama.

Kumatok si Jane sa pinto ng opisina ng kanyang papa bago siya pumasok.

"Jane, what is it?" gulat na tanong nito.

Muli siyang huminga nang malalim at tuluyang lumapit sa mesa ng kanyang ama. Umupo siya sa katapat na silya. "Papa, about the designs para sa next collection natin, p-puwede mo bang tingnan ang mga design… ko?" kabadong tanong niya at ipinatong sa mesa ang folder na hawak.

Mukhang lalong nagulat ang kanyang ama. "Nagde-design ka? Bakit hindi ko ito alam?"

Nahihiyang ngumiti si Jane. "Amateur kasi ako at walang educational background sa designing, hindi katulad ng mga designer na kinukuha natin."

"Nonsense. Sa atin ang negosyo na `to. Puwede kang magbigay ng opinyon at suhestiyon dahil sa iyo rin naman namin iiwan ang Ruiz Ladies' Shoes balang-araw," sabi ng kanyang ama, pagkatapos ay sinimulang tingnan isa-isa ang mga ginawa niyang disenyo.

Kinabahan si Jane nang unti-unting sumeryoso ang mukha ng kanyang papa. Nang muli itong mag-angat ng tingin ay halos hindi na siya humihinga at hinintay ang sasabihin ng ama.

Ngumiti ito. "Jane, honey, bakit ngayon mo lang ipinakita sa akin na may hidden talent ka pala? These are beautiful. Conservative but fashionable. Why don't you make a Powerpoint presentation para maipakita natin sa meeting mamaya? Hindi pa naman natin napapapirma ng kontrata ang dapat ay designer natin. Mahahabol ito para sa next collection natin."

Napabuga ng hangin si Jane at masayang napangiti. "Really, Papa? Hindi mo sinasabi `yan dahil anak mo ako?"

Tumawa ang kanyang ama. "Of course not. Negosyo ito. At naniniwala ako na bebenta ang mga sapatos natin kung gagamitin natin ang mga disenyo mo."

Napatayo na si Jane sa kasiyahan at niyakap ang ama. "Thank you, Papa!"

Nakangiti pa rin siya kahit nang nakalabas na ng opisina ng kanyang ama. Dinukot niya ang cell phone dahil bigla ay gusto niyang makausap si Charlie upang ibalita rito ang nangyari. Matagal na nag-ring ang cell phone ng binata bago iyon nasagot.

"Hello?"

Nawala ang ngiti ni Jane at napahinto siya sa paglalakad nang sa halip na si Charlie ay pamilyar na tinig ng babae ang kanyang narinig.

Vanessa?

"Hello? We're kind of busy here, so kung hindi importante ang dahilan kung bakit ka tumatawag, ibababa ko na `to," sabi pa ng babae sa kabilang linya.

Ipinilig ni Jane ang ulo. "Si Charlie?" tanong niya.

"He's in the restroom. May gusto ka bang ipasabi sa kanya?"

May kung ano sa tono ng babae na nagpakunot ng kanyang noo. She sounded smug. Pagkatapos ay napagtanto niya na alam ni Vanessa na siya ang tumawag. Pasimple siyang huminga nang malalim. "No. Tatawagan ko na lang siya mamaya."

"Fine. But not too soon, okay? We're very busy."

Naglapat nang mariin ang mga labi ni Jane dahil parang may ibang kahulugan ang sinabi ni Vanessa. Tinapos na lang niya ang tawag bago pa mauwi sa kung saan ang pagrerebeldeng namumuo sa kanyang dibdib.

No, iniinis lang niya ako. Walang namamagitan sa kanila ni Charlie. Business lang, wala nang iba.

Huminga nang malalim si Jane upang kalmahin ang sarili bagaman mahigpit pa rin ang hawak niya sa cell phone. Napakurap lang siya nang bumukas ang pinto ng conference room at lumabas ang mga tao mula roon. Napagtanto niya na ang film crew iyon dahil nakita niya si Direk Art kasama ang grupo. Nakita na rin siya ng guwapong direktor at nakangiting lumapit sa kanya.

"Hello, Jane Ruiz," karinyosong bati ng lalaki.

Bahagyang ngumiti si Jane. "Hello, Direk Art. Kumusta ang shooting?"

Exaggerated na bumuga ng hangin ang lalaki. "Done for the day. May schedule ang mga artista na hindi nila puwedeng ikansela. So, how about grabbing lunch with me, Jane?" anyaya nito na ngumisi pa.

Kahit paano ay gumaan ang pakiramdam ni Jane dahil kay Direk Art. Palaging mapanudyo ang paraan ng pakikipag-usap ng lalaki subalit ramdam niya na wala iyong halong malisya.

"Sige. Tanghalian naman na," pagpayag ni Jane. Sa tingin niya, kailangan din niyang lumabas dahil kung magkukulong siya sa opisina, mapupunta lamang sa hindi magandang isipin ang utak niya. At ayaw niyang mangyari iyon.

Sa Shangri-La napagkasunduan nina Jane at Art na kumain ng tanghalian. Malapit lang kasi iyon sa building ng Ruiz Ladies' Shoes. Maraming kuwento si Direk Art at natagpuan ni Jane ang sariling natatawa at interesadong-interesado sa mga kuwento nito. Komportable na kasi siya sa lalaki dahil sa loob ng dalawang linggo mula nang magsimula ang shooting ng pelikula sa kanilang gusali ay palagi silang nagkakausap ni Direk Art kahit sandali lang.

Salamat sa tanghalian na iyon at sa mga nakakatawang kuwento ni Direk Art, nawala ang pag-aalinlangan na kanina lang ay namamahay sa puso ni Jane dahil sa pagsagot ni Vanessa sa cell phone ni Charlie, sa dahilan kung bakit abala ang dalawa, kung bakit magkasama sina Charlie at Vanessa gayong sila ng binata ay ni hindi magawang magkita kahit sandali lang. And worse, kung matatapos ba ang dalawang buwan na usapan nila ni Charlie nang ganoon na lang.

Pasimpleng huminga nang malalim si Jane at ibinalik ang atensiyon kay Direk Art. Subalit ang lalaki naman ang mukhang na-distract dahil lumampas ang tingin nito sa kanya. Lumiwanag ang mukha ni Direk Art na tila may nakitang kakilala. Subalit agad ding kumunot ang noo ng lalaki.

"May problema ba?" nagtatakang tanong ni Jane.

"Well, kanina ko pa nakikita ang kakilala ko sa entrance ng restaurant at sa tingin ko, nakatingin siya sa akin pero nakasimangot siya at mukhang mainit ang ulo. What's his problem? He's got a beautiful woman with him," nagtataka ring usal ni Direk Art.

Hindi nakatiis si Jane na tingnan kung sinong kakilala ang sinasabi ng lalaki. Kumabog ang kanyang dibdib at namilog ang mga mata sa pagkagulat nang makita kung sino ang nakatayo sa entrada ng kainan. Si Charlie. At nakakapit sa braso ng binata na tila ba pag-aari ito ay walang iba kundi si Vanessa.

May sumirit na sakit sa puso ni Jane ngayong nakikita ng kanyang mga mata na magkasama sina Charlie at Vanessa. Parehong nakatingin ang dalawa sa mesa nila ni Art. Madilim ang ekspresyon sa mukha ni Charlie at deretsong nakatingin sa kanya. Bakit mukhang galit ang binata? Bakit kung makatingin sa kanya ay parang nagtraidor siya rito? Sino ba sa kanila ang may nakaabriseteng iba?

Siya dapat ang magalit. Siya dapat ang makaramdam ng pagrerebelde. She was the one who felt betrayed. Kaya kahit bihirang magparamdam ng pagkainis o sama ng loob, sa araw na iyon ay nagdesisyon si Jane na ipakita kay Charlie na hindi niya gusto ang nakita.

Binawi niya ang tingin at ibinalik kay Direk Art na ngayon ay nakaangat na ang mga kilay habang nakamasid sa kanya. Pilit siyang ngumiti pero mukhang matalas ang pandama ng lalaki.

"So, hindi ako ang dahilan kaya nakatingin siya sa atin," sabi ni Direk Art.

"Hindi ko alam ang sinasabi mo," mahinang sagot ni Jane.

"Talaga? Pero palapit sila sa atin."

Napaderetso siya ng upo at nahigit ang hininga. Sila. Kasama pa rin niya si Vanessa. Nakagat niya ang ibabang labi at tensiyonadong hinintay ang paglapit ng dalawa.


next chapter
Load failed, please RETRY

Wöchentlicher Energiestatus

Rank -- Power- Rangliste
Stone -- Power- Stein

Stapelfreischaltung von Kapiteln

Inhaltsverzeichnis

Anzeigeoptionen

Hintergrund

Schriftart

Größe

Kapitel-Kommentare

Schreiben Sie eine Rezension Lese-Status: C99
Fehler beim Posten. Bitte versuchen Sie es erneut
  • Qualität des Schreibens
  • Veröffentlichungsstabilität
  • Geschichtenentwicklung
  • Charakter-Design
  • Welthintergrund

Die Gesamtpunktzahl 0.0

Rezension erfolgreich gepostet! Lesen Sie mehr Rezensionen
Stimmen Sie mit Powerstein ab
Rank NR.-- Macht-Rangliste
Stone -- Power-Stein
Unangemessene Inhalte melden
error Tipp

Missbrauch melden

Kommentare zu Absätzen

Einloggen